C H A P T E R 3: Broken Hearted 💔
(A/N: Kahit umiiyak Gwapo parin 😍 Sinong sasama? Itutumba natin si Jillian pinapaiyak nya asawa ko. CHOS! 😂)
Guys! Alam nyo yung nakakataba sa puso? Yung may mag memessage sayo sa wattpad sa IG at FB account mo para magsabing Fan sila ng Stories ko. Sobrang nakakataba ng puso Guys! Naiiyak ako. MARAMING SALAMAT 😭
This Chapter is Dedicated to my beloved supporters and friends muah muah muah ♥
ChiLeyLi
yhoonica
Danlans
Kell_river11
AkoSiTeryo
daisyjanerodriguez14
angeljasell234
MJTags
zahira_48
Shawniceee
Titania_Asteria
Guys! Support nyo din stories nila. Meron din silang mga stories magaganda din paniguradong nagugustuhan nyo din guys. Sana ma try nyo. ♥😘
===========
LANCE'S POV
"Lancelot"
Napatigil ako sa pakikipagyakapan ko sa pader ng biglang may mag salita sa likod ko.
"Jilliane"
Yan nalang ang nasabi ko. Nakipagkita ako sakanya dito sa Playground. Playground na punong puno ng alaala namin.
Jillian Estrada. Kababata, Bestfriend at ang First Love ko hindi ako tumingin o nagtangkang manligaw ng ibang babae dahil sya lang ang gusto ko. Sinusundan ko siya sa lahat ng papasukan nyang paaralan gusto ko dun din.
Then Highschool ipinasok siya sa all girls na school. Grabi ang pangungulit ko sa paaralang yun papasukin lang ako. Lahat ginawa ko namigay suhol at nang blackmail. In the end yung All Girl school nayun. Ay nagkaroon for the first time ng limang lalaki mag aaral. Yes lima kami. As in kaming lima (Jacob, Jake, Allane, Rustine and me)
Pero hindi din kami nagtagal sa school na yun dahil nalaman ng Mommy ko ang ginawa ko. Isang makapanindig balahibong pingot ang inabot naming lima.
Wala akong ibang ginusto.
Siya lang at wala nang iba.
Naghintay ako ng 18 years! Para lang ligawan sya. Ang sabi nya mahal nya na ako pero bakit 5 taon lang syang nawala may iba na sya agad?
"Lance I'm sorry" nanunubig ang mga matang sabi ni Jilliane.
"Ok lang, Basta Bumalik kalang saakin. Kakalimutan ko lahat" Tanga ko no? Oo na kasama po ako sa Pederasyon ng mga Dakilang tangang umiibig sa mga taong hindi sila kayang ibigin pabalik. Haha ano daw? Ah basta hindi ako mahal ng mahal ko yun na yun. King ina pinapahirapan ko pa sarili ko pwede namang Basic lang.
"I'm sorry lance, but I'm getting married" sabi ni Jilliane saka humagulhol.
"No!" Hindi makapaniwalang sabi ko. Seryuso ba talaga sya sa sinasabi nya?
WHAT THE FUCK!
"Lance listen! I did loved you. I tried! Sinubukan kong Hindi Mainlove sa iba" Umiiyak na sabi ni Jillian habang sinusubukang hawakan ang mga braso kong patuloy kong iniiwas.
"PERO NANGAKO KA! Sabi mo pagbalik mo tyaka na natin sisimulan ang relasyon natin! Ano bang akala mo Jilliane? Ganun lang kadali? Kapag nag Sorry ka Ok na ako? 18 years Jilliane. 18 years mokong pinaasa!" Galit na sabi ko sa kanya. I'm mad! Really really Mad!
"Lance please. Wag na nating pahirapan ang isa't isa! Im getting married. You should move on" umiiyak na sabi parin nya.
"Sa tingin mo ba ganun lang talaga kadali yun Jilliane? Kung sayo mabilis mong natapon yung 20 years na pinagsamahan natin at pagkakaibigan natin. PWES SAAKIN HINDI! HINDI KA IKAKASAL AT TUTUPARIN MO ANG PANGAKO MO SAAKIN" Sigaw ko sakanya sa sobrang galit. Bakit parang ang dali sa kanyang itapon lahat? Ganun lang ba nya kadaling itapon lahat ng pinagsamahan natin.
"Lance! Wag kanamang ganyan oh! Wag na nating gawing komplikado pa ang sitwasyon. Tanggapin mo nalang please!" Umiiyak na sabi nya saakin habang ang dalawang palad nya ay magkadikit na para bang nagsusumamo at nag mamakaawa.
"NO! Ikaw ang may kagagawan nitong lahat ikaw ang dahilan kung bakit kumplikado ang lahat. So dont accuse me na ako ang dahilan ng lahat ng to na in the first place ay ikaw! Ikaw ang may kagagawan! Hindi ka magpapakasal kung hindi man lang saakin. Mark my words Jilliane!" Sigaw ko ulit sa kanya.
Buti nalang at wala nang tao sa Paligid ng playground at sobrang dalang lang yung mga dumadaan.
"NO! Ikakasal ako Lance! Huwag kanamang maging Selfish!" Galit na sabi ni Jilliane.
Wow Big Word!
Ako pa ang Selfish sa ngayon?
"Gaguhan ba talaga Jilliane? Kung may Selfish sa ating dalawa ikaw yun! Sa loob ng 18 years parati mong sinasabi na tayo! Na tayo ang magpapakasal! Na tayo ang nagkakatuluyan at tayo ang magmamahalan! Ayaw mong may iba akong kaibigan at halos kinontrol mo ang buhay ko! Gusto mo kung nasan ka nandun ako parang ulol na sunod ng sunod sayo. Hindi ba ikaw ang nag sabing i blackmail ko ang principal ng all girls school nayun para makapasok ako? Hindi ba lahat ng lumalapit saakin at nagtatangkang makipagkaibigan at makipagkilala at tinatakot mo? Kinontrol mo ang buhay ko tapos ano? Nung nakahanap ka ng iba tatapon mo ako ng ganun ganun nalang? THAT'S BULLSHIT SINO SAATIN NGAYON ANG SELFISH? HA SINO?" Galit na galit na sabi ko. Hinayaan ko syang kontrolin ang buhay ko tapos ganyan lang ang gagawin nya. Gagaguhin nya lang ako? Sumbatan na kung sumbatan wala na akong pakialam. Galit ako ngayon sobra.
Tiningnan ko si Jilliane. Halatang gulat sya kaya napatigil at hindi sya nakaimik. Akala nya hindi ko alam kung anong ginagawa nya sa mga taong lumalapit saakin? Pinabayaan ko sya nun kasi mahal ko sya. Pero ngayon!
Ako naman!
Ako naman ang masusunod!
"Hindi ka ikakasal sa hayop na yun" Gigil na sabi ko saka tinalikuran sya. Rinig na rinig ko ang paghikbi nya gustuhin ko mang bumalik sa tabi nya para patahanin sya at sabihing magiging ok din ang lahat.
Pero hindi magiging ok ang lahat hanggat hindi sya tumutupad sa usapan!
Habang papasok ako sa Kotse ko ay narinig kong tumutunog ang Cellphone ko.
Agad kong kinuha yung phone ko without checking kung sino ang Caller.
"Hell-" naputol ang sasabihin ko ng makarinig ako ng palakpakan.
What the heck? Scam ba to?
Agad kong tiningnan kung sino yung caller
KulangotSaPader (Allane)
"Tol! Nakita at Narinig namin ang makabagbag damdamin mong linya kay Jilliane" -Allane
"Mark my words Jilliane" panggagaya ni Rustine sa tono ko.
Narinig kong nagtatawanan sila narinug ko din ang tawa ni Jake at Jacob.
Fuck shit talaga ang mga Gagong to!
Agad akong luminga linga para tingnan kung nasaan sila at sa di kalayuan nakita ko ang mga hinayupak na nakangisi.
"Mauna kay Lance Supot Gwapo!" Sigaw ni Allane at ang tyaka sila nag unahang tumakbo papunta sakin.
"MGA GAGO! Pati ba naman ikaw Jacob? Of all akala ko matino ka. At saka hindi ako supot! Magkakasabay kaya tayong nagpatuli mga gagong to. Gigil nyo ako!" Madramang sigaw ko sa kanilang dalawa saka sila pinagbabatukan.
Tumawa lang sila habang si Jacob naman ay nagkibit balikat lang.
"Hoy drama king painom na" sabi ni Jake habang.
Napatango nalang ako. Masaya na ako na may mga kaibigan akong laging andyan para sakin.
Peri hindi padin tayo tapos Jilliane.
===========
CHAPTER 3 DONE! Thank you so much first draft ito kaya asahan ang hindi kanais nais na typos, wrong grammar at spelling spelling. Hahaha UNDER EDITING PA ANG CHAPTER NA TO😂😝
Badvides tong chapter na to. Hahaha as in wala akong maisip kung ano matype ko yun na yun hahaah kaya pasensyahan nyo na kung lame. Bawi ako mga Babyloves sa next chapers 💕😘
Feel free to Vote and Comments. Appreciated po yun ng bonggang bongga. PROMISE HIHI ♥
Pasensya na hindi ako makareply sa comments nyo busy kasi ako maghapon huhu. Replayan ko yan lahat once na magkaoras na ako lovelots mga babyloves. ❤
PLUG KO LANG GUYS STORY NG FRIEND KONG SI UnknownxxAngel sana support nyo din sya Salamat. ♥
NO TO PLAGIARISM!
-ChiMoBby 👑💕
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro