16
Athena
[How's your thesis?]
Napangiti ako sa tanong ni Magnus. I'm doing my part in thesis while calling him. Dahil second sem na, may thesis na kami. Buti nalang at puro mga matitino ang mga kagrupo ko, hindi mga pabigat.
As for Magnus, he's in Spain. May trabaho pa raw kasi sya roon. Tumakas lang sya last time para magkaroon kami ng date. Bumalik din naman sya kaagad nang matapos ang Valentine's Day.
"I'm still doing it. I still have many things to do." stressed na sabi ko. I arched my back kasi masyado ng masakit.
I heard him sigh. [You should sleep already, love. May bukas pa naman.]
"Hindi pwede, eh." sabi ko kaagad. "Malapit na iyong deadline. Kailangan ko na itong tapusin kasi may mga requirements pa akong tatapusin para maka exam ako sa finals." I sighed tiredly. "I miss you."
Natahimik sya sa kabilang linya kaya napatigil ako sa ginagawa ko. Kinuha ko ang phone ko kaagad para i-check kung nawala ba sya pero meron pa naman kaya mas lalo akong nagtaka.
"Hey, love?" I softly called him. "Are you still there?" paninigurado ko.
It took me a few seconds before hearing his name. [Yes, love.] tumikhim sya. [I'm just shocked about what you said.]
Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi nya kasi hindi ko sya maintindihan. Inisip ko pa ng ilang beses iyong sinabi nya bago ako napangisi kasi naintindihan ko na rin sa wakas kung ano ang ibig sabihin ng sinabi nya. Natawa na lamang ako sa kanya.
[Hey! Stop laughing, love.] nahihiyang sabi nya sa kabilang linya.
I smiled widely because of his response. Naiimagine ko tuloy ang pamumula ng tenga nya. Hindi tuloy ako makaconcentrate sa pag-asikaso sa thesis kaya naisipan ko nalang na makipag-usap sa kanya buong gabi hanggang sa nakatulog ako.
"You looked happy.... and tired at the same time." nakangiwing sabi ni Ayesha ngayon sa akin.
Nandito kami ngayon sa bench – kaming tatlo. Nilabas namin ang mga laptop namin para mag-asikaso ng thesis. Hindi kami same group pero pareho kaming tatlo na may thesis kaya inasikaso namin ito ng sabay.
Itong laptop na ginagamit ko ngayon ay galing kay Sabrina. She let me borrowed it since she has a lot of laptops. Ibabalik ko rin naman kaagad pagkatapos ko nitong thesis.
"Nakakapagod." nakangiwing iniikot ni Sabrina ang leeg nya. "Nakakainis naman itong mga kagrupo ko. Halatang pancit canton lang ang kayang iambag sa grupo."
Mahina kaming natawa ni Ayesha sa biglaang pagreklamo ni Sabrina sa mga kagrupo nya.
"Did you already told them about their parts?" mahinahong tanong ni Ayesha kay Sabrina. "If yes, then did you already ask for an update regarding it?"
Natahimik si Sabrina kaya napairap ako. "Ikaw iyong leader kaya dapat ganyan ang ginawa mo." sabi ko sa kanya.
Napanguso si Sabrina sa akin. "Hey! I gave them their parts on thesis!"
"But you didn't ask for an update." sabay naming sabi ni Ayesha kay Sabrina.
Napailing nalang sya sa amin habang kami naman ni Ayesha ay natawa dahil sa pagsabay naming dalawa. We just focused on doing our parts on research. Sa totoo lang ay pagod na kaming tatlo pero pinipilit pa rin namin ang sarili namin na maging masipag kasi malapit na ang graduation namin.
"Anak, malapit ka ng gagraduate." nakangiting sabi ni Mama sa akin habang hinahaplos ang mukha ko. She's looking at me softly while smiling. "Proud sayo si Mama, ha?"
Napakagat ako sa dila ko para hindi maiyak. I smiled at her afterwards. "Salamat, Ma. Hindi pa po talaga ito tapos pero atleast, diba? Makapasa lang ako sa bar exam ay diretso pursue kaagad ako sa 2 years, Ma! Para maging ganap na Psychologist na talaga!" nakangiting sabi ko kay Mama.
Natigilan si Mama dahil sa sinabi ko pero kaagad din namang nakangiti. "Malapit mo ng matupad ang pangarap mo, nak."
"Sobrang lapit na talaga, Ma. Maghintay ka lang kasi magpapatayo talaga ako ng malaking bahay para sa atin! Mas malaki pa sa bahay ni Magnus." sabi ko habang mahinang natatawa para sa sarili.
Kaagad namang natawa si Mama dahil sa sinabi ko bago ngumiti sa akin. "Sige, nak. Hihintayin ko iyang bahay na yan."
Because of what Mama responsed, I got inspired to study more. Natapos ko na rin naman ang part ko sa thesis. Sinend ko pa ito kay Magnus para ipacheck ang mga mali roon bago ko sinend sa leader ng group. Iyon kasi ang sabi nya sa akin last time – na ichecheck nya muna bago ko ipasa.
Finals at defense nalang ang mga bagay na pinaghahandaan ko. Inuna ko muna ang pag review para sa final exam bago ang thesis paper kasi mauuna ang exam bago ang defense. I just keep on studying while eating so many chocolates to enhance my brain.
[You should try on using three highlighters.] biglaang sabi ni Magnus sa tawag.
Magkatawag kasi kami ngayon habang nagrereview ako. Nacurious ako sa sinabi nya kaya tinanong ko kaagad sya kung 'bakit'. Napangiti naman kaagad ako dahil sa sagot nya.
[So you can memorize it faster. Try light colors. Pink, yellow, and cream. Pink for names or terms. Yellow for short important pieces of information regarding that term. Then cream for other information that could be included in the exam.]
Ginawa ko naman kaagad ang sinabi nya. Tama nga sya kasi ang dali kong na memorize ang mga nireview ko. Dahil doon, nakasagot ako sa exam! Natutuwa pa ako kasi confident ako sa mga sagot ko. Feeling ko talaga ay makakapasa ako!
"Kamusta ang exam?" kaagad na tanong sa akin nila Ayesha at Sabrina pagkalabas ko sa block kung saan ako nanggaling para mag-exam.
Mahina akong natawa sa mga hitsura nila bago ngumiti sa kanila. "Nasagot ko ang lahat. Kayo ba?"
"I wish I could say that," napangiwi si Ayesha.
Napailing si Sabrina. "Sana all nalang talaga."
Napaawang ang labi ko dahil sa sinabi nila. I feel guilty immediately for not telling them about the technique that Magnus taught me. Kaagad ko silang nilapitan para sana icomfort sila pero nagulat ako nang bigla silang nagtawanan sa mukha ko kaya napakunot ang noo ko.
"What?" naguguluhan kong tanong sa kanila.
Ayesha smiled widely. "We're just kidding."
"Minsan talaga uto-uto ka, beh." saad naman ni Sabrina.
I raised a brow at them because their joke isn't funny. Natawa na lamang sila sa reaksyon ko bago na kami tumungo sa cafeteria. Dahil tapos na ang finals, umuwi na kami sa bahay namin para mag study na naman pero sa thesis na.
"Kumain ka na muna, nak." saad ni Mama sa akin pagkarating ko sa bahay. Papasok na kasi sana kaagad ako sa kwarto. "Para naman may laman ang tiyan mo."
Napalingon ako kay Mama at ngumiti bago sinunod ang sinabi nya. Ayoko muna maging pasaway ngayon. Habang nakatingin kay Mama, napansin ko na nakabihis na pala sya. Nakahanda na para sa trabaho nya mamaya.
About the work, I quitted temporarily. Naging busy na ako sa pag-aaral kaya hindi muna ako nagtatrabaho. Naiintindihan naman ni Sir Leon kaya sinabihan nya lang ako na kapag tapos na ang klase, pwede raw akong bumalik sa trabaho kung gusto ko.
"Kamusta ang exam, nak?" tanong ni Mama habang kumakain kami.
Ngumiti ako bago sya sinagot. "Mahirap, Ma." napanguso pa ako kasi naalala ko iyong exam. "Pero nakasagot naman ako." napangiti ako ulit nang maalalang nakayanan ko iyon.
Napangiti si Mama dahil sa sinabi ko. "Mabuti naman. Ang talion talaga ng anak ko."
Napailing nalang ako sa sinabi ni Mama habang may ngiti sa labi. After eating, tumungo na ako sa kwarto para basahin ang thesis paper. May 3 days pa bago ang defense kaya ang tatlong araw na iyon ay tinutok ko lamang sa pagbabasa at pag-iintindi ng thesis paper namin.
Matagal rin akong nakakareply sa mga messages ni Magnus dahil naging busy ako rito. May mga tawag din syang hindi ko masagot kasi kung hindi ako busy sa pagbabasa ay tulog naman ako. Naiintindihan nya naman ako kaya wala akong dapat ikabahala.
"Anak, suotin mo ito."
Napalingon ako kay Mama. Napangiti ako sa hawak nya. She's holding a black heels, bagay ito sa suot kong dark skirt and blazer. Color white lang ang t-shirt na nasa loob ng blazer ko kasi hindi bagay kung dark din ito.
Naglakad ako papalapit kay Mama bago kinuha ang heels sa mga kamay nya. "Ma, bago to, ah?" sinuro ko ang heels. "Nag-abala ka pa talaga, Ma." sabi ko sa kanya.
Napairap si Mama dahil sa sinabi ko. "Minsan ko lang kaya ginagastos ang mga pera ko tsaka para naman iyan sa susuutin mo ngayon sa defense nyo." hinawakan nya ang kamay ko at nginitian ako. "Goodluck, nak, ah? Isipin mo nalang na after nito, makakatulog ka na ng walong oras sa bahay."
Mahina akong natawa sa sinabi ni Mama bago ko sya niyakap na. "Salamat, Ma."
I just fixed my hair again and my clothes. Naglagay na rin ako ng konting make up sa mukha para hindi haggard tignan. Nagpaalam lang ako kay Mama bago ako umalis na.
Sumakay lang ako ng tricycle patungo sa paaralan. Nasa hita ko lang nakapatong ang folder na may laman ng copy ko sa thesis paper. Habang hindi pa kami nakakarating sa paaralan, katext ko lamang si Magnus.
magnus: damn you're sexy
Napangiti ako sa text nya. I sent him a photo of me earlier. A whole body picture para ipakita ang outfit ko. I even told him about my heels, na bigay ito ni Mama.
magnus: tita really loves you huh
me: of course she does
magnus: hmmm same
magnus: i love you also
Napakagat ako sa labi ko dahil sa sinabi nya. Nakakahiya! Ayokong tumili rito sa tricycle kaya pigil ko na lamang ang sariling kiligin ng husto. I just replied him before I went out of the tricycle after we arried at the school.
"Hoy, ang tagal naman."
Palihim akong napairap sa kagrupo ko. She hates me.....No, all of them hates mo. Hindi ko nga alam eh kung bakit hate nila ako. Sabi naman nila ay hindi raw dahil sa Mama ko. Buti nga at hindi, eh.
"Sorry, traffic lang." sabi ko.
Traffic naman talaga, eh, kaya natagalan si Manong na maihatid ako rito sa bahay. We just took a deep breathe before entering the office. Nandoon na ang mga panel at mga ibang guro na nanonood. Nakaramdam kaagad ako ng kaba pero hindi ko ito pinahalata sa mga panel kasi alam kong gigisahin ka kapag nahalata nila na natatakot ka sa kanila.
Ako ang unang tinanong kaya mas lalo akong kinabahan. Pangalan ko pala ang una nilang nilagay sa paper! Nakakainis naman. Mabuti nalang at madali lang ang tanong na binigay sa akin kaya nasagot ko kaagad. Nahirapan naman ang mga kagrupo ko kaya ako nalang ang sumagot sa ibang mga tanong.
"Pabida talaga,"
Rinig kong sabi ng mga kagrupo ko pagkalabas namin sa office. Napairap nalang ako bago umalis na at hindi na nagpaalam sa kanila. Tumungo na ako sa gate para maghanap ng tricycle pauwi kasi gusto ko na talagang matulog.
Tatlong araw na akong hindi maayos ang pagkakatulog.
Bago ako makapara sa tricycle na nakita ko, may biglang humila sa braso ko kaya gulat akong napalingon dito. He's wearing a hoodie with a cap. Kinabahan kaagad ako kasi hindi ko ito kilala! Baka ano pa ang gawin sa akin!
Pilit kong hinihila ang kamay ko pero sobra nyang lakas kaya para akong kusang sumama sa kanya para sa mata ng ibang tao pero hindi talaga! Hindi ko lang sya malabanan kasi ang lakas nya!
"Teka, sino ka ba?!" takot na takot na kasi ako!
Tumigil kami sa paglalakad sa tapat ng isang kotse. Kaagad akong napalingon dito para sana alalahanin ang platecard number kung sakali man na may mangyari sa akin! Pero nagulat ako ng mapagtanto kung kaninong kotse ito.
Napaawang ang labi ko at namuo ang luha sa mga mata ko bago nilingon ulit ang lalaki. He's not wearing a cap anymore so I could already recognize his face! He's smirking because of my reaction.
Kaagad kong hinawakan ang kamay nya kaya napangisi sya lalo. "Love?" naiiyak na pagtawag ko sa kanya. I really miss him so much. Kaagad kong sinubsob ang mukha ko sa dibdib nya para yakapin sya. "I missed you."
Natigilan sya sa ginawa ko pero kaagad din namang nakabawi. He chuckled before caressing my hair. "I missed you also." sabi nya bago gumanti ng yakap sa akin.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro