Chapter 14
Chapter 14: Why?
Zein's Point of View
Lumipas ang mga araw at mas naging busy si Ace. Minsan nga ay hinihila ko na lang sya para kumain o kaya ay pinagdadala ko na lang sya ng pagkain sa kanyang kwarto.
"Wala kang pasok?" Tanong nya sa akin 'pagkalabas nya ng kwarto.
Nakatanggal pa sa pagkakabutones ang ilang parte ng kanyang kulay puting polo. Halatang nagmamadali ito dahil basa pa ang kanyang buhok ngunit nagsusuot na agad sya ng pantalon na halos magkandarapa pa sa pagsuot ng sinturon.
"Wala, sinabi ko sa'yo kagabi pero mukhang hindi mo narinig... You were busy." Tumayo ako at lumapit sa kanya.
Inayos ko ang butones ng kanyang polo at sa malapitan ay nasinghap ko ang amoy ng shower gel nya at ang kanyang pabangong lagi kong naaamoy.
"Sorry," he whispered. Tinulak ko sya nang yakapin nya ako.
"Basa ka!" Singhal ko.
Ngumisi lang ito at humarap sa salamin para magsuklay ng konti. Kumunot ang noo ko nang makitang hindi pa nya 'yon naayos.
"Buhok mo."
"Hmmm... Messy hair?"
"Magsuklay ka."
Hindi ako pinansin nito at pumasok lang sa kanyang kwarto. Pagkalabas nito ay suot na nya ang back pack nya. "Wala naman akong popormahan sa school kung wala ka, why would I bother?" Pinilig nito ang kanyang ulo habang sinisintas ang kanyang sapatos.
Nairap na lang ako kahit na hindi naman sya nakatingin.
"Oo nga pala. 'Yong cake sa ref, anong balak mong gawin don?" Tanong ko. "Masama ba lasa? Okay lang kung itapon mo." Parang may sumagabal sa lalamunan ko pagkasabi no'n.
"Don't you dare," Naningkit ang mata nito. "I have to go..." Lumapit ito sa akin at biniyayaan ako ng halik sa noo. "Just call me if you need something." He whispered.
"Paano kung ikaw ang kailangan ko?"
"Darling, you just don't need need me... I am your necessity."
Humalakhak ito bago lumabas. Kinain ang lugar na ito ng katahimikan.
Pabagsak na humiga ako sa sofa. May gumugulo sa isipan ni Ace. Kilala ko sya, marunong syang magbalanse ng oras, bihasa sya sa ganon. Pero parang nawawala sya sa sarili nya these past few days.
Kinapkap ko ang cellphone ko sa aking bulsa. Hinanap ko ang pangalan ni Vanessa sa contacts ko at tinawagan.
"Hello?" Bungad nito.
Umayos ako ng upo. "Are you free?" Tanong ko.
Tumingin ako sa wall clock. Mukhang maiinip lang ako kung mananatili ako sa condo na ito. Wala si Ace at baka gabi na rin 'yon umuwi.
"I'm taken."
"Funny." Sarkastiko kong sagot. "Ano nga?!" Mejo iritado ko ng tanong ko.
Tumayo ako para isara ang pinto ni Ace ngunit parang may nag-udyok sa aking pumasok doon. Napangiti ako nang makita na ang ayos nya talaga sa mga gamit.
"As long as your treat."
Ngumiwi ako bago hinawi ang kurtina ni Ace. Kumunot ang noo ko sa isang bagay na nakita ko.
"Then, see yah." And she ended the call.
Dumuwang ako sa bintana at tama nga ang hinala ko. Nagmadali akong bumaba at tumungo sa information area ng building na ito. Wala akong pakialam kung nakapajama pa rin ako basta kailangan kong makumpirma ang hinala ko.
"Excuse me miss, I have to ask something." Humugot ako ng lakas ng loob. Malakas ang kutob ko pero gusto ko pa ring marinig ang katotohanan. "S-Sino po ang may ari ng room 342?" Tanong ko.
"I'll check it for you, ma'am."
Humarap ito sa mga monitor habang ako ay hindi mapakali. Oh Ghad! Ano na naman ito?
"Mr. Ace Craige."
Natulala ako matapos marinig ang pangalan nya. I knew it! Nanginig ako sa galit ngunit kinalma ko ang sarili ko. Kailangan kong maging kalmado sa mga ganitong pagkakataon. Ayokong magpadalos-dalos.
"C-Can I have his password?"
"I'm sorry ma'am, that's a very confidential information. We can't give it unless you were permitted by the owner."
"I'm his girlfriend."
"You have to bring him with you or maybe a letter from him with his signature."
Tulalang bumalik na lang ako sa dorm. May sikreto na naman nga. Kailangan ko na naman bang magbulag-bulagan? Kailangan ko na lang bang hintayin kung kailan nya sasabihin sa akin? Siguro ganon na nga lang, alam na nya ang ginagawa nya at alam kong hindi sya gagawa ng hakhang na ikakapahamak nya.
Kumuha na ako ng maisusuot na damit bago dumiretso sa cr. Pilit kong iwinaksi lahat ng nalaman ko. Kung kailangang labanan ko ang kuryosidad na kumakain sa akin ay gagawin ko. Kung ito ang mas makakabuti ay mananahimik na lang ako at maghihintay kung kailan sya magsasalita.
Nagcommute na lang ako dahil dala ni Ace ang kanyang sasakyan. Natanaw ko agad si Vanessa sa isang coffee shop dito sa mall.
"Hindi ka pa nag-order?"
"Hinihintay kita."
May lumapit sa aming lalaki at sinabi naman namin sa kanya ang coffee frappe namin at syempre, libre ko.
"Anong balita?" Tanong nya.
Natigilan ako at nag-isip kung dapat ko bang sabihin sa kanya lahat ng nalaman ko pero baka mas lumala lang ang lahat. Mas mabuting sa akin na muna ito at hindi ko na muna ilalabas.
"Just bored, Van." I sigh. "Nakakamiss din si Mia." Pag-amin ko.
Ilang taon na kaming hindi nagkikita. Wala na nga kaming balita tungkol sa kanya at wala rin namang nababanggit si Dave sa amin. Masyado ba syang busy?
"Ang weird nga eh..."
"Huh?" Tanong ko.
Umiling ito sa akin pero alam kong may gusto syang sabihin sa akin pero hindi nya alam kung paano uumpisahan. Napabuntong-hininga na lang ako. Pakiramdam ko ay may inililihim lahat ng taong nakapaligid sa akin.
Nagkwentuhan lang kami tungkol sa mga requirements namin sa finals bago napagpasyahan na maglakad-lakad.
Ramdam na rin ang nalalapit na pasko sa mall na ito. Kabilaan ang mga figure ni Santa Claus at mga christmas tree. May photo booth din kung saan kami nagpapicture ni Vanessa.
"One more..."
Hindi ko alam kung pang-ilan ng sinabi nya 'yon. May mga nakapila pa at hindi ko alam kung aware ba sya ron o wala lang syang pakialam.
Kung hindi ko pa sya hinila ay baka magalit na sa amin ang mga nakapila na kanina pa bumubulong.
"Ang cute natin!" She giggled.
Natawa na lang ako habang nakatingin sa maraming shot namin kung saan iisa lang ang poise ko. Naka peace sign. Habang sya ay makefaces.
"Nabalitaan mo na?" Tanong nya sa akin nang nasa food court kami at kumakain ng shawarma.
"Not interested."
Umirap ito sa akin bago sinubo ang natirang kapiraso ng pagkain nya. "Outdated ka talaga lagi." Muli itong umirap.
"Eh sa hindi ako chismosang katulad mo eh."
"Che!" Pagsusungit nito. "Ano ba? Gusto mong malaman ang nasagap kong balita?" Muling tanong nito.
"Huwag na lang."
"May bumili sa Hell University."
Nabulunan ako kaya inabutan nya ako ng tubig. Hindi makapaniwalang tinapunan ko sya ng tingin.
"Seryoso ka?"
Tumango ito. Sino naman ang magkaka-interest na bumili sa unibersidad na 'yon? Isang madugong nakaraan ang nangyari roon. Oh well, wala namang nakakaalam doon eh. Tanging kami lang ang nakakaalam at makakapagkwento tungkol sa totoong nangyari sa Hell University.
"Sino? Kilala mo kung sinong bumili?"
"Hindi ako sigurado pero hmmm... tao sya."
Mabilis na binatukan ko sya sa sagot na ibinigay nya. Akala kong seryoso ang isasagot kabulastugan lang naman pala.
"Seryoso!"
"Seryoso ako! Sa tingin mo ba, may multong bibili don? Gaga ka talaga, common sense."
Napairap na lang ako. Kahit kailan talaga walang kwentang kausap ang nilalang na ito. Bagay talaga sila ni Jerome.
Pero naisip ko. Hindi naman masama ang lugar na 'yon. Malawak 'yon at magagawan nila ng paraan ang masukal na daan patungo ron. Kung sakali, baka doon ko na lang din pag-aralin ang mga anak namin ni Ace.
"What are you thinking, Zein?" Tanong ni Vanessa na halatang curious. "Hindi naman ikaw ang bumili sa school na 'yon, hindi ba?" Pabalang na tanong nya.
Umiling ako at napagpasyahang pumunta muna sa cr. Napaupo ako sa floor nang mabangga ako ng isang babaeng kagagaling lang din sa cr.
"Sorry..." Paghingi ko ng paumanhin.
Pagkaangat ko ng tingin ay halos manlambot ako nang makita kung sino ito. Ngumisi ito sa akin bago nagpatuloy sa paglalakad.
"N-Nicky?"
Si Nicky 'yon. Malaki man ang pinagbago ng itsura nya ay alam kong sya 'yon. Nawalan na rin ako ng balita sa kanila magsimula nang magkalagas kami sa HU.
Pagkapasok ko sa CR ay masangsang na amoy ang agad na bumungad sa akin. Ako lang ang tao pero masangsang ang amoy. Malansa.
Napatingin ako sa paa ko nang may makapang basa ron. Nanlaki ang mata ko nang makita ang umaagos na dugo mula sa isang cubicle.
Inipon ko lahat ng lakas ng loob ko bago binuksan ang pinto. Bumungad sa akin ang isang lalaking naliligo sa kanyang sariling dugo.
Sa kaliwang kamay nito ay may hawak syang kutsilyo habang sa leeg nya ay may nakapulupot na wire.
Hindi na ako gaanong nasisindak sa dugo kaya kahit papaano ay nakakalma ko ang sarili ko. Mas madugo pa rin ang naransan ko.
Napatingin ako sa pinto nang maalala ko kung sino ang huling nanggaling dito sa cr, was it her?
Why?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro