Chapter 17
Chapter 17: Baby
Zein's Point of View
Napamulagat ako nang marinig na tumunog ang aking cellphone. Sinulyapan ko si ate na mahimbing na natutulog bago ko kinuha ang aking cellphone na nakapatong sa side table.
Pumupungay na nakita ko ang pangalan ni Ace sa screen at parang nawala ang antok. Nanginig ang kamay ko bago ito sinagot.
Lumayo ako ng konti kay ate dahil baka magising ko sya.
"Hello?" I answered.
Narinig ko ang pagbuntong-hininga sa kabilang linya. Sinulyalan ko ang wall clock. Alas singko na pala ng madaling araw.
"Darling..." Bulong nito.
Kumunot ang noo ko. "Hey, bakit napatawag ka?" ... Bakit ngayon ka lang tumawag?
"I think I'm crazy, Zein. Damn! Can't wait for another couple of hours to see you, again."
Mas nangunot ang noo ko. Ngayon nya kasi ako susunduin and and I am expecting him to be here around 10am or 12 pm. Pero ano bang ibig nyang sabihin?
"Okay ka lang ba?"
"Sshh... I'm outside."
Nataranta ako dahil sa sinabi nya. Hinawi ko ang kurtina at sinilip ang labas. Nakita ko syang nakasandal sa kanyang kotse habang nakatingin sa akin. Mejo madilim pa pero kitang-kita ko ang pagkislap ng kanyang mata at pagsilip ng ngiti sa kanyang labi.
"Anong ginagawa mo sa labas?" Nagmadali akong nagsuot ng sapin sa paa at marahang binuksan ang pinto para hindi magising si ate.
Maingat na lumabas ako kahit na natataranta ako.
"Waiting for you." Maikling sagot nito.
'Pagkalabas ko ay malamig na hangin ang sumalubong sa akin. Hindi ko ibinaba ang tawag at tumayo ako ilang metro mula kay Ace na nakatingin sa akin. Pumupungay ang inaantok na mata nito.
"What the hell are you doing?! Aren't you going to hug me?"
Hindi ako nakakilos sa kinatatayuan ko. Pinangungunahan ako ng nararamdaman ko. Gustong-gusto ko syang yakapin ngunit parang nanlalambot ang tuhod ko para maglakad pa ng ilang hakbang papalapit sa kanya.
"Ace... I can't move."
Narinig ko ang mahinang tawa nya. Itinagilid nya ang kanyang ulo na parang sinusuri ako. This is embarassing. Bakit hindi ako makagalaw? "Who says you have to move?" Humakbang ito ng ilang hakbang palapit sa akin bago tumigil.
Napangiti ako nang makita ang mapaglarong ngiti sa kanyang labi habang nakatingin sa akin. He looks so innocent. Parang hindi nya kayang makagawa ng kasalanan.
"You want kiss?" He asked.
"Hell, yes! Please."
OH.MY.GHAD! Wala akong planong magpabebe. I miss his kiss. I miss his hugs. I just missed him. Tinanong nya na ako kaya sinagot ko ng isang katotohanan.
I want to kiss him...
"Let's have a deal." Sabi nito.
Para kaming tanga na nag-uusap parin sa kabilang linya kahit na dinig na dinig na namin ang aming mga boses. Hindi pa rin ako makagalaw. Ganito ba ang epekto ng pagkamiss ko sa kanya?
God, I'm stuck... staring right at him... waiting for him to kiss me.
"Just kiss me!" I commanded.
"'Pag nagawa mong humakbang ng tatlong beses palapit sa akin... I'll kiss you. Just 3 steps, Zein. No more, no less."
Napanganga ako. Sinukat ko ang layo namin at sa tingin ko ay anim na hakbang lang ang kaya ko. Kahit na tumalon-talon ako ay hindi ko kakayanin ang tatlong hakbang.
Parang sinigurado na nyang malabong magawa ko ang gusto nya.
"You don't want to kiss me, do you?"
He just shrugged. "But, alright. Deal." Matigas kong sambit.
Nagawa ko ng makahakbang ng isa. And the hell, mukhang sampong hakbang ata ang magagawa ko. Nakita ko ang pagkislap ng nakakalokong ngiti sa kanyang labi. And uh, hindi ko na naalis ang mata ko sa kanyang labi.
I just want his lips on mine.
Kinagat ko ang labi ko at tumalon ng malakas. Humalakhak ito. "Darling, you don't look like a kangaroo. You are a new born frog." Muli itong humalakhak.
Napangisi ako sa inis. Sa sobrang inis ko ay baka maibato ko sa kanya ang cellphone na hawak ko. He's teasing me and it's damn effective.
"Then, kiss me. I'll turn into a princess."
Umiling ito at pinatay na ang cellphone. Humalukipkip ito sa aking harapan. Mejo malayo pa ako sa kanya at parang gusto ko na lang tumakbo palapit.
Binulsa ko ang cellphone ko.
"Come on, you have one more step left."
Humalukipkip din ako. "Akala mo naman gusto kitang halikan?" Mejo natatawa kong wika.
Gustong-gusto ko pero alam kong hindi mo ako pagbibigyan. Paano mo nagagawa ito sa akin, Ace? Paano mo ako nagagawang tiisin? Wala ba talaga akong alindog?
Bumababa ang tingin ko sa sarili ko at kasalanan ito ng lalaling uno na ito.
"Really?"
He licked his upper lip. Ghad! He's seducing me! Ace Craige. Hindi mo alam ang ginagawa mo, swear.
"Zein..." He whispered in a sexy voice. Then, he bit his lower lip.
He's tempting me too much.
Pinilig ko ang ulo ko at naglakad palapit sa kanya. Namilog ang mata nito ngunit hindi umatras. Halatang ang pagkamangha sa kanyang mga namimilog na mata.
"Hindi mo nagawa." Natatawa nyang sabi nang nasa harapan na nya ako.
"I can't do three damn steps with that fucking distance but let me tell you a three words story... I love you."
Tumingkayad ako para abutin ang kanyang labi. Our lips crashed. Ipinulupot nya ang kanyang braso sa bewang ko at idiniin ang kanyang sarili sa akin.
Nanlambot ang tuhod ko. Nakakalasing ang halik nito na hindi ko na magawang ilayo ang sarili ko sa kanya. God knows how much I love this guy. No words can express my feelings... I love him more than words can say.
Dinama ko ang kanyang malambot at malamig na labi. I kissed so many damn guys pero kay Ace lang ako nasasabik. Nauuhaw ako sa kanyang halik.
Humiwalay ang labi nya sa akin ngunit pinanatili namin ang pagkakalapit ng aming mga sarili. Ipinagdikit nya ang aming noo. We're both seeking for more air. I need more air so I can kiss him without grasping to breathe.
"Nice... I love your kiss, pero hindi ako marunong makuntento sa isang halik."
Muli nya akong hinalikan pero mas mapusok ngayon. Naramdaman kong umangat ako sa ere at ang paggalaw ng mga paa ni Ace. Inupo nya ako sa harap ng kanyang kotse pero hindi kami humiwalay.
"Zein..."
Bumaba ang halik nya sa aking panga na nagdulot ng nakakapangilabot na kuryenteng dumaloy sa mga natutulog kong ugat. Nawawala ako sa aking sarili.
Napakagat ako sa aking labi habang ginagawa nya 'yon. Pawis na pawis ako gayong malamig naman.
"Ace... Damn."
Bumaba ang halik nya sa aking leeg. "Shit!" Napamura ako nang maramdaman ang isang halik nya sa aking leeg.
Humalakhak ito at parang gusto ko syang sapakin. Sinadya nyang lasingin ako sa kanyang halik para magawa nya 'yon. It's a trap.
"What's that for?!"
"Para malaman nilang may nagmamay-ari na sa'yo at ako 'yon, Zein. Akin ka ng buo, hindi ako marunong makihati."
Muli nyang sinunggaban ang aking labi ngunit hindi na naalis sa akin isipan ang halik nya sa aking leeg na malamang ay magmamarka.
Damn! His kiss mark! Ugh!
***
Allison's Point of View
Nakatingin ako sa kanila. Mahal na mahal nila ang isa't-isa. Kitang-kita at mararamdaman mo 'yon kaya mas lumalaki ang pangamba ko sa paglabas ng mga nakatagong lihim.
Alam kong malawak ang pang-unawa ni Zein pero alam kong may hangganan iyon at natatakot akong masagad 'yon.
"Ayoko na..."
Napatingin ako kay Tita Mira na nasa likod ko na pala. Gaya ko ay nakatingin din sya kina Ace at Zein. Nakangiti ito pero alam kong malungkot 'yon.
"T-Tita..."
"Hanggang kailan ba natin itatago?! Nakokonsensya na ako."
Sumikip ang dibdib ko. Hindi lang naman ikaw tita e. Hindi ko na rin alam kung paano harapin si Zein gayong alam kong napalaki ng kasalanan ko sa kanya.
"T-Tita, natatakot ako. Ayokong masira ako sa kapatid ko. Ayokong masaktan sya."
Nanginig ang labi ko habang sinasabi ang mga katagang 'yon. Alam kong nagiging unfair ako kay Zein. Dapat ay alam nya ang mga bagay na ito pero hindi ko masabi. Itinatago ko ang isang importanteng bagay na dapat ay matagal na nyang alam.
"Dapat lang na matakot ka, Allison."
Natigilan ako sa sinabi ni Tita Mira. Nawalan ako ng salitang ibabato. Natulala na lang ako kina Zein na masayang nagkukwentuhan.
"Sabihin mo na. Wala rin namang magbabago, bakit mo pa itatago? Mas masasaktan lang sya sa ginagawa mo."
"I know. Alam ko, tita. Pero takot na takot lang ako. Hindi ko alam kung mapapatawad nya ako."
Mapait na panangiti na lang ako. Hindi ko alam na darating ang araw na ito. Hindi ko na kayang pigilan ang paglabas ng katotohanan. Ang mga katotohanan na sisira sa lahat ng mga matagal ng nabuo.
"Ano ng gagawin mo, Allison? Nasasaktan din ako para kay Zein. Malakas sya, matapang pero alam mong mahina sya sa loob. Kahit na anong gawin natin, masasaktan sya. Hindi tanga si Zein. Baka sya pa ang makatuklas ng katotohanan."
Napahagulgol ako sa galit... galit sa sarili ko. Ipinangako ko na poprotektahan ko sya sa kahit na sino mang mananakit sa kanya pero ako lang pala ang makakapankit sa kanya ng lubusan.
Hindi lang si Zein ang masasaktan. May isang lalaking madadamay, maaaring mawala ang ngiti sa kanyang labi. Kasusuklaman nya ako at hindi ko alam kung paano 'yon tatanggapin.
Ngayon ko lang naramdaman ito. Ngayon lanh ako natakot ng ganito sa buong buhay ko. Parang gusto kong takasan na lang lahat at magpakalayo pero alam kong pagmamakasarili 'yon.
Kailangan kong tanggapin lahat ng pagkakamali ko.
"Lux... Baby... Baby, I'm sorry." I whispered.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro