Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Twenty-First Stanza

Twenty-First Stanza

MIA MILLS

"Kahit ano pang sabihin nila, tayong dalawa lamang ang makakaalam."

- Up Dharma Down, Indak


"I feel so lucky today," sabi ni Ayen habang binubuksan niya ang pang—hindi ko na alam kung pang ilang bote na ng red horse yun.

"Bakit naman, Ayen?" ngiting ngiti kong tanong.

Napangiti rin siya at tinuro ako, "enjoy na enjoy mo ang pagtawag sa pangalan ko ha?"

"Nilulubos ko na because I know after this I'm back to calling you Sir Ayen again."

Kumunot ang noo niya, "itigil mo yan!"

"What?"

"Yung pagsasalita mo ng english."

It's my turn para kumunot ang noo, "bakit naman?! Hindi naman mali mali ang grammar ko!"

"Alam ko. Pero mas gusto ko kapag nagtatagalog ka. Kaaliw eh. Fil-Am na Fil-Am itsura mo pero ang tatas mo magsalita ng tagalog," sabi niya sabay tawa nang malakas.

Napailing na lang ako.

Lasing na 'to.

Hindi pa siya nagkukwento ng tungkol sa pagiging sawi niya, lasing na agad. Tapos kung anu-ano pa ang mga tinatanong sa akin. Wala na. Hindi ko na siya mapapakinabangan. Mamaya tulog na tulog na 'tong bwiset na 'to.

At dahil nga na-diskubre naming pareho kaming nawawala sa sarili kapag nakakainom, dito na lang kami sa headquarters nila tumambay. Bumili ako ng chicken skin bilang pulutan. Siya naman, gumawa ng beef nachos. At syempre, ilang can din ng red horse ang binili namin.

"Pero sagutin mo ang tanong ko!" sabi ko sa kanya, "why do you feel lucky today?"

"Tagalugin mo muna yan."

Lecheng 'to.

"Bakit tingin mo eh swerte ka ngayon?"

Ngumisi siya, "secret."

"Gago ka!"

Halos maibuga niya ang iniinom niya at napatingin sa akin. Siguro nagulat na tinawag ko siyang gago.

I just rolled my eyes at him.

"Lasing ka na."

"Ikaw ang lasing."

"Nope. Ikaw ang lasing. Bukod sa Ayen lang ang tawag mo sa'kin, ang lakas pa ng loob mo na i-gago ako," nakangiti niyang sabi.

Napatawa ako sabay subo ng nachos. Ramdam ko ang pag-init ng mukha ko at para bang nawawala ako sa sarili. Pakiramdam ko lumulutang na 'ko.

"Lasing na nga ata ako," sabi ko sa kanya. "At feeling ko ikaw hindi pa. Kasi kung lasing ka na, nagsimula ka na sa pagkukwento ng about kay Chef Timi."

Natahimik si Ayen. Tinignan ko siya. Parang biglang ang lalim ng iniisip niya.

"Uy! Ano na? Pinagiisipan mo na ba kung paano mo ilalabas lahat ng sama ng loob mo?" tanong ko sa kanya.

Tinignan niya ako at ngumiti siya.

Shit ang pogi.

"Ano pa bang ikukwento ko? Minahal ko siya, na-friendzoned ako, may iba siyang gusto, hindi kami ang end game. The end."

"Eh yung feelings mo?"

Napatawa siya nang bahagya, "feelings ko? Nasasaktan, ano pa nga ba?"

"Naiiyak ka ba?"

"Hindi."

"Bakit hindi?"

"Kasi nauna ka na. Umiyak ka na para sa akin."

"Eh paano kung—"

"Paano kung ako naman ang magtanong sa'yo?" pagputol niya sa sinasabi ko. "Ang dami mo nang tanong tungkol sa akin. Ako naman."

"Go, fire away!" sabi ko.

"Kumusta ka?"

Napangiti ako sa tanong niya, "eto lasing. Eto parang lumulutang. Eto nakikipag inuman sa idol niya."

"Idol. Bakit ako ang idol mo?"

"Bakit hindi?"

He shrugged, "wala lang. Sanay lang ako na laging naririnig na idol nila si Ice, o si Jasper, o si William, o si Geo. Pero yung idol nila si Ayen? Tss. Bihirang mangyari. Kalokohan."

"Idol ko si Ayen."

"Liar."

"I'm not. Idol ko talaga si Jarren Reyes. Magaling siyang mag compose ng kanta. Pag siya ang nag sulat, yung lyrics ng kanta sobrang ano eh..." tinuro ko ang dibdib ko, "sobrang tagos. Masakit bes. Ang raw ng emosyon. Damang dama."

Napatawa si Ayen.

"Yung kada naririnig ko yung mga kantang isinulat niya parang gusto ko na lang maglaslas," pagpapatuloy ko.

"Compliment ba yan?"

"Naman! Tsaka alam mo ba yung isa pang gusto ko sa kanya?"

"Ano?"

Humagikgik ako at bumulong sa kanya, "ang pogi niyaaaa!"

Nakita ko ang pag-lawak ng ngiti sa labi ni Ayen. Mas lalo akong lumutang sa alapaap.

"Pero sabi nila mas pogi raw si Ice at Jasper kesa kay Ayen," sabi niya sa akin.

"Sabi lang nila yun! Basta sa mata ko si Jarren Reyes ang pinaka-pogi," nagpangalumbaba ako at tinitigan ko siya. "Ang ganda kaya ng mata niya. Full of emotions. Sayang lang laging natatakpan ng salamin. Tapos yung mukha niya, ang amo. Ang bait bait. Though nakakatakot siya kapag nagagalit. Pero bwisit, ang hot pa rin niya tignan. Nasaan ang hustisya doon, 'di ba?"

Napatawa si Ayen dahil sa sinabi ko.

"Tapos... mabuti siyang apo, mabuting kapatid, mabuting tito sa mga pamangkin niya," pagpapatuloy ko. "Ano pa ba? Mabuti siyang kaibigan. Yung tipong mas pipiliin na lang niyang siya ang masaktan kesa sila. Tapos ang swerte swerte swerte swerte ng babaeng minahal niya. Sa sobrang swerte niya, feeling ko hindi niya deserve yung pagmamahal mo kasi hindi ka naman niya kayang mahalin."

Biglang nawala ang ngiti sa labi ni Ayen. Naging seryoso ang mukha niya habang nakatingin sa akin.

"Bakit ba doon na in love si Ayen? Bakit doon pa sa taong hindi kayang suklian ang love niya? He deserves more than that," halos pabulong kong sabi at nakakainis. Nakakainis talaga. Lasing na nga kasi talaga ako kaya ang lakas ng loob kong sabihin lahat nang 'to. At dahil lasing ako, nagiging emosyonal na naman ako. Kaya nga eto, umiiyak na naman ako sa harapan ko.

Dahil lasing ako.

Sige, isisi na lang natin ito sa alak.

Huminga ako nang malalim at pinunasan ko ang luha sa pisngi ko.

"Bwisit! Ako na naman ang umiiyak para sa'yo. Grabe ka na ah?"

Binuksan ni Ayen ang bag niya at inilabas yung maliit na notebook na pinagsusulatan niya kanina.

"Iniyak ko na kasi lahat dito sa sinulat kong kanta. Wala nang luhang natira sa'kin." Napahinga siya nang malalim at dama ko ang bigat nang dinadala niya, "tsaka anong silbi kung iiyak ako? Mamahalin ba niya 'ko kung iniyakan ko siya? Kung oo edi sana hulog na hulog na siya sa'kin ngayon kasi ilang beses na, eh."

Tinitigan ko si Ayen. Magaling siyang magtago ng nararamdaman niya. Madalas, hindi mo mabasa ang expression sa mukha niya.

But right now, he is so vulnerable.

Kitang kita nang dalawang mata ko kung gaano siya nasasaktan at para bang pati ako, nadudurog din sa sakit.

Why do I feel so much about this guy? Bakit ako sobrang na-a-apektuhan?

"Don't you think it's about time to tell her how you really feel? Para sana kahit papaano aware siya na nasasaktan ka rin. Alam kong wala siyang kasalanan dahil hindi naman niya alam ang totoong nararamdaman mo. But sorry, pero naiinis ako. Siguro dahil sobrang bias ko sa'yo. Siguro dahil ang hirap mong makita na nasasaktan."

Napayuko siya at napaiwas nang tingin.

"Masasaktan din siya kapag sinabi ko."

"Minsan ba naisip mong magpaka-selfish? Kahit isang beses lang? Para lang sa sarili mo?"

Inangat niya ang tingin niya sa akin at nginitian niya ako.

"Mahal ko talaga siya, eh. Ayoko siyang masaktan."

Napangiti rin ako habang tumutulo ang luha sa mga mata ko. Tuloy tuloy ang pagbagsak nito. Hindi ko mapigilan. Pinunasan ko ang luha pero ayaw pa ring huminto.

"Sorry. Hindi ko alam kung bakit ako naiiyak. Kainis."

Tinakpan ko ang mukha ko at napahagulgol na lang ako nang iyak.

Napakaraming bagay ang iniiyakan ko. Naghalu-halo na.

Si Sam. Yung nangyari sa gig. Si mommy. Si daddy. Si Chef Timi. Si Ayen.

At yung punyetang bagong nararamdaman ko ngayon dahil, shit, hindi pwede. Hindi pwede 'to. Hindi talaga. Wag sa kanya. Wag muna. Wag sa ngayon.

Pwede bang magpahinga ka muna, puso?!

"Mia..."

Naramdaman ko ang mga kamay ni Sir Ayen na hinahawakan ang mga kamay ko at inaalis ito sa pagkakatakip sa mukha ko. Nang tuluyan na niyang maalis, he brushed my tears away.

"S-sorry. Sorry," sabi ko. "Hindi ko alam kung bakit ako naiiyak. Ikaw kasi."

"Masyado na ba talaga akong nakakaawa para umiyak ka nang ganyan?" medyo pabiro niyang tanong.

Tumango ako habang pinupunasan ko ang mata ko, "mej."

Napatawa si Ayen.

Leche wag ka ngang tawa nang tawa. Hindi mo ba alam epekto niyan sa'kin?!

"Okay. Sige na nga. Change topic."

"Wag mong mababanggit banggit si Sam o ang nangyari sa gig kung ayaw mong pareho na tayong luhaan."

Napatawa ulit siya.

Hoy puso! Kalma ano ba!

"O sige. Iba na lang. Ano ba maganda. Ahmm.. Ah! Alam ko na! Answer this question. Kung may papakasalan ka na Hollywood celebrity, sino?"

Napangiti ako.

"Easy question! Syempre si Ryan Gosling!"

"Bakit?"

"Nakita mo ba katawan nun?"

Bumalik si Ayen sa pwesto niya sa tapat ko habang iiling-iling. Nilagok niya ang Red Horse na hawak niya.

"Ayan! Ayan! Ganyang ganyan kayong mga babae! Maka-puri ka sa idol mo kanina! Pero ang gusto mo rin naman palang pakasalan yung may abs! Nakuuu! Wag ako! Nakuuuu!"

Napa-simangot ako.

"Ang pait mo rin 'no? Hindi lang naman basta may abs si Ryan Gosling! Aba, magaling din siyang actor, magaling kumanta, ang pogi pogi pa. In short, complete package na siya!"

"Edi siya na! Pakasal kayo!"

Problema neto?!

"So kapag tinanong ko kung sino ang gusto mong pakasalan na Pinoy celebrity, ang sasabihin mo si Jasper Yu?!" inis niyang sabi.

"At bakit naman naisip mo si Jasper Yu? Tingin mo Ryan Gosling level na siya?" tanong ko.

"Hindi uy!"

Natawa ako.

"Hindi naman pala, eh."

"Pero sino nga sa mga Pinoy celebrity?"

Napangiti ako, "Ian Veneracion."

"Eh ayun!" dismayado niyang sabi. "Type mo yung mga tatay na."

Aba't---!!

Binato ko nga siya ng isang pirasong nachos at tinamaan siya sa pisngi.

"Huy! Wag batuhin ang pagkain. Magagalit si Lord!" saway niya.

"Ay sorry po Lord."

"Ayan. Mag sorry ka. Salbahe ka."

Inirapan ko siya.

"Ikaw kasi makalait ka sa mga type ko! Eh ikaw? Sinong Hollywood celebrity ang papakasalan mo?"

"Ha! Emma Watson!" sabi niya.

Natigilan ako.

Wait. Wala akong malalait kay Emma Watson. Masyado siyang disente. Bwisit.

"Eh sikat na Pinoy Celebrity?" panghahamon ko sa kanya.

"Hmmm.." nagpangalumbaba siya. "Pwedeng singer?"

"Go! Sino yan?

"Hmm..." tinignan niya ako at ngumiti siya from ear to ear. "Tsaka ko na sasabihin kapag sikat na siya."

"Eh? Sino nga! Ang daya naman nito!"

Napapalo siya sa noo.

"Ang malas ko talaga!" sabi niya

"Ano na namang kadramahan yan?"

"Wala. Malas talaga ko. Yung babaeng mahal ko, ang manhid. Pati ba naman yung crush ko manhid din? Malas. Mga babae MANHIIIIID."

Napailing na lang ako.

Nabaliw na si koya.

Kinuha ko yung iniinom kong Red Horse pero ubos na. Tinignan ko sa supot pero wala nang natira.

"Ano ba yan. Wala nang alak."

"Ubos na," sabi ni Ayen. "In-ubos na natin."

Nag stretch ako at napahikab ako.

"Pa-idlip sa couch," sabi ko at tumayo ako atsaka naglakad papunta sa sofa nina Ayen.

Sumampa ako sa couch ng living room nina Ayen at nahiga doon.

Lumapit siya sa akin at naupo sa gilid ko.

"Thank you Mia," he whispered. "Because of you, it's less painful."

At hindi ko alam kung nananaginip ba ako o totoo ang nangyari pero...I feel his lips on my cheek.

At tuluyan na akong nakatulog.

To be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro