One-shot short story
Maggie
"Maggie! May ipapakita ako sa'yo, dalian mo!"
Naikot ko nalang ang mga mata ko dahil sa pinagmamadali ako ni Ynnah. Kanina pa siya may sinabi sa'kin na ipapakita at mukha siyang excited.
Inayos ko ang mga gamit ko sa mesa at sinalpak na sa bag ko. Pagkatapos ay dumiretso na ako palabas ng office. Nakita ko namang nakangiting nakikipag-usap si Ynnah sa mga ka-trabaho namin.
"Sige bukas nalang, nandito na 'yung kasama ko. Bye!" Saka niya 'ko hinila palabas ng building. "Ynnah bakit ba madaling-madali ka?!" Inis na sabi ko habang hawak niya ang kamay ko at mabilis naming tinatahak ang daan.
Pero imbes na sumagot ay nginitian lang ako nito.
Nakarating kami sa isang cupcake house. Nagulat pa nga 'ko nang siya na ang magbayad ng order ko. 'Nung tinanong ko naman, ngiti lang ang sinagot.
"So, spill it now." Sabi ko nang malagay ang orders namin sa mesa. Bahagya niyang inayos ang buhok niya at malaki ang ngiting tumingin sa'kin, huminga din siya ng malalim.
"Marco and I are getting married! Waaaahhh!" Saka niya pinakita sa'kin ang daliri niyang may suot na kumikinang na diamond ring. "Look, isn't beautiful?! I mean, my god! After five years of being together we're finally get on our I do's!" Masayang-masaya siya. Halatang halata na ito ang pinaka hihintay niyang sandali sa buhay nila ng long time boyfriend niyang si Marco.
"Huy! Aren't you happy for me? Kakainis naman 'to!" Saka siya sumipsip sa frappe niya. Napaiwas ako ng tingin. Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng inggit dahil sa'ming dalawa, mas maganda ang love story ko.
Ten years kami ng boyfriend kong si Khim, halos wala kaming away dahil napaka understanding niya, mapagbigay at totoo sa sarili. College palang kami na. Samantalang si Ynnah at Marco palaging may away, nag-break na nga sila pero nagkabalikan ulit.
Pero... Heto at ikakasal na sila.
"Maggie?!"
Nagitla ako nang lakasan ni Ynnah ang tawag niya sa'kin. Kunot noo siya ng tignan ko kaya napayuko nalang ako.
Narinig kong bumuntong hininga siya. "Si Khim ba?" Hindi ako sumagot. Pakiramdam ko kasi lalo lang akong maiinggit kung titignan ko pa siya. Bestfriend ko siya since high school pero imbes na sumaya ako, nakaramdam ako ng inggit.
Palagi kong sinasabi kay Ynnah na gusto ko ng magpakasal, na gusto ko nang bumukod at makasama si Khim. Minsan nga gusto ko nalang na mag-propose kay Khim pero nakakahiya. Galing si Khim sa elite na pamilya. Malamang ikakahiya ako ng pamilya niya kung ako ang gagawa 'nun.
"Maggie, baka naman nag-iipon pa si Khim? Or ikaw na kaya ang pasimpleng mag-open? Pwede naman." Suggest ni Ynnah pero napailing nalang ako. "It's okay. Siguro nga hindi pa siya ready..." Malungkot na saad ko.
Minsan naiisip ko, hindi pa yata siya sigurado sa'kin. Ten years nang kami pero kahit minsan hindi namin napag-usapan 'yan. Kaya wala akong ideya kung ako ba ang gusto niya talagang makasama or what. Ewan. Nakakabaliw.
*****
"Maggie! Bumaba ka dian nandito si Khim!"
Napatingin ako sa bintana at naibaba nalang ang salamin ko. Bumuntong hininga ako bago tumayo sa upuan. Hindi na 'ko nag-abala pang mag-ayos. Sa sampung taon namin imposibleng hindi pa kami kumportable sa itsura ng isa't-isa.
Bumaba ako at nakita ko siyang nakaupo sa sofa. Nakikipag-tawanan siya sa bunso kong kapatid na si Gabbi.
"Gab, pasok ka munang kwarto." Utos ko sa kapatid at nagpaalam na siya kay Khim. Close na close silang dalawa. Paano palaging may pasalubong si 'yang si Khim para kay Gabbi. Tulad ngayon, may bitbit na namang chocolates si Gabbi.
Umupo ako sa tabi ni Khim at napabuga sa hangin. Gusto kong itanong 'yung kasal pero nahihiya ako. Ayokong ma-reject.
"Hi baby." Aniya at hinalikan ako sa pisngi. Matipid naman akong ngumiti. "Hi." Sagot ko.
"Let's have a date?" Tanong niya kaya napatingin ako sa kanya. Naalala kong may mga paperworks pa 'ko kaya umiling ako. "May tatapusin pa 'ko. Bakit kasi hindi mo nalang tinext edi sana hindi ko tinanggap?" Sabi ko.
Bahagya naman siyang natawa at napakamot sa ulo. "Sorry. Gusto ko lang i-surprise ka."
Napabuntong hininga ako. Tumahimik ako at tumingin sa gilid ko. Sa totoo lang, ganito kami halos araw-araw. Pupunta siya dito, kakain kami, lalabas, magti-text. Walang bago.
Hindi naman sa napapagod na 'ko pero kasi gusto ko naman sanang tumapak na kami sa susunod na baitang na relasyon na 'to. 'Yun nga ay ang ikasal.
Naramdaman kong hinawakan ni Khim ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. "Why baby? Something wrong?" Nag-aalalang tanong niya.
Ilang sandali siguro akong nakatitig sa kanya. "Khim... Baby..." Usal ko. Tumaas naman ang dalawa niyang kilay.
"I just wanted to know..."
"What is it?"
Huminga ako ng malalim bago ituloy ang sasabihin. So this is it, itatanong ko na. Ayoko man pero ginugulo talaga nito ang isip ko.
"About---"
"Wait lang. I have to take this lang." Kinuha niya ang cellphone niya at nakita kong may tumatawag. Tumayo siya at bahagyang lumayo sa'kin.
"Yeah, sobrang busy ko this year. Pero gagawa ako ng paraan para maisingit 'yan. Oo, busy sa office as usual. Wala na nga akong time para kila Edwin kahit niyayaya nila 'ko." Bahagya siyang natawa. "Athan I'm so sorry, Can't go talaga. Ni wala pa nga akong tulog."
Nakagat ko ang ibabang labi ko.
Kahit busy siya humanap pa siya ng paraan para puntahan ako palagi. Alam kong busy person si Khim. Kaya nga ayoko din sanang magtanong about wedding dahil alam kong masyado siyang gawain. Paano pa kapag pinagplanuhan na ang kasal? Baka pati kain mawalan na siya ng time.
Maya-maya lang ay bumalik na siya sa tabi ko. "Sorry, ano nga uli 'yon?" Tanong niya kaya napailing ako. "Wala... kakamustahin ko lang sana ang work mo." Pagdadahilan ko. Na-realize ko na hindi ito ang tamang oras para 'ron. I know.
Ngumiti naman siya at inakbayan ako. "Okay naman. Pero mas okay dahil kasama kita ngayon." Saka niya hinalikan ang ulo ko.
Ngumiti naman ako. Ilang oras lang ay kailangan ng umalis ni Khim dahil may gagawin pa siyang trabaho sa bahay. Habang nasa harap kami ng kotse niya ay may kinuha siya sa loob, isang teddy bear.
"For you." Inabot niya sa'kin 'yun. Pero hindi ko alam kung ba't naluluha ako.
Hanggang ganito nalang ba talaga?
Kung hindi chocolates and roses, teddy bear?
"Baby, what's the matter---"
"'Yan lang ba talaga ang kayang ibigay mo?" Diretsong tanong ko habang nakatitig 'don sa teddy bear na kulay puti. Hindi ako nakarinig ng sagot kaya tinignan ko siya sa mata. "Ano, Khim? Hanggang dian nalang ba talaga?"
Halata namang nagulat siya. "M-Maggie---"
"I'm waiting! Kailan ka ba magiging ready?! 10 years na tayo pero kailan pa natin balak bumukod?! Don't you know I'm waiting for your proposal?!" Hindi ko namalayan na bumagsak na pala ang mga luha ko.
Tawagin niyo na 'kong desperada, hindi makapag-hintay, demanding or whatsoever. Aminin na natin, every girl wants their dream wedding to be come true. Pero sa sitwasyon ko with Khim, feeling ko hindi siya magiging ready na ikasal sa'kin. If yes, kailan pa?!
Pakiramdam ko kasi hindi 'yun nararamdaman ni Khim. Feeling ko okay na sa kanya na ganito kami, mag boyfriend lang. Nagdi-date, nanunuod ng sine together, kumakain sa labas. That's it. Pero 'yung magkaroon ng asawa? Feeling ko magiging mabigat sa kanya 'yon.
At ayoko ng ganon.
"Maggie let me explain! It's not what you're thinking come on!" Pilit niya akong inaabot pero umiiwas ako. "Yes it is! That teddy bear?" Pahablot kong inagaw ang teddy bear na 'yon. "I don't fucking care about this anymore!" Saka ko tinapon 'yon sa kalsada.
Nanlaki ang mga mata niya. "Maggie..."
"Leave. Let's have some space for a while so that you can finalize about what I want." Saka ko siya tinalikuran.
Masama ako sa paningin niyo? Tanggap ko. Iba-iba tayo ng pananaw. At sa pananaw ko ngayon feeling ko hindi siya ready na ikasal.
Hanggang sa makarinig ako ng malakas ng tunog mula sa likuran ko. Lumingon ako 'ron at parang huminto ang tibok ng puso ko sa nakita...
Nakahinto ang isang kotse sa harap ng duguan na si Khim na ngayo'y nakahilata na sa lupa... Hawak ang teddy bear.
Nasagasaan si Khim...
Pinulot niya ang teddy bear pero nasagasaan siya...
Patakbo akong lumapit 'ron at marahang tinapik ang pisngi ni Khim. Kitang-kita ko ang pag agos ng dugo mula sa ulo niya at lalo akong naiyak nang makita pang basag ang noo nito.
No... This can't be...
Hinawakan ko ang pulsuhan niya at halos mapasinghap ako ng maramdamang huminto na ang tibok nito.
"Khim!!!"
*****
"Anak, sigurado ka bang hindi ka pupunta sa burol ni Khim?" Tanong ni mama sa'kin kaya naman madiin akong napapikit. Parang isang kutsilyo na sumasaksak sa'kin kapag naririnig ko ang pangalan niya.
Hanggang ngayon sinisisi ko ang sarili ko sa ginawa ko. Ilang araw na rin na sinubukan kong hindi umiyak. Dahil alam ko kapag tumulo ang luha ko ay wala na itong awat.
Ilang beses na rin ako nanghingi ng tawad sa kanya kahit na alam kong patay na siya. Ako pa nga ang sinisisi ng mga magulang niya pero tanggap ko. Kasalanan ko. Alam ko.
Bumuntong hininga si mama bago lumabas ng kwarto. Ilang araw na rin nila akong hindi nakakausap ng ayos. Hindi na nga rin ako nakakapasok ng trabaho. Pakiramdam ko wala na akong pake kung mawala 'yun.
Aaminin ko ring hindi ako masyadong kumikilos. Hindi ako madalas lumalabas ng kwarto. At hindi ko sinasagot ang mga tawag ni Ynnah.
Alam ko kung anong kasalanan ko... Dapat akong magbayad.
Napatingin ako sa teddy bear na may bahid ng dugo ni Khim. Eversince na pinulot ko 'yon hindi ko na ginalaw sa side table ko 'yon. Feeling ko kasi kapag kinuha ko 'yon at niyakap, mas lalo ko lang nasasaktan si Khim. Mas lalo lang akong nako-konsensya.
Pero this time hindi ko napigilan ang kamay kong kunin 'yon. Pinagmasdan ko ito at tinitigan. Naalala ko ang huling usap namin ni Khim, naalala ko kung paano ko siya nasigawan.
Ibabalik ko na sana ang teddy bear nang may mahawakana akong matigas mula sa tyan ng teddy bear. Para siyang isang button. Pinindot ko 'yon.
Unti-unting pumatak ang luha kong matagal kong kinimkim. Lumakas ang tibok ng puso ko pero sa paraan na para itong sinasaksak ng paulit-ulit. Nanginginig na rin ang mga labi ko...
"Baby, I know I took so long but now, I wanna ask you through this bear I gave you... Will you marry me? Please say yes."
*****
Fin
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro