Chapter 26: Anger
Chapter 26: Anger
Calvix's POV
"Ayaw mo ba talagang sumama kina Jamiatra?" Tanong sa akin ni Brandon. Andito kami sa tambayan ng barkada.
"Kung may balak ako dapat noon pa lang sumabay na kong bumili sa kanila ng ticket." Walang-ganang sagot ko dito.
"Yung totoo... Minahal mo ba si Janelle?" Sabay-sabay nilang tanong sa akin.
Tumawa ako, "So you guys really think that I'm serious?" Bigla namang nagbago ang mga ekspresyon ng mukha nila, "You guys seem don't really know me." Dagdag ko.
Our date? I mean, the real one. Hindi sya ang kauna-unahang babae ang dinala ko dun. So tingin nyo talagang seryoso ako? Nagpapatawa ba kayo? A player will always be a player.
"I just fell in love with you. I don't know how. I don't know why. I don't know when. I just did."
Yang sinabi ko yang salitang yan tingin nyo seryoso talaga ako? Nakakatawa. Kahit pala kayo, naloko ko. Ako yata si Calvix. Ang lalaking walang sineseryosong babae.
Basta ang alam ko lang -- LOVE IS A GAME.
And I want them to be experienced how the feeling of being played.
Like how she did to me.
-Flashback-
"What are you doing here?" Agad na napatayo si Aubrey mula sa pagkakaupo nya. Halatang nagulat sya sa biglaang pagpasok ko dito sa may Camera Club. Sya talaga ang pakay ko kaya ako pumunta dito.
"You're not even a member here." Dagdag pa nya.
Pumunta ako sa may table kung saan andun yung mga pictures. Tiningnan ko sila isa-isa, "Eto ba pinagmamalaki mo?" Sabay hagis ko sa kanya ng mga pictures dahilanan para malaglag ito sa sahig.
"PATRICK!"
I crossed arms, "Alam mo bang kaya kitang ipatanggal dito?"
Tumayo sya at muli akong hinarap, "Hanggang club ba naman na member ako hindi mo papalampasin?"
"As long you're not coming back to me. I won't stop. Never."
"Kailan mo ba balak akong tigilan? Wala na kami ni Trevor. Ano pang gusto mo?" Matigas nyang sagot sa akin.
"I think your body will be enough... But, hell no. I want you to be mine – AGAIN." Hinaplos ko ang leeg nya. Pero kaagad nya itong iniwas.
"Do you remember you told me last time?"
Mukhang napa-isip sya sa sinabi ko, "What?"
Huminga ako ng malalim, "Fine. I won't hurt her."
"That's what you want right?"
"Yes. Bu--"
"But in one condition."
"What now!?"
"Come back to me."
"We already talk about this Patrick. I won't come back to you. Never. Hinding-hindi na ako babalik sayo. Wag ka ng umasa na babalik ako sayo."
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at hinawakan ang kwelyo ng uniform nya, "Do you hate me that much huh?!!" Galit ako. Galit na galit. Bakit ba kahit anong gawin ko ayaw nyang bumalik sa kin? Napatitig ako sa mata nya. Eto na naman ang maamo nyang mata. Pakiramdam ko tuloy nanghihina na naman ako. At konti nalang ay maiiyak na ko.
Ilang beses... Ilang beses na kung nagmamakaawa sa kanya para balikan nya ako. Pero ni-isa sa isang beses na yun, hindi man lang nagbago ang isipan nya.
Bahagya akong tinulak nito, "Will you stop this?! How many times I have to say that I won't come back to you anymore. Please Patrick. Stop this!"
Napatungo ako. Lahat na ginawa ko. Pero bakit parang kulang pa din?
Unti-unti akong lumuhod. Kung kanina matigas ako, ngayon tila nanlabot ang puso ko. Kailangan ko syang ibalik sa akin.
"Please. Just come back to me. Magbabago na ako."
"Please Aubrey. Please. Please." Unti-unting may tumulong luha sa mata ko.
"Please." Niyakap ko ang mga hita nya. Parang kanina lang galit ako sa kanya pero ngayon nagmamakaawa akong balikan nya. Sobrang mahal ko sya.
Unti-unti syang lumuhod at niyakap ako, "Ayoko na Patrick. Ayoko na. Ayokong pumasok sa isang relationship na iisa lang ang nagmamahal. At ikaw lang yun. I'm really being unfair pag pumayag pa ako sa kagustuhan mo. Stop doing things like this. Kahit anong gawin mo hindi na magbabago ang desisyon ko. I prefer to be just friends. I'm sorry if I put you on a game before. But please, don't let my wrong doing affects everything you're doing now -- A-And in the future." Umiyak ako sa may dibdib nya habang nakayakap pa din sa kanya. Na-miss ko sya ng sobra.
-End of flashback-
"G*GO KA!!" Nagulat ako ng bigla akong sunggaban ng suntok ni Andrei sa may labi. Napahiga ako sa sahig sa sobrang lakas ng pagkakasuntok sa akin.
"WALANGYA KA!! ALAM MO BA KUNG ANONG PINAGSASABI MO?!! G*GO KA AH!!" Akmang susugod itong muli sa akin pero napigilan sya nila Brandon.
"Andrei ano ba!" Pilit na pagpipigil nito.
"BITAWAN NYO KO!! IKAW PA BA ANG CALVIX NA KILALA KO?! ANG LAKI NA NG PINAGBAGO MO!! SINO KA PARA SAKTAN SI JANELLE?!! ALAM MO BA NA DAHIL SAYO KUNG BAKIT UMALIS NG BANSA YUNG TAO?!! TAPOS NGAYON KUNG MAGBITAW KA NG MGA SALITA PARA NI-MINSAN HINDI SYA NAGING MAHALAGA SAYO!!" Galit nitong sabi na hawak-hawak pa din nina Bradon.
Tumayo ako at pinunasan ang dugo sa labi ko, "Hindi naman talaga sya naging mahalaga para sa akin."
*BOGSH*
"G*GO KA!! PAPATAYIN KITA!! HAYOP KA!!"
*BOGSH*
"ANDREI!!!"
"BRO! TAMA NA!"
*BOGSH*
"ANDREI! TAMA NA!" *BOGSH*
Napatigil si Andrei sa pagsuntok sa akin ng suntukin sya ni Brandon, "Walang patutunguhan ang galit mo! Oo, kaibigan din natin si Janelle. Pero bro, mas matagal ang pinagsamahan nyo ni Calvix! Bakit ka nagkakaganyan?!"
Tumayo ito at tumingin sa akin, "I'm done being your friend. I can't stand you anymore." Pagkatapos non ay padabog syang lumabas ng tambayan.
"Andrei! Wait!" Sinundan sya papalabas nina Gio, Juztine at Bryan.
Tinapik ako sa likod ni Seth, "He has feelings for Janelle bro. You should've been think lahat ng mga sinabi mo kanina lang. Dapat nga hindi sya pupunta dito sa tambayan dahil nga galit sya sa biglaang pag-alis ni Janelle. Pinilit nga lang sya ni Dylan at ni Clarence. Sana di mo na dinagdagan pa."
"Ngayon ko lang nakitang nagalit ng ganyan si Andrei..." Napatingin kami kay Troy na nagsalita, "Tanda nyo ba ang motto nyang si Andrei? Friendship is more than important to a girl he loves. Kaya nga wala syang pakielam kahit na medyo nagkaroon kayo ng fling ni Lyka di ba? At sa alam nating lahat -- Sya ang babaeng medyo sineryoso ni Andrei. Pero, ni-minsan, hindi nagbago ang pakikitungo nya sayo noon. Pero bakit ngayon? Seems like he's done with everything between you and him."
Napa-upo ako sa sofa at nilagay ang dalawang kamay sa mukha ko. Pati ba naman kaibigan ko mawawala sa akin? At si Andrei pa na doble ang halaga sa kin?
Andrei's POV
"Bro! Saglit lang!" Paghahabol sa akin nina Gio, Bryan at Juztine.
"Andrei!" Sigaw pa nila sa akin.
Hinigit nito ang kamay ko, "Andrei, wala namang ganyanan. Wala namang iwanan." Sabi sa akin ni Gio.
Tinabig ko ito, "Walang may mang-iiwan kung walang nagbabago." Sabi ko at naglakad ng papalayo sa kanila.
Ilang beses pa nilang tinawag ang pangngalan ko. But I didn't even glanced them back. Saktan na nya ang lahat ng babae wag lang si Janelle.
Hindi lang sya basta-basta babae para sa akin...
Sya lang ang babaeng nagparamdam sa akin ng ganto...
At nagkamali ako na hayaan syang mahulog sa iba --
Sa kaibigan kong walang alam sa pag-ibig kundi laro.
I should've confessed.
Now that she's hurting --
I want to be her side.
And you jerk Calvix -- I won't let you off.
- - - - - - - - - - - - - -
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro