Mission 9
Mission 9
Aldus Ferell
Tanghalian na at nasa hapagkainan na naman kami. Atleast kapag nandito si LG nakakain kami tatlong beses sa isang araw. Pag kami lang magpipinsan ang nandito, kanya kanyang paraan para makakain. Hindi pa naman kami regular na iniwanan ng pera nitong si LG, kaya lagi kaming nauubusan. Damn.
Kung alam lang nila, mga gwapo nga kami pero naghihirap din kami. Ang saklap talaga ng buhay namin, topakin kasi ang matandang nag aalaga sa amin.
"Bakit tianghali na yata ng gising si Nero?" tanong ni LG. Bakit sa amin niya itinatanong ang madayang gago'ng 'yon?
"Oo nga" pang sang ayon ni Troy.
"Gabi na atang umuwi" sagot ni Owen.
"Gisingin niyo na siya, kailangan ko na rin siyang makausap bago ako umalis" utos ni LG.
"Ako na" nagvolunteer na ako. Masyadong madaya ang Nero na 'yon. Baka makaalis si LG na hindi man lang siya namumura. Hindi yata patas, pare pareho kaming apo dito. Dapat pantay sa lahat ng bagay. Tang ina. Agad akong tumayo at umakyat ng hagdan para gisingin si Nero.
"Ang bisita natin LG? ganito din ba siya katanghali ng gumising?"pakinig kong tanong ni Tristan.
"Bababa din siya mamamaya" maiksing sagot ni LG. Nagkibit balikat na lang ako hanggang sa makarating ako sa harap ng pinto ng kwarto ni Nero. Bubuksan ko na sana pero nagtaka ako nang malamang nakalock ito. Nakakapagtaka, hindi naman kasi marunong maglock ng kwarto ang gago.
"Nero! gumising ka na daw. Tanghali na! Nero!" kinakalampag ko na ang pintuan at naghintay ako ng mga isang minuto pero hindi pa din magising ang gago. Muli ko itong kinalampag pero wala pa din nagbubukas ng pinto. Ang sarap ng tulog, patay ka kay LG.
"Hindi ka gigising?! Si LG na ang gigising sa'yo bahala ka sa buhay mo!" sinipa ko pa ang pinto. Mas madali talagang gisingin ang tulog kaysa sa nagtutulog tulugan. Pero ibang usapan na nga lang kung si Tristan ang gigisingin tulog mantika kasi ang gago'ng 'yon.
Agad na akong bumaba.
"LG, ayaw gumising" umupo na lang ako at kumain na lang ulit.
"Sige ako na ang bahala. Gising na gising yan sa akin" sagot ni LG. Sa vision ko may lumabas na itim na usok mula kay LG, ako lang ba ang nakakita nun? Bumaling ako sa mga ungas kong pinsan lahat sila ay nakangisi na kay LG.
"Oh, boy" kawawang Nero mukhang pagtitripan na naman ng matanda. Napapailing na lang ako. Pero sa bagay, mukhang magiging masaya na naman ito.
Florence Almero
Nasa kalagitnaan ako ng kasarapan sa pagtulog nang may maramdaman akong kumikiliti sa leeg ko at sa pagmulat ko may nakita akong lalaking nakahubad at nakatitig sa akin.
Pinagmasdan ko muna siya nang matagal at ilang beses akong kumurap, siguro ay namamalikmata lang ako. Pero ngalay na yata ang mata ko sa pagkurap, hindi pa din maalis alis sa harapan ko ang lalaking titig na titig sa akin. Napag isipan ko nang bumangon, posibleng nananaginip lang ako.
Agad kong sinampal ko ang sarili ko.
"What the h--?!" napahawak na lang ako sa kumikirot kong pisngi na sinampal ko lang naman. Nasaktan ako. Nasaktan ako. Wala ako sa panaginip.
"Oo masakit talaga 'yon" bored na sagot sa akin ng lalaki. Hindi siya guniguni! Hindi ko na napigilang mapasigaw, anong ginagawa niya sa kwarto ko? Anong ginawa niya sa akin? Napakawalang hiya niya.
Halos mahalit na ang lalamunan ko sa pagsigaw. Oh my god. Sa gulat niya sa pag sigaw ko, agad niyang tinakpan ang bibig ko.
"Don't shout! Maririnig ka ni LG!" pilit niyang pinipigilan ang pagsigaw ko. Napakasama niya, anong ginawa niya sa inosente kong katawan? Nagwawala na ako, anong ginawa ng lalaking ito sa akin?! Kailangan kong manlaban. Lapastangan siya para gapangin ang kagandahan ko. Pangahas! Buong lakas kong ibinuhos ang pwersa ko para matanggal ang kamay niya sa bibig ko.
Akala ko ay tuluyan na akong muling makakasigaw nang bigla niya akong niyapos. Fuck! Napapikit na lang ako nang dumikit ang katawan ko sa hubad niyang katawan. Gusto kong magmura nang makitang nakaboxers lang ang walang hiyang lalaki. Dinudungisan niya ang malinis kong mata. Agad din nanlaki ang aking mga mata nang maramdaman ko ang isa niyang kamay sa likuran ko. Manyakis!
Nagtaasan lahat nang balahibo nang naramdaman ko ang marahang paghaplos niya sa likuran ko. Anong ginagawa niya? Yes, wala akong masasabi sa tamang hubog ng kanyang katawan. He's toned muscles, the warmth of his arms and the hotness of his goddamn abs. But this is out of a line! Kahit isa pa siyang Adonis! I won't let do whatever he wanted!
Pilit kong gustong magsalita pero nakatakip pa rin ang isa nyang kamay. Hindi na ako makahinga ng maayos, balak niya ba akong patayin? Tapos hahalayin? Pilit pa rin akong nagpupumiglas.
Dahil sa pagpupumiglas ko natumba kami at napaibabaw ako sa kanya. Damn this position. Medyo lumuwag na ang pagkakahawak niya sa likod ko at sa mga labi ko. Pagkakataon ko nang makawala sa kanya, nang akala kong makakawala na ako ay muli na naman itong humigpit at ipinulupot pa niya ang mga hita sa akin. What the hell? Shit Florence! This not good. Ipinipilit kong ilayo ang sarili ko sa kanya pero ito siya at pilit akong hinila papalapit sa kanya.
We are literally skin to skin. This is gross. Anong dapat kong gawin?Kapag sa kama ako humawak. I might give him an entrance on my face, that's a no no. Hindi ko lubos maisip ang pwedeng gawin ng lalaking ito sa akin. Lalong nagkagulo ang nagtatambol kong dibdib nang mas naglalapit ang mga mukha namin. I don't like this, damn.
"You're touching something babe" hindi ko alam kung namumula na ba ako o ano. Yes, nakahawak ako sa bare chest niya. Who cares? Dapat ba mas payagan ko pa na maglapat ang katawan namin? My hands can handle his skin but not my whole body. Masyado naman siyang sinuswerte sa buhay niya.
Pilit pa din akong nagpupumiglas pero mas humihigpit ang pagkakagapos niya sa akin. Why he can't just let me go? Fucker. Nagulat na lang ako nang binitawan na niya ang mga labi ko. Huminga ako ng malalim. This damn guy will literally kill me. Damn.
I was about to yell at him nang naramdaman ko na lang ang isa niyang kamay sa batok ko. Pulling me closer to him, what he is trying to do? What the hell?
Wala na akong ibang pagpipilian kung hindi tanggalin ang mga kamay kong pumipigil sa paglapat ng dibdib ko sa kanya. Shit. He can't kiss me! Ilang dasal at mura na ang nausal ko nang tuluyan nang nagkalapat an gaming mga katawan. Kahit siya ay nakita kong nagulat sa ginawa ko, inaasahan niya ba na hahayaan kong makahalik siya sa akin?
Ang mahaba kong buhok ay tumabing na sa mukha ko at maging sa mukha niya. Magkapatayan na, sasakalin ko na ang lalaking ito. Nasa akto na ang aking mga kamay para sakalin ang leeg ng walang hiyang lalaki nang marinig ko ang pabalyang pagbubukas ng pinto. Shit! Not in this position.
Naagaw ang atensyon namin dalawa at kapwa kami napatingin sa mga taong nagsisimula nang pumasok ng kwarto. Anong nangyayari sa buhay ko?
"RAID ito! nasaan ang drug lord?!" tanong ni Troy na may dalang water gun at nakaporma na parang SWAT.
"May sunog daw, Weng weng weng weng" si Tristan may dalang fire extinguisher.
"Palinis ng chimeneya! palinis ng chimeniya!" may hawak na panlinis si Owen.
Habang si Aldus naman ay may dalang drum para sa grand entrance ni LG. Pero sa halip na kami ang sobrang magulat mukhang sila pa ang nagulat sa kanilang nadatnan. Lahat ng hawak nila ay sabay sabay na nalaglag. Maging ang bagong pasok na si ay nalaglag ang shades na suot. Lahat sila ay nakatulala sa amin ni Nero walang hiyang Ferell. Bakit kailangan ko pang danasin ito? Why me? Bakit? Natulog lang ako bakit nagkaganito na? Ang posisyon lang namin ni Nero ay posisyon na hindi nila aakalaing walang milagrong nagaganap.
Bakit sa ganitong posisyon pa? Nakapulupot ang mga binti sa akin ni Nero at nakahawak ang mga kamay niya sa batok ko. Hindi din nila kita ang tunay na ekspresyon ng mga mukha namin dalwa dahil tumatabing ang mahaba kong buhok. Ano na lang ang tumatakbo sa mga isip nila?
Naramdaman kong lumuwag na ang pagkakagapos ni Nero sa akin kaya agad akong bumangon. Hinablot ko ang kumot at tinaklob ko sa sarili ko kahit hindi naman ako hubad.
"Ang drug lord kaya pala tinanghali ng gising" naiiling na sabi ni Troy.
"Nasusunog na pala sa apoy ng kapusukan" tulalang sabi ni Tristan.
"May kanyang nililinis at mukhang general cleaning pa" ngising sabi ni Owen.
Napapahanga ako sa mga sinasabi nila. Konektado ang mga sinasabi nila sa mga aparato na hawak nila ngayon. Ang gagaling nilang mag isip.
"ANO NA NAMANG KALOKOHAN ITO NERO FERELL!?" tanong ni LG na pulang pula at galit na galit. Lalo akong napatungo sa galit ni LG. Nahihiya ako. Fuck.
"Mali ang iniisip nyo!" sabay naming sagot ni Nero. Nagkatinginan pa nga kami dahil sa sabay naming pagtangi. Sigurado akong walang nangyari dahil wala akong naramdaman. Tanging kiliti lang sa leeg. Hanggang doon na lamang.
Sa sagot namin ni Nero agad na nagtawanan ang mga baliw niyang pinsan. At halos mautas na nga sila sa katatawa. Hawak na nila ang kanilang mga tiyan at pagulong gulong na sila sa sahig. Napansin ko pang nagpahid na ng luha itong si Troy. Tears of Joy? Anong nakakatawa? Samantalang nananatiling tahimik si Aldus at LG.
"Tumahimik kayong tatlo!" sigaw ni LG.
"Mag uusap tayo sa labas ayusin nyo ang sarili nyo" tumalikod na si LG at lumabas. Sumunod na umalis ang seryosong seryosong si Aldus.
Samantalang si Troy, Owen at Tristan ang tatlong mga baliw ay hindi pa din tumitigil sa pagtawa.
"Will you please shut up guys? Walang nangyari sa amin" iritadong saway sa kanila ni Nero habang prenteng nakasandal sa headrest ng kama. Samantalang ako ay nananatiling tahimik. Gulat pa din ako sa mga nangyayaring kamalasan sa buhay ko.
"Sigurado ka? Ano ang nasa leeg niya?" nanliit ang mata ko nang itinuro ako ni Troy. Anong meron sa leeg ko?
"One" bilang ni Troy na parang may itinuturo sa leeg ko.
"Two" ganito din ang ginawa ni Owen.
"Three" pati rin si Tristan.
"Sino kayang dracula ang kumagat sa kanya?" nginuso pa ako ni Troy. What the fuck? Napahawak na lang ako sa leeg na itinuturo nila.
"Sige maiwan na muna namin kayo" paalam ni Owen at may pagtapik pa sa balikat ni Nero.
"Mali ata ang na RAID natin" tanong ni Tristan sa kanyang mga pinsan na nagsisimula na rin lumabas ng kwarto. Pakiramdam ko ay nagsisimula na namang kumulo ang aking dugo ko nang maiwan na naman kaming mag isa ng lalaking manyakis.
"Anong ginawa mo sa akin!?" pasigaw kong tanong sa kanya.
"Wala" simpleng sagot niya. Ang kapal na mukha!
"Bakit nandito ka sa kwarto ko?" iritadong tanong ko sa kanya.
"Your room? This is my room, you like me don't you?" napanganga na lang ako sa kakapalan ng mukha niya. Saan niya nakuha ang ideyang pinagsasabi niya?
"Ang kapal din naman ng mukha mo!" hahampasin ko dapat siya nang pigilan niya ang kamay ko.
"Try me, do you want to continue our session?" nagtaasan ang lahat ng balahibo ko sa sinabi niya. Marahas kong hinablot ang kamay ko at dumistansya ako sa kanya.
"Manyak!" bumaba na ako sa kama at halos takbuhin ko na ang pinto para makalabas na ako. Ayoko nang tumagal ng kahit isang minuto kasama ang walang hiyang lalaking ito.
"I can share my room, just ask me" pahabol niyang sabi sa akin na lalong nagpaikot ng aking mata. Masyadong mataas ang tingin niya sa sarili niya, para sa lumalabas sa mga bibig niya.
"In your dreams!" sagot ko sa kanya bago ako tuluyang lumabas.
"Sa third door walang may ari ng kwartong 'yon" nagulat na lang ako nang may bigla na lang may nagsalita pagkalabas na pagkalabas ko.
"Hmmp!" aali dali na lang akong pumasok sa sinabi niyang kwarto. At pagkapasok ko, agad kong hinanap ang salamin para makita ang kanina pang itinuturo ng mga baliw na Ferell na ito. Sinipat ko agad sa salamin ang parte ng leeg ko at halos mapasigaw na lang ako nang mapansin ko ang namumulang mga marka dito. Tang ina, mapapatay ko talaga siya.
Ilang beses pa akong napamura nang mapansin kong pulang pula ang nunal ko na malapit sa aking dibdib. Shit! Anong pinaggagawa sa akin ng walang hiyang lalaking 'yon habang natutulog ako?!
He must pay for this!
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro