Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 38


Chapter 38

Hindi na nawala sa isip ko ang pangyayaring iyon.

Umalis ako nang restaurant 'non at hindi na tumingin sa kaniya. Pumunta lang naman talaga ako 'don para malaman kung pagta-trabaho nga ang ginagawa niya. And I never thought that it will going to be hard for me to accept the fact. I also watched him from afar, sa mall, sa labas ng grocery store..

I don't know why I am doing that. Nasaksihan ko kung paano niya buhatin ang mga sako-sakong gulay at prutas mula sa truck at ibaba sa may grocery store, at kung paano siya mangharang ng mga tao sa mall para magbenta ng condo. His working with his ass. At ang gumugulo sa akin ay kung bakit?

"Ma'am Nich, may deliveries tayo ng cupcakes sa Forzeo. Sasamahan ko na si Arjie." sabi ni Shane.

I just nodded. Patuloy ako sa pagde-design ng cake at nagkaroon na rin ako ng ilang palpak na gawa dahil sa lutang kong isipan.

"And...may nagmessage sa page natin. Um-order ng four boxes of brownies. Pick-up nalang daw." habol niya pa.

I increased my forehead on her. "Sino?"

"Raven Gimena..." she said. Napaawang ang gilid ng labi ko nang marinig ang pangalan na iyon. "Naka-ayos na 'yon, Ma'am Nich. Ah, baka mamaya andito na 'yon."

Pagkaalis niya ay tinapos ko lang ang pagb-bake bago pumunta sa may labas. I sat on the couch, malapit sa glass window at natanaw ko ang isang itim na kotse na pumarada sa labas. Lumapit ako sa may pinto at ngumiti ng maganda dahil akala ko ay customer din iyon. Pero ang bumaba sa kotse ay ang naka-shades at naka-formal attire na lalaki.

I gulped as I recognized him. Inalis niya ang shade nang makapasok sa shop at nakangiting tumingin sa akin. Mukhang may alam siya na ako ang may ari ng bakeshop na ito.

"Hi." he greeted.

Naiilang man ay ngumiti rin ako sa kanya at hinayaan siyang maupo sa couch. Pati paraan ng paggalaw niya ay napaka-pormal.

"Ah, wait. Kukunin ko muna ang order mo." nakangiting sabi ko na tinanguan niya.

Bago pa ako makatalikod ay nagpahabol pa siya ng order na mango cake at cappuccino. Sinabi ko iyon kay Maine at sinabing siya na ang bahalang magdala sa table ni Raven. Bumalik ako na dala na ang brownies niya.

"Thanks." magandang ngiti parin ang nakakubli sa labi niya. "Anyway...Can you join me here? Kung ayos lang.."

Nang mailapag ni Maine ang order niya ay naupo na rin ako sa couch kaharap niya.

"Long time no see...Dito kana pala nakatira, akala ko nag-abroad ka." natatawang sabi niya.

"Hindi! Ah, mukhang bigtime kana ah."

"Medyo..." he looked around at my shop with amusement on his eyes. "Parang ikaw nga 'tong bigtime e. You really love business. I admire you for that."

Napangiti ako. "Kanino mo dadalhin 'yan?" tanong ko na tinutukoy ay ang brownies na order niya.

"Uuwi ako samin sa Manila. Ipapasalubong ko sa mga pamangkin ko. They like your brownies."

"Eh?" nagtatakang tanong ko.

"Ang kwento nila sakin ay palagi silang tumatambay dito noong andito pa sila. Baka hindi mo lang matandaan, they are teenager girls. Dito sila pumasok nung high school kaya nakakapunta dito."

Maraming student na pumupunta dito noon kaya baka nga hindi ko lang matandaan.

"Sa kanila ko lang rin nalaman na ikaw ang may-ari ng Sweet bites na 'to."

"Thank you for coming here." I smiled.

"Anytime. Babalik ako dito." Sabi niya.

Nakakwentuhan ko pa siya sa mga bagay-bagay hanggang iniba niya ang topic.

"Do you have boyfriend?" umiling ako. "Oh, you have husband."

"I'm single. And ahm, single mom."

Sa halip na pagtataka ay paghanga ang nakita ko sa mga mata niya. Naalala ko tuloy kung gaano siya kasiraulo noon. He's more than matured now. Pati galaw niya ay halatang pormal na pormal.

He bid a goodbye already, baka daw hinihintay na siya ng Mama niya. His attitude was still the same like before, but physically, he have a lot of changes. Mas gumwapo ang loko.

"Mama!" magiliw na ngiti ang bumungad sakin nang makauwi ako sa bahay.

Naglalaro si Xia at Lyka sa may salas habang si Nyka naman ay nakahiga sa sofa at nanonood ng kdrama. She smiled at me. Laking pasasalamat ko talaga sa dalagitang ito dahil parang itinuring na niyang totoong kapatid si Xia.

"Ate Nich, may fruit salad sa ref. Ipinabibigay ni Mommy sayo." Nyka said.

"Ah, paki-sabi nalang na salamat." I sat on the sofa beside her. Si Xia naman ay agad pumwesto sa pagitan ng hita ko at inilagay ang isang kamay sa batok ko para ilapit ang mukha ko sa kanya at halikan ako sa pisngi. "Makulit ka ba 'pag si Ate Nyka ang nagbabantay sa inyo?"

Xia shooked her head. "Hindi po! Diba Ate Nyka? We sing together pa nga po e."

"Oo, ate." pagsang-ayon ni Nyka.

I smiled at them.

Kinabukasan ay maraming deliveries kaya ako na ang umakong magdeliver ng iba. Dito rin lang naman iyon sa Vista Priea.

"Ma'am, ito po ang bayad." inabot ng lalaki ang pera sa akin pero bago ko pa nakuha 'yon ay may pumigil na lalaki mula sa likod niya.

"No. Ako ang magbabayad."

"Sir, nakakahiya naman. Ako na po."

The man smiled at him. Mukhang trabahante dito sa shop niya ang lalaki at amo naman itong nakangiting nag-abot sa akin ng pera.

"Thanks, Sir." I smiled and get the money.

"You're Xinichi Glarileo, right?" tanong niya habang nakangiti parin.

"Ah, opo." nahihiyang sagot ko. Hindi ko naman siya kilala pero kilala niya 'ko?

"So you're the daughter of my best friend!" natatawang sabi niya. "You looked like your father. Malimit ka niyang nababanggit sa kwentuhan namin noon."

Oh, my dad. Ngumiti ako sa kanya. Akala ko naman ay kung ano na. I really looked like my dad. Marami na rin ang nakapagsabi 'non lalo na daw 'nung bata pa ako.

"I'm your father best friend. Benedict Ruiz." he offered his hands, tinaggap ko iyon at tumango sa kanya.

"It was nice meeting you po."

May ilan pa siyang kinuwento sakin about kay Dad. Inabot tuloy ako ng hapon. Traffic pa ang nadaan ko kaya napaistambay pa ako sa gilid. I handed my phone and saw that Shane is calling. Sinilip ko muna mula sa bintana ang labas at nakitang traffic at hindi parin umuusad ang mga sasakyan. I did not answer the calls, instead ako ang tumawag sa kanya sa video call. She immediately answered, I smiled when I saw my daughter waving her hands on me.

"Hello, Mama. Tito Jhess is here!" ibinigay ni Shane sa kanya ang phone at agad namang tumakbo ang anak ko papunta sa lalaki. He's busy with his phone, pero nang makita ako ay kaagad na binaba iyon at ngumiti sa akin.

"Hi. Na'san kana? Gusto mo bang sundan kita d'yan?" he asked.

"Hindi na. Medyo traffic pa dito, pero baka gabihin na 'kong makauwi."

The street lights already opened. Medyo dumidilim na nga nang tumingin ulit ako sa labas. I looked back at the screen and I coudn't help but to laughed when Xia put stickers on their face. Panay ang saway sa kanya ni Jhess pero patuloy sa pagkalikot ng phone si Xia. Merong nagmumukha silang dragon, at kung ano-ano pang inilagay niya.

"Ah, Jhess."

He smiled at me like it was the first time I call him by his name. "Yes?"

"Pwedeng d'yan ka muna kay Xia? Baka gabihin ako e...Ah, kung okay lang--"

"Sure!" masayang sagot niya habang yakap si Xia na nakaupo siguro ngayon sa lap niya.

I ended the call when I saw the cars infront already progressing. Muli akong napatigil sa pagmamaneho nang mapatapat ako sa grocery store, then I saw him.

He's wearing a black shirt and short while sitting on the sidewalk. Medyo ibinaba ko a ng kunti ang bintana ng kotse para makita ko kung sino ang lalaking lumapit sa kanya. I don't know him, pero may inabot siya dito..pera?

Is that a payment?

Mabagal ko siyang sinundan nang maglakad ito palayo. Ang akala ko ay dito lang rin nakaparada ang kotse niya pero patuloy lang siya sa paglalakad.

Where's his car? Ano ba 'tong nangyayari?

Gumapang ang kaba sa buong katawan ko nang mapansin ang ilang mukhang adik na lalaki sa gilid na daraanan niya. Para siyang wala sa sarili habang naglalakad at hindi napapansin ang kakaibang tingin ng mga lalaki na mukhang may balak ng gawin sa kanya.

Before he could get near them, gumawa ako ng ingay gamit ang busina na mukhang nakapagpabalik sa kanya sa realidad. Pagkababa ko ng kotse ay agad nagtama ang paningin namin. His mouth parted a bit and shocked to see me here. Medyo lumapit ako sa kaniya at lumingon sa mga lalaki na ngayon ay lumipat na ng pwesto sa kalayuan.

Their plans failed. Kita ko pa ang pag-iling ng isa sa kanila.

"N-Nich...what are you doing here?" his voice was full of tension.

Ano nga ba 'tong ginagawa ko? Anong iisipin nito? Na-concerned ako?

Sandali akong natahimik nang mapababa ang tingin ko sa kamay niya. Puro dumi, at malayong-malayo sa dati. He immediately put his hands on his back when he noticed that I was staring at it.

My heart ached when our eyes met, mabilis niyang iniwas iyon, na para bang siya ngayon itong takot na makita ang pagmumukha ko.

You know what...No matter how much I wanted to be careless about you, and to ignore you...it feels like universe is the one giving way and reason for our paths to cross again and again.

Ilang beses na akong umiwas, pero bakit ito? Thinking of everything that is happening about him haunting me, everyday, every second, every night. Palaging gumugulo sa isip ko itong mga nasasaksihan ko.

I looked at him trying to stern my voice but I failed. "C-Can we talk?..."

Okay, I already let my guard down. Humugot siya ng malalim na hinga bago marahang tumango. We both panting air as we sat on the metal bench. Pareho kaming nakatitig sa mga nagdaraanang sasakyan at nang mapalingon ako sa kanya ay doon muli dumaan ang sakit sa buong sistema ko.

"Why are you doing these?" halos pabulong kong tanong.

He did not look at me, a bitter smile appeared on his lips. "Because I need to. Kailangang may mapatunayan ako.." he's now looking at me. "...sa mag-ina ko."

Palagi nalang dumadamba ang dibdib ko t'wing maririnig ang salitang mag-ina mula sa kanya.

I shook my head. "Xia and I...we are aware of what you're doing...She's asking me why didn't you showed up these past days."

"I-I'm busy--"

"Working with your ass." maagap na dugtong ko.

His reaction suddenly softened. "I told you...I can take risks for you, for our daughter...for us."

"Tigilan mo ang 'us' na 'yan. And what is the risks you're talking about, huh? Ito bang ginagawa mong pagta-trabaho sa restaurant at pagside line sa pagiging ahente at kargador? Dahil kung ito...tumigil kana. I can afford Xia's necessities."

He shooked his head. "H-Hindi 'yon, Nich." he heaved a breathe before he continued. "Remember what Mama said, a-alam nating determinado 'yon na kunin si Xia sa puder mo...And I told you that I won't let that happen, right?...I-I know how you suffered in pain because of me, at ayoko nang masaktan pa kita ulit."

Naguguluhan lang lalo ako sa pinagsasabi niya. What's the connection of that sa mga pinaggagawa niya ngayon?

He weakly smiled like he's having a hard time to say what he wanted to say.

"G-Gusto niyang idaan sa korte 'yon..pero hindi ako pumayag. Sinabi niyang kapag hindi ako pumayag sa gusto niya, aalisin niya sakin ang lahat. Ang pagiging CEO ko, lahat ng pera ko, ang kotse ko, lahat." his eyes glistened while staring at me. "T-That's why I'm working hard.. Hindi naman pwedeng humarap ako sa anak natin ng walang-wala diba?"

Pain was tugging inside my chest. Kusang pumatak ang luha ko dahil sa nalaman. He let everything took away from him. I don't understand why his mother need to be that bad.

Napatungo ako sa mga kamay kong nakapatong sa aking mga hita.

"I just accepted the fact that my mother doesn't care of me at all. Mas gugustuhin kong mawala sakin ang mga pera at pinaghirapan ko. Dahil ayokong maging katulad ng ina ko, na mas pinili ang pera...kesa sa pamilya niya." as I looked at him, tears began rolling down on his cheeks.

"You're weak."

Natigilan siya sa sinabi ko. My jaw clenched while I shooking my head.

"Ganyan ka ba talagang kahina para bitawan ang mga bagay na dapat ay sayo?" kita ko ang dumaang sakit sa mga mata niya. Alam kong alam mo ang nilalaman ng sinasabi ko. "Palagi mo nalang binibitawan ang mga bagay na kaya mo namang ipaglaban. You're an dumbass weak! Palagi kang takot, ang hina-hina mo!"

I stood up and about to runaway but he grabbed my arms and made me face him. He stiffle his sobs and with broken voice he said.

"Y-Yes, babe. I am."

__
cessias

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro