Find A Cure
We went out... or rather.. I was forced to go out with them. Shopping daw muna. Sino ba namang babae ang ayaw mag-shopping? AKO. Mas gusto kong magmukmok sa condo ko. Tipid pa sa pera. Hindi pa 'ko pagod. Haaay..
--
Pagkatapos naming mag-shopping, bumalik ulet kami sa condo ko at naglinis sila. Ako nakatanga lang. Ayokong galawin ang kahit ano dun sa condo ko. HE designed it kase. Lahat ng ayos ng furniture, every nook and cranny, sya ang naglagay.
Kaya ayoko sanang galawin ang kahit ano dun kase it feels like I'm letting him go when I still can't. Hindi ko pa talaga kaya...
Kaso mapilit sila. Eh di sila na lang. Haaay..
--
After cleaning, pinagtulungan nila akong ayusan. Lalabas daw kami. TO MEET NEW FRIENDS. Naku, if I didn't know any better... Itatry lang nila akong i-hook up with some guy. Para makalimot. For sure naman hindi ko yun magagawa kase iku-compare ko lang yung mga lalaking yun sa kanya.
We went to this club na sikat daw. Hindi ko alam kase I don't usually go clubbing. Simula nung maging kami, I didn't feel the need to go out and mingle. Sa kanya lang kase umikot ang mundo ko. Tanga eh noh? Buti nga natagalan ako nina Ree kahit hindi ko na sila naiintindi.
"Ang baho naman dito." Yun ang una kong napuna. "He wouldn't like it here..." I said to myself. Hate kase nun ang amoy ng alak at sigarilyo eh. Another reason kaya hindi kami nagpupunta sa ganitong lugar.
"Eh di mabuti. No chance of running into him.." Toinks. Narinig pala ni Ree yung sinabi ko? Ganun? Ibig sabihin hindi ko sya makikita dito? Haaay... sana pala sa Starbucks na lang ako nag-aya. Dun yun lagi eh. Nakiki-wifi.
"Ganun? Uwi na lang ako." Sabi ko. Nawalan ako ng gana.
"Di pwede!" Hinila nila akong dalawa tapos nagpunta kami dun sa bar. Umorder sila ng lady's drink. I ordered something harder. Bato. Ipupukpok ko sa ulo ko. Baka sakaling makalimot.
--
After a few... err... drinks, I felt drowsy. Hot. Bothered. Nauseated. Lahat na. NAHIHILO AKO. And with the blaring music and eye-sore LED lights, lalo lang sumakit ang ulo ko.
Asan ba kase sila?
"Hey.. wanna dance?"
I looked up to see a blurry image of a guy na nakatungo sa 'kin. Nakaupo kase ako, eh matangkad sya.
"Uh.. who're you asking?"
He smiled. Wow. Perfect teeth. Naalala ko tuloy yung sungki ni ex na pinabunot namin just last month. Amp. Memories.. why can't they just go away and leave my mind at peace?
"You, silly." Naiiling nyang sabi. Hindi ko masabi kung gwapo sya kase medyo madilim yung upper side ng mukha nya. All I know is that he has perfect teeth and lips that girls would be dying to kiss.
"Me?" I pointed at myself.
He smiled again. "C'mon." He grabbed my hand and led me to the dance floor. Inilagay nya yung braso ko sa batok nya then he put his arms around my waist. Uh.. alam ko hindi slow yung song? Pero bakit ganun kami magsayaw? Parang tanga lang...
"What's your name?" He whispered. Shit ang bango nya. Amidst all these horrid smell, sya lang ang mabango. Lalo tuloy akong nahilo...
"Mira. Ikaw?"
"Kent."
"Ah..." Wow. Ka-rhyme ng name ni ex.. Brent. Takteng yan. Alis ka na sa isip ko ex. Di ka na kailangan eh.. >_<
Kent tugged me closer. "Hey.. wanna go somewhere else?" His smell was intoxicating. Ang sexy pa ng voice nya.. pang-bedroom. Very airy. Shete. Baka mamaya rapist 'to weh.
"Where?" Ako naman napahigpit ng kapit. Nahihilo ako kaka-sway. Nakailang inom ba 'ko kanina? I can't even remember...
"Somewhere quiet." He said. "I'll pleasure you.."
(AN: Ayun yung pic ni Kent sa kanan-------------------------------------------------------------------->)
--
Lasing ako.
Kakabreak ko lang.
I'm at my most vulnerable point in life so please don't judge me when I went out with him for this pleasure that he promised to give.
Screw tomorrow.
--
*The morning of the screwed tomorrow came...
Ugh.
The aftertaste.
The aftermath.
Masakit sa ulo! Kainis! Parang pinukpok ng ilang beses ng bote ang ulo ko! Wait... where the hell am I? Pagmulat kase ng mata ko, I'm pretty sure that I'm not in my own room... Iba ang bedsheet. Iba ang kurtina. Iba ang pintura ng wall.
And there's somebody else on the bed. Naked... like me.
OH MY GOD!
I screamed.
Napabalikwas ng bangon yung guy sa tabi ko. Ako naman sa katarantahan, nahila ko yung kumot. Buti na lang doble doble yun.
"Why?! What's wrong?!" He asked in worry. Una kong napansin yung mukha nya. Ang gwapo takte. Did I just make out with this guy?
"Ikaw!" I pointed at him. "Sino ka?!"
He frowned. "Don't you remember? I'm Kent."
"Kent?"
I rummaged my brain for some info on Kent. Takteng utak yan, puno kase ng tungkol kay ex ih...
"What's your name?"
"Mira. Ikaw?"
"Kent."
"Ah..."
"Hey.. wanna go somewhere else?"
"Where?"
"Somewhere quiet." He said. "I'll pleasure you.."
O_O
"Y-You're—"
He nodded.
Naramdaman kong nag-init yung mukha ko. It was all new to me. THIS. I never made out with a stranger! Sa isang tao ko lang isinuko lahat-lahat. Kay EX.
Tumayo ako, dragging a piece of sheet along the way.
"I'm going." Nakatungo kong sabi. Nagulat ako ng bigla nyang hinawakan yung braso ko.
"Wait."
"Bakit?" I asked, rather curtly.
He smiled. At ayun, nabato ako sa kinatatayuan ko. Para tuloy.. ayoko ng umalis. Parang ganun ako kay Brent eh. When he smiles, natitigilan na lang ako. Ganun ko sya kamahal...
Haaay.. si Ex na naman.
"Gusto mong mag-breakfast?"
"Hindi na." Mabilis kong sabi.
"Sure?" He was still smiling.
"Y-Yes." I stammered.
"Yes to what?"
"Yes I'm sure."
"Sure to what?"
I sighed. Kakulit din ng isang 'to eh. "I'm going home." I said in finality. His shoulders slumped and he let me go.
"Okay, if you really want to."
"Uhm.. where are my clothes?" Walang nagkalat na damit sa sahig. Ano yun, inimpis nya?
"Nilalabhan."
"HA?!" Jusko! Ibig sabihin may pumasok na dito tapos nakita kami... ako..???
He chuckled. "Don't worry. She swore she'd never tell anyone. And besides, sanay na yun sa 'kin." He said as if he's read my mind.
Ah... Playboy pala sya. Womanizer. Malandi in all sense of that word. Haynaku. In all fairness naman, mukha syang mabait. Hindi nga lang mapakali sa isang babae. Pang-ilan na kaya ako sa mga nadala nya rito? I shivered at the thought. I hope he used some protection. Takte. Nakakahiya kaseng itanong eh...
"Pano yan? Uuwi na 'ko eh.."
He smirked. "Then stay for a while. Tutal naman, nilalabhan pa yung mga damit mo."
Umiling ako.
Nagulat ako ng lumapit sya. T-Teka... Napapikit ako. Takte ano ba yan!
Narinig ko syang tumawa. "Relax." I felt his hand on my face tapos yung isang kamay kinabig ako palapit. Napamulat ako. Ang lapit ng mukha nya. Takteng yan. Tama na yung kagabi. Ayoko na! Magagalit si ex... Toinks. Asa naman ako.
He tilted his head. Hahalikan nya 'ko for sure. Umurong ako.
"I really have to go." Mariin kong sabi.
He sighed. "You can use my bathroom." Itinuro nya yung naka-ajar na pintuan sa may likuran ko.
"Pano yung damit ko?"
"I'll lend you my sister's."
"Pano yung undies?" Dami kong demands noh? Haha... Syempre, ngayon na lang naman kami magkikita eh kaya hayaan na.
"May spare sya dyan."
"Okay." I headed to the bathroom, balot pa rin ng kumot.
--
Paglabas ko ng bathroom nya, nakita kong nakalatag yung damit na sinabi nyang ipapahiram nya sa 'kin. Hindi ko na sya nakita after that. Paglabas ko ng kwarto nya eh yung maid na lang yung naabutan ko. Pinapakain pa nga ako weh kaso tumanggi ako.
--
Pag-uwi ko sa condo ko, nandun sina Ree sa may pintuan, inaantay ako. Galit na galit sila sa 'kin for leaving without permission. Walang habas pa ang pambabatok nila sa 'kin. Hanep. Nakalog ata si ex sa utak ko..
--
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro