Kabanata 16
Kabanata 16
Move On
I don't know why I am so preoccupied with my latest decision. Alam kong iyon ang tama pero bakit hindi ko iyon gusto. If my real objective is to help Leandro, why do I seem so bothered with the right thing to do?
Niyakap ko ang tuhod ko. Kanina ko pa sinusubukang matulog pero hindi ako nakakatulog kaya umahon ako at naupo na lang. The white sheets of my duvet is wrapped around half of my body as I bury my eyes on my knees.
Ano ang mangyayari sa akin kapag nagkabalikan nga sila? I can't be around him anymore, right? They will always be together. Where will it leave me?
Niyakap ko ng mahigpit ang aking mga tuhod. Bakit ako nag-aalala para sa sarili? it's not like Leandro is my world. I can be with my friends. Pero naiisip ko pa lang na tatanawin ko silang dalawa sa malayo, magkahawak kamay, parang may namumuong kung ano sa aking lalamunan. Naninikip ang dibdib ko at mas lalo akong hindi makatulog.
Nobody has ever made me this confused before... this bothered.
Kinabukasan, sinadya kong maghintay sa building ng kurso ni Keira. Hindi sila magkaparehas ng kurso ni Leandro at wala naman din kaming pagkikita ni Leandro sa araw na iyon kaya nagkaroon ako ng oras para sa kanya.
Kabado, nanatili ako sa kiosk. Hindi ko alam ang schedule niya o kung may bakante ba siya ngayon. Kung wala at nagmamadali lang siya sa susunod na klase, pinlano ko na kung paano ko siya tatanungin ng hindi niya nahahalata. Tumunog ang bell at biglaang naging abala ang mga building.
Malaki ang college department pero kung alam mo kung saan dapat maghintay, makikita mo ang hinahanap mo, kung hindi naman ito absent. I was right. Just a minute after the bell rang and the corridors became busy, I saw Keira with her classmates.
Hindi tulad sa ibang nagmamadaling maglakad, she's laughing and just slowly walking with her girlfriends. Iyon ang patunay, para sa akin, na wala siguro siyang susunod na klase. Tumayo ako at imbes na dumiretso sa kanya, lumayo at nagsimulang maglakad sa corridor at akmang sasalubungin siya.
"Hi, Chayo," some feeling close college girls greeted me.
I gave them a dry smile and continued walking. Sa malayo pa lang, nakikita na ako ni Keira. Napawi ang tawa niyang galing sa mga kaibigan, napalitan iyon ng tipid na ngiti. I tried hard to respond to her smile with a smile too.
Tumigil ako sa harap niya. Maybe she thinks I would ignore her just like what I did to those other girls who greeted me. Tumigil din siya at pinauna ang mga kaibigang kasabay dahil sa akin. Napansin ko ang ilang inches na tangkad niya sa akin. I remember how she was then so tall for me. Now, maybe a few more years and I will be as tall as her.
"Chayo..." she called with her soft voice.
I smiled. "Hi, Keira. Just wanna ask if you've seen my brother?"
Napalinga-linga siya. Si Kuya nga na lagi naming kasama ay wala pang namamalayan sa amin ni Leandro, ang mga kaibigan pa kaya nilang hindi naman namin laging nakikita. I am confident that she doesn't know anything about my plan with Leandro.
"Uh, sa building siguro ng mga Engineering," si Keira.
Marahan akong tumango. "Akala ko nandito, e. Wala kasi roon. O hindi ko lang nakita. How about his friends? Sina Leandro?"
Nakita ko ang mabilis na pagbabago ng itsura ni Keira. I know he still affects her, like how she affects him. Nauutal pa siya nang muling sumagot.
"H-Hindi, e. Hindi ko sila nakita rito."
My hand flew on my mouth for an exaggerated shocked expression.
"Akala ko sinusundo ka no'n. Lagi sila magkasama ni Kuya kaya akala ko nandito rin si Kuya."
"H-Hindi ako sinusundo ni Leandro, Chayo."
Kinunot ko ng mabuti ang noo ko. "Hindi ba kayo?"
Umiling siya at hilaw na ngumiti. Yumuko rin siya ng kaunti. Nakaramdam ako ng pagkapahiya.
"I'm sorry. I didn't know. Akala ko kayo pa. Lalo dahil wala naman siyang nababalitang ibang girlfriend."
I tilted my head and then nodded with exaggeration.
"Ah! Oo nga pala! Nakalimutan ko. Kayo ni Adriano?" I smiled.
Nanlalaki ang mga mata niya sabay iling. "Hindi, Chayo. Magkaibigan lang kami ni Adriano."
"Oh! I thought..." tumango ako at umambang aalis na habang binubulong. "Sino ba 'yong nagsabi sa akin? Si Kuya Levi? O si Leandro?"
Palayo na ako sa kanya nang tinawag niya ako. The desperation in her voice cannot be hidden. Marahan akong pumikit. Hindi pa man niya dinudugtungan ang tawag, alam ko na ang dahilan.
"Chayo!"
I was right.
"S-Sinabi ni Leandro na kami na ni Adriano? Hindi kami! Magkaibigan lang kami ni Adriano!"
I turned and changed my face. I put a smile in it as I wave at her.
"Hindi, Keira. Mali yata ako. Mga kaibigan ko lang yata ang nagkukuwento. Hindi si Kuya Levi... o si Leandro."
Ano pa nga ba ang ibang dahilan kung bakit hindi ko pinag-aayos ang dalawang taong mahal pa ang isa't-isa? Why am I so scared? Why does it feel like if I do this, I am going to lose Leandro?
But... anyway... was he ever mine?
Nagbuntong-hininga ako. Maingay at masayang pumasok si Kuya Levi sa sasakyan. Nanatili naman ang mga mata ko sa kalsada kahit na hindi pa naman tumutulak iyon.
"Kapagod!" he declared then looked at me.
Nanatili pa rin akong tulala. He wasn't used to my silence. He pulled me and kissed my cheek. The mint from his chewing gum attacked my nose. Tinulak ko siya at sinimangutan.
"Anong problema mo?" pabiro niyang tanong.
Umiling ako.
"Badtrip, ah!" dumikit siya lalo dahil sa nakitang reaksyon ko. "Sinong dahilan at nang mabugbog ko!"
Ngumuso ako at napangiti nang naisip. Can my brother really punch his bestfriend? I guess not. Lalo na tuwing naiisip ko na noong summer, hindi naman talaga si Leandro ang sadya niya.
"Sino?" he probed again.
Umiling ako at ngumiti na lang. Pinikit ko ang mga mata ko at hinilig sa kanyang balikat. He put his arm around me. Hinagod ang aking braso habang sinisilip ako.
"What is it?" he whispered.
Umiling pa rin ako. Hindi ko alam kung bakit sa simpleng tanong niya, naiiyak na ako. Nanginig ang labi ko kaya hindi na ako nagsalita. he laughed mockingly.
"Wow! This is new. Nag-away ba kayo nina Nan at June?"
Umiling ulit ako. Hindi pa rin makapagsalita. I'm afraid that if I talk, my voice will only break.
"Sana nag-away na lang kayo ng mga kaibigan mo, kung ganoon. Is this for a boy, Chayo?"
I let out an exaggerated sigh to prove to him that it's not about a guy.
"Naku! Sana nga hindi ito tungkol sa lalaki..." nanginginig ang boses niya kahit na natatawa.
"Hindi no..." sabi ko, sa wakas medyo umayos ang pakiramdam.
I wanted to ask him about Keira and Adriano but it would be too obvious. I didn't want him to realize what I am thinking right at this moment.
"Nabanggit ni Keira sa akin kanina na hinahanap mo raw ako sa building nila?"
Napadilat ako sa gulat. Hindi ko nilingon si Kuya Levi pero kinabahan ako.
"Iniisip ko palusot mo lang 'yon. Na sinadya mong tumambay sa building nila dahil may hinihintay ka roon. Do you have a college boyfriend, Chayo?"
Natawa ako. Iyan talaga ang naiisip niya. Mabuti na lang at kahit malapit kami ni Leandro, hindi niya napapansin iyon. Na may kung ano. Pero kung sabagay, ako lang naman 'yon. Maybe he's already asked Leandro about it and he assured him that there's just nothing. Kaya siyempre, wala siyang problema roon.
My heart hurt more at that. Ano naman kaya ang mga sinasabi ni Leandro?
"Si Chayo? Parang nakababatang kapatid ko lang 'yan, Levi. Huwag kang mag-alala. Si Keira pa rin."
Ngumisi ako, nanginginig ang labi. Tears pooled my eyes. I closed them and wished they would never fall.
"Wala. Napadaan lang talaga, Kuya."
Natawa siya. Iba ang mundo ng mga college boys, Chayo. Iba rin ang pakikipag relasyon nila. Someday, you'll know... but definitely not for you to experience right now. You are still grade eleven."
"More mature?" tanong ko.
"More mature, yes. And people my age don't date anymore to play, whatsoever. It's for the future."
Umirap ako. "Kuya, mas magandang isipin ang future kapag nakapagtapos na. In the movies, men marry around thirties. You sound like you are in your thirties if you say that."
Tumawa si Kuya Levi. "You're right. But you know, men who marry in their thirties have their girlfriends for years already. Kaya ibig sabihin, sa edad kong ito, ang magiging long term girlfriend ko, may posibilidad na na magiging asawa ko."
"You are so sentimental..." I said, not accepting what he just said but imagining Leandro and Keira's relationship. "Hindi para sa lahat."
He laughed at me and stayed silent.
"Bakit? May nagugustuhan kang college? Tell me honestly."
I shook my head. "No. I like boys my age. Hindi ako makakarelate... kapag ka edad mo, Kuya. Hindi kami magkakasundo," I denied. "Hindi ako masasabayan-"
"Sa pagiging immature mo?"
Ngumiti ako.
"Grow slow, Chayo," he whispered.
"Kung ikaw ba... papipiliin, may lalaki ka bang gusto para sa akin? Someone you think... honorable enough... responsible and mature enough?"
Hindi nakasagot agad si Kuya Levi. Palapit na kami sa bahay at inakala kong hindi na siya sasagot. When the car stopped for parking, he sighed.
"Nobody would deserve you, for me."
Niyakap ko siya ng mahigpit. Somehow, I realized that my self-esteem had been so bruised these past few days. To know that my brother thinks I am still better than anyone else helped me. Hindi ko inasahan ang pagpatak ng aking mga luha. Lumabas na ang driver at si Manang Lupe at dapat, lalabas na rin kami ni Kuya pero alam niya na umiiyak ako. I am panicking so bad at my thoughts while breaking down on my brother.
Oh no! I think... I'm falling so hard... for Leandro!
Masakit pala. Nakakatawa isiping hindi ko inakala na sa pinakahindi inaasahang tao ako magkakagusto. Hindi ko rin inisip na ganito ka tindi ang mararamdaman.
I hated that it's Leandro. Why him? He's poor! Sinisira ko sa isipan ko kahit na alam kong hindi tatalab. I'm better than that. I don't think our status can destroy him for me. I don't think any of his flaw can destroy him for me!
Hindi puwedeng siya dahil suplado! Hindi niya ako gusto! Matanda sa akin ng ilang taon! Mature! May ibang mahal!
He's rude. He says the wrong words at the wrong time.
Walang tumatalab!
This is why I should do my very best to remove myself from this situation! Hindi puwedeng ganito at ang tanging sagot ay ang tuluyan nang pagbitiw. To do that, I should do my objective and stop all of these at once.
Matapang kong nilapag sa harap ni Leandro ang notebook. Shocked at my aggressive movements the next week, napaangat siya ng tingin sa akin. I smiled at him but when he caught my eyes, I feel something heavy in my heart.
Ayaw kong manakit o manggamit ng ibang tao para lang makalimot pero ano nga ba ang kaibahan ng pagkakaroon ng boyfriend na hindi ko mahal, sa ibang mga naging boyfriend ko noon? Wala. It's just the same. Just this time... my heart is occupied. In the past, I didn't love anyone. I was only attracted and entertained, nothing more. Now my heart is full of Leandro, but I will try my best to push him away in it and replace him with a new one.
Hindi ba mas maganda nga ito? I have an objective to really love my boyfriend this time... sa kagustuhan kong mawala si Leandro. Hindi tulad noon na nagbo-boyfriend lang ako para katuwaan. Ngayon, magbo-boyfriend ako... para mahalin.
"Because you seem so uninterested, I have a new plan!"
An old plan, actually. The real plan.
Nagtaas ng kilay si Leandro.
"What is it?"
Ngumiti ako. "Makikipagbalikan ka kay Keira!"
Natigilan siya. Hindi siya nakakibo. nanatili ang titig sa akin na para bang tinitimbang ako. I smiled widely at him, feeling so mad that he's bewildered at this idea. Mahal mo pa rin talaga, 'di ba?
"No thanks, Chayo," he said after a long while.
"Bakit?"
"Hindi ko na gustong makipagbalikan."
Nagtiim-bagang ako.
"Dahil may Adriano na siya? Hindi sila!"
"Tss. I don't want that, Chayo."
Tinitigan ko siya at desperadang gustong kumbinsihin. Hindi siya puwedeng umayaw. This is what will be effective and I need it's effect now! Now that I want to get him out of me!
"Leandro, please! Just try it! Wala namang mawawala kung titingnan natin kung gusto ka pa nga ni Keira."
"Hindi ko nga gusto ito, Chayo!"
"Just try it, Leandro! Kapag hindi naman nagwork in the end, e 'di wala!"
He glared at me. Those dark intimidating and serious eyes directed at me felt like the world. Para bang kapag tinitingnan ka niya ng ganyan, ikaw lang ang tao sa mundo. Ikaw lang ang mahala. That anyone beyond you is nothing to him. He looked arrogant, and proud. Even with his status, he had more confidence and grace than those other rich boys. It was as if he believed that in time, he will drive himself to a hard-earned success. He was sure of it. He knew.
He's got an air that will force anyone to believe in him. To trust and have faith in him. Nag-iwas ako ng tingin. Tumahimik ka, Chayo. Batang-bata ka pa. Maaaring mali ka sa nakikita mo sa kanya.
"Promise. Hindi mo na susubukan ito ulit, kapag hindi tatalab!" ulit ko.
Dahil alam ko na sa lahat, ito ang tatalab. He still loves her, she loves him. The ending is set and obvious. And I will be... moving on.
Bahagya akong natawa na sa kagustuhang makapagmove-on siya, sa huli, ako pala ang kailangang mag move-on. Mukhang kakailanganin ko rin pala ang tulong ng notebook na ito... para sa aking sarili.
"I say no, Chayo."
"One date! Please!"
Hindi siya kumibo. Nagpatuloy na ngayon sa binabasa.
"Tingin ko walang closure. Tingin ko hindi pa siya nakakamove on sa'yo. Tingin ko... nasasaktan mo pa siya." At ikaw rin, nasasaktan pa sa mga ginagawa niya.
Napatingin siya sa akin.
"You should both talk to clear things up!"
And see if it really is over. I know it's not.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro