HG 71
Genesis.
Ang araw kung saan hinihintay na ng lahat, ang araw na kinakatakutan ng lahat at ang araw na dapat ng mapagtagumpayan para sa kapayapaan. Natatakot ako sa posibleng mangyari, natatakot ako na baka hindi namin mapagtagumpayan ang lahat pero nananalig ako sa mga kasamahan ko, may tiwala ako sa kanilang lahat.
"Nakahanda na ba ang lahat?!" Sigaw na tanong ni Satanina sa aming lahat at tumango lang kami.
Ayaw naming may mga inosenteng masasali sa laban, kailangan namin silang iligtas dahil nga 'yon ang misyon namin sa labanan na ito. Ang panatilihing buhay ang mga inosente at tapusin ang gulong sinimulan ni Dracunox.
Napalingon ako sa aking anak dahil sa biglaan nitong pag-iyak at kasabay nun ang matinding kidlat at kulog sa kalangitan.
"Napakalakas ng anak mo Genesis, hindi ko alam pero siya ang magliligtas sa atin kung malaki na siya kaagad. Dapat sana gumawa na kayo ng bata ni Ignite matagal na." Turan ni Cylechter pero hindi ko nagawang tumawa kung biro ba ang binitawan niya sapagkat binigyan ko lang siya ng tipid na ngiti.
Isa pa sa rason ang anak ko, hindi ko alam kung anong gagawin ko sa aking anak dahil sa kahit anong sulok ay delikado ang buhay niya. Pwede siyang patayin ng mga kalaban dahil ang anak ko ay magiging isang delubyo kapag lumaki ito ng tama at malakas laban sa mga kalaban. All of us here are aware how strong my daughter is dahil ang ina niya at ama ay napakalakas. Hindi mapagkakailang malakas ang magiging kapangyarihan ng anak ko. Sanggol pa siya ngayon pero kakaiba na ang presensiyang ipinapakita at ipinaparamdam niya sa aming lahat.
Kamukhang-kamukha ko siya pero sa ama niya naman nakuha ang kulay apoy niyang buhok na siyang mas ikinaganda nito.
"Kung sana ay pwedeng i-postpone ang panganganak Cy ay nagawa ko na 'yon para lang hindi masali ang anak ko sa gulo. Nakakatakot dahil sa posibleng mangyari sa anak ko." Turan ko habang nakatingin sa aking anak na karga-karga ni Ignite.
Napakaganda nilang tignang mag-ama, mahal na mahal ni Ignite ang anak niya na walang oras na hindi niya tinatabihan ito at walang oras na hindi niya kinukuwentuhan ang bata tungkol sa mga naging nakaraan niya bilang isang bata. Ang nakakalungkot lang, nasa gitna kami ng gulo na siyang hindi kami mapakali.
Bigla nalang bumukas ang pintuan kung saan doon kami lalabas, naghihintay doon ang napakalaking portal na siyang papasukin namin para makapunta sa isla ng Natharia. Kinakabahan ako, natatakot dahil baka mapahamak ang aking anak. Hindi ko din ito puwedeng ihabilin sa mga mamamayan dito dahil hindi din ako mapakali, hindi ako nagtitiwala sa kanila na baka sila pa ang dahilan kung bakit mamatay ako sa takot na wala ang aking anak.
Maiiwan ang mga mamamayan dito na siyang magpoprotekta sa Westheria Palace na siyang pangungunahan ni Deyfel at Teya pati na din si Arsulo. Sila ang mamumuno para bantayan lahat ng kaharian. Nandidito na rin ang mga Silver at Gold Ranked na siyang babantayan din ang Westheria kung saan nakatira ang iba pang mamamayan.
Nakahanda na kami para sa labanan, bitbit ang aming anak ni Ignite. Gagawin namin ang lahat para mailigtas ang Natharia sa kamay ni Dracunox.
"Hindi ba delikado sa inyong mag-asawa ang pagdala sa bata? Mas lalo kang mapapahamak Genesis." Turan sa akin ni Satanina pero binigyan ko siya ng ngiting tipid.
"Papatayin ko ang presensiya niya para hindi mapansin ng mga kalaban kung gaano ito kalakas at babantayan ko ito kahit na anong mangyari. Magkamatayan man basta lang mailigtas ang aming isla at ang aking anak." Rason ko sa kaniya at binigyan niya lang ako ngiting hindi inakala.
Ngiting parang nagdadalawang-isip pa siya, ngiting nakakakaba. May hindi pa siya sinasabi sa akin-sa amin ni Genesis at masasabi kong may kulang pa sa mga impormasyon na ibinahagi nila sa amin. Nakakainis dahil hindi ko man lang magamit ang kapangyarihan ko para alamin iyon dahil ganun din kalakas si Satanina para itago ang lahat.
Kasama namin ngayon ang mga Diyos, at Diyosa. Si Mascara na seryosong nakatingin sa Portal, si Devos na katabi ni Sonata at si Donessa na nakatingin sa kapaligiran na parang may sinusuri. Si Wenessa na nakakapit sa braso ni Cylechter at si Bill na nakaakbay kay Menesis. Si Spencer at Specter na siyang nagtatanguan na para bang may pinag-uusapan na sila lang ang nagkakaintindihan at si Azania na seryoso lang ding nakatingin kay Menesis pero nabigla ako ng lumingon ito sa akin ng seryoso.
Parang nakikita ko tuloy sa kaniya ang dating Azania pero hindi ako nagpatinag at tinanguan lang siya at sinagot niya din ako ng tango hanggang sa inilihis niya ang kaniyang tingin. Si Sarionaya na hindi ko maintindihan kung malungkot ba o may kinakatakutan dahil sa mga mata niyang masiyadong nagpapalabas ng emosyon. Si Senny na ganun din katulad ni Sarionaya, masiyado din siyang malungkot pero batid kong alam ko na ang dahilan.
Si Menesis na hindi ko alam ang kaniyang tinuturan, kanina pa kasi siyang seryoso.
At ang huli, ang aking asawa na si Ignite na seryosong nakatingin sa liwanag ng portal habang maiging iniingatan ang aming anak na ngayon ay nakapikit na. At gaya nila ay tumingin ako sa portal na may nakayukom na mga palad, nakataas na dibdib at nakaangat na noo.
"Simulan na ang laban." Bulong ko at sunod-sunod na kaming pumasok sa portal at halos sa kanila ay sabay pumasok.
Pagtapak ko sa lupa ay siyang pagbungad sa akin ng kadiliman, kadiliman dahil sa matinding kapangyarihan na bumabalot sa buong Natharia. Nasa harapan kami ng Academia na siyang giba-giba na hindi namin maintindihan. Nakakalungkot dahil hindi na namin kilala ang eskwelahan na siyang pinasukan namin noon. Sirang mga ding-ding na siyang pumoprotekta sa bawat gusali na nasa loob at ang gintong mga letra na siyang nabura na. Ang malaking gate na inaakala naming bubungad sa amin ay wala at nakatumbang nakaharap sa amin.
Napakadilim at kung hindi lang dahil sa buwan ay masasabi kong ito na ang lugar na pinakamadilim sa mundong ito. Mga wala ng buhay ng mga kapunuan na siyang sumasabay sa daloy ng napakasamang hangin. Mga bulaklak sa paligid na nalanta, kalupaan na biyak, mga gusaling wala ng itsura at ang buong kapaligiran na walang kabuhay-buhay.
Ang plano, ang iba sa mga Diyos ay nasa iba't-ibang corner ng Natharia Academia at unti-unti silang papasok doon at unti-unti nilang aatakihin ang mga kalaban na siyang nilikha ni Dracunox. Pagkatapos nun ay ililigtas nila ang mga inosente kung meron ba at ililipat iyon sa ligtas na lugar. Nagkalat ang mga kalaban at masisigurado kong pinaghandaan din nila ito pero alam kong hindi nila aakalain na nasa bawat sulok ang mga kasama ko.
"Mga bisita!" Sigaw ng kung sino at tama nga kami ng hinala.
Nasa harapan na namin sila mismo na nakangising nakaharap sa amin. At masiyado nga silang marami at hindi ko inaasahan na ganito din sila kahanda para sa aming pagdating. Matalino sila sa inaasahan, hindi sila magpapatalo dahil alam kong pinaghandaan nila ang araw na ito.
Ngayon lang sumagi sa isip ko na ang dilim subalit sa lugar ng Westheria ay parang napakayapang tignan dahil sa tirik na tirik na araw. Para kaming walang problema doon kung titignan.
"Iniinsulto niyo ba kami at ang mga sarili niyo lang ang dinala niyo? Nagpapakamatay ba kayo?" Napatingin ako sa nakakunot-noong si Werrestella.
Ang kasama ko lang ngayon ay sina Satanina, Donessa, Mascara, Ignite at si Spencer. Ang mga seryoso sa aming mga grupo.
"At may sanggol pa talaga kayong dala?"
Bigla nalang umigting ang aking mga panga ng biglang nagsalita si Axial na ang anak ko pa ang unang nasulyapan na siyang ikinainis at ikinainit ng aking ulo. Iba na nga sila, hindi sila kontrolado ni Dracunox dahil sila mismo ang kumokontrol sa mga sarili nila.
Bigla kong inagaw ang bata at binitbit ng maigi at doon na nagsimula ang unang hakbang..
Lumutang sa ere ang aking anak at binigyan ko ito mg panangga na kapag sino man ang lumapit sa kaniya ay magiging abo dahil sa taglay nitong init. Poprotektahan ang aking anak ng aking kapangyarihan at gagawin ko ang lahat para lang iligtas siya. Hindi siya magagalaw, hindi siya mapapahamak at kung sino man ang gagawa ng hakban na siyang ikakapahamak ng aking anak ay siyang hindi pagdalawang-isip ng aking utak na kunin ang kanilang mga hininga.
Napansin kong sumugod na ang ibang kalaban kaya naghanda na kami sa aming mga puwesto at doon nalang nagsilabasan ang mga totoo naming presensiya at kapangyarihan.
Bigla nalang lumindol at napansin kong nabiyak ang lupa na siyang gawa ni Ignite at lumabas doon ang napakaraming halimaw na nanggaling sa impyerno. Napakaraming lumabas na siyang halos ikinaatras ng mga kalaban, sabagay mga specialist sila na may buhay at kalaban nila ang mga immortal ng impyerno. Hindi sila gawa ni Dracunox dahil sila mismo ang nakibahagi sa kupunan. Sila ang umasa at aasa silang magtatagumpay sila na hindi namin hahayaan.
Bigla ding nagbago ang anyo ni Satanina at nakita namin kung paano naging itim ang kaniyang mga pulang mga mata at doon ko nalang napanasin na nagpalabas na din siya ng mga kampon ng kaniyang kapangyarihan. Lumabas sa kaniyang likuran ang napakaraming ligaw na kaluluwa na siyang kinakatakutan ng lahat noong nandoon pa ako aa Natharia.
"Sugod!" Sigaw ko at sumugod na kaming lahat sa mga specialist na seryoso na ding nakatingin sa amin.
Dadanak na ang mga dugo at kaluluwa...
Umatake na din sila sa amin at ganoon nalang kabilis ang mga nangyari dahil unti-unti ng nagiging maliit ang kanilang bilang. Binabato sila ng naglalagablabang mga apoy na siyang nanggaling kay Ignite. Mga liwanag na siyang nanggagaling sa buwan na siyang kinukuhanan ng lakas ni Spencer at inatake ang iba pa.
Si Donessa na inaatake pisikal ang mga kalaban at kitang-kita ko kung paano niya sugatan ang sarili niyang braso at dumanak doon ang dugo na siyang unti-unting naging sandata. Si Mascara na walang tigil sa pagbato ng mga air dagger at umaatake din ng pisikal na siyang ikinahanga ko sa kaniya dati pa.
Napatingin ako sa gilid dahil sa presensiya at sinipa ko kaagad ang babae na siyang magtatapon sana sa akin ng apoy, pinalibutan ko ito ng mga apoy na siyang hindi niya inaasahan ng pagkatumba niya dahil sa sipa ko at walang-atubiling ginawa siyang abo. Kitang-kita ang sakit sa kaniyang mga mata at ang paglapnos ng kaniyang mga balat hanggang sa nawala na siya dahil sa ginawa ko. Marami pang umatake at bigla ko silang inatake na walang alinlangan, para sa kapayapaan at para sa sanlibutan na siyang aming pinoprotektahan.
Amoy na amoy na namin ang langsa na siyang dugo na nanggaling sa mga kalaban, mga nag-iiyakang kaluluwa na siyang bumubulong sa mga tenga ko. Mga katawan na nalalapnos dahil sa apoy at liwanag na nanggaling sa buwan at mga kalaban na nawawalan ng mga hininga.
Nagkalat ang matinding usok sa aming kapaligiran at ang mga iba't-ibang kapangyarihan na siyang nagliliparan. Bawat segundo at minuto ay hindi nawawala ang aking kaba at parating sumusulyap sa aking anak na siyang napakahimbing na natutulog na nakalutang sa ere na pinapalibutan ng aking kapangyarihan.
Bigla nalang akong natumba dahil sa pagsipa ng kung sino at akmang aatakihin ko siya ng bigla nalang naging abo ang lalaking nasa harapan ko.
"Not my wife."
Ibinaling ko ang aking mga mata sa seryosong ekspresiyon ni Ignite na siyang nagbibigay sa akin ng lakas. Nakakamangha ang pagiging seryoso ng aking asawa at napakasarap sa pakiramdam na nagtatawag na kami kung paano nagtatawagan ang mag-asawa. Mahal ko siya at ang anak namin at hindi ko mapapayagan ang tadhana na kunin ang asawa ko at ang anak ko na siyang naging kayamanan ko ngayon at buhay ko mapagkailanman. Kahit kinakabahan, hindi ko batid ang kasiyahan na aking nararamdaman dahil sa pagmamahalan namin ni Ignite. He is responsible husband at proud na proud ako na nasa akin siya. Dahil sa kaniya, naramdaman ko kung paano mahalin.
Tumayo ako sa pagkakaupo at bigla ko nalang hinarap ang mga tauhan na siyang napakaseryosong nakatingin sa aking direksiyon. Napakarami nilang aatake sa akin at hindi na ako naghintay pa ng ilang oras at bigla ko nalang naramdaman ang pag-init ng aking katawan at nararamdaman ko ang pag-init din ng aking mga mata. Puso kong tumitibok ng napakalakas at napakabilis na parang dinig na dinig na nila ang tibok nito. Pumikit ako dahil sa kakaibang pakiramdam na dumadaloy sa aking sistema at sa pagdilat ng aking mata ay siyang pagtigil ng kanilang mga paa sa pagtakbo.
Takot silang napatingin sa akin pero hindi ko alam pero bigla nalang lumabas ang aking ngisi na siyang ikinaba ata nilang lahat.
"Disappear." Bulong ko at doon nalang nagsilaho ang mga kalaban pati ang mga nasa harap ng mga kasamahan ko ay nagsilaho din.
"Hey control yourself Genesis." Dinig kong sambit ni Spencer kaya tinanguan ko lang siya dahil baka akala niyang hindi ko na nakokontrol ang kapangyarihan ko.
"I will." Tugon ko nalang sa kaniya.
Napatingin ako sa anak ko na bigla nalang itong umiyak. Nagulat ako dahil pilit itong inaabot ni Nhelina pero bigla nalang siyang natigilan ng biglang kumulog ng napakalakas. Napaatras si Nhelina dahil sa napakalakas na kulog at akmang aalis na siya ng bigla niya akong nabangga na hindi niya inaasahan.
Seryoso ko siyang tinignan at ipinakita kung paano umigting ang mga panga ko dahil sa kahangalan na gagawin niya dapat.
"Anong gagawin mo sa anak ko?"
Gulat na gulat siyang napatingin sa akin at alam kong mas lalo siyang natakot o nagulat dahil sa biglaang pagdalawa ng boses ko.
"A-Anak m-mo?" Takang tanong niya pero hindi na ako sumagot pa at dinakman siya sa leeg at walang-atubiling ibinalibag siya at itinapon sa harapan ni Dracunox na ngayon ay napakaseryosong nakatingin sa gawi ko. Iika-ikang bumalik sa puwesto si Nhelina at katulad namin, seryoso parin silang lahat nakatingin sa amin.
Kumpleto ang mga Prinsipe at Prinsesa, si Enzyme na seryosong nakatingin kay Ignite at si Athena na seryosong nakatingin kay Mascara. Kapatid naman ni Athena na siyang parang baluga dahil parang may hinahanap pero hindi ko na iyong pinansin pa dahil nakatingin lang ako sa mukha ni Dracunox.
"Pakawalan mo ang inosente." Pagbabasag ko sa tahimikan.
"Inosente? Alam mong sa lugar na 'to ay walang ng inosente Genesis." Turan naman sa akin ni Igneous na nandoon parin ang ngisi na hindi mawala-wala.
"Hindi ikaw ang kinakausap ko." Turan ko sa kaniya pero ngumisi lang siya sa akin.
"Well bakit? Takot ka na ba? Well wow, ang cute ng anak mo ah?" Seryoso ko siyang tinignan dahil sa sinabi niya na mas lalong nagpangisi sa kaniya.
"Parang hindi mo ata kasama si Menesis?" Dagdag na tanong nito kaya ako naman ang napangisi.
"Huwag ka ng mangarap Igneous, napakahina mo at pangit pa para sa kapatid ko. At oo, ang cute ng anak ko. Napakaganda ng pamangkin mo no?" Nandoon parin ang pagdadalawa ng boses ko at natigilan siya doon at napawi ang ngisi.
"Wala kang makukuha bata, kung gusto mo ng katahimikan, ibigay mo sa akin ang kapangyarihan mo-kapangyarihan niyo para wala ng gulo." Naging demonyo na ang boses ni Dracunox na siyang hindi ko inaasahan. Kakaiba na siya, para siyang hindi matanda kung tignan dahil sa kakaibang presensiya na meron siya. Dahil ba 'yan sa kapangyarihang nakuha niya sa mga pinatay niya?
"Hindi pa kami baliw at hindi pa kami magpapakamatay para ibigay sayo kapangyarihan namin Dracunox." Sagot sa kaniya ni Satanina at nakita ko kung paano nagulat si Dracunox dahil sa biglaang pagsabat ni Satanina.
Hindi ba niya napansin si Satanina kanina? Saan ba nakatuon ang kaniyang mga mata at parang hindi niya alam na nandidito si Satanina? A-Ano bang meron sa nakaraan nila at bakit ganiyan nalang ang ekspresyon ni Dracunox? Pero makikita sa mukha ni Satanina na parang hindi niya ganun kakilala si Dracunox.
"Sabi ko naman sayo Dracunox eh, kapag bumalik ako dito, kasama ko na siya." Nakita ko kung paano ngumisi si Donessa kaya nagtaka naman ako.
Anong istorya na naman ang meron sila at parang magkakilala na sila noon pa? Sino ba talaga sila?
Bigla nalang kaming nakarinig ng mga pagsabog sa iba't-ibang corner ng eskwelahan na siyang ikinamura ni Dracunox.
"Maghiwa-hiwalay kayo at patayin ang mga hangal!" Maotoridad nitong utos at doon nalang nagtakbuhan ang lahat at naiwan nalang ang hindi pamilyar na apat na lalaki at si Anomos.
At sa inaasahan, they will not expect the plans we have.
"Father." Napatingin ako kay Ignite ng banggitin niya iyon kaya napatingin ako sa gawin kung saan siya nakatingin at halos mapatakip ako sa aking bibig ng mapagtanto kung sinu-sino ang mga nasa harapan namin.
"They are the five kings of the five Natharia Kingdoms." Bulong ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro