Chapter 1
Chapter 1: Prison Cell
"What are your silliest and evilest thoughts in your life, Kyohei?"
He arched his brows, sighed, and leaned his head on the trunk of the huge tree behind us. "Never tried to think of silly things."
"How about evilest?"
"Sometimes I wanted to punch a relative's face."
My eyes widened, "Really?"
"How about you, Ripley?"
"I wish to burn a whole wet market down."
"Abandoned market? Why?"
"No, kasama ang lahat ng tao."
"What? English."
I laughed and shook my head. "That's bad. Hindi ko na siya gustong gawin ngayon."
The bell rang and that meant that the class had ended. I quickly gathered all my things on my table, my accounting notebook, my thick accounting books, the columnar notebook, the G-tech pen that I cherished too much since it was too expensive for my baon, and my calculator that my parents bought when they sold my grandmother's land.
I smiled faintly as I put my old calculator inside my bag. Mahal na mahal ko iyon dahil tuwang-tuwa pa ang mga magulang ko nang ibigay nila sa akin ang calculator. Kahit medyo luma na ito ngayon ay hindi ko ito pinapalitan, bukod sa wala naman akong pampalit, iyon na lang siguro ang itinuturi kong pamana ni lola. My mother's relatives sold my grandmother's land because of poverty— and with my mom's pure heart, calculator lang ang nabili ni Mama sa parte niya sa lupa.
Uso naman iyon sa hatian ng lupa sa bawat pamilya, madalas hindi na pantay. At iyon ang hinahangaan ko kay Mama, hindi siya nakipag-agawan, sa halip ay nagpaubaya siya.
Nang mapansin ko na nauna nang lumabas iyong tatlong ka-grupo ko ay lakad takbo na ako para habulin sila. Kaklase ko sila sa isang subject kahapon at may groupings kami.
"Wait lang, Sonya!"
Halos madapa pa ako sa pagtakbo habang yakap iyong book ko para maagaw ang atensyon nila. Agad sinipat ni Jasmin iyong relo niya.
Hindi ba at thirty minutes pa naman bago ang class nila?
"Puwede kaya na hindi na lang ako sumama sa overnight mamaya? Pero mag-online na lang ako para makatulong ako sa groupings natin," tanong ko kay Sonya.
I saw how they eyed each other. I knew how they were getting impatient with my excuses, but I'd been trying to help them online. Hindi ko lang talaga kaya na laging sumama sa kanila dahil wala akong vacant time dahil duty pa ako sa Guidance Office as a student assistant.
Tumango na lang si Sonya at tumalikod. Tipid na ngumiti sa akin si Bella at agad na rin tumalikod si Jasmin. Hinabol ko ulit sila. "Sorry, ha? Mag-online talaga ako mamaya."
Tumango ulit sila bago na ako nagpaalam at muling tumakbo patungo sa Guidance Office. Ayaw pa naman ng staff roon na late ako.
Dahil third floor pa ang Guidance Office sa sumunod na building, hirap na hirap pa akong umakyat sa hagdan, hindi na rin naman ako nakipagsiksikan sa mga estudyante doon sa elevator.
Nang sandaling makarating na ako sa third floor, halos manlabo na ang mga mata ko sa init sa pagtakbo pagkatapos ay biglang paglamig dahil sa aircon. Ibinaba ko na ang gamit ko at handa na sana akong umupo sa upuan ko para huminga lang nang kaunti nang marinig ko ang pagtawag ng Office Staff ng Guidance Office.
"Ripley, kindly send these files to these offices. Napirmahan na ito ni Sir. Mendoza."
"Sige po."
Natuyo na nang kanya ang pawis ko at hindi ko na iyon napunasan. Kinuha ko na iyong napakaraming dokumento sa table ni Miss Sinuhin. Minsan napapaisip ako na ang suwerte ni Miss Sinuhin, hindi na kailangan mag-aral, mag-duty, walang may nagagalit na ka-groupmate sa kanya, at may mabait siyang boss. Parang ang sarap ng buhay na habang nagta-trabaho ay uutos na lang habang kumakain ng Piattos at Nova.
Sinimulan ko na iyong isulat sa logbook. Sa dami ng mga dokumento na ibinigay niya sa akin, mukhang iikutin ko ang buong campus.
"Paki-out iyan agad, ha? Importante iyan."
"Yes po!"
Pagkatapos kong isulat lahat ng mga dokumento ay lumabas na agad ako ng office. It took me almost forty-five minutes to walk around the whole campus, sending important files to different offices. Kaya nang bumalik ako sa office ay nakapamaywang na si Miss Sinuhin.
"Saan ka pa nagpunta? Bakit ang tagal mo? Dapat ang duty, duty lang, Ripley. Walang tao dito."
Gusto kong sabihin na hindi ko naman kayang dalhin lahat ng mga dokumento na iyon nang mabilis dahil ang layo naman ng office sa isa't isa at sobrang dami niyon.
"Sorry po, ang dami po kasi—"
"Si Mark naman ay mabilis nakakabalik."
"Sorry po. Mas bibilisan ko na lang sa susunod po."
"Ito, out mo 'to. Kailangan na rin iyan. Tatlo lang iyan, ha?"
Tumango na lang ako at nagmadali na ako magsulat sa logbook. At isa lang ang napansin ko, tatlong letter nga lang iyon pero magkakalayo talaga. "Sige po. Out lang po ako ng documents."
This was part of my job. Wala akong karapatang magreklamo. I should be grateful because a lot of students want to study at this famous school. Though this wasn't my dream school but my father's, I still tried my best to pass the entrance exam. This school gave me a scholarship— and this was it, to serve them while I study.
Malalaki ang hakbang ko kahit pagod na pagod na ako dahil kanina pa akong lakad-takbo at ang paulit-ulit na pagbabad sa araw at pasok sa lugar na may aircon ay mas nakakahilo sa akin.
Habang naglalakad ako may nakakasalubong akong mga estudyante, minsan hindi ko rin naiiwasan na mainggit sa kanila. Dahil mabuti pa sila pag-aaral na lang ang iisipin, tapos ang ilan pa sa kanila ibabagsak pa ang subject.
Napabuntonghininga na lang ako.
Nang madala ko na iyong mga letter sa tatlong office, malawak na ang ngiti ko nang nakaupo na ako pagbalik ko. Pupunasan ko na sana ang pawis ko nang tumawag na naman si Miss Sinuhin. May panibagong pirmang dokumento na naman na kailangan ko papirmahan sa ibang offices, at anim iyon mula sa magkakalayong offices.
"Out mo na agad, iyong next na duty sa 'yo ay sa umaga pa."
Tumango na lang ako. Kahit nangangatal na iyong tuhod ko at sobrang sakit na ng ulo ko nagsulat pa rin ako sa logbook at lumabas ako sa init. Ilang beses pa akong napatingin sa relo ko dahil malapit nang matapos ang oras ng duty ko.
Three minutes na lang bago matapos ang duty ko, inutusan niya pa akong hanapin ang isang file sa metal cabinet. I was three minutes late when she noticed that I was out of duty na.
"Sige na, may klase ka pa ba? May le-late ka pa."
"Thank you po."
Tumakbo na ako palabas ng office at nagpunta pa ako sa next building sa next class ko. I was late, and thankful that my professor was considerate enough to let me join the class.
Halos wala na akong maintindihan sa klase dahil sa sakit ng ulo ko. Ito na ang huli kong klase pero pagod na pagod na ako. Pinilit ko na lang makinig sa klase at magsulat ng notes kahit wala nang pumapasok sa isip ko.
Hindi lang sa duty, sa klase, at maging ang biyahe sa pag-uwi. Kailangan ko pang makipagsiksikan at tulakan sa napakaraming tao para lang makaupo sa jeep.
It took me forty minutes to arrive home. Pag-uwi ko, wala pa sina Mama't Papa na abala pa rin sa kanilang mga trabaho. Iyong bunso ko lang na kapatid na Grade 11 na si Rione at ang sumunod sa kanya na Grade 12 na si Riobel ang naroon kapwa sila nakaupo sa sahig habang gumagawa ng kanilang mga requirements sa maliit na lamesa.
"Ate Ripley, gagabihin daw si Mama dahil may event daw iyong mga alagang bata niya sa school."
"Okay. Si Papa?"
"Hindi ko lang alam. Dapat ay kanina pang 3 ay narito na siya."
Agad akong nagbihis, mabilis kong ibinabad ang uniform ko dahil dalawa lang naman iyon at halinhinan kong isinusuot. Nagtungo na ako sa kusina para magsimulang magluto.
Kapwa nagtatrabaho ang mga magulang ko. Si Mama ay nag-aalaga ng mga bata ng mayaman naming kapitbahay at naglalabada, habang si Papa naman ay mekaniko sa isang talyer. Habang si Ate Reina naman ay tumigil sa kanyang second year sa college dahil gusto na rin niyang tumulong kina Mama't Papa, kaya ngayon ay saleslady siya ng isang mall. Sinabi nila sa akin na gusto ko na rin tumigil muna para tumulong ngunit sabi nina Mama't Papa at maging ni Ate Reina na dapat akong mag-aral nang mabuti at makatapos dahil sayang ang talino. Nakikita nila ang magandang kinabukasan sa akin. Handa naman daw silang pagtulung-tulungan kami nina Raiza, Rione at Riobel.
Everyone has a different take when it comes to responsibilities and giving back to a family. May mga nababasa ako na hindi utang na loob ng anak sa magulang ang pagpapalaki nila sa kanila— because parents should have children not because they needed investment, they should have children because they wanted to feel and cherish the experience of loving and raising a kid— to be a mother and father giving their love. To have children because they wanted to love them—at hindi dahil sa benepisyong dulot ng mga ito sa kanila pagdating ng panahon.
And I am so glad that my parents were not like those parents, kahit pagod na pagod na sina Mama't Papa, kailanman ay hindi nila ipinamukha sa amin na utang na loob namin ang lahat ng ginagawa nila sa aming limang magkakapatid. They loved us— and they're willing to sacrifice everything for us.
Kaya lagi kong sinasabi sa isip ko na nahihirapan man ako mag-aral at tila may galit sa akin si Miss Sinuhin pero kaya kong tiisiin ang lahat. Handang magsakripisyo ng mga magulang ko, at ng ate ko para suportahan ako. Mapapagod siguro ako, maiiyak at minsan ay panghihinaan ng loob ngunit hinding-hindi ako susuko.
Kaya hindi man nila sabihin sa akin, ipinapangako ko na ibibigay ko sa kanila ang lahat sa sandaling makatapos ako at magkaroon ng magandang trabaho.
Habang nagluluto ako ay binuksan ko na iyong phone ko at ipinatong ko sa lamesa. Dahil mahina ang signal ng data sa bahay, hindi ko agad matanggap ang message, kaya kinakabahan ako dahil nasisiguro ko na pag-iinitan na naman ako ni Sonya.
"Rione? Puwede ka ba bumili ng yelo? Padating na si Ate Reina, nakakaawa naman si ate na pagod sa trabaho ay hindi man lang makakainom nang malamig na tubig. Sobrang init ng biyahe niya."
"Hmmp! Bibili naman ako kahit hindi ganyan kahaba ang sasabihin mo," birong sabi niya.
"Baka kasi nakakaabala ako." Bukod sa akin ay sobrang sipag din nina Rione at Riobel na mag-aral. Habang si Raiza naman ay scholar din ng university nila dahil player siya ng volleyball.
Lalabas na si Rione ng bahay nang makasalubong ni si Raiza na pawis na pawis.
"Kakainis, may babayaran kami bukas. May pera kaya sina Mama't Papa?" naupo na siya sa mga lamesa.
"Hindi ko lang alam..."
Hindi rin nagtagal si Rione ay bumalik na siyang may dalang yelo. Binasag ko na iyon at nilagay sa pitsel. Matapos kong magprito ng isda at maluto ang sinaing ay naghanda na ako. Eksaktong dumating si Ate Reina. Ako mismo ang naglagay ng tubig sa baso niya nang maupo na siya sa lamesa.
"Okay ka lang, Ate?" tanong ko.
"Oo naman, Ripley. Ikaw?"
Ngumiti ako. "Oo naman!"
Hindi muna ako kumain at binuksan ko ang phone ko para makita kung may chat na sa GC. At natigilan ako na mentioned na ang name ko at may chat pa nan aka-all caps na iyong pangalan ko. Galit na si Sonya.
I was about to reply and tell her that I'd send the file tonight when my mother entered our house. She was crying.
"Ang tatay ninyo! Dinampot ng pulis!"
"A-Ano?!"
Hindi na namin pinansin ang hapunan. Agad na kaming nagtungo sa presinto. Naroon na ang ilan naming kamag-anak na galit nag alit sa mga pulis, ngunit ang mga paa ko ay naroon sa matandang lalaki na nakalugmok na sa sahig ng presinto.
Bugbog sarado at putok na putok ang mukha, may dugo pa sa labi, kilay at namamaga ang buong katawan.
"Papa! Anong nangyari?!"
Marahas akong napalingon sa babaeng kausap ngayon ng mga pulis. Umirap pa siya sa akin na tila may nagawa akong masama.
"Papa!"
Hindi gumalaw si Papa pero umiiyak siya sa harapan ko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at umiyak na rin ako. "May ginawa ka bang masama?"
"S-Sabi ko lang naman, anak, hindi niya ako sinuklian ng isang libo ko. Bumili ako ng isda, sabi niya nasuklian niya na ako. Sabi ko hindi pa. Iyon na lang ang pera ko, hindi ako magkakamali, baon ninyo pa iyon... ipinabugbog niya ako sa mga tao dahil mandaraya daw ako."
Marahas na akong tumayo at sumigaw ako sa harapan ng babae habang dinuduro ko ang babae at humahagulhol. "Hindi mandaraya ang Papa ko! Sana inangkin mo na lang ang sukli, Ate! Ipinabugbog at ipinakulong mo pa ang Papa ko! Ganito na lang ba dito? Dahil mahirap kami? Wala kaming boses!"
Nagawa man makalabas ni Papa ng araw na iyon, ilang araw din ang lumipas ay itinake siya sa puso.
All I wanted to hear from my father was his I love you, but the last words that broke my heart before his heart attack were his, sorry. "Patawad, anak, mahirap lang si Papa."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro