Chapter 19
Warning: This might contain words, settings, and content not suitable for everyone. Read at your own risk.
___________
Dumating ang araw nang pagpunta namin sa foundation na matagal nang sinusuportahan ng pamilya Jimenez.
"Let's go" yaya sa amin ni Lola nang maayos na namin ang lahat ng kakailanganin namin pagpunta duon.
Habang palabas kami ng bahay ay napansin ko ang pagkakabusangot ni Elaine. "Bakit ka nakasimangot?" Nagtatakang tanong ko dito.
Mas lalo lamang humaba ang nguso niya, napailing iling pa ito. "Wala" malungkot na sagot niya sa akin. Dahil sa kanyang naging reaksyon ay nginisian ko siya. "May crush ka ano? Tapos may girlfriend..." pangaasar ko pa sana sa kanya ang kaso ay mas lalo itong napasimangot.
"May crush ako, pero hindi kami pwede" makungkot na sabi pa niya sa akin bago siya tamad na tamad na tinahak ang daan palabas ng bahay.
Hindi pa man nakakaabot si Elaine sa may pintuan ay kaagad ba itong nagulat sa biglaang pagdating ni Axus. Hinihingal pa ito dahil sa pagmamadali. Mabilis niyang sinalubong si Elaine at tsaka ito hinalikan sa noo.
"Nakahabol ako, baby" nakangiting sabi niya kay Elaine na ikinagulat ko. Alam ko naman kung gaano sila kaclose na magpipinsan pero may kakaiba kasi sa kanilang dalawa.
Kita ko ang paglingon ni Elaine sa akin. Kita ko ang takot sa kanyang mga mata. Ako ang nakaramdam ng hiya dahil sa tingin nila sa akin ni Axus. "Mauuna na akong lumabas" naiilang na paalam ko sa kanilang dalawa.
Napahawak ako sa aking dibdin pagkalabas ko ng pinto. Hindi ako halos nakahinga ng maayos habang nasa loob ako kanina. Naabuta si Luke, nakatalikod ito sa akin habang may kausap ito sa kanyang cellphone. Hinayaan ko na lamang siya kaya naman naglakad na ako papunta sa van, iyon lang ang gagamitin naming lahat papunta sa foundation.
Hindi pa man din ako nakakasampa ay naramdaman ko na ang paghawak sa akin ni Axus. "Can we talk Sam?" Seryosong tanong niya sa akin. Hihilahin niya sana ako pabalik sa bahay para makausap ng maayos ng mabilis na humarang sa amin si Luke. Lumapit siya sa akin tsaka niya kaagad na ipinulupot ang kanyang braso sa aking bewang.
"Hands off Bro..." utos niya sa pinsan. Napabuntong hininga na lamang si Axus. Kaagad akong binitawan habang bigong dumiretso sa van at nauna ng umupo duon.
Bumaling kaagad sa akin si Luke. "Anong problema?" Seryosong tanong niya sa akin tukoy sa paglapit ni Axus.
Kaagad akong napailing. "Wala naman..." mahinang sagot ko sa kanya. Nagtaas siyang kilay. "Alam kong meron" laban niya sa akin kaya naman napakagat ako sa aking pangibabang labi.
"Wala" giit ko oa din sa kanya kaya naman mabilis niya akong inirapan. "Whatever" inis na pagsulo niya.
Tinalikuran biya ako at kaagad siyang sumigaw para tawagin si Elaine na nasa likod ko na ngayon. Nilingon ko din ito kaya naman nakita ko ang takot sa kanyang mga mata.
Tipid ko siyang nginitian. "Tara na" yaya ko sa kanya kaya naman naiilang siyang tumango sa akin.
Pumasok ako sa Van at nakita ang bakanteng upuan sa tabi ni Axus. Balak ko sanang duon umupo para makausap siya ng kaagad akong napasigaw ng hilahin ako ni Luke pabalik.
"Dito ka uupo sa tabi ko" seryosong sabi niya at kaagad akong ipinwesto sa katabi niyang upuan.
Tahimik kami sa buong byahe. Hindi din naman nagtagal ay nakarating din kami kaagad sa foundation. May inihandang event ang pamunuan nito para sa pagbisita ni Lola. Pagkabukas ng pinto ay kaagad na sumalubong sa amin ang sabay sabay na pagbati sa amin ng mga bata.
Iba't iba ang range ng age ng mga bata duon. Ang ibang care taker ay may hawak pang mga sanggol. Dumiretso kami sa covered court na si Lola din ang nagpagawa para sa mga bata.
Hindi nawala ang tingin ko sa mga batang iyon na todo ang ngiti sa akin. Napangiti ako at kaaga na nanggigil. "Ang daming cute" nakangising bulong ko.
"Thank you" sabi ni Luke na ikinagulat ko.
"Ha?" Naguguluhang tanong ko sa kanya.
Ngumisi siya. "Sabi mo cute ako" pagmamayabang niya pa sa akin. Hindi man lang siya ngumiti habang sinasabi iyon, seryoso pa din.
Humaba ang aking nguso. "Sabi ko yung mga bata...sila yung cute" laban ko sa kanya pero inirapan niya lamang ako.
"Mga bata..." mapanuyang sabi niya pa. "Kunwari ka pa, alam ko namang cute din ako" inis na pamimilit niya sa akin.
Mariin akong umiling. "Di ka naman cute. Gwapo ka, pero di ka cute" wala sa sarili kong paliwanag sa kanya. Nang marealize ko iyon ay kaagad kong naramdaman ang paginit ng aking pisngi.
Tumaas ang isang kilay ni Luke. Nakangisi itong nakatingin sa akin. Nangaasar pa.
"Papasok na ako" nahihiyang paalam ko sa kanya at tsaka ako nagmadaling iwanan at lagpasan siya.
Sa isang malaking round table kami pinaupo ng organizer. Nanduon na din sina Axus at Elaine na makahulugan pa ding nakatingin sa akin. Nagsimula ng magsalita ang emcee sa may harap.
"Nagugutom na ako" pagod na sabi ng kauupo lang na si Luke.
Nagulat ako. "Gutom ka na?" Nabulol pang tanong ko sa kanya dahil sa pagkailang. Tinaasan niya ako ng kilay bago siya umakbay sa akin. Dahil sa suot kong sleeveless ay ramdam na ramdam ko ang init ng kanyang balad sa aking balikat at braso.
Marahan siyant tumango pagkatapos ay kinindatan pa niya ako. Inilapit niya ang mukha niya sa tenga ko para bumulong. "Gusto mong ikaw ang kainin ko?" Pangaasar niya sa akin kaya naman ramdam na ramdam ko ang pagtayo ng aking balahibo.
Tumahimik na lamang ako. Nagumpisa na ang program. May mga batang nagperform ng kabilang kanya kanyang talent. May mga palaro dito bago pa ianunsyo na pwede ng kumain.
Nasa kalagitnaan kami nang pagkain ng biglang bumaling sa akin si Lola. "Samantha kumanta ka nga para masaya" pangaasar pa niya na kaagad na ikinalaki ng aking mga mata.
"Po?" Kinakabahang tanong ko sa kanya. Hindi iyon makapasok sa aking sistema. Kaagad akong nakaramdam ng kaba.
Sinimangutan ako ni Lola. "Ang sabi ko, kumanta ka dun" turo pa niya sa harapan. Umiling iling ako pero masyadong desidiso si Lola.
"Eh naku Lola, hindi po ako marunong" nakangisi pang pagtanggi ko sa kanya kahit ang totoo ay kinakabahan na talaga ako sa gusto niyang mangyari.
Pinanlakihan pa niya ako ng mata. "Ayaw mo?" Pagbabanta niya sa akin. Nilingon ko si Luke para sana humingi ng tulong sa kanya. Pero mas lalo lamang bumagsak ang balikat ko ng hindi man lang niya ako lingonin, mukhang wala talagang balak na tulungan ako.
Sa huli ay wala na akong nagawa kundi ang pumayag sa gusto ni Lola. Pakiramdam ko ay sobrang pula na ng pisngi ko dahil sa sobrang hiyang nararamdaman. Bago pa man ako tumayo ay muling lumapit si Luke sa akin para bumulong.
"Sing for me" paos na sabi niya kaya naman nanindig ang aking mga balahibo dahil sa sobrang manly ng kanyang boses.
Mas lalo akong napangiwi ng muli nanamang nabuhayan si Elaine. "Go sister in law!" Sigaw pa nito at kaagad na sumigaw. Sinamaan ko siya ng tingin pero ngiting ngiti lamang siya sa akin.
Lumapit ako duon sa batang lalaki na may hawak na gitara. Kahit papaano naman ay alam kong tumugtog nuon. Tipid ko siyang nginitian.
"Pwede ko bang mahiram?" Nahihiya pang tanong ko sa kanya pero kaagad niya akong nginitian.
"Opo mrs. Jimenez" masayang sagot pa niya sa akin. Nahihiya akong umupo sa gitna. Bayolente akong napalunok ng muli akong mapatingin sa aking table. Diretso ang tingin ni Luke sa akin.
Sing for me. Paulit ulit na tumakbo iyon sa aking isip. Inanunsyo ng emcee na kakanta ako kaya naman nagpalakpakan ang mga bata. Hindi pang bata ang naisip kong kanta, pero para kay Luke ito.
I thought sometime alone
Was what we really needed
You said this time would hurt more than it helps
But I couldn't see that
Habang kumakanta ay napatingin ako kay Luke. Titig na titig din ito sa akin. Nagiwas din ako kaagad dahil hindi ko kinaya ang lalim ng titig niya.
I thought it was the end
Of a beautiful story
And so I left the one I loved at home to be alone (alone)
And I tried to find
Out if this one thing is true
That I'm nothing without you
I know better now
And I've had a change of heart
Tumingin ako ulit sa kanya at ngayon ay seryoso siyang nakatingin sa akin habang nakahalukipkip at pinaglalaruan ang Ibabang labi niya. Dahil sa chorus na ay napapikit ako at dinama ko na lang ako bawat lyrics.
I'd rather have bad times with you, than good times with someone else
I'd rather be beside you in a storm, than safe and warm by myself
I'd rather have hard times together, than to have it easy apart
I'd rather have the one who holds my heart
Whoo-oo-oo-oo yeah
Siguro nga. I'm willing to sacrifice everything basta para kay Luke.
Matapos ang kanta ay agad akong bumaba. Nagpalakpakan pa sila. Sinalubong ako ng nakakalokong ngiti ni Elaine. Napanguso ako at tsaka siya sinamaan ng tingin. Kanina lang ay parang hindi maipinta ang mukha niya.
"Hugot!" Sigaw na kantyaw pa niya sa akin sabay tawa.
Hindi ko siya pinansin. Maging si Lola ay sinalubong din ako ng ngiti. "Ang ganda pala ng boses mo hija" puri pa niya sa akin kaya naman uminit ang aking magkabilang pisngi.
"Salamat po" nahihiya pang sabi ko sa kanya.
"Ako din nung kabataan ko..." biglang Kwento ni Lola. Pero di ko na narinig ang mga pinagsasabi niya dahil sa tinging ibinibigay ni Luke sa akin habang palapit ako sa ipuan kong katabi niya.
Nang makaayos na ako ng upo ay agad siyang humilig sa akin at ayan nanaman ang labi niya sa tenga ko. Kailangan ba talagang nakadikit iyon? Kinilabutan ako at biglang may kung anong kumiliti sa loob ng aking tiyan ng magsalita siya.
"Ouch. Tinamaan ako..." natatawang sabi niya. Agad akong bumaling ng tingin sa kanya. Nakipagtitigan ako pero bumaba ang tingin ko sa pagkakakagat labi niya.
"Para sa akin nga" sabi niya nang tinukoy ang kanta.
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro