Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 20

Lara.



"W-What do you mean?" Magulong tanong ko sa lalaki habang pinapanuod namin ngayon ang kakaibang anyo ni Zaporah. She looks like a Dragon, sabi ng lalaking 'to na nagngangalang Esterno ay isang form ito ng isang Dragonoid. I think this guy ang hinahanap ni Zaporah! And she knew Zaporah. And Dragonoid is not familiar to me, is it half human and half Dragon?

"Kapag hindi natin siya pipigilan, pati tayo ay madadamay. Malakas siya kapag nasa ganiyang anyo siya pero mas lalo siyang lalakas kapag nag-anyong Dragon na 'yan." Agad nanlaki ang mga mata ko nang maintindihan ko na ang sinabi niya. Ngayon lang talaga nag-sink in sa'kin ang lahat-lahat kaya agad akong kinabahan na humarap kay Zaporah na ngayo'y kinakalaban si Aro. Mabilis si Aro at hindi niya hinahayaan na matamaan siya sa mga apoy ni Zaporah.

"I can stop her but it takes a lot of time." Dinig kong sabi ng lalaki.

"Edi gawan mo ng paraan! Baka mapahamak tayong lahat dito!" Sigaw ko sa kaniya. Parang ang kalma lang kasi niya kung tignan, his face feature ay hindi rin nalalayo sa mga kalalakihan dito. He got good face and body build, his height is also towering so in short, he is really good looking. He has those fire blue eyes as if like it is burning inside, and I can sense that he is not just an ordinary Specialist. He is a good one! His aura tells me more something about his strength and power unlike ni Zaporah na tinatago niya ang lakas niya.

Bigla akong natigilan dahil sa malakas na ungol na narinig namin. Natigilan ako at ganoon na din ang kasama kong si Esterno pero pansin ko na hindi parin tumitigil sina Zaporah at Aro sa pakikipaglaban.

"Zora." Kabang bulong ko. Hindi puwede!

Agad akong lumabas ng guild, kinakabahan akong tumakbo habang pinapamilyar ang daanan. Iisa lang ang daan pero masasabi kong malaki nga rin talaga ang kabuuan ng guild house na'to. Lumingon ako sa likuran at nandoon lang ang lalaki habang nakatingin sa pinsan niya. I think he is thinking possible ways to save his cousin not to let it transform in a fully monster Dragon! Like talagang na-speechless talaga ako na isa din palang Dragon si Zaporah na kayang mag-transform but in an uncontrollably way.

"No, no." Bulong ko habang dinadaanan ang mahabang pasilyo. Hindi puwedeng mag-transform si Zora into Dragon dahil maraming magkaka-interes sa kaniya kapag may makakakita. I cannot afford to lose a friend and a companion. He is my secret weapon and we cannot just give him to other people!

Ilang segundo ang dumaan nang makalabas ako ng guild house at doon na talaga parang bumigat ang katawan at pakiramdam ko nang makitang nasa anyong Dragon na nga talaga si Zora. His familiar Dragon feature is now fighting little ones, compared to his size ay wala itong mga kalaban-laban. Marami ng bumagsak and I cannot imagine na sa loob lang ng ilang minuto ay marami na itong napatumba.

Ngayon ko lang rin napansin na ang langit ay kinakain na ng malalaking itim na ulap and it is now starting to rain. And after that, a strong wind suddenly appeared out of nowhere and almost take all of the beings into a disadvantage position who are still standing and fighting.

"Ahh!" Sigaw ng iilan sa kanila nang biglang may tumarak sa kani-kanilang likuran and it is the roots from the dead trees who are now devilishly attacking them under Zora's command. I don't know what other Divine Dragon can do, as far as I know ay kaya niyang kontrolin ang weather and make use of it to give disadvantages to his enemy. The strong wind blew some of them and a lightning struck on their chests.

Napagdesisyonan ko na tumulong ulit na kalabanin ang iba, I control the raindrops and make it as bullets pagkatapos kong iwala ang mga espada na hawak ko. Tinutok ko ang mga kamay ko sa mga gusto kong atakihin at agad parang naging bala ang mga butil ng ulan. Tumarak ito sa kahit saang parte ng kani-kanilang mga katawan, ang iba ay pumapalahaw pa sa iyak at nagmamakaawa pero hindi ko sila binigyan ng tiyansa na mabuhay pa. Buti nalang walang mga bata sa guild na'to, hinding-hindi ko kakayanin na may masaktan na bata.

I jumped vertically and cast a spell to a small group who are now helping each other to make a shield. A water explosion attack them that made them scream in pain hanggang sa nanghina sila. Gumawa naman ako ngayon ng malaking bolang apoy at agad itong ibinato sa mga nanghihina nilang sitwasiyon. Hindi sila nakaiwas sa pabulusok na atake dahil sa nanghihina na ang kani-kanilang katawan.

"Hiyah!" Sipa ko sa isang lalaki who is trying to make a move, bumulusok siya sa patay na kahoy. Tumayo naman siya agad at biglang nag-transform into a Werewolf. Madali siyang nakapunta sa harapan ko at agad sana akong kakalmutin but I manage to dodge and step back. Aatake na sana ako nang mawala ito sa harapan ko and I suddenly feel his presence from my back kaya agad akong umiwas pagilid. He has skills! Seryoso lang itong nakatingin sa akin pero agad din akong umiwas nang may isa pang taong lobo na sisipain sana ako. And another one appeared and trying to make a punch but I catch it with my palm and kick his stomach pero mukhang hindi siya tinablan ng sakit.

Pumikit ako ng ilang segundo and I just suddenly feel my energy increased together with my body strength and power. Pagmulat ko ay nakita ko sa mga mata nila ang gulat.

Hanggang sa nakita ko ang sarili ko sa mga mata nila ang itsura ko. Hindi ko alam na magiging posible 'yon! My sense of sight is mas lalong naging klaro na kahit malayo-malayo ang distansiya nila ay nakikita ko ang pigura ko sa mga mata nila. Pakiramdam ko ay parang ang lakas-lakas ko ngayon sa itsura ko ngayon.

Kitang-kita ko kung paano sumasayaw ang siyam na berdeng buntot sa likuran ko habang ang tenga ko ay kasing-haba mismo katulad ng sa kanila. My fur skin is just like my other Werewolf form, it's green and it is gorgeous to look at! My hand nails and toe nails lengthen and became sharp and pointy. And I saw how glowing my eyes are, it is literally like a glowing light that sparkles in the starry night!

"I guess you triggered me." Ngisi kong sambit at agad silang sinugod. At kahit ako ay nagulat dahil napakabilis kong kumilos na para bang ang gaan-gaan lang talaga ng katawan ko. Tumalon ako ng mataas at grabe dahil mas mataas pa ito sa ordinaryong talon ko lang.

"Water Explosion!" Sigaw ko hanggang sa namuo ang malaking bolang tubig, mas malaki at nararamdaman ko talaga na mas malakas ito kumpara sa ordinaryong atake sa totoo kong anyo. Agad bumulusok papunta sa kanila ang atake ko na siyang naglikha ng malakas na pagsabog kasabay no'n ang malakas na ungol ng Dragon na si Zora. Ilang segundo bago humupa ang malaking usok ay nanlaki ang mga mata ko, they are still standing! Staring at me like they are just belittling my attack!

Malalakas ang tatlo na'to! Nakuha nilang saluhin ang malakas na atakeng 'yon?

Aatakihin ko na sana sila nang biglang nagliyab ng asul na apoy ang kani-kanilang katawan na siyang ipinagtaka ko. Doon ko na narinig ang mga ungol nila dahil sa sakit pero pansin ko ay hindi naman sila napapaso. After a minute, they suddenly fell to the ground lifeless. Walang sunog na parte ng kanilang katawan, ni mga damit nila ay hindi nasunog.

"I got you." Napalingon ako sa lalaking bagong dating, si Esterno. It is his doing at nang makita niya ang confuse kong ekspresiyon ay tumawa ito ng kaunti.

"My blue fire can't burn them physically, but my fire can burn their souls." He explained. Hindi ko alam kung mako-cool-an ba ako sa kakayahan niya o kakabahan? His power is no damn joke!

Ibinalik ko sa dating ang anyo ko at inis na hinarap siya.

"Bakit mo iniwan do'n si Zaporah? Anong nangyari sa kanila doon? How can you execute your plan if you are damn here?" Kaba na may halong inis kong tanong sa kaniya but his face suddenly change like I just asked very problematic question.

"I cannot control and help her anymore. Her opponent right now is always triggering her to make her more mad! The more she got mad, the more she can't control her power." Agad akong napahilamos sa mukha ko pagkatapos niyang sabihin 'yon. So we will just let Zaporah attack us? And everyone from here?

"Anytime from now, she'll transform into a fully Dragon form. But I have one possible idea that can help us both." Saad niya kaya agad akong nakinig. We have to do something bago pa sirain ni Zaporah ang bansang 'to! Kahit gustuhin ko man na maging abo ang bansang 'to ay may kaunti pa naman akong konsensiya at awa. I don't want to involve the innocent ones to our selfish plans!

"Tell me! We have to do something!" Sigaw ko.

"We have to make her sleep. Hindi kayang patulugin ng kalaban niya ang form na 'yon kaya tayo ang gagawa. Anytime from now, pwede na siyang mag-transform kaya doon natin gagawin ang plano." Napanganga naman ako dahil sa sinabi niya pero naghintay lang ako sa mga susunod niyang sasabihin.

Make her sleep? Is it the most effective way? Niloloko niya ba ako?

Napansin kong napalingon siya sa likuran ko kaya napalingon din ako doon. We are now watching Zora still fighting the others that trying to hurt him. His scales is unbelievable, it is like a metal kind of Dragon skin na parang babanda lang ang mga atake mo!

"Kapag nakatulog si Zaporah, she'll go back to norma—" Natigilan kami nang may umungol na ng malakas sa loob ng guild house kaya kinabahan na ako.

Huminga ng malalim si Esterno at tumingin ulit sa kaibigan ko.

"And we need that Dragon's help. Kailangan niyang talunin si Zaporah, I guess they have the same strength and build kaya siya lang ang tanging nakikita kong makakatulong sa atin para pabalikin si Zaporah sa dati. You don't have to think about that fox guy, I can handle him. Just tell that Dragon that he has to be ready and help us."

Kaya niya naman pala si Aro pero bakit pa niya hinayaang ma-trigger si Zaporah? Ano ba talagang punto ng lalaking 'to?

"Sige, lilinisin ko muna ang mga kalat dito at ng magawan ng paraan ang plano mo. Puntahan mo muna ang leader ng mga 'to at ikaw na bahala sa lalaking 'yon. Then I'll talk to my friend, I think he can do it." Tumango ito sa sinabi ko at bigla nalang nawala sa harapan ko, may naiwan pang maliit na mga asul na apoy sa kinakatayuan niya.

Tumingin ako sa mga patay na katawan at sa iba pang nanghihina na. May malalakas pa pero kakaunti nalang sila. Alam kong kayang-kaya namin silang lahat pero hindi parin ako makapaniwala na nakayanan naming talunin sila sa isang iglap lamang na dalawa lang kami rito ngayon. A little help from that Esterno and Zaporah, and a big help to Zora because he almost wiped them out by his own. They are too many and strong too, nararamdaman ko na nga rin ang kaunting pagod at hilo pero kailangan ko itong gawin. Kailangan na kailangan ko itong gawin!

I closed my eyes and suddenly feel like my body is floating. My energies inside of my body is getting wild and badly wanted to relieve itself and make an impact to those people who wants to stop it. I feel the wind is blowing stronger and the rain is getting heavier, together with this heavy feeling because of the power who wants to get out from my system. I am starting to feel the heat in my both eyes, my both hands and knees are now trembling and my body is like stiffening!

When I opened my eyes, I witness how scary the enemies' reaction was. Some of them are starting to cry and pleading not to kill them but my conscience is telling me not to give them mercy. And I am just an obedient kind of person, I follow if I feel it is right. I hate them, they let Aro killed their kind leader and turn themselves into rebel ones.

Goodbye, poor souls.

"Deglutition!"

Kasabay ng pagsigaw ko ay ang paglitaw ng malaking kakaibang usok, it spreads like a wildfire and immediately swallowed all the dead bodies together with their souls. Some of them planning to escape but the barrier won't let them, some of them cried in pain and also some of them already accept their faith. I saw how painful it is for them, I saw how their tears rushing out from their eyes and how they sadly cried. It hurts so much to watch them like that honestly, but they chose this path and decided to team up with their guild leader who can't do anything to save them.

Isa-isang hinabol ng kapangyarihan ko ang lahat sa kanila, the others are still pleading but my decisions are all final. I just watch them swallowed by my power, the big smoke covered them all and minutes after ay lahat sila naglaho. Walang bakas na dugo, walang bakas na kahit ano. My power ate and swallowed all of them like they are the perfect dish for today. I sighed deeply as the smoke is slowly fading.

Nang makabalik na ang usok galing sa katawan ko, agad akong bumaba pero agad akong natumba dahil sa parang may kung anong tumutusok sa ulo ko at sa dibdib. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa nangyari.

"Argh!" Ungol ko ng malakas when suddenly my heart is beating so fast and my mind is like a volcano that its lava wanted to get out! I feel so hurt! Ang init! Ang sakit! My whole body is aching, I feel like each part of my internal organ is aching!

"Lara!" I heard Zora calling but I can't even look at him because of my trembling body.

"W-What's happening to m-me?" Hirap kong tanong sa kaniya, on my bended knees, parang sasabog ang utak at katawan ko dahil sa sakit! I forcefully look at Zora na kahit na hirap na hirap ako ay tinignan ko ang mga mata niya na ngayo'y nag-aalala na sa akin. I smiled at him a bit but it faded away when the pain is like eating my body.

"Lara, kayanin mo! Mukhang may nagbabago sa katawan mo nang lamunin ng kapangyarihan mo ang ganoong karaming katawan, kapangyarihan at kaluluwa! Parang nagiging isang Demon God ka na, Lara! Ganiyan lahat ang mga bagong panganak na Demon God, naghaharumintado hindi lang ang puso pero ang buong katawan! Kayanin mo!" Sigaw nito, hindi ko alam kung matutuwa ba ako o ano dahil napakasakit talaga!

"Heavenly nature of the forest, get alive and rest for now. Take a look and pay respect to the newly born of a Demon God. Heal him and take some of my energy as exchange! Helia!" Dinig kong sigaw ni Zora, his hands are now glowing habang nakatapat ito sa akin. The green light from his hands are slowly coming near me and looks like it's covering my whole body. When it starting to hug me, I suddenly feel my body strengthen and my power is rising. He is healing me.

Napapansin ko na kapag nagka-cast ng spell si Zora ay in English dialect. Marunong naman pala 'tong mag English! Baklang 'to!

My body is slowly recovering but I really can sense that my power raised despite my body was eaten by the great pain, pakiramdam ko talaga na ang kapangyarihan ko ngayon ay mas lalong lumakas! Mas lalo akong naging malakas! Ang gaan-gaan ng pakiramdam ko, ang gaan-gaan ng katawan ko!

"Lara, nag-iba ang kulay ng buhok mo. Ang mata mo, mas lalong naging berde." Tumingin ako sa mga mata niya. His surprise and at the same time, amused expression is looking at me kaya agad kong chineck ang kulay ng buhok ko. I-It's green! Naging kulay berde ang kulay ng hibla ng mga buhok ko! I check something but I don't know ah? Pero mukhang parang mas naging maputi ako ngayon!

Napansin ko na ang kalangitan ay nasa dati na nitong kulay, no more dark clouds and the rain already stopped. Natigil na rin ang pananakit ng buo kong katawan na halos ikamatay ko na talaga halos! Looks like mas gumanda ako lalo!

Lumapit ako kay Zora nang may maalala ako, I hold his hands and my pleasing eyes are now staring at him.

"Zora, you have to help us. You have to help Zaporah, she is a Dragon!" Hindi siya nagulat doon at tumango lang siya. Nagtaka naman ako dahil sa reaksiyon na ipinakita niya. He noticed it and he smiled.

"Naaamoy ko ang mga kalahi ko, Zora. Na kahit sa ibang mundo pa siya galing, alam ko kung anong klase silang nilalang. Hindi ko ito sinabi sa'yo dahil ayokong maulit ang ekspresiyon mo kung saan nakita ko noong nakaharap ka sa halimaw kong itsura. At huwag kang mag-alala, tutulungan kita at narinig ko na kayong nag-uusap ng lalaking iyon. Pinsan siya ni Zaporah diba? Siya ang hinahanap ni Zaporah." Agad-agad akong tumango, so he knew from the very head start? Na isang Dragon si Zaporah but he hid it to me? And he was just concerned? Zora is so fucking kind!

Pero kiver! Wala na akong pakialam basta matulungan lang namin si Zaporah! Hindi dapat naming hayaan na masaktan niya ang ibang tao sa bansang ito! And we can't let her destroy this country! Zora is huge kind of Dragon and I don't know kung gaano ba kalaki at kalakas ang Dragon form ni Zaporah.

"Zaporah has two forms, Zora. Dragon Form, and a Dragonoid form. Do you know that too?" He shook his head.

"Ngayon ko lang din nalaman na kaya din palang maging isang Dragonoid form ang mga lahi ko. Mukhang pinapayagan ng kapangyarihan nila na maging isang kalahating Dragon at tao ang isang Dragon. Ngayon ko lang rin narinig na may Dragonoid pala na anyo." Saad niya kaya tumango-tango nalang ako. I immediately hug him.

"Thank you for saving me! The pain is already gone because of you. Thank you for being with me, and thank you for everything. Ang kapalit? Ilalakad kita kay Nyctimus nang may progress rin ang love life mo." Bulong ko at lumayo sa kaniya ng kaunti. Natawa naman ako kaagad nang mamula ang magkabilang pisngi niya.

"Walang-hiya ka talaga kahit kailan, Lara." Mas lalo akong natawa sa sinabi niya. But we both stopped when we heard another growl inside of the guild house. Napatingin ako kay Zora and he look so serious right now, alam kong kinakabahan siya ngayon but I am just here to help him. I wonder kung ano ang magiging plano niya para patulugin si Zaporah.

Napalingon kami nang may narinig kaming nawasak at nanlaki talaga ang mga mata ko dahil sa nasaksihan. We both stiffened and trembled because of the monster we are seeing!

"Zaporah is now on her fully Dragon form."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro