Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

EPILOGUE

Masayang nagdiriwang ang lahat dahil sa isang napakalaking paghahanda na ngayon lang nila iaanunsiyo para sa mga mamamayan ng Natharia, Westheria, Eastheria at Satharia.


Ang pagkakaisa ng apat na isla ang siyang nagbigay galak sa bawat mamamayan hindi dahil sa magkakaroon na ng ugnayan ang mga mamamayan sa transaksiyon, kundi galak dahil sa wakas ay magkakaroon na sila ng kapayapaan. Sampong taon mula no'ng ideklara ang pagkakaisa ng mga isla, sampong taon mula no'ng mamatay ang problema at nawasak ang kadiliman na ginawa ng isang kasinungalingan.


"It's been years, ngayon lang nila inanunsiyo?" Sabi ng isa sa mga mamamayan.


"Pinaghandaan daw talaga ang event na ito, usap-usapan ay ipapakilala ang apat na Reyna at apat na Hari sa bawat isla." Agad naman nanlaki ang sinabihan nito na para bang na-excite dahil sa wakas maipapakilala na ang mga bagong Reyna at Hari ng mga isla.

Ang Natharia at Satharia na may limang kaharian ay pinag-isa, Westheria gano'n din ang Eastheria ay mas lalong pinalawak. Pagkatapos mamatay ng mga Hari sa Natharia, bumitiw na din sa kani-kanilang mga posisyon ang mga Reyna. Sapagkat ang Satharia naman ay nagbigay daan sa bagong Hari at Reyna dahil sa respeto nito sa mga nagligtas sa kanila sa kasamaan at kadiliman.


"Paano na ang mga Prinsesa at Prinsipe sa Satharia? They give in?"

"Ginawa silang Apostoles ng magiging kaisa-isang prinsesa ng Satharia na tinanggap naman ng mga ito bilang isang karangalan. Kilala naman daw nila ang Reyna at Hari na siyang nirerespeto din nila."


Usap-usapan na sa buong mamamayan ang mga bagong proyekto ng mga Reyna at Hari. Magpapagawa ng eskwelahan sa Eastheria at mas lalong palalakihin ang nasa Westheria. Binago din ang Natharia Academia at ibinilin sa lahat na ang bawat malalaking pintuan ng mga Academia ay siyang dapat ng buksan, pagpapakita ng pagkakaisa.


Nasa Cluestia ang lahat ng mga mamamayan na Specialist, ang isla na nasa gitna sa pagitan ng apat na isla na minamahal ng bawat isa. Ang Cluestia ay isang isla na matagal ng hindi naalagaan pero ngayon ay binigyan ng importansiya, limang taon ang nakakalipas ng bahayan na ito ng mga sariwang hayop at mga mamamayan. Dito sila nagtipon-tipon para sa pagdiriwang.


Agad napalingon ang lahat ng mga mamamayan sa kalangitan dahil sa trumpeta na pinapatugtog ngayon ni Sotana, sa bawat pagtugtog niya nito ay naalala niya ang namayapang nobyo na si Devos na isa lang palang ilusyon pero kinalimutan niya na ito at namuhay na masaya kasama ang bagong asawa. Natigil ang bawat isa sa pag-uusap at sa mga ginagawa nila dahil sa walong lumilipad na kabayo sakay ang mga Reyna at Hari nito.


Agad nagsiluhuran ang mga mamamayan at agad naman tumikhim ang lalaking may hawak ngayon ng mikropono na si Yvino, ang prinsipe ng Satharia Ice Kingdom noon.


"Ating bigyang palakpakan at respeto ang ating mga bagong Reyna at Hari na siyang magbibigay segyuridad at kapayapaan sa ating tinitirhang mundo. Ating bigyang importansiya ang pagbaba ng bagong Reyna at Hari ng Isla Satharia. Queen Genesis and King Olcor!"


Sa isip-isipan ni Genesis, masaya na siguro si Dracunox sa narating nito kasama ang bagong asawa na si Olcor na ngayo'y nakatingin lang sa kaniyang asawa. Olcor on the other side, akala niya imposibleng magkasila ni Genesis dahil magpinsan lang sila pero ipinasa pala kay Avanza ang pagbubuntis ng tunay niyang ina na hindi nalaman ni Aragaduos. A traditional casted spell from dragons, kaya posibleng ibang babae ang magbubuntis sa anak ng gustong magpaubaya.




"Ang pagbaba ng bagong Reyna at Hari ng Isla Westheria, Queen Satanina at King Specter."

Hindi malaman ni Satanina ang buong kasiyahan na nararamdaman niya ngayon, masaya siya para kay Genesis at kay Menesis lalong-lalo na din kay Specter na nakalimutan na ang sakit na nararamdaman sa kaniyang kambal na si Spencer. Hindi pa nakakapag-asawa si Specter kaya si Satanina lang muna ang Reyna pero handa naman itong magpaubaya kapag dumating na ang tamang oras para sa bagong Reyna ng Westheria.



"Ang kapangyarihang bumabalot ngayon kay King Bill and Queen Menesis ng Isla Natharia."



Nagpalakpakan ang mga Natharian dahil sa bago nilang Reyna, pati si Genesis ay napalakpak dahil sa biglaang pag poise ni Menesis like a model na napanood niya noon sa mundo ng mga tao. Hindi parin nawawala ang pagkamaldita nito pero buong-buo ang pusong tumulong sa kapuwa. Napapailing nalang din si Bill dahil sa ginagawa ng kaniyang Reyna pero iniintindi nalang niya dahil baka bumuga ito ng apoy at awayin siya.




"At ang bagong Reyna at Hari ng Isla Eastheria, Queen Sarionaya at King Enzyme."


Sinong mag-aakalang sila din pala sa huli? Naging saksi ang lahat sa pagmamahalan nila sampung taon na ang nakakalipas at masaya ang lahat lalo na si Specter dahil sa wakas ay masaya na si Sarionaya kasama ang kaniyang asawa.


"Brother, look at our little sister. Masaya na siya kasama ang hindi gaano kaguwapuhan na asawa pero ayos lang, at least masaya siya." Bulong ni Specter habang nakatingin sa kalangitan, agad itong ngumiti at pinahid ang luhang nagbadya. Agad naman siyang natuod dahil sa pagyakap sa kaniya ng kaniyang ina.

"Spencer is happy now, masaya siya para sa'yo at sa atin. We will make a memories kasama ang mga alaala niya kaya huwag ka ng malungkot. Sige ka! Baka hindi mo mahanap ang babaeng papalit sa akin bilang Reyna!" Biro ng kaniyang ina na siyang ikinahagikhik niya nalang.


"I want you to be my Queen mother, kahit wala mg pumalit sa'yo." Napanguso nalang si Satanina dahil sa inakto ng anak niya pero still napangiti siya dahil sa sweetness nito.


Agad pumasok ang lahat ng mga Reyna at Hari sa napakalaking kastilyo na silang walong mahaharlika ang nagpagawa. Sumalubong sa kanila ang mga bati ng mga mamamayan, napakalaki ito na kahit ilang daang libo pa ang pumasok ay makakaya nitong lamunin ng kastilyo.



"Maligayang pagdating mga kamahalan!" Bati ng mga mamamayan pati na sina Gemartha at Zhavia ay nakikiisyuso narin kasama ang mga anak nila. Si Satro naman na nakatingin lang kay Zhavia at si Daneel naman kay Gemartha habang si Yvino ay yakap-yakap si Sotana habang nasa gitna nila ang kanilang anak. Tama, si Sotana at si Yvino nga ang nagkatuluyan at masaya naman ang mga kaibigan ni Sotana sa desisyon niya, mlaking desisyon na nagawa niya.



"Huwag kang tumakbong bata ka! Ipapalapa kita sa malaking puppy sige ka!" Sigaw ni Venny sa anak niyang takbo ng takbo.


"Really Venny? 'Yan ang itinatakot mo sa anak mo?" Agad napalingon si Venny sa likuran and seeing Genesis smirk makes Venny roll his eyes.


"Huwag mo akong ngisihan ng ganiyan, baka nakakalimutan mong takot ka sa tuta no'n! Hahaha pero ewan ko sa batang 'to, nasa akin namana ang mukha pero nasa tatay ang ugali!" Sigaw ni Venny na ikinahagikhik ni Genesis.


"Venedict, huwag mo nga akong sinisiraan sa Reyna, baka sabihin niya na hindi kita nilalambing kahapon kaya ka nagkakaganito." Litaw ni Wyeth na mas lalong ikinatawa ni Genesis. Agad hinampas ni Venny si Wyeth sa dibdib na siyang ikinaungol nito.


Venny and Wyeth, two of the Princes of Verdugal.

"Tse! Hindi tayo magtatabi mamaya sa pagtulog! Venom! Halika na bata ka!"

"Baby naman!" Pagmamakaawa ni Wyeth at sinundan ang asawa dahil bigla nalang itong naglakad ng mabilis. Napapailing nalang si Genesis sa inakto ng mag-asawa.


"Mommy, I want to see my cousin, can  I?" Agad siyang napalingon sa anak niyang nagmamakaawa na ngayon habang nakaluhod sa harapan niya. Napatakip nalang siya sa bibig dahil sa hindi mapigilang ngiti niya ata agad itinayo ang anak.


"Alisis baby, darating na din ang pinsan mo okay? Huwag magmadali, maglalaro din kayo. Teka, nasaan ang baby brother mo?" Tanong nito sa anak at agad naman itinuro ng anak ang lugar kung nasaan si Olcor ay bitbit ang pangalawa nilang anak.

Hindi parin nakakalimutan ni Genesis si Ignite sapagkat ang buhok nitong itim na itim ay namana sa kaniya ng anak niya. May bahid pa ng puting hibla dahil sa kapangyarihang napasa ng kaibigan na si Devonna at Lola Thorna sa anak. Pero alam niya namang nakuha na iyon pabalik ni Xysoness kaya panatag naman siya sa kaligtasan ng anak.


"Mama, Papa wants to talk to you!" Nangiti si Olcor sa sinabi ng lalaking anak, umirap naman si Genesis dahil sinusuhol na naman niya ang anak niyang kausapin siya.

"Ano na namang tinuro mo kay Alkar? Nako, sinasabi ko sa'yo Olcor hinding-hindi kita papansinin kahit kailan." Agad pinababa ni Olcor ang anak na lalaki, agad namang dinaluhan ni Alisis ang kaniyang kapatid and they walk away from them na hindi napapansin ng mag-asawa.



"What?" Natatawa nitong tanong pero inismidan lang ito ni Genesis.


"I just talked to him and asked him kung gusto pa ba niya ng kapatid and he said yes!" Natutuwang turan ni Olcor and he find Genesis cute kapag laging galit kaya kagi niyang inaasar.


"Ayan kayong mag-asawa eh, hindi niyo nakikita ang anak niyo kapag naglalambingan!" Agad napalingon ang dalawa kay Menesis na ngayo'y hawak sa kamay si Alisis, habang karga ng isang kamay nito si Alkar.


Napatingin naman si Genesis sa bitbit na babaeng anak nila kay Bill na ngayo'y natutulog.

"At alam mo ba? Ang maantukin mong anak, naipasa na ata sa anak ko na lagi ng natutulog." Simangot na turan ni Menesis na nagpahagikhik kay Bill.


"Hayaan mo na, baka gusto ni Mebill na lumaki agad diba?"

"Oo nga naman, tama si Bill kaya huwag mong isinisisi sa anak ko hahaha." Natatawang turan ni Genesis pero agad naman silang natigil dahil sa biglaang pag-iyak ng kung sinong bata sa likuran nina Menesis. Nilingon nila ito at nakitang umiiyak si Venedict, ang batang Venedict na anak ni Levinas.


"Bakit umiiyak 'yan Levinas?" Takang tanong ni Menesis na ikinangiti lang ni Levinas.

"Gusto kasing sumama sa ama niyang inom ng inom dahil nagkayayaan ng mga kaibigan. Eh sabi ko sa anak ko na only big men can drink alcohols, anong sabi? He can drink na daw kasi malaki na siya." Agad naman natawa ang mga babae dahil sa sinabi nito.


"Buti naging lalaki anak mo no? Buti hindi naging katulad ni Venn—"


"Menesis, huwag mo na ituloy. Naiirita ako, gusto ko ngang maging bakla anak niyan eh pero ayaw daw ng asawa hahaha." Napalingon sila kay Venny na kakabalik lang karga ang anak niyang lalaki.


"Bakit 'yang anak mo? Ayaw mo maging pusong babae?" Tanong ni Menesis pero napabuntong-hininga nalang si Venny.

"Ayoko siyang maging bakla, si Wyeth lang naman ang may gustong maging bakla anak namin eh!" Natawa na silang lahat, dumating si Wyeth kasama ang gwapong binata na ngayon.

"Aba! Ang guwapo na ng batang iyan ah? Kamusta na Brooch?" Pangangamusta ni Genesis.

"Okay lang po ako, I'm just wandering around and make myself busy with works sa Natharia Academia." Napahanga naman ang mga babae sa sinabi nito, binatang-binata na si Brooch at guwapong-guwapo pa.

"Well, mahirap pa naman maging professor. But you can enjoy naman, licensed professors here in Gampenun ay hinahayaang pumunta sa mundo ng mga tao to learn more things. Baka do'n mo makilala magiging girlfriend mo." Turan ni Levinas na ikinangisi lang ni Brooch.


"Ang guwapo mo pa naman." Segunda ni Menesis na ikinatango nina Venny at Genesis.

"Wala po akong time mga Titas." Napasimangot naman ang mga asawang lalaki dahil sa paghagikhikan ng mga asawa.



"Sabi ko naman sa'yo, huwag ng uminom! Hayst ikaw talagang lalaki ka! Kahit kailan pabida ka eh!" Agad napalingon ang lahat dahil sa bagong boses—sigaw at natawa nalang sila mapagtanto kung sino ito.


"Serafina babe, pinagmamalaki ko lang naman na mas guwapo ako sa kanila kaya huwag ka ng magtaka kung gagayahin ako ng anak nating guwapo din oh! Hahaha!" Agad nag-apir ang mag-ama na ikinairap nalang ni Serafina at tumabi kay Venny.

"Jusko, 'yang mag ama n 'yan talaga kapag ako napuno, kukunin ko kaluluwa niyan." Napatawa nalang si Venny sa inakto ni Serafina.

"Ang guwapong bata ni Esterno!"

"Mommy, si Esterno! 'Yong cousin kong guwapong-guwapo sa sarili!" Agad naman nagtawanan at napalingon sa bagong dating na si Athena at Igneous with their cute daugther.

"Zaporah, ano ka ba naman. 'Yang bibig mo nagmana din talaga sa tatay mong madaldal." Athena said while Igneous pouted.

"Ouch." Igneous reacted.

"Is this reunion for us?" Sa huling lingon, Sarionaya and his husband smiling at them with their daughter na nakahawak sa kamay ni Senny na natutuwa sa anak nila.

"Zemma, those are your Titas and Titos." Agad namang nag-bow ang anak at ngumiti sa kanila.


"Reunion huh?" Ngising turan ni Enzyme sa lahat.



**********

8 years later....





Nagmamakaawa ako na huwag niya akong itago sa kung saang lugar dahil hindi ko kakayanin na wala siya sa tabi ko pero bakit? Bakit niya parin ako iniwan?


I'm longing for her love and find the answer for the questions na hindi ko man lang masagot-sagot. I came from her womb, galing ako sa tiyan niya pero itinago niya lang ako dahil natatandaan niya ang sakit na naramdaman niya noon pa man.



Tinago ako ni Mama, Mama Senny.

Looking at the building, a big building with wide open gate. This is Natharia Academia, dito ako mag-e-enroll and to find answers for my questions.


With the help of my power, hindi ako namuhay mag-isa. With the help of them, I grew stronger and colder as ice and wind.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro