W53
Lesley Danelyn's Point of View:
Nagplano kaming magkikita sa food court ng SM Marikina. After lunch ang usapan namin, 'di ko alam sa utak ko ba't umalis ako ng 12:30 PM.
Bakit, self? Kaya ito ako naghihintay sa kanila. Bumili ako ng buko juice sa Fruitas para kahit papaano may ipagmamalaki akong may binili rito kapag may nagpaalis sa akin.
Tumingin ako sa wristwatch ko, it's already 1PM, nasa'n na sila? Traffic ba? Sa susunod talaga 'di ako unang aalis. Hihintayin ko silang umalis muna o magsabing 'otw'.
Dumadami na ang tao sa foodcourt, it's already lunch and I'm hungry. 'Di ako kumain. Actually, I eat a pieace of bread kasi 'di pa ako gutom kanina. Ngayon gutom na ako.
Itetext ko na lang sila kung saang fastfood ako para roon na lang silang pumunta. Gutom na talaga ako.
Umalis ako sa foodcourt at nag-ikot-ikot kung sa'ng fastfood ang walang gaanong tao. Para madali maka-order, pagdating nu'ng tatlo, tapos na ko kumain.
Habang umiikot-ikot at naghahanap ako, bigla kong nahagilap si Wil! Oh ghad! Si Wil n'yan diba? Si Wil nga! Hala! Teka lang, self. Kalma, self.
Bakit nandito siya? Sino kasama niya? Jusko!
Lumabas siya sa isang Japanese Resto. Sina Duke and Cullen! Hala! Sina Tiny and Kim! Sayang! Silang tatlo lang? Wala sina Ken and Phil?
Ang gwapo talaga ni babyboy ko! Ang myloves ko. Sana all clear skin. Gusto ko magpapicture pero nakakahiya. Huhuhu.
Pinicturan ko sila ng patago. At, tumitig na lang ako sa kanila hanggang makaalis silang tatlo.
Agad kong tinext ang tatlo at sinabing nakita ko sina Wil, Duke and Cullen. May dahilan pala ang pagiging maaga kong umalis ngayon. Shuta! Nawala iyong pagkagutom ko dahil kay Wil.
Babalik na lang ulit ako sa foodcourt. Doon ko na lang ulit hihintayin iyong tatlo at iinggitin.
Pagkadating ng tatlo, saka ko kwinento ang nakita ko.
"Paano mo sila nakita?" Usisa agad ni Erika sa akin.
"Nagugutom ako, girls, kaya nag-ikot-ikot ako para maghanap ng fastfood kung sa'n ako p'wede kumain na konti ang tao!" Sagot ko rito.
"Nasa foodcourt ka naman na kanin? Bakit 'di ka na lang dito bumili?" Oo nga nuh? Tama 'tong si Tiny, e.
"Hindi ko alam, basta iyong mga paa ko gusto na lang umalis dito sa foodcourt. Tapos, tama ang desisyon ng mga paa ko, nakita ko iyong tatlo, girls. Ang gagwapo nila. Huhuhu." Kinikilig na sabi ko sa kanila.
"Sayang! 'Di natin naabutan. Baka nandito pa sila, Les? Hanapin natin?" Anya ni Erika.
"Wala na talaga sila rito, umexit na sila sa parking lot, e. Doon sila kumain sa Japanese resto, malapit doon iyong papunta sa parking lot, e."
"Meaning may dala silang kotse? Kaninong kotse ang gamit nila?" Kanino nga kaya? Sabay-sabay kaming nag-isip kung kaninong kotse ang gamit nila.
"Baka kila Cullen? May kotse kaya daddy niya," out-of-nowhere na sabi ni Kim.
Sabay-sabay kaming tumango sa kanya.
"Baka nga,"
"Hindi talaga nila kasama si Phil?" Ulit na tanong ni Erika sa akin.
"Hindi nga, Erika. Akala ko nga lima sila. Silang tatlo lang pala." Sabi ko rito.
"Paniguradong nanonood ng anime si Ken. Si Phil kaya?" Tumango kami sa sinabi ni Kim.
"Baka pinag-aaralan kung paano ako mahalin." Napailing na lang kami kay Erika.
"Ha?" Sabat ni Tiny sa kanya.
Kumunot ang noo ni Erika, "anong Ha?"
"Hanggang pangarap ka lang," grabe talaga banat ng isang 'to, e. Mapanakit.
"Che! Mapanakit ka, Tiny! Parang hindi kita bestfriend!" Ayan na naman ang banatan nilang dalawa.
"Weh?"
"Anong Weh?" Sabay naming sabi sa kanya.
"Weleng ferever," napa-irap na lang kami sa kanya.
Hindi na namin siya pinansin at nauna na naglakad. Baka ano pa sabihin ng isang 'to. Walang forever sa kanya! Idadamay niya pa kami ni myloves. My babyboy.
×××
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro