Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Thirty-Five

NARINIG NI LILY ANG PAG-USOG NG UPUAN NI PAULA.

She checked the clock on her computer's monitor— 3 PM.

Nang tumanaw, nakita niyang paalis na sila Jared at Paula. Magkausap pa rin ang dalawa.

Mabilis siyang tumayo. "Coffee?"

Napalingon sila Jared sa kanya. Her heart crushed with the way the two of them looked at her. Pakiramdam niya, panira lang siya sa paglalapit ng dalawa. They seemed to be getting along pretty well these days. They even established a new bonding habit— having coffee at 3 PM.

Sumulyap si Jared kay Paula, nagtatanong ng permiso ang mga mata.

Nahihiyang napaiwas ng tingin si Paula rito bago nilipat ang tingin kay Lily. "Sure."

Dapat masaya siya dahil pumayag itong sumama siya. Pero hindi. Parang lalo lang siyang nahirapang huminga. Pinigilan niyang ipahalata sa mga ito ang panic. Nagbubuhol-buhol na ang kanyang isip kung paano aakto kasama ang mga ito. She picked up her lovely purse and joined them.

"Starbucks? Let's go?" patiuna ni Lily sa mga ito para hindi makahalata, lalo na si Paula, na gusto niyang matyagan ang dalawa.

Nauna siya sa mga ito ng ilang hakbang, pero alerto siya. Baka mamaya, matakasan pa siya ng mga ito nang wala siyang kamalay-malay. She could hear their low voices talking, but could not make out a single word.

They got inside the elevator. Doon lang hindi nag-imikan ang dalawa. Sinadya yata 'yon ng mga ito dahil mas maririnig niya ang boses ng mga ito kapag sa elevator nag-usap.

Sa totoo lang, nangangati na siyang makisali sa dalawa. She wanted to give a piece of her mind. Especially, Jared. Gusto niyang malaman kung ano ba ang pinag-uusapan ng mga ito at hindi matapos-tapos.

Lily took in a deep breath. But if I do that, they will think that I'm such a desperate. Baka pagdudahan pa nila kung bakit nakikialam ako sa pinag-uusapan nila. Her lips tightened. Ano ba ang sinabi ni Jared kanina? Na hayaan ko na lang siyang gawin kung ano ang trabaho niya, 'di ba?

Then her face saddened. It was more visible in her round eyes.

Pero bakit gan'on? Bakit pagdating dito, parang hindi naman totoo 'yong mga sinabi ni Jared na may tiwala siya sa akin? Na makikinig siya sa boses ko?

She took in a deep breath, just time when the elevator doors opened. Nagtaas-noo siya at binalik ang kumpiyansa sa kanyang mga titig at sa paglakad.

I'll just keep a straight face. I'll figure things out soon.

"Lily?"

Hindi niya nilingon si Jared. Kahit pa alam niyang naglalakad na ito sa kanyang tabi.

"Lily—"

"Yes, Mr. Guillermo?" malamig niyang responde rito.

"It'll be just the two of us now."

"What do you mean—" she wildly turned and stopped mid-sentence after checking on her back.

Wala na sa paligid si Paula. Hindi niya rin yata napansing hindi ito lumabas ng elevator.

"Si Paula?" salubong ang mga kilay na balik niya ng tingin kay Jared. "Hindi man lang nagpaalam sa akin?"

"Biglang nagtext sa kanya si Miss Jackie. Pinabalik siya sa HR Department," paliwanag nito. "So," he returned his eyes at the front, "I guess it's only you and me now."

Napaingos siya. "Hmph. This displeases me, subby. Humanda ka sa akin this weekend. Paparusahan talaga kita."

Jared lowered his head and wore a gentle smile on his lips.

"Alam kong naglilihim ka sa akin. Siguro, dahil alam mong kokontra ako," liko niya sa pasilyo at sabay nilang nilagpasan ang receptionist area.

"If you already know that I'm keeping something, can you please, just let it be? Hintayin mo na lang na ako mismo ang magkwento sa'yo ng lahat-lahat," malumanay nitong saad.

Napatingin tuloy siya rito. Iba rin talaga itong lalaking ito!

"You're claiming that I can be trusted. Pero pinaglilihiman mo ako."

Tumingin lang ito sa malayo. "Sometimes, you can't tell the truth in one go."

Tumigil ang lahat nang marinig iyon ni Lily.

Hintayin mo na lang na ako mismo ang magkwento sa'yo ng lahat-lahat.

Sometimes, you can't tell the truth in one go.

All of a sudden, she felt terrible. Kahit payapa ang kanyang mukha, may pagtatalo ang kanyang puso't isipan na pilit tinatago ng kanyang mga mata.

Paano kung hindi ako magkaroon ng lakas ng loob sabihin sa'yo ang totoo, Jared? Kung bakit kita iniwan noon? Mahihintay mo rin ba ako? Darating pa ba ang araw na ako mismo ang makakapagkwento sa'yo ng lahat-lahat? Her smile was faint. What if, I don't want to tell the truth anymore?

"Ano ba ang ka-secret-secret sa dahilang si Paula ang ipapalit kay Miss Jackie kaya pinababantayan siya ni Kuya Basil sa'yo?" huma niya para pagtakpang napaisip siya sa tinuran ng binata.

Muntik nang matawa ang lalaki. "Iyan ang sinabi ni Basil sa'yo?"

Naningkit ang mga mata niya. "Are you saying that my brother lied to me?"

"Lily, let me remind you, Basil doesn't trust you. Mas nauna ka pang malaman iyon kaysa sa akin." Patuloy pa rin sila sa paglalakad. "Sinabi lang niya 'yan siguro sa'yo para umalis ka na sa office niya."

He had a point. Why would Basil tell her the truth rightaway? Hinayaan na naman niyang ma-bully siya ng mga kapatid. O marahil, nagpadala siya masyado sa emosyon. Sinunggab na lang niya ang dinahilan ng kapatid para makapaghanap agad ng pagkakataong makompronta si Jared tungkol doon.

"Masama pa rin talaga ang loob ko. Masamang-masama." Iyon na lang ang nasabi niya.

"Ibunton mo ang lahat ng iyan sa akin sa The Org," suyo nito.

Nagulat siya nang gagapin ni Jared ang isa niyang kamay.

Mabilis niyang binawi iyon. "Subby, who told you to just hold my hand without my permission? Are you forgetting your manners?"

Huminto ito sa paglakad kaya napahinto na rin siya. Nagharap silang dalawa.

She melted at Jared's pleading eyes.

"Can I hold your hand, Miss Lily Celeste Marlon?"

"Are you not afraid someone from Variant will see us holding hands?"

"Thank you for helping me double check what I want and don't want," lapad ng ngiti nito bago dinampot ang kaliwa niyang kamay. "But I am very sure that I want to hold your hand." His voice lowered as he eyed on his hand touching hers.

Jared was gently massaging the top of her hand with his thumb. And Lily has never felt this way with just a holding hands— an ineffable magic. It felt so warm and caring. Jared looked at their hands as if he was melting at the very sight of it.

Huwag kang ngumiti, Lily. Mahahalata ka nito na kinikilig ka.

She managed to not smile, pero halatang-halata na nagpipigil siya ng ngiti. Lily allowed her fingers to slip at the gaps of Jared's fingers.

"What coffee do you want, subby?" hila niya rito at malapit na sila sa Starbucks'. "Your regular Amerikano or..."

"Something new. Something milder," sagot nito. Saktong nasa tapat na sila ng pinto ng café.

"Do you want to open the door for me, subby?" bitaw niya sa kamay nito.

"Yes, Ma'am," masaya nitong ngiti bago siya pinagbuksan ng pinto.

.

.

JARED AND LILY WERE ALREADY HAVING COFFEE. Nagnakaw si Jared ng sulyap sa dalaga. Nahuli niyang nakatanaw lang ito sa labas ng katabing glass wall. Nakapatong ang mga siko ni Lily sa mesa, hawak ng dalawang kamay ang cup ng frappe nitong nakalapit ng kaunti sa mga labi ang straw.

He studied her profile— her round brown eyes looked pensive, slightly narrowed by the soft afternoon sunlight that touched a portion of her face. The sides of her blonde-dyed hair were neatly pulled back by a clip. Maluwag na nakabagsak ang bandang ilalim at likuran ng buhok nito. She wore a puffed-sleeved blouse in chic pink with a sweetheart neckline. A crop top that decently exposed a little bit of her abdominal skin paired with a stretchable high-waist pants in white.

"May I know what you're thinking of?" basag niya sa katahimikang namagitan sa kanila.

She heard him, but remained silent.

"I'm sorry for asking. I'm just getting worried. Hindi ako sanay na tahimik ka."

"Kanina kasi habang umo-order ka," paliwanag nito, nasa labas pa rin ang tingin, "may tumawag sa akin."

"Kailangan mo na bang bumalik sa office?" aniya bago sumimsim ng kaunting mocha.

"Not office-related," Lily sighed. "It's Beta."

Beta, her bestfriend. Kung si Beta ang tumawag kay Lily? Bakit ganito ang hitsura ng dalaga?

"What did she say?" yuko niya saglit para ibaba ang cup. I want to know what makes you look like that... sad... quiet... worried.

Mabigat ang pagbuntong-hininga nito. "Tinatanong niya ako kung available ba ako this Sunday. Bibisita raw sila ni Walter kina..." Napailing ito. Nasapo ang noo.

He just remained quiet. Nangako siya sa dalaga na laging papakinggan kung ano ang gusto nitong sabihin. Kaya, hindi siya sisingit o pipilitin itong magsalita pa. Maghihintay siya kung kailan nito gustong ituloy ang sasabihin.

O kung may balak pa itong sabihin sa kanya ang hindi masabi...

"Tell me, matagal na bang magkakilala 'yang si Beta at Nena?" nagpupuyos nitong harap sa kanya sabay baba ng cup sa mesa.

Flames flared back in her eyes. She looked more alive yet defiant.

"Matagal nang mag-best friend sila Walter at Clint kaya malamang, matagal-tagal na rin silang magkakilala," mahinahon niyang paliwanag. Hinding-hindi niya sasabayan ang galit ng babae.

"Nakakainis na babae 'yon."

Hindi siya tuod. Nung nagkita pa lang sila sa bahay niya, nahalata na ni Jared na may disgusto si Lily kina Clint at Nena.

"Bakit naman? She's actually sweet," his smile was encouraging.

"Sweet?" Then, Lily scoffed. Tumuwid ito sa pagkakaupo. "Yeah, sure. Don't be fooled by that innocent face of hers, Jared."

"Why? What is about her that I need to know?"

"Nah. You'll just think it's petty."

Katahimikan.

She winced.

"Hindi rin pala exciting kapag hindi mo ako pwedeng pilitin." After murmuring that, she finally gave in. "Nena and I used to be friends. And she left me. She left me just like that."

"What do mean left?"

"Gusto niyang takasan 'yong arranged marriage na 'yon kaya naglayas siya sa kanila." Iwas ulit nito ng tingin. Nasa tanawin ng kalsada sa labas ng Starbucks' yata ang memories nila kaya doon tumitingin si Lily. "Since then, never na siyang nagparamdam sa akin."

"Bakit hindi na raw siya nagparamdam sa'yo?"

"Oh, the typical alibi, Jared," balik ng mga mata nito sa kanya. "Para raw iyon sa ikabubuti ko." She toyed with the straw. Inikot-ikot iyon ni Lily sa loob ng cup nito. "As if I don't know naman na napipilitan lang siyang maging kaibigan ko noon."

"Napipilitan?"

"Yeah," her voice turned faint, somewhat tired. "Pili-pili lang ang mga friends ni Nena. Kung ayaw sa'yo ng parents ni Nena, never kang makakalapit sa kanya. Never mo siya magiging kaibigan. I really treated her like a friend back then. I even thought, she already treats me as a friend. But I have to wake up to reality. Na napilitan lang siyang maging kaibigan ko."

"Sinabi ba 'yon ni Nena? Na napilitan lang siya?"

Inirapan siya ng dalaga. "Parang pinapahiwatig mo yata na ako lang ang nag-iisip na napilitan siya."

"What? I'm just asking," alanganin niyang ngiti kay Lily. "Kasi kung sinabi niya sa'yo, ang tindi naman niya. Harap-harapan ka niyang sinaktan."

Tama ang bintang sa kanya ni Lily, pero inaasahan na niya ang ganoong reaksyon ng dalaga. Kaya nakapaghanda na rin ng idadahilan si Jared dito.

"Of course, she didn't say it to my face," napasipsip ito ng kaunting frappe. She smacked her lips to dry off the liquid. "As if she could." Then she suddenly asked out of the blue. "What do you think of our situation, Jared?"

"Para sa akin, may dahilan ang isang tao kaya nakakagawa siya ng isang bagay na posibleng makasakit sa atin. There's a reason why people leave us," he stared meaningfully into her eyes. "There's also a reason why they come back into our lives. Everytime this situation happens to me, iniisip ko ang kwento ng Prodigal Son."

Napalitan ng pagtataka ang mukha nito. Lumamlam ang interesadong mga mata ni Lily.

"Prodigal Son?"

He gently nodded. Uminom siya ng kaunti bago nagpatuloy. "It's from the New Testament Bible. Naglayas ang salaulang anak. At nung bumalik siya, paano siya tinanggap ng kanyang ama?"

Mukhang alam ni Lily ang kwento. Tama kasi ang sinagot nito.

"They had a celebration."

"Yes," Jared smiled softly, pleased at how Lily looked when realization dawned on her.

She seemed to glow in a different light. In a much beautiful light.

"So, does this mean, dapat pa akong matuwa na bumalik si Nena sa buhay ko?"

"Remember, you left me. But when I got back to my senses, I decided to just allow you back in my life. Because you wanted to be back in my life, I'll allow you then."

The sunlight reflected the soft glisten in her misty eyes.

"Why would you do that? And why should I also do the same with Nena?"

"I have my own reasons, Lily. Pwede mo pa rin pag-isipan kung bakit mo gugustuhin ang pagbabalik ni Nena sa buhay mo."

"Just tell me. Inuutusan kita ngayon, subby," salubong ng mga kilay nito.

Her eagerness at things that she wanted so much— so unparalleled.

Napangiti tuloy siya. "Si Prodigal Son, hindi siya naging mabuting tao. Naglayas siya na masama pa rin ang ugali. Pero nung bumalik siya sa pamilya niya, mabuting tao na siya."

"So what about it?"

"For me, I just thought, maybe, you left me because you're at your worst. And this time, maybe, you came back into my life because you're determined to learn to become a better person."

Nasa salaming pader na naman ang tingin nito. Taas-noo.

"Ikaw talaga, Jared. You're such an old school. Masyado kang hopeless romantic at nagpapaniwala na all things are bright and beautiful in this messy, messed up world."

"Ano ang hopeless romantic sa mga sinabi ko?" he began to sound defensive. This time, he failed to realize that he was having a genuine reaction. Genuine compared to the measured reactions he express when conducting talk therapies.

Umingos ang babae. "It's Friday. Dapat, sabay tayong umuwi, Jared. Kung hindi, sasama ako sa inyo ni Paula kapag nagmeeting-meeting na naman kayo."

She dodged him again. Lily really has this habit of just escaping when things become unfavorable for her.

"You can come."

Pinandilatan siya nito ng mga mata. Her shock was immediately replaced with a teasing underlook and a smirk.

Oh, no. Bumerde na naman yata ang utak ng Lily na 'to.

"Really? I can..." the toe of her pink high heels gave his lower leg a gentle stroke against his pants' fabric, "...cum?"

"Why ask for my approval? You can cum anytime you want. You're not the subby, right?"

"I'm just teasing!" she blurted before becoming serious. "I really need a lot of getting used to with being your Domme. I can't believe it's so hard when I've got a subby like you."

Tumaas lang ang sulok ng kanyang labi. He took a sip.

"Why? What kind of a subby am I, Ma'am?" his tone is playful and light this time.

"You're too perfect! How can I punish a sub like that?"

Natatawang napatitig lang siya rito. Pabirong inurapan siya ni Lily. Halata dahil nagpipigil ito ng ngiti. She looked so cute with that look.

In the short silence that grew between them, Jared was already expecting to get the result he wants in three... two...

"By the way, bibisitahin daw nila Beta sila Nena," kwento na rin ni Lily sa wakas sa kanina pa niya gustong malaman— iyon ay kung ano ang gumugulo talaga sa isip ng dalaga. "Nakwento ako ni Nena kay Beta, and Beta thinks it's cool for the three of us to be there, as if we're the Powerpuff Girls or something." She cringed before sipping a bit from her drink. "Tuwang-tuwa si Beta kasi magkakilala raw kami ni Nena. We should have a little bonding daw. Tapos kayo rin daw tatlo nila Walter at Clint." Napailing na ito. "And she went on and on throughout the call that this will make the six of us the dream team or something lalo na kapag nagkatuluyan raw tayo—"

And Lily rambled on and on. Lily found the whole thing corny— 'yong magkakaibigan na may karelasyong mga magkakaibigan din. That trope that within a circle of friends, each of them fell in love with one another. Dinaig pa raw ang T.G.I.S, Gimik, F.L.A.M.E.S at Tabing-Ilog.

Pinakinggan lang niya si Lily. Pinipigilan niya ang matawa kaya ang lapad-lapad ng ngiti sa kanyang mga labi. Ewan kung bakit natutuwa siya sa pagra-rant ng babae tungkol sa kakornihan ng mga pinagsasasabi raw ni Beta rito.

All Jared knew was that he was sitting right across Lily on table, listening to what her wonderful mind has to say. Finding her witty and funny in the midst of her biting reality-checks.

Damn, he wanted her to fuck him already.

Nag-ring bigla ang cellphone niya. Dismayadong tumigil tuloy si Lily sa paglilitanya nito.

"Who's that? At 2021 na. Bakit ang lakas pa rin ng ringtone mo kapag nakakareceive ng text?"

Jared checked the text message before glancing at her.

"Kailangan na nating bumalik sa Variant."

Sinamsam na niya ang cellphone at cup. Samantala, hindi pa rin natitinag sa kinauupuan nito ang babae.

"Bakit?"

"Nagtext si Paula," titig niya sa nakaabang na mga mata ni Lily. "Kailangan daw naming mag-usap."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro