Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 18

Chapter 18: Samantha

Raze's Point of View

"Bababa, babanana... nanana~"

Mabilis na pinatay ko ang cellphone ko nang magring ito. Marami akong tinatapos na papeles at ang magaling kong kapatid ay may ibang pinagkakaabalahan.

Mukhang may adventure na nangyayari sa kanilang dalawa ni Zein at hindi man lang nya ako nagawang isama.

"Bababa, babanana... nanana~"

Muli kong pinatayan ng tawag ang kung sino mang nilalang na tumatawag sa kabilang linya. I can't do multi tasking, I'm stick to one.

Sumandal ako sa swivel chair at pinagmasdan ang sarili ko sa malaking salamin na pinasadya ko. Gusto kong minu-minutong nakikita ang kagwapuhang ibinigay sa akin ng Diyos.

Why was I born with this drop-dead handsome and oh, so sexy body? I mean, it's too much. Okay lang naman sa akin ang tama lang.

Kinuha ko ang cellphone ko at binuksan ang camera.

Click~

Pinagmasdan ko ang sarili ko sa cellphone. Napabuntong hininga na lang ako. I'm perfect.

I pressed the home button and to my surprised... Ilang missed calls galing kay Allison ang nakaflash sa screen.

Sabi ko na nga ba... Pabebe lang 'to pero deep inside? She's dying for my attention.

Tinawagan ko ito ngunit sya na naman ngayon ang hindi sumasagot. Nagtampo?

Hay~

Nagvibrate ang phone ko at natawa sa text sa akin ni Allison.

"How dare you! YOU HAVE NO RIGHT TO IGNORE ME! JERK!"

Humalakhak ako at ini-screenshot ang kanyang message at ginawa itong wallpaper. Oh well, not bad. Lagi na lang kasi picture ko ang wallpaper ko.

Umayos ako ng upo nang may kumatok. Nahihiyang pumasok ang secretary ko at naglakad papunta sa akin.

"Do you need anything, sir?"

Bakit ba ang abnormal ng secretary ko? Gusto nyang utusan ko sya e wala naman akong iuutos.

Napatingin ako sa kanyang dibdib dahil yumuko ito. Well, awesome. But, I am no interested.

"Actually, I want you to close the door and get outside. Don't stress me."

Ngumuso ito at inirapan ako. Tumalikod ito at nagmartsa paalis. Napatingin ako sa kanyang legs and I can't help it but to whistle.

"Oh, wait!" I stopped her.

Malawak ang ngising humarap ito sa akin. Hindi ko matanggal ang mata ko sa maputi at makinis nyang binti.

"Yes, sir? Do you need me--- I mean, anything sir?"

"Hubad."

Nanlaki ang mata nito at mejo namula pa ang mukha. Halos mangisay ito sa kilig.

"Ay, okay po sir. Hihi. Sabi nyo e."

Nanlaki ang mata ko nang aktong huhubarin nya ang blouse nya. "Hey! Don't flirt with me. Hubarin mo ang heels mo." Utos ko.

Bagay 'yon kay Allison. Mahilig 'yon sa high heels e. Nahihiya naman akong bumili dahil ang gwapo ko naman masyado para bumili ng heels. And, kailangan ko rin ng pambawi sa kanya.

Nagtatampo 'yon dahil hindi ko nasagot ang kanyang tawag. Kahit na hindi ako marunong maglambing, gagawin ko.

Inis na binato nya sa sofa ang heels at tumakbo palabas.

Sumipol ako.

Nakakapagod. Parang gusto kong magpa-facial--- Ano nga ba 'yon? Ah basta.

Napaayos ako nang upo nang may pabagsak na tumulak sa pinto. Nanlaki ang mata ko nang makita sila Nazzer at Nicky.

"Such a flirt." Nakangiwing wika ni Nicky habang nakatingin sa pinto bago ako binalingan ng tingin.

"Whoa! Reunion ba 'to?"

Lumapit ako kay Nazzer at nakipag fist bump. "Nice hair." He commented.

Ngumisi ako at sinenyasan silang umupo. Ngunit nakaupo na si Nicky sa table ko. Hay naku. Hindi talaga marunong mahiya ang babaeng 'to.

"My only one?" Tawag ni Nicky kay Nazzer.

Napahalakhak ako nang malakas sa tawagan nila. Ang corny! Ang oa! Nakakadiri. Nakakasuka. Nakaka--- Yuck.

"Yes, my girl?" Tanong naman ni Nazzer.

Mas lumapad ang katawan ng mokong at kapansin-pansin ang pagkahilig nya talaga sa mga sleeveless na damit. Habang si Nicky ay nagpagupit hanggang sa balikat. Walang pinagbago dahil mahilig pa rin sya sa itim na lipstick at pamatay na kilay.

"Paki abot mo nga 'yan heels ko." Tinuro nya ang heels na kinuha ko sa secretary ko.

"Hey, wait! That's not yours!"

Kinuha ni Nazzer ang heels at ibinato kay Nicky na nasalo naman. "What I touched is mine." Sabi pa nito na sinusukat ang heels.

Napabuntong-hininga na lang ako. The other side of the demons from Hell University. Natawa na lang ako.

"That's for Allison but sure, you can have it." Pagsuko ko.

"Mukhang nagkakamabutihan kayo ng ate ni Zein." Puna ni Nazzer.

Umupo ako sa tabi nya. "Hindi naman pero ano bang aasahan mo sa akin? I'm a girl-magnet."

"Hindi ko alam na ganito kataas ang tingin mo sa sarili mo. Where's the cold leader of Devil God Warriors?"

Natawa na lang ako. Ang hirap magpanggap na cold ako gayong alam kong hindi. I have to act like Ace. He's as cold as ice and a man of few words. For the sake of our plan, I had pretended to be like him.

"And I remember. Bakit mo pinagbantaan si Ace?" Tanong ko kay Nazzer. "I still remember it. Binantaan mo syang babagsak at matatanggal sa kanyang posisyon and that's not part of our plan." I asked out of curiosity.

Nakasunod ako lagi sa kanila kaya alam ko lahat ng nangyayari. Malimit din akong maglabas masok sa Dark Hell Jail ngunit mas maingat ang ginagawa ko lalo na't alam kong may taong inutusan sina Headmistress para sundan kami.

Buti na lang at malayo sa mismong Hell University ang pinagtayuan ng DHJ kaya hindi nila masyadong naabot.

"Nakikita mo kami ngunit hindi mo nakikita si Madame Violet?" Natatawang sagot ni Nazzer.

"You mean?"

"Yes. Nakamasid sya sa mga sandaling 'yon at naramdaman din 'yon ni Ace. Pasalamat ka at hindi ka nya nakita."

Napabuga na lang ako sa hangin. Hindi nga ata ako naging maingat. Alam ko. Ngunit ang ipinagtataka ko ay si Mr. Francisco. Ilang beses nya akong nakita pero hindi sya nagsalita.

Hmmm...

"Throwback ba ito?" Natatawa kong tanong.

Umiling si Nicky na kumakain ng mansanas. Tinanaw nito ang labas ng salamin sa likod kung saan tanaw ang buong lugar.

"May alam ka ba tungkol sa nangyayari kina Ace at Zein?"

Natigilan ako sa tanong ni Nicky na nanatili ang mata sa labas. Hindi ko alam kung ano bang pinupunto nya. Tungkol ba 'yon sa kinwento sa akin ni Ace?

"Yeah. Ayaw nya ng tulong."

"Really?" Humarap ito sa amin kasabay ng pagsilaw ng ngiti sa kanyang labi. "Magseselos ka ba kung sasabihin kong nilapitan nya kami para humingi ng tulong?" Tanong nito na labis kong ikinagulat.

Nalilito ako. Bakit sa kanila sya humingi ng tulong gayong ako ang mas makakatulong sa kanya?

"Bakit naman sya lalapit sa inyo?"

"For help."

"I can help him more than you can." Matigas kong sambit.

Ngumisi ito.

"Oo nga... Baka nam---"

"Nicky!" Babala ni Nazzer na ikinahalakhak nito.

Tumayo si Nicky bitbit ang kanyang heels dahil sinuot nya ang kinuha nya sa sofa. Hindi pa rin natatanggal ang ngisi sa kanyang labi at masama ang kutob ko doon.

"What are you trying to say?"

"What do you want to know?"

Sinenyasan nya si Nazzer na tumayo naman. Handa ng umalis ang mga ito pero may pahabol na sinabi pa si Nazzer.

"We'll help Ace, don't worry. Kahit papaano ay marunong pa rin naman kaming tumanaw ng utang na loob." Wika ni Nazzer.

They left me hanging. Sumandal ako sa sofa at kinalma ang nagwawala kong isipan. Parang sasabog ito dahil sa mga hindi mapigilang pagpasok ng mga detalye.

May itinatago ba sa akin ang kapatid ko?

Babalik na naman ba kami sa isang madilim na kabanata ng buhay namin? Kung saan kami ay pinuno ng mga lihim na unti-unting naging kahinaan namin.

Sa sobrang pagod at dala na rin ng dami ng umiikot sa aking isipan ay nakatulog ako sa sofa.

Iginala ko ang mata ko. Napakaraming bulaklak sa paligid. Parang nasa isa akong hardin. Malawak ito at parang walang hangganan.

"Lux! Bakit ngayon ka lang?!"

Hindi makapaniwalang napatingin ako sa isang babaeng hindi kalayuan sa akin. Nakatayo ito at tinatangay ng hangin ang kanyang buhok.

"S-Sam?"

Lumapit ako ngunit tumakbo ito palayo. "Habulin mo ako! Ngayon mo ipakitang hindi lang hangin ang laman ng utak mo!" Humalakhak ito na puno ng panlalait.

Gaya ng sinabi nya ay hinabol ko ito. Hindi ko alam kung anong klaseng pakiramdam ang nararamdaman ko ngayon. Nasa harap ko lang naman ang babaeng humubog sa kung sino man ako ngayon.

"Sam! Hintayin mo ako!"

"Hinintay kita, hindi ka dumating. Naghintay ako, Lux."

Habang tumatakbo ay kumawala ang tubig sa mata nito ngunit nanatili syang nakangiti. Kumirot ang puso ko. Ang sakit.

"Sorry... Baby, I'm sorry."

"Wala 'yon. Mahal naman kita kaya okay lang."

Huminto ako para habulin ang hininga ko. Huminto rin ito ngunit malayo sya sa akin. Humalakhak ito ng malakas.

"You are still weak! Maging matapang ka! Hindi sa lahat ng oras ay tinatawanan lang ang problema. Huwag mong hayaang diktahan ka nila. Set yourself free. Live your life the way you want it, not the way they want."

Sumandal ito sa puno at tinaasan ako ng kilay. Hindi ako nakapagsalita.

"Baby, I miss you."

Umikot ito sa puno.

"Siya ang mahal mo! Hindi ako!"

Naguluhan ako.

"Mahal kita... sobra."

"Hindi... Hindi ako ang mahal mo. Siya! I hate you!"

Napamulagat ako at pawis na pawis. Sobrang lakas ng pintig ng puso ko at hinahabol ko ang hininga ko.

Napahawak ako sa pisngi ko nang maramdaman na basa ito. Sumandal ako sa sofa at ipinikit ang mata ko.

Hindi na ako gaya ng dati, Sam. Binago mo ako. Binago ako ng pagmamahal mo. Salamat.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro