CHAPTER 11
Move On
"WALA ka ba talagang balita tungkol kay Puppy Gaston?"
"I'm really wondering kung ilang beses kang inire ng nanay mo noon. Ang kulit-kulit mo. Sampung beses mo na akong tinanong niyan ngayong araw."
Napaungot ako. "Grabe ka naman! Pitong beses pa lang kaya, binilang ko. Bakit ba ang sungit mo ngayong payatot ka?"
Nagsalubong ang mga kilay ni Timothy. Halatang wala nga siya mood makipagsagutan sa akin. Ano na naman kaya ang nangyari?
"Aha! Alam ko na! Siguro nami-miss mo na si Zia, 'no? Kaso iniiwasan ka niya these days."
Bumuntonghininga siya. "Totoo bang nililigawan siya ng Patrick na 'yon?" tanong niya.
Napangisi ako. Masugid kasing manliligaw ni Zia si Patrick noon pa man. Ang malala ay mukhang pabor pa nga ang Papa ni BFF sa lalaking iyon. Kabababa nga lang ng lalaking iyon sa barko. Isa sila sa medyo umaangat na ang buhay rito sa lugar namin.
"Malamang. Baka nga magugulat ka na lang ipagkakasundo na ni Tito Rosendo si Zia ro'n. Bakit ba kasi hindi mo pa sabihin kay BFF ang tungkol sa pagkatao mo? Bakit hanggang ngayon nagpapanggap ka pa ring ordinaryong construction worker? Alam mo, mana sa 'yo ang kuya mo, e. Parang may sira na sa utak."
Sinamaan niya ako ng tingin.
"I want to be honest with her, but I can't find the best time to tell her. I'm afraid she'll get mad at me at iiwasan niya ako lalo."
"Ayan kasi may pagpanggap ka pang nalalaman."
"I didn't lie to her, I just didn't tell her. Magkaiba 'yon," giit niya.
Napamaang naman ako. Minsan hindi ko rin maintindihan ang logic nitong si Payatot, e. Pero in fairness naman sa kanya mukhang seryoso nga talaga siya kay BFF. Two years na silang magkarelasyon at lagi akong third wheel sa kanila. Paano ba naman kasi ako lagi ang ginagawang alibi ni Payatot para magkita sila ni Zia. Hindi kasi basta-bastang makaalis si Zia nang hindi ako kasama. Mas may tiwala pa yata ang mga magulang niya sa akin kaysa kanya na anak nila. Nakakaloka.
Ayaw kasi ng Papa ni Zia kay Timothy. Kaya ayon, lagi na lang akong gumagawa ng paraan para sa kanilang dalawa.
"Alam mo habang maaga pa ayusin mo na 'yan. Ikaw rin, baka maagaw ni Patrick si Zia sa 'yo," pananakot ko.
Napatiim ng bagang si Payatot. Natawa ako. Bakit kaya hindi man lang nagmana si Puppy Gaston dito sa kapatid niya? Ang loyal ni Payatot, nakaka-amaze!
"Can you set her a date with me—"
"Hep!" untag ko't itinaas ang aking kamay.
"Puwedeng bigyan mo muna ako ng break? Bad shot pa nga ako kay Tito Rosendo dahil sa pakikipagkunstaba ko sa 'yo last time. Nahuli tuloy kayo ni Zia na nagdi-date sa beach. Ikaw kasi! Pati tuloy ako parang masama na sa paningin ng mga magulang ni BFF. Isa pa, hindi ka pa ba nadadala? Nabugbog ka na nga ng tatay niya. Tingnan mo nga ang pagmumukha mo, para kang nakipaglaplapan sa kalabaw!" sermon ko sa kanya.
Kinita lang pala niya ako para humingi ng pabor. Akala ko naman may good news na siya tungkol kay Puppy Gaston. Umasa pa naman ako.
Nandito kasi kami sa dating restaurant na pinagdalhan sa amin ni Puppy Gaston noon. Nilibre ako ni Payatot. Bawat lugar na napuntahan namin ni Puppy noon ay may sentimental value sa akin kahit na nawala na lang siya bigla na parang bula. Tapos itong kapatid niya ayaw man lang akong bigyan ng clue. Sumegway nga ako minsan kay Tiyang Sol kung nando'n si Puppy sa mansyon nila sa Negros, pero wala raw. Ibig sabihin ay nasa Maynila o nasa labas ng bansa si Puppy.
Sinusuwerte rin itong si payatot. Kahit maraming complications pero yong love life niya nag-level up samantalang 'yong akin hindi pa nga nagsisimula, natapos na kaagad.
"Siya, sige na nga. Susubukan kong kausapin si Zia. Pero hindi ko maipapangako, ah? Ang sabi pa naman niya ay huwag muna kayong magkita. Hindi mo ba naiisip na nag-aalala rin sa 'yo ang BFF ko? Kung ayaw mong mapagalitan siya ng tatay niya, huwag ka muna masyadong makipagkita sa kanya," untag ko.
Nalaglag ang balikat ni Timothy.
"I just want to talk to her. Kailangan kasi ako ni Kuya sa Manila. Isa pa, tapos na ang construction ng dalawang condominium."
"Nagkausap na kayo ni Puppy? Kinumusta ba niya ako?"
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Nginisihan ako ni Payatot.
"Marinig mo lang talaga ang pangalan ni Kuya para ka nang nasa ibabaw ng cloud nine, ano?"
Sinimangutan ko siya.
"Kuya is busy. I'm sorry to disappoint you, he didn't ask nor mention anything about you," natatawang sabi niya.
Hinampas ko siya dahil hindi ako naniniwala. Parang inaasar lang ako ng payatot na 'to.
"Mag-move on ka na lang kasi," dagdag pa niya. Lalo akong napasimangot.
Bakit kaya wala man lang paramdam si Puppy sa akin? Never ko namang hinubad ang bigay niyang kuwintas. Tapos lagi ko pa siyang tini-text pero walang reply. Kapag tinatawagan ko naman ay laging nakapatay ang cellphone niya.
"Heh! Tigilan mo nga ako. Baka ikaw ang kailangang mag-move on kapag binreak ka ni Zia," banta ko. Napaayos naman siya ng upo.
"Huli na 'to, gawan mo ng paraan, please?" aniya.
Nagsusumamo ang mga mata niya kaya parang naawa naman ako. Kung hindi ko lang talaga siya bayaw na hilaw, hindi ko siya tutulungan.
"Sige na nga. Last na 'to, ah? Pero huwag kang umasa kasi depende pa rin kay Zia. Iti-text na lang kita."
Nagliwanag naman kaagad ang pagmumukha niya kaya napailing ako. Iba talaga ang tama nito.
"Pero totoo bang pupunta kang Maynila para tulungan ang kuya mo?"
Tumango naman siya. Napatingin tuloy ako sa cellphone kong wala namang ibang laman ang inbox kundi puro text ko kay Puppy.
"Oo. Huwag mo nang pangarapin na isasama kita," pambabara niya.
"Bakit? Sinabi ko ba? Saka bakit naman ako sasama e may practicum ako?"
"Mukha kasing gagawin mo ang lahat makita mo lang si Kuya, e. Ang tagal mo namang maka-move on sa kanya. Wala naman kayong relasyon pero feeling broken-hearted ka."
"Aba, required bang may relasyon para ma-broken-hearted?" asik ko.
"Hindi ka talaga nauubusan ng sagot, ano? Umuwi ka na nga. Baka hinahanap ka na ng nanay mo," aniya.
Aba, por que pumayag na akong tulungan siyang magkita sila ni Zia ay itataboy niya kaagad ako. Maduga rin itong payatot na 'to.
"Baka puwede akong mag-take out ng steak?" hirit ko.
"Hindi ka pa ba busog?" hindi makapaniwalang tugon niya.
"Siyempre, libre 'to. Kaya lubusin mo na. Hindi ba pupunta kang Maynila? Baka huling libre mo na 'to sa 'kin, e."
Napanganga siya sa sinabi ko.
...
NANG sumunod na mga araw ay panay ang text sa akin ni Payatot kung kailan ko raw sila pagkikitain ni Zia. Inip na inip siya dahil hindi sinasagot ni BFF ang mga text at tawag niya. Siyempre nayayamot ako dahil ako ang nahihirapan sa kanilang dalawa.
Alam kong ayaw ni Zia na makipagkita si Timothy sa kanya dahil natatakot siyang mahuli sila at mabugbog ulit si Payatot.
"Hoy, babae! Baka naman may balak kang sabihin sa nobyo mo? Halos tadtarin niya na itong cellphone ko sa text at tawag. Nakikibalita sa 'yo!" bulalas ko saka ibinalandra sa pagmumukha ni Zia cellphone ko.
Sa tuwing tumutunog kasi ang cellphone ko ay bumibilis ang tibok ng puso ko at nae-excite akong tingnan dahil akala ko si Puppy na pero naho-hopia ako palagi dahil si Payatot lang pala.
Bumuntonghininga lang si Zia saka ipinagpatuloy ang pag-aayos ng mga papel mga mukhang quizzes ng hawak niyang klase. Nagpa-practice teaching na kasi kami.
"Divina, please..."
"Hay naku. Galit ka pa ba dahil sa ginawa ko last time? Oo na, sorry na. Kasalanan ko rin partly iyong nangyari sa inyo ni Hugh. Kung hindi ako nakipagkuntsaba sa kanya, e 'di hindi ka sana niya dinala sa beach at binigyan ng singsing at nahuli ng Papa mo. Hindi sana siya nabugbog," untag ko.
Aba, saglit niya lang akong tinapunan ng tingin bago ipinagpatuloy ang ginagawa niya.
"Ayaw ko nang pag-usapan iyon, Divina. Pakiusap."
Napa-roll eyes ako habang kumakain ng fishball. Nauna kasing matapos ang klase niya kaya hinintay niya ako.
"So, ano'ng balak mo? Dededmahin mo lang siya, gano'n? Totoo bang nagpapaligaw ka na kay Patrick?" usisa ko.
Pero hindi niya ako sinagot. Ano kaya'ng problema ng babaeng ito? May balak ba siyang hiwalayan si Payatot?
"Kung tapos ka nang kainin 'yang fishball, tara uwi na tayo," yaya niya saka tumayo.
"Hep, hep! Nangako ka sa 'kin kanina na sasamahan mo akong bumili ng art materials sa National Bookstore, 'di ba? Daan muna tayo saglit sa mall bago umuwi," segway ko.
Tumango naman siya kaya natuwa ako. Nauna pa siyang naglakad. Pasimple ko namang pinadalhan ng text si Payatot na papunta kaming mall.
Dahil mainit ay sumakay na lang kami ng jeep kahit malapit lang. Mga five minutes lang ay nando'n na kami.
"Para po!" sigaw ko pagkarating namin sa tapat ng mall. Pinandilatan ako ni Zia. Napalakas kasi ang sigaw ko.
Pagkababa namin ay agad kaming dumiretso sa NBS. Bumili na rin si Zia ng ballpen saka isinabay iyon sa akin sa pagbabayad sa cashier. Mabuti na lang talaga at kailangan ko ng art materials para sa visual aid ko. Kakaunti lang ang pila kaya nakalabas kami agad. Hindi na rin kami nakapaglibot dahil humihirit si Zia na umuwi na, takot yatang mapagalitan na naman ng tatay niya.
Hindi nakapag-reply si Timothy sa text ko kanina, baka busy siya. Kaya hindi na ako gumawa ng paraan para magtagal kami sa mall.
Dumaan kami ng overpass para makatawid sa kabilang kalye. Doon kasi ang sakayan pauwi. Magkaangkla pa ang mga braso namin ni Zia habang naglalakad nang bigla na lang may humila sa kanya papunta sa gilid ng eskinita.
"Hugh?" gulat na bulalas ni BFF. Timothy Hugh kasi ang buong pangalan ni Payatot. Siya lang ang tumatawag ng gano'n sa kanya.
Napatigil ako, gano'n din si Zia na nanlalaki ang mga mata.
"Grabe, ang bilis! Sabi ko lang sa mall kami ni Zia Lynn, nasundan mo kami agad," patay-malisyang sabi ko.
"Hugh, ano'ng nangyari sa 'yo?"
Pero nagulat ako dahil may preskong mga sugat sa mukha ni Payatot. Ano kaya'ng nangyari sa kanya? Nakipagbasag-ulo ba siya sa mga tambay? Putok ang ibabang labi niya. Ang ilalim ng kanyang mata at pisngi ay kulay ube na. Tarantang sinipat siya ni BFF dahil meron din siyang sugat sa likod ng kanyang kamay.
"Sinong may gawa sa 'yo nito?" tarantang tanong ni Zia.
Nakatanga lang ako sa kanilang dalawa. Halatang miss na miss nila ang isa't isa. Ilang araw ba naman silang hindi nagkita.
"Totoo ba?" mariing tanong ni Payatot.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Totoo bang nagpapaligaw ka na sa Patrick na 'yon? Totoo bang sa kanya ka magpapakasal?"
Napasinghap ako't nagkatinginan kami ni BFF. Saan naman kaya napulot ni Payatot ang balitang 'yon?
"Ako ang naunang nagtanong, Hugh. Sino ang may gawa sa 'yo nito?"ani BFF sabay iwas ng tingin.
"Please, Hugh. Sabihin mo sa 'kin. May nambugbog ba sa 'yo?"
Huminga nang malalim si Timothy. Mabuti na lang talaga at wala pang dumadaang mga tao rito sa eskinita. Baka makikinood din sila kagaya ko.
"Wala akong pakialam kung ipabugbog man ako ng Papa mo nang paulit-ulit, Zia Lynn. Kahit patayin niya ako, hindi ako natatakot. Hindi kita bibigyan ng dahilan para isipin mong hindi kita ipinaglaban. Mahal na mahal kita. Handa akong harapin ang lahat."
First time kong marinig na magsalita nang gano'n kaseryoso si Payatot kaya tinablan ako ng awa sa kanilang dalawa. Ngayon ko lang napagtanto na mahirap din pala ang sitwasyon nilang dalawa. Parang forbidden love ang peg.
"Totoo bang magpapakasal ka kay Patrick?" muli tanong ni Payatot, mangiyak-ngiyak na siya.
Pero nagulat ako nang tumango si BFF sa tanong ni Payatot. Hindi makapaniwalang pinandilatan ko siya ng tingin. Bakit siya sumang-ayon? Nakita ko ang pagdaan ng sakit sa mga mata ng bayaw kong hilaw.
"Kaya sana huwag ka nang magpakita sa akin, Hugh. Hindi tamang magkita pa tayo," ani Zia sabi talikod pero mabilis siyang pinigilan ni Timothy sa kamay. Para lang akong nanood ng teleserye.
"Ang singsing. Hinubad mo 'yong singsing," mahinang sambit ni Payatot.
Gusto ko sanang sumbatan si Zia pero ayaw ko namang pakialaman ang desisyon niya kaya mangiyak-ngiyak na lang akong tumunganga sa kanilang dalawa.
"Umuwi ka na, Hugh!" ani BFF.
"Hindi!"
Sabay kaming napasinghap ni BFF nang bigla lumuhod si Timothy sa harapan niya.
"Alam kong mahal mo ako, Zia Lynn," aniya.
Hinila siya ni BFF patayo pero hindi ito nagpatinag. May luhang nagbabadya sa mga mata ni Payatot kaya awang-awa ako. Nakonsensya tuloy ako sa mga araw na inaaway ko siya.
"Hugh, ano ba? Tumayo ka riyan! Umuwi ka na sa inyo, baka may makakita sa atin!"
"Utang na loob, Zia Lynn. Ipaglaban mo naman ako!"
Nag-iyakan silang dalawa kaya nakiiyak na rin ako. Hindi ko mapigilan, e.
"Tanggapin na lang natin ang katotohanan na hindi tayo ang para sa isa't isa, Hugh. Si Patrick ang para sa akin. Marami ka pang makikilalang babae na mas bagay sa 'yo at kaya kang mahalin nang buong-buo. Hindi ko na kaya, nasasakal na ako sa 'yo. Pagod na pagod na ako sa katatago ng relasyon natin kaya nakikiusap ako, huwag ka nang magpakita pa."
Nagulat ako sa mga narinig kong sinabi ni BFF. Pero alam kong sinabi niya lang ang mga iyon para protektahan si Timothy. Gustong-gusto kong pag-untugin ang mga ulo nilang dalawa dahil madali lang naman solusyonan ang problema nila, pero mas naiiyak ako sa moment nila.
"Besh, huwag naman ganito. Pag-usapan n'yo naman! Alam mo bang—"
Nagulat ako nang tinabig ako ni BFF kaya tumilapon ang hawak kong cellphone sa kalsada. Saktong may dumaang mga sasakyan. Kaya ayon, durog na durog.
Lalo akong naiyak.
Wala na. Wala na akong hawak na remembrance kay Puppy Gaston!
Nando'n pa naman ang mga pictures namin na naka-save. Wala pa namang memory card iyon kaya sa mismong cellphone naka-save lahat. Pati ang mga text niya ay nando'n din. Dalawang taon kong iningatan ang mga text na iyon para hindi mabura.
Pero ang mas nakakaiyak pa ay iniwan ako ni Zia. Sumakay siya ng jeep habang humahagulgol. Hindi niya yata napansin na tumilapon ang cellphone ko dahil busy siya sa kaiiyak. Iniwan niya akong luhaan. Pati si Payatot.
"Okay ka lang ba?" naiiyak na tanong ko kay Payatot kahit obvious na hindi siya okay dahil nakaluhod pa rin siya hanggang ngayon.
"Tumayo ka na diyan!" muling sabi ko.
Hindi niya ako pinansin.
Nang naka-stop na ang mga sasakyan ay dali-dali kong tinakbo ang cellphone kong durog na. Pagkatapos ay binalikan ko si Payatot.
"Oy, tumayo ka na nga! Ipagamot natin 'yang mga sugat mo," untag ko saka hinila siya patayo. Napangiwi ako dahil ang bigat niya.
Pumara na lang ako ng taxi saka isinakay siya. Sinamahan ko siya hanggang sa apartment nila. Ang alam ko hindi siya laging naglalagi sa apartment magmula nang umalis ang kuya niya. Mas pinili niyang tumira sa isang boarding house.
"Ano ba kasing nangyari sa 'yo? Ipinabugbog ka ba ulit ni Tito Rosendo?" usisa ko habang nilalapatan ng ice pack ang mga maga niya.
"Divine, how do you overcome your heartbreak? How do you endure being away from kuya for a long time?" aniyang nakatingin sa kawalan.
Natigilan naman ako. Mahal ko si Puppy Gaston pero parang ako lang ang nagmamahal sa aming dalawa. Napahawak ako sa pendant ng kuwintas na suot ko.
Panahon na sigurong kalimutan ko na siya.
©GREATFAIRY
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro