Chapter 15
Almika's POV
"WHAT?! Saan na kayo?!" kanina pa sumisigaw si Penelope dito sa harapan namin. Kakatapos lang ng training namin at puro pasa na 'yung mukha ko ganu'n din si Riley at Freena na kapwa hinihingal din at nagkaroon ng maraming sugat. Hindi madali ang pinagawa sa amin ni Penelope, masyado siyang marahas magturo. Pagod na pagod ang mga mukha namin, punit-punit na ang mga damit dahil sa pinangagawa ni Penelope, masyado siyang mapanakit kung lumaban, magaling nga siya ngunit mapangahas. Nasaksihan ko kung gaano siya kagaling sa katana, tinuruan niya ako at hindi madali iyon. Nagkasugat-sugat ang mga kamay ko dahil sa katana na gamit ko. Ilang beses akong pumalya. Ang hirap naman kasi, kailangan mong umiwas, sanggaan ang mga maaaring bala o talim na paparating gamit lamang ang katana.
Hindi ko naman iyon gagamitin kay Vandeon. Mas magaling ako sa baril, pero dahil si Penelope na 'yon, pinilit niya talaga ako. May natutunan naman kahit papano.
"Ayos ka lang ba?" tanong ni Freena. Siya naman ay sugat sa mukha at katawan ang natamo niya. Magaling siyang gumamit ng katana kaso mahina siya sa self defense, kapag walang katana ay walang-wala siya.
Si Riley naman ay hindi naman gaanong nasaktan talaga, may mga sugat lamang siya na hindi naman masyadong malala. Magaling naman siyang makipaglaban eh, dati pa. Siya ang dahilan bakit ko nakuha ang pasa ko sa hita, sinuntok niya kanina. Hindi naman ako nagalit dahil parte iyon ng training namin at ito narin ang huling beses na gagawin 'to.
"Oo naman, hindi pa naman mamamatay." sagot ko. Tumango naman siya at binaling ang tingin kay Penelope na ngayong seryoso na ang mukha at parang papatay na. Kanina pa namin napapansin ang pagkabalisa niya.
"The fvck! I'm coming!" galit na sambit niya tsaka niya kami tiningnang tatlo. Kinuha niya ang katana ni Freena, binigay niya ito sa may-ari, kinuha niya din ang dalawang pistol tsaka binigay kay Riley, actually, hindi kami gumamit ng baril ngayon dahil delekado tsaka long range ito. Kinuha niya rin ang isang pana sa kanyang upuan at nilahad ito sa akin, kumunot naman ang noo ko.
"You guys will be coming with me, ipakita niyo kung anong natutunan niyo sa training na 'to, I'm counting on you guys." ngiting sabi niya at nauna nang umalis sa amin patungo sa kotse. Habang kaming tatlo naman ay kunot noo at gulong-gulo. Aanhin ko 'tong hawak kong pana? Hindi niya naman ako tinuruan nito.
"Anong ibig niyang sabihin?" takang tanong ni Freena sabay lagay ng kanyang katana sa likuran, habang si Riley naman nilagyan niya ng bala ang dalawang pistol.
"Maybe, we'll be a having a new training but this time? Its real." usisa ni Riley tsaka naglakad narin patungo sa sasakyan.
Habang nasa sasakyan kami, walang nagsalita sa amin. Walang imikan, sobrang seryoso ni Penelope, mukhang may nangyaring hindi maganda at isasabak niya talaga kami sa laban niya? Hindi niya ba alam na halos pasa na itong katawan namin, punit punit na ang ilang parte ng damit namin. Isang hawak lang nila at hila mawawalan na kami ng suot. Bumuntong hininga ako, inaalala ko na naman ang kaligtasan ng anak ko, kung nasaan man siya ngayon sana ay hindi siya pinabayaan ni Vandeon. Kapag bumait ang demonyong 'yon siguro ay mapapatawad ko pa siya sa mga pinangagawa niya, pero imposible eh. Malaking imposible talaga na magiging mabait ang demonyong 'yon.
Naramdaman kong umisog si Freena kayat napalingon ako sa kanya,ngunit tumagos ito sa malaking mansyon na nadaanan namin.
"Are you okay?" Pansin ko sa kanya. Pilit siyang ngumiti tsaka tumango.
"Ayos lang naman sa amin kung kaming dalawa na lang ni Riley ang magpapatuloy," sabi ko.
"I'm fine, kaya ko pang lumaban, Almika." ngumiti siya at umiwas ng tingin. Nagpakawala na lamang ako ng hininga tsaka tinuon na lamang ang tingin sa daang tinatahak namin.
Pansin ko rin na mas mabilis na ang pagpapatakbo ngayon ni Penelope. Hindi ko 'yun pinag tuunan ng pansin. Ang pinagtuunan ko ngayon ay ang tatlong kotseng nakaparada sa daan.
"Fvck it!" malutong na mura ni Penelope bago siya nag overtake. Mabilis siyang lumabas ng kotse tsaka sinenyasan kami na lalabas na. Nagkatinginan kaming tatlo bago lumabas.
Sabay kaming nag lakad patungo sa tatlong nakaparadang sasakyan. Nang makalapit na kami, dahan-dahan kaming humakbang para mag tago sa kanilang sasakyan.
"Pakawalan niyo si Finn!"
"Tangina niyo! Tangina niyo!"
Yumuko ako para ibaba ang pana na nasa likuran ko. Tumingala ako para alamin ang nangyayari, pumwesto ako sa gilid ng sasakyan at tumingin sa gawi nila. Napasinghap ako nang nakitang may limang armadong lalaking nakatayo sa harapan ng mga biktima, nakaluhod ang apat habang kapwa hindi na mamukhaan ang kanilang itsura. Duguan ang kanilang damit, magulo na ang buhok. Umiiyak pa ang dalawang babae at nagmama-kaawa na pakawalan sila nito. Hindi ko gaanong mamukhaan 'yung lalaking nakaupo sa harapan nila, may katabi din ito. Maaga naman pero bakit hindi ko mamukhaan 'yon. Kakainis naman.
Akmang iiwas na sana ako nang bigla akong may naramdaman na pintig sa ulo ko.
"Argh!" Hinawakan ko ang ulo ko dahil sa sakit na naramdaman. Napaluhod ako sa semento habang iniinda ang sakit. Para may pumipiga sa ulo ko.
"Argh!" Sinabunutan ko na ang sarili ko pero mas lalo atang sumasakit. Nakakapiste naman oh! Bakit ngayon pa nangyari sa akin 'to! Ngayon pa na may mga kalaban kaming kakaharapin.
"Almika...Almika? Ayos ka lang ba?"
Tila nabalik ako sa wisyo nang marinig ko ang boses ni Riley. Hinagod niya ang likuran ko habang ako naman ay namamawis na at hinahabol ang sariling hininga dahil parang sinasakal ako sa sakit, what the hell was that?! Bakit bigla na lamang sumakit ang ulo ko.
"Anong nangyari? Anong ibig sabihin non, Riley?" gulong tanong ko. Bumakas naman sa kanyang mukha ang pagkalito.
"What do you mean, Almika? Ano ba ang nangyari saiyo?"
"Sumakit ang ulo ko, hindi ko alam kung bakit."
"Sa tingin ko ay kailangan mong magpa-check sa doctor, Almika, baka may sakit ka sa brain or something related sa amnesia."
Kumunot ang noo ko. "What?"
"Basta magpa-check up ka na lang okay? Baka dahil sa pagod lang 'yan, alam mo namang kanina ka pa pinapaikot-ikot ni Penelope."
Yumuko ako. Siguro nga dahil ito sa training namin kanina, nasobrahan yata. Piste kasing Penelope eh! Tinotoo niya talaga. May balak pa atang patayin ako.
Akma na sanang akong magsalita muli nang maramdamang papalapit na sa pwesto namin ang mga yapak ng mga armado. Mabilis akong pinatayo ni Riley at hinila niya ako patungo sa mga kasamahan namin na kapwa nagtatago rin. Pero iba 'yung nakikita kong emosyon sa mukha ni Penelope ganu'n din si Freena ay tila kinabahan habang nakatuon sa harap ang tingin.
"Salamat, Riley." pagpa-salamat ko tsaka ako ngumiti. Ngumiti din naman siya pabalik bago puwesto sa tabi namin.
Pinagmasdan ko 'yung mga armado na papalapit sa sasakyan namin, may dala silang dalawang container na puti. Binuksan nila ito sabay saboy ng tubig sa parte ng sasakyan namin. Kaagad akong nagulantang at akmang tatayo na sana nang hilahin ako ni Penelope.
"Penelope 'yung kotse natin! Paano tayo makakauwi?" inis na tanong ko. Sinenyasan niya lamang ako na manahimik kayat hinayaan ko na.
Nagsanhi ng apoy iyong sasakyan namin at maya-maya pa ay sumabog ito ng napakalakas. Napaiwas ako ng tingin. Alam kaya nila kaninong kotse 'yung pinasabog nila? Sino kaya ang mga taong 'to at anong kailangan nila sa mga nabihag nila. Base sa sitwasyon ng mga iyon ay hindi maganda ang kahahantungan ng buhay nila.
"Kapag nakaalis na sila kailangan na nating gumalaw." paalala sa amin ni Penelope. Tumango naman kaming dalawa ni Riley habang si Freena ay tulala parin. Ano kaya ang nangyari dito?
Maya-maya pa ay narinig na namin ang mga tunog ng sasakyan. Umusog ako sa pwesto ko at tiningnan 'yung kanina pang pinagmamasdan ni Freena.
Laking gulat ko nang makita ko si Vandeon at Vandish na papasok sa isang sasakyan. Fvck!
Agad akong napatayo at tinakbo ang sasakyang 'yon.
"ALMIKA!"
"SHIT!"
"ALMIKA, COMEBACK HERE!"
Tinapon ko ang pana ko sa tabi at sabay na hinila ang kwelyo ni Vandeon palabas ng sasakyan.
"HAYOP KA! IBIGAY MO ANG ANAK KO SA AKIN!" galit na sigaw ko sabay kuha kay Vandish na ngayong umiiyak na.
"WALANG HIYA KA! HINDI KITA TATANTANAN HAYOP KA!"
"SUBUKAN MO PANG LUMAPIT SA AMIN, PAPATAYIN NA TALAGA KITA!"
Imbis na masindak? Ngumisi lamang siya na tila may gagawing masama. And I'm afraid to know it. Damn it!
Parang may plano na naman siyang gagawin.
"Almika, nice to see you again," ngumisi siya. Ngising hindi mo nanaising tingnan.
Tumakbo ang anak ko papalapit kina Riley habang ako naman ay nakipaglabanan ng tingin kay Vandeon. Gusto ko siyang suntukin sa mukha.
And I did it.
"Almika!"
Naging alerto naman ang mga kasamahan ni Vandeon. Lumapit silang lahat sa akin at akma na sana akong sasaktan nang suntukin at sipain ko ang mga mukha nila. Hindi pa ako nakuntento, mukha namang nasiyahan si Vandeon, ito yata ang gusto niya. Sige, panoorin mo ako, Vandeon, kung papano ko uubusin ang mga tauhan mo.
Nilabas ko ang baril na nasa gilid ng beywang ko. Kinalabit ko ang gatilyo tsaka tinutok mismo sa pagmumukha ni Vandeon.
"Wow." he clapped his hands. May ngisi parin sa mga labi.
"If I were you..." lumapit siya sa akin. "I'll pull the trigger before its too late."
"As you wish." ngumisi ako. Tinamaan ko ang braso niya tsaka pinaulanan ng bala ang mga tauhan niya hanggang sa nawala silang lahat sa paningin ko.
"Almika! Fvck!"
Umatras ako. Pagod na pagod.
"Is that all?"
Inangat ko ang ulo. "Demonyo ka talaga no? Ni hindi mo man lang naramdaman ang tama ko saiyo. 'Yan rin ba ang naramdaman mo nu'ng pinatay mo ang mga magulang ko? Walang kaawa-awa mo silang pinatay! Hayop ka!" Sinuntok ko ang mukha niya.
"Ano? Sumagot ka!"
"I told you before, Almika. I don't have mercy when it comes to your family, magpasalamat ka nalang dahil hindi ko sinaktan ang anak mo. Pinakain ko 'yan, binihisan at binigyan ng magandang buhay. Mabibigay mo ba 'yon sa kanya? Sa lagay mo na 'yan? Look at yourself, Almika. Kahit anong gawin mo? You can't win against me."
Natahimik ako. "Look at those mens you killed, are you satisfied? You killed them for your son. Hindi ba kademonyuhan 'yang ginawa mo? I killed people too, Almika, pero tinawag mo akong demonyo dahil du'n, hindi ba't dahil may pinoprotektahan din ako?"
"You killed them because you want to protect your son and yourself from them, how about me? How about my fvcking reasons, Almika! Sa tingin mo ba ay pinatay ko ang mga magulang mo dahil sa wala akong awa? Ganu'n ba 'yon?"
"I don't want to hear all of your bullshits, Vandeon. Kahit ano pang sabihin mo hindi mawawala sa isip ko ang kademonyuhan mo. Tunay naman talagang mamamatay tao ka, hindi na magbabago iyon." Tumalikod ako.
Lumapit ako sa pwesto nina Riley. Sinalubong naman kaagad ako ng anak ko. He was crying. Damn, miss na miss ko na ang anak ko.
"Mommy! Mommy! I missed you Mommy! Let's go home."
Pinunasan ko ang luha niya at tumango.
"Baby, uuwi na ta..." hindi ko natapos ang sasabihin ko nang bigla na lamang sumakit ang ulo ko.
"Almika!" rinig kong sigaw ni Penelope.
Nabitawan ko si Vandish at napatingin ako sa gawi ni Vandeon na may bakas na pag-aalala sa kanyang mukha. Imposible.
"Arghh!"
"Almika!"
"Kunin niyo na si Almika!"
Wala na akong maintindihan sa mga pinagsasabi nila. Sobrang sakit na ng ulo ko, hindi ko na kaya naiiyak na ako.
"Mommy! Mommy!"
"Damn it! Bakit ang tigas tigas ng ulo mo! Hands off, Lopez!" galit na sigaw ng lalaki bago ako tuluyang nawalan ng malay.
***
Hello babies! Don't forget to vote and comment if you have questions or concern about the story. I will update once or twice a week it depends on my mood, char. Happy reading! Keep safe everyone, hope you like it. Nasa exciting part na tayo ng story.
And again, for those readers na nalilito parin at nagtataka bakit naiba ang story it because I changed it. Hope you understand. You can read the ver. 01 on dreame if you like that version, thank you.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro