Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

C H A P T E R 19: Happy Moments???

Hello again Guys! Kindly support my friends stories too. Magaganda din ang stories nila. ♥ Kimineah_YoonAh Mirakarina12324 ChiLeyLi AkoSiTeryo ms_kathe Danlans ViaL_24 yhuri_12 jhonasullo Shawniceee ronwelicious zahira_48 Pucca_huntas Kell_river11 Yeowang_ida vkes1997 Millise16.

Shout out sa lukaret at supportive kong Mars haha yhoonica. Hi Mars. 😘

THANK YOU FOR MY NEWEST BC hastinemaes Love love 💕😍

WARNING: Asahan ang errors! such as typos, wrong spelling at wrong grammar. First Draft palang po ito. Hindi pa na Eedit salamat sa pag unawa. ♥

--------------
SERENA'S POV

"Dun tayo!" Sabi ko habang tinuturo ang isang rides kung saan dahan dahan kang itataas tapos ibabagsak ka ng mabili. Hindi ko alam kung anong tawag sa mga rides dito pero lahat sila mukhang exciting haha.

Matapos ang halos 30 minutes na byahe namin ay nakarating din kami sa Enchanted kingdom na sabi nya.

Totoong para syang peryahan pero mas high tech at mas mailaw. Napakaraming tao din ang narito mayroong pamilya, mag kasintahan na halos hindi na mapaghiwalay . Inggit ako T_T

"Pagkatapos dun naman"

"Tapos dun!"

"Sunod dun"

Masayang sabi ko habang tinuturo isa isa ang lahat ng rides. Mukhang masaya lahat! Guto kong matry lahat.

"SAKYAN NATIN LAHAT!" Tumatalong sabi ko habang nakangiti. Wah! Excited na ako hihi.

"Calm down Serena" sabi ni baby loves habang umiiling na nakangiti at pinapakalma ako.

Napangiti rin ako. Nakangiti si Baby Loves ko Yieee.

"Ok dun na muna tayo sa una mong tinuro ok?" Kalmadong sabi nya saka hinawakan ang kamay ko at nagsimulang maglakad papalapit dun sa ride na una kong tinuro.

Halos mapunit ang bibig at labi ko dahil sa kakangiti ko.

Yiee kapit ni babyloves ko yung kamay ko.

May nakita akong mga babaeng nakatingin saamin ni babyloves. Halata sa mukha nila ang inggit at halos kaliskisan nila ako sa sama ng tingin nila.

"Bleh!" Belat ko dun sa babaeng sobrang sama ng tingin saakin haha. Inggit eh!

"Huh?" Tanong ni baby loves saka ako nilingon akala nya ata ay kinakausap ko sya.

Medyo feeler din to si baby loves eh. Hihi

Nung tuluyan nya na akong nilingon nginitian ko sya ng bonggang bonga. Hihi mainlove ka baby loves muah muah.

"Wala. Tara dun na tayo" nakangiting sabi ko sakanya sa pagkakataong ito ako nanaman ang humihila sa kanya papunta dun sa ride na una kong tinuro.

---------------

After the ride

"Why didn't you tell me na takot ka pala sa heights?" Nag aalalang tanong na sabi ni Babyloves habang hinihimas ang likod ko at iniaabot saakin ang bottled water na binili nya.

Ngumiti lang ako.

Jusme! Nakakatakot pala pag nasataas ka. Lalo na pag bigla kang ibababa. Matapos ang unang rudes namin ay suka ako ng suka. Sobrang nahihiya na ako kay baby loves ko.

"Hindi ko naman alam na nakakatakot pala sa itaas" nanghihina pero nakangiti paring sabi ko.

"Here" sabi ni Baby loves habang pinupunasan ang bibig ko gamit yung panyo nyang sobrang bango hihi. Ang bango pakiss baby loves hihi.

Agad akong napangiti sa ginawa nya.

"Ngayon kalang ba naka rides?" Tanong nya saakin habang hinahawi ang buhok ko para hindi dumikit sa pisngi ko na basa ng tubig dahil sa inihilamos ko.

Tumango ako.

"Bakit takot ka sa Heights? My phobia kaba or something?" Nag aalalang tanong nya saakin na ikinangiti ko ulit ng bongga. Baby loves hah nakakarami kana hihi.

"Bakit nakakita kanang isdang lumilipad sa langit?" Wala sa sariling sagot ko habang naka ngiti. Biglang nanlaki ang mata ko at agad kong itinakip ang dalawa kong kamay sa bibig ko ng marealised ko kung ano yung sinabi ko. Tanga Serena! Ang tanga mong isda sabi ko matapos batukan ang sarili.

"What? Flying what?" Tanong saakin ni baby loves ng puno ng pagtataka buti naoang talaga at hindi malakas ang pagkakasabi ko.

"Hihi wala. Dun nalang tayo" sabi ko habang tinuturo yung ride na puro kabayong umiikot at halos puro bata ang nakasakay. Gusto ko dun!

"Seriously?" Nakangiwing sabi at halatang hindi maipinta ang mukha.

Bakit?

Tumango ako ng mabilis. Yieee! Exciting

---------------

After The Ride

"Luh! Baby-este Jacob bat di mo sinabing mahihiluhin ka pala?" Sabi ko habang hinihimas ang likod nya. Chansinggg! Mwahaha.

Matapos magsuka ni baby loves ay kumuha sya ng tissue para punasan ang bibig nya.

"Im fine" nakangiti pero halatang halatang nanghihina sya.

"Halika maupo muna tayo" sabi ko sakanya. Maggagabi na. Halos kinakain na ng dilim ang langit pero kahit ganun napakaliwana ng kalahating buwan at napakaraming bituin.

Nang makaupo kami ni baby loves sa bench! Oh ha! Alam ko yung bench. Hihi ay nakita kong bumabalik na anh kulay nya hindi na sya namumutla at uminom sya ng tubig dun sa ininuman ko.

Yieeee! Indirect kiss yun! Yiee nagkiss kami mwahaha! Ang dami dami kong achievements ngayong araw wahaha.

Habang naka upo kami sa bench ay nagkatitigan kami.

"I-uhm, san na tayo?" Nakangiting tanong ji baby loves. OMG yung nga kaliskis ko pakipulot nagsitanggalan ata hihi.

Tayo daw? Yieee sinasabi ko na nga ba may kami mwahaha!

Bigla akong napangiti ulit. Sobrang saya ng araw na to. Kasama ko si Baby loves ko ay nginingitian nya ako para kaming magkasintahan hihi. Kinikilig ako!

"Dun" sabi ko habang tinuturo ang isang malaking bilog

"Are you sure? Mataas yan" Nag aalangang sabi nya. Halatang nagtataka sya kung bakit yung ang pinili ko eh takot naman ako sa heights.

"Wala naman napanuod ko lang sa TV" nakangiting sabi ko sakanya. Napanood ko sa TV at sobrang romantic hindi kompleto ang date sa perya kapag hindi sumasakay dyan hihi.

"Alright! Stay here i'll buy tickets for us" sabi ni baby loves habang tumatakbo papunta sa ticket booth. Tiningnan ko ang papalayong bulto ni baby loves at hindi ko maiwasang mapangiti.

Sana.

Sana hindi na matapos ang gabing ito.

Maya maya lang din ay bumalik na si baby loves hawak hawak ang dalawang tickets.

"Lets go?" Tanong ni baby loves saka inilahad ang kamay nya para alalayan ako sa pag tayo sa bench.

Yiee. Sweet!

Agad kong tinanggap ang kamay ni baby loves at sabay kaming napangiti.

Magkahawak ang kamay naming pumunta sa tinatawag nilang Ferris Wheel.

"Nervous?" Tanong ni baby loves saka hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko.

Umiling ako. Feeling ko kahit sa pag hawak lang ng kamay ay sobrang safe ako.

Ng makaabot kami sa tuktok ay di ko maiwasan mapatingin sa Bintana na natatakpan ng transparent na salamin. Kitang kita mula rito ang buong syudad sobrang maraming ilaw at bituin nakakatuwa.

Bigla akong lumingon kay baby loves pero buglang naglaho ang masasaya kong ngiti.

Nang makita kong madilim ang aura ni baby loves. Sing tigas ng bato ang nararamdaman kong aura nya at sing lamig ng yelo ang expression nya sa mukha.

"M-may problema ba?" Nagtatakang tanong ko ngunit sa halip na sagutin ay isang panyong puti ang itinakip nya sa ilong ko.

Medyo pasa ang panyo.

Nahihilo ako.

Bakit parang bumigat ang mga mata ko?

"Im sorry Serena" yan ang mga huling katagang narinig ko bago ako lamunin ng kadiliman.

Bakit Jacob?

------------------

CHAPTER 19 DONE! Pasensya na natagalan ako guys! Haha nakipag chismisan pa kasi yung pinsan ko habang ang hina ng net.

Maiinis ka talaga sa mga taong walang Originality. Halatang halata na ngang kinuha niya ng walang paalam itatanggi parin. Jusko Personalised po yun kaya wag mong sabihing nakuha mo sa iba dahil sariling gawa ko yun. Wala kang mahahanap sa ibang apps pati sa google nun. Gigil nanaman ako hahaha 😂

Feel free to Vote and Comment

NO TO PLAGIARISM

GUYS! Pasupport naman ng isa ko pang story.

Title: BILLIONAIRE'S WITCH

Hope you like and support it too katulad ng pag support nyo sa BM promise maganda din to. Here's the link Thank you. ♥

https://my.w.tt/UiNb/3qVvT754QH


Thank you sa walang sawang support babyloves. ♥

Matapos ko lang ang BM simulan ko na agad ang BGA. Pero ilalabas ko na din yung Prologue agad if tapos ko na 😘

-ChiMoBby. 👑💕

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro