Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥
Moving Closer

Moving Closer

31,335 2,436 52

Naranasan mo na ba makontrol ang iyong panaginip? Tulad na lamang ng paglipad, paglutang, pagtalon mula sa mga matataas na building at pagkakaroon ng kakaibang kapangyarihan gaya ng mga napapanood sa mga fantaserye sa TV. At maalala ito ng malinaw sa iyong paggising? Kung ganoon, isa ka sa 1% population sa buong mundo na tinatawag na Lucid Dreamer.---Meet Trisha Myliejoy Zamora, isa sa mapalad na pinagkalooban na makontrol ang panaginip nang walang ka-effort-effort. Sa pamamagitan ng Lucid dream, nakakilala siya ng mga katulad niya't naging kaibigan sa realidad. Isang gabi, sa kaniyang pamamasyal sa Dreamland ay kaniyang na-engkwentro ang isang lalaking napakakulit at ubod ng daldal na nagpakilalang si Moises. Sa una'y naiinis siya sa katabilan at pagbuntot-buntot nito sa kaniya ngunit habang tumatagal ay nagugustuhan na niya presensya at ang 'unfamiliar feelings' niya para rito. Dahil doon ay mas ninais niyang mas mapalapit at makilala niya ito, hindi lamang sa Dreamland, sa kaniya ring realidad.----Date Started: March 28,2024 (Maundy Thursday) 11:40 p.mDate Published: March 30,2024Date Finished:--…

The Author

The Author

1,220 235 5

Pagbabasa ang hilig ng dalagang si Jona. Upang matustusan ang kaniyang hilig sa pagbabasa nang hindi gumagasta, namumulot at nangunguha siya ng mga babasahing sa tingin niya'y wala nang nagmamay-ari.Isang araw, sa burol ng isang patay ay napag-interesan niyang hiramin ang isang aklat. At dito niya napag-alamang ito pala mismo ang nagsulat ng aklat na kaniyang hiniran. Maski na rin ang dahilan ng misteryong pagkamatay nito.Ano nga ba ang totoong sanhi ng pagkamatay ng manunulat? Nagpakamatay ba ito? O pinatay? At paano nga ba matatakasan ni Jona ang leksyon ng isang manunulat.Abangan...DATE STARTED: SEPTEMBER 12, 2023DATE FINISHED: ()…

Magandang Lalakwe

Magandang Lalakwe

2,230 450 9

Paano mo naman ako makikita kung iyang paningin mo sa kapwa mo magandang lalakwe nakatingin?-Memei…

NO ORDINARY LOVE II

NO ORDINARY LOVE II

6,100 1,582 39

Sole's Knights I: No Ordinary Love (Season 2)Sa wakas, naipagtapat din ni Renz ang kaniyang nararamdaman para kay Jennica. Subalit, mas lalo namang dumami ang kaniyang karibal dito. Kabilang na roon ang nagtatago sa alyas na 'King Katarata'.Muli namang nagbalik ang natulog na pagtingin ni Jennica para sa kaniyang first crush/first love na si Renz. Ngunit isang bahagi ng kaniyang pagkatao ang kaniyang natuklasan, na siya ring nagpagulo ng kaniyang puso't isipan, at ng kaniyang simpleng buhay.Ano nga ba ang mas mananaig at pipiliin ni Jennica? Ang sariling kaligayahan? O ang tungkulin niya bilang... First Queen of Maharlika?…

NO ORDINARY LOVE

NO ORDINARY LOVE

97,219 9,113 72

Sole's Knights I: No Ordinary Love (Season 1)Naaalala mo pa ba ang iyong childhood friend? Hanggang ngayon ba, kaibigan mo pa rin sila? How about your childhood crush? Nai-crush back ka na ba? Ang first love mo? Naging last mo ba? Or nagsilbi na lang silang ala-ala ng nakaraan? ---Simple lang ang buhay estudyante ni Jennica, ngunit nagkaroon iyon ng sigla't kulay nang dumating ang pilyo, bully at mala prince charming transferee na si Jeron Renz Santillan-- ang pumukaw sa damdamin ng mga babae at bakla ng kanilang eskwelahan. Maski na rin siya ay lihim na humanga rito dahil sa pinapakita nitong kabaitan sa kaniya. Sila'y naging magkaibigan. Nang lumaon siya'y nagkautang dito ng kasal at nangakong kanilang tutuparin sa kanilang paglaki.Ngunit naglaho iyon nang ipagkalandakan sa kaniya nitong kailanma'y hindi siya nito magugustuhan. Magmula no'n ay dumistansya na siya rito. Labis-labis na nalungkot at nasaktan si Jennica nang hindi man lang sa kaniya ito nagpaalam nang lumisan ito.Lumipas ang maraming taon, nawala nang tuluyan ang paghanga ni Jennica kay Jeron Renz. Ngunit lingid sa kaniyang kaalaman, si Jeron Renz ay nanatili ang pagtingin para sa kaniya at lihim siya nitong minamatyagan sa malayo magmula nang sila'y magkahiwalay.Isang araw, sila'y muling nagkaharap, muling nanariwa ang sakit kay Jennica. At nanatili namang desididong makabawi si Jeron Renz sa kaniya. Maipagtapat kaya ni Jeron Renz ang kaniyang tunay na nararamdaman para sa kababata? O habang buhay na lang siyang matotorpe?🎧🎶 Shape of my heart by Backstreet Boys 🎧🎶…