Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 49

Warning: This might contain words, settings, and content not suitable for everyone. Read at your own risk.
___________



Kung hindi ko napigilan si Luke ay halos mapapatay na nito si Elijah sa sobrang galit niya. Tangay tangay ako nito papunta sa sasakyan at talaga namang ang bibigat ng pagbuga ng hininga ang pinapakawalan nito. Ang bilis din ng hakbang niya at halos di ko na masabayan, Tinatago ko na lamang ang mumunting hikbi ko dahil ayokong makadagdag pa. Nang makalapit na kami sa sasakyan ay binitawan na ako nito at napasandal pa siya duon.

"Putangina..." rinig kong mumunting bulong nito.

Hindi ako sumasagot o nagsasalita man lang dahil ayokong makita niyang natatakot pa din ako.

"Putangina. Kasalanan ko to eh, Dapat hindi na talaga kita pinayagan" singhal ni Luke.

Napailing iling ako at hindi ko na nagawang manahimik dahil sa paninisi niya sa kanyang sarili. "Wala kang kasalanan Luke. Makulit kasi ako eh, Kung nakinig lang sana ako sayo. Hindi sana mangyayari ito"

"I want to kill that shit." matigas na sabi nito.

Agad akong lumapit at hinawakan ang braso niya. "Medyo depressed si Elijah ngayon. Feeling ko kasalanan ko yun" mahina at nahihiyang sabi ko.

Tumigas ang ekspresyon ng mukha nito. "Seriously, Samantha?" hindi makapaniwalang tanong niya.

"Naguiguilty ako" sabi ko at hindi ko na napigilan ang pagiyak.

"Hindi ko alam. Feeling ko napakaselfish ko para iwan siya ng ganuon. May point siya, limang taon niya kaming inalagaan tapos ganun ganon na lang?" paninisi ko sa aking sarili.

"Bayad ka na sa lahat ng ginawa niya para sa inyo ng maniwala ka sa kasinungalingan niya" pagaalo sa akin ni Luke na ngayon ay niyakap na ako, Dama ko pa din ang tensyon sa katawan nito.

Nagulat pa nga ako ng padabog nitong binuksan ang backseat at may inilabas na bimpo. Halos ma pa aray ako sa pagpunas niya sa may bandang leeg ko. "Fuck. Amoy alak ka, Samantha. Tangina talaga!" nanggigigil na sabi nito habang parang nagkukuskus lang ng kung ano.

"Aray, Luke" daing ko dito.

Nang marealize niya ang ginagawa niya ay mariin itong napapikit at pinagsisipa ang gulong ng sasakyan niya. "Fuck. Fuck!"

"Luke, tama na please" pagmamakaawa ko sa kanya.

"Kung hindi ba ako dumating ibibigay mo yung sarili mo, Samantha?" gulat kong tanong niya.

Wala sa sarili akong napailing. "Ofcourse not!" pagtatanggol ko sa aking sarili.

Natahimik ito at hindi nakapagsalita, Parang finifilter pa niya yung sinabi ko at hindi niya ito pinaniniwalaan.

"Hindi ko gagawin yun Luke kung yan ang iniisip mo. Ano nga ba naman ang magagawa ko, Kung nung una pa lang yan naman talaga ang tingin mo sa akin" Sabi ko at sinangga siya para makuha ang bag ko sa may passenger seat at iniwan siya duon.

"Oh my gahd!" singhal ni Viel. Nakipagkita ako sa kanya sa isang restaurant sa mall pagkatapos kong iwanan si Luke sa may parking lot ng condo nila Elijah. Hindi ko alam kung nasaan na siya ngayon.

"Hindi ko alam kung bakit naiisip niya pa iyon. Iniisip niya na ibibigay ko kay Elijah yung sarili ko eh simula pa lang naman nung una sa kanya ko lang ibinigay iyon. Kala ko ok na kami pero parang bumabalik yung dati. Parang yun pa din yung tingin niya sa akin..." umiiyak na sumbong ko kay Viel.

Hindi ko na inalintana ang mga tao sa paligid namin dahil di naman sila makakatulong sa amin. "Shhh...Wag ka ng umiyak, syempre natakot din yung asawa mo, Baka nabigla lang din naman siya sa sinabi niya" pagaalo sa akin ni Viel na may pasa ngayon, Naikwemto din niya na nagkasakitan sila ni Elijah kaya umalis siya duon.

"Natatakot ako..." sumbong ko.

"Saan?"

"Paano kung sabihin niya kay Luke yung nangyari nuon? Paano kung sabihin niya kay Luke yung tungkol sa pagkakarape sa akin?" kinakabahang sabi ko.

"Then unahan mo na siya. Ikaw na ang magsabi kay Luke bago ibang tao pa..." suwestyon niya na parang akala mo madali lang.

Marahan akong umiling iling, "Ayokong maalala pa ni Luke iyon, ayokong masaktan pa siya ulit"

Nanlambot ang ekspresyon ni Viel at hinaplos ang pisngi ko. "You're so sweet, Samantha. Pero kailangang malala ni Luke. Hindi magwowork lahat ng ipaglalaban niyo kung may mga bagay pa ding nakatago sa nakaraan" makabuluhang suwestyon niya.

Patay ang buong ilaw sa bahay pagkauwi ko. Marahil ay tulog na ang mga bata. Dahan dahan akong pumasok para naman hindi makagawa ng kahit anong ingay. Pagkalock na pagka lock ko ng pinto ay muntik na akong mapasigaw sa gulat ng mag nagstrum ng gitara. Agad bumukas ang mga ilaw at nakita ko si Luke na nakatayo malayo sa akin. Nanlulumo ang mga mata nitong nakatingin sa akin na para bang may malaking kasalanan siyang pinagsisisihan.

Muli ay 'yong pagbigyan,

ako'y nagkamali,

Muli ay 'yong patawarin,

ako'y nagsisisi,

Ang pagkanta niya ay lubos kong ikinagulat. Damang dama niya ito at parang bawat salitang bigkasin niya ay may laman. Kasabay ng pagpasok ng magandang tinig niya sa aking tenga ay ang pagpasok din ng alala ng simula namin.

"Samantha tell them walang nangyari...Tell them"

"Me...meron Luke..."

"Please mahal na mahal lang talaga kita Luke"

"Mahal mo ako!? Putanginang pagmamahal mong yan Samantha!"

Alam kong ako'y nangakong di na mauulit pa

ako'y nagkamali sa'yo,

muli ay patawarin mo

Ako ba'y 'yong yayakapin?

nakaraa'y kayang limutin?

Magtiwalang muli

mahalin mong muli

magbalik ka sa'kin


"Tama na Luke..."

"Ako lang ang pwedeng makakita nito Samantha!"

"We made love Luke"

"No love, bitch!"

"I Hate you...I hate you, Luke"

"Don't worry Sam. The feeling is mutual, I hate myself too..."

'Di ko kakayanin kung ika'y mawawala sa aking piling,

'Di ko kakayanin pag nalaman kong wala nang pag-ibig sa akin

'Di kayang mag-isa, gustong kasama kita

Sa'yo lang ang pag-ibig ko

Magtiwalang muli, ito na ang huling pagkakamali

Pag-ibig ko'y muling tanggapin

"I hate you, Samantha! I really really hate you! I hate you for keeping my kids! I hate you for leaving me! I hate you, Baby! I hate you so much! But damn it! I love you at the same time. I love you so much!"

"Bakit ka natatakot Baby?"

"Kasi mahal pa din kita"

"Kasi lumayo ka. Iniwan mo ako"

"Kasi sinaktan mo ako"

Muli ay 'yong pagbigyan,

pag-ibig natin,

sabihin mo sa akin,

ang 'yong gusto'y susundin,

Magtiwalang 'di sinasadyang maging di' tapat sa'yo

Doo'y nakalimot nga ako, nangyari'y 'di ko ginusto...

Ako pa ba'y kayang yakapin?

Ang init ng halik sa akin, kaya bang inalik?

Dama ang bawat saglit ng sakit ngayong wala ka na...

'Di ko kakayanin kung ika'y mawawala sa aking piling,

'Di ko kakayanin pag nalaman kong wala nang pag-ibig sa akin

'Di kayang mag-isa, gustong kasama kita

Sa'yo lang ang pag-ibig ko

Magtiwalang muli, ito na ang huling pagkakamali

Pag-ibig ko'y muling tanggapin



"You can take me, Luke. You can have me"

"I won't Sam...Hanggat hindi mo sinasabing mahal mo pa din ako. Hangga't hindi ka pa buong bumabalik sa akin"

"I love you, Luke. Pero natatakot akong bumalik sayo, Kasi nakakatakot kang mahalin"



Muling mahalin,

'Di kakayaning ika'y mawala sa aking piling,

Muling tanggapin, muling mahalin,

Ika'y magbalik, magtiwalang muli,

Muling ibalik ang pag-ibig na dati'y sa atin...

Pagkat...

Muling tanggapin...

Muling tanggapin...



"I'm sorry, Luke. I'm very very sorry"

"Shhh...You already sacrifice baby. You already sacrifice a lot"

Kasabay ng pagtapos ng kanta ay ang pagmulat ng aking mga mata. Hindi na ako nagulat na malapit na ito sa akin. Ibinaba niya ang gitarang hawak niya at marahang pinunasan ang pagtulo ng luha ko sa aking pisngi.

"I'm sorry, Sam. I'm sorry for being a jerk, i'm sorry for hurting you again. I'm so sorry..." mangiyak ngiyak na ding sabi niya.

"Natakot lang ako. Kasi mahal na mahal kita at baka hindi ko din kakayin pag umalis ka nanaman. Baka iwan mo ako ulit, natatakot ako. I'm scared, Sam. Pero at the same time natatakot akong masaktan ka nanama dahil sa akin. Natatakot ako na baka umiyak ka nanaman dahil sa akin at lalong natatakot akong magsakripisyo ka nanaman para sa akin. Baka pag nalaman kong may ginawa ka nanaman para sa akin at ni minsan ay hindi ko nagawang iappreciate yun at nagawa ko pang saktan ka...I swear mababaliw ako baby." Sincere pero parang takot na takot na sabi niya.

"I swear mababaliw ako pag nalaman kong sobra kang nasaktan ng dahil nanaman sa akin..." Sabi niya at hindi na niya napigilan ang pagtulo ng luha kaya naman mahigpit ko siyang niyakap.

Anong mangyayari pagnalaman niya? Paano kung dumating sa puntong siya naman ang sumuko sa amin? Paano kung siya naman ang mawala sa amin...Kakayanin ko ba?





(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro