Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

W14

LESLEY POINT OF VIEW

"Uy! Lesley, anong ginagawa mo d'yan? Gaga! Tara na, baka panget pa makuha nating p'westo!" Ito na talaga! Makikita ko na ulit si Wil. Ilang weeks na rin iyong last kita namin. Sana maalala pa niya ako.

"Kinakabahan ako ate Wena, ang daming tao sa loob. Dumadami na tayong nagmamahal sa kanila. I'm so proud for them." Sabay akla ko sa kaliwang balikat ni ate Wena.

"Ngayon ka pa kinabahan, Les? Nu'ng  meet and greet natin sa kanya sobrang kalog mo. Halos ipaglandakan mo na sarili mo kay Wil." Tumatawang sabi sa akin ni Jupiter.

"Iba iyon, tayo-tayo lang doon, e. Tignan mo naman iyong paligid natin," sabay turo ko sa mga taong papasok sa venue. "Ang daming tao, nakakahiya."

"Aray naman!" Binatukan kasi ako ni Jupiter. Itong baklang 'to.

"Mas need mo ngang rumampa ngayon dahil marami kang kakumpitensya. Bahala ka kapag ikaw naunahan ng isa sa mga nandito. Iiyak ka."

Tumingin ako kay Jupiter. At, parang naiiyak ako ng malaman ko kung may makakauna sa akin kay Wil!

"Hindi p'wede! Akin lang si Wil! Nakasulat na sa aming palad na kami ang nakatadhana." Buong loob na sabi ko sa kanila.

"Ayon naman pala, e. 'Wag kang magpakabog sa mga 'yan!" Tumango ako sa sinabi ni Jupiter.

Pumasok na kami sa loob ng venue at sobrang dami ng tao. Nagbubunga na ang aming paghihirap, unti-unti na nakikilala ang SoundBreak19. I'm so happy because they're deserve it.

"Ang daming tao..." Mahinang sabi ni ate Wena.

"Dito tayo, guys! Mas malapit pa rin 'to kaysa roon sa dulo." Malamang dulo nga? Ewan ko ba rito kay Jupiter.

Ilang minuto lang hinintay namin at may umakyat na isang babae at lalaki sa stage. Sila yata ang mga emcee.

Nagsalita iyong dalawa kaya naghiyawan na kaming lahat. Lahat yata kami rito sila ang hinihintay.

"Waaaah! Wil, Will you marry me!"

Sinamaan ko ng tingin kung sino man ang nagsabi nito. Ako lang papakasalan ni Wil. Manigas ka d'yan!

"Duke, akin ka lang!"

"Phillip, mais ka ba?"

"Cullen, ako na lang tagapaypay mo sa ihawan!"

"Ken, mukha kang chicken!"

Sari-saring mga sigawan, hiyawan at kiligan ang mga naririnig namin. Wow! Ang dami na nagmamahal sa kanila.

"Hello guys! I'm Wil ang leader ng Soundbreak19!"

"I'm Duke the heavenly voice ng group."

Hala! Nagsisigawan sila!

"My name is Cullen, the Charismatic face ng SB19!"

"And, siya ang pinaka-maliit sa amin," lahat kami tumawa sa sinabi ni Ken. Minsan lang magsalita pero isasavage ka niya.

"I'm Ken the sexiest dancer."

"Maknae ng group, Phil!"

"And, We are SB19!" Sabay nilang sabi.

Oh gash! It is true? Nakita ko na silang lahat! Teka lang lord, bakit ang gwapo ni Ken. Nagkakasala ako kay Wil. Patawarin sana ako ng maykapal.

"Lahat sila mga kinikilig dahil sa inyo, boys... Para lalong tumaas ang atmosphere, magkakaroon tayo ng game na, News paper Dance," lahat nagsigawan.

"Ang magiging ka-partner niyo ay sila," sabay turo sa lima.

Hindi ako papayag na 'di ako ang ka-partner ni Wil!

"Need mong sumali Les! Ikaw dapat kapareha ni Wil!" Malakas na sabi ni ate Wena. Support talaga siya sa amin ni Wil. Huhuhu.

Tinulak na ako ni Jupiter papalapit sa stage pero langya! Naapakan ako at tinulak ako ni ate girl na naka-stripes na black and white! Salbaheng babaeng 'to!

Wala na! Wala na! May kapareha na si Wil! Tapos, iyong babaeng 'yon ang ka-partner niya! Ako dapat iyon, e! Kakainis!

Nanlumo akong bumalik sa p'westo namin.

"Anong nangyari sayo?" Tanong agad sa akin ni ate Wena pagkabalik ko.

"Inapakan at tinulak ako nu'n." Sabay turo sa babaeng kapareha ni Wil. "Ako dapat iyon ate Wena! Tinulak ako! Nakakainis! Naiiyak na ako!" Masama ang tingin ko sa kanya. Makonsensya ka sana. Pero, tuwang-tuwa pa siya.

Wala na! Badtrip na ako! Hindi na ako natutuwa! Binadtrip ako ni ate girl! Hindi ka sana manalo. Sorry, lord! Siya naman nauna, e.

Natapos ang laro nila pero 'di ko pinanood. Kumain na lang ako rito. Basta ang narinig kong inannounce ng emcee ay si Phil at ang ka-partner niya ang nanalo. Iyong Erika ang name.

"Buti nga..." Bulong ko sa aking sarili.

"Bago matapos ang lahat, kakanta na ang SB19 na Tilaluha!"

"The stage is yours, guys!"

Bumalik na ulit ang sigla sa katawan ko, Tilaluha! Kinikilig na agad ako!

Sa tuwing ika'y nakikita
'Di mapigil ang luha sa aking mata
Paano nga ba? Paano nga ba?
Paano nga ba'ng limutin ka?
Kung sa puso ko ika'y nag-iisa

Ang gaganda talaga ng mga boses nila.

Mali ba na ako'y umaasa?
Tama ba'ng nadarama para sa'yo sinta?
Bakit nga ba? Bakit nga ba?
Bakit nga ba mahal kita?
Kung sa puso mo ay mayroon nang iba

Unti-unting lunurin ang aking nadarama
O buhos ng ulan, 'wag nang tumila pa
Paano nga ba mapapawi, labis na pagdurusa?
Kung wala nang pag-asa, turuan mo naman akong limutin ka

Vinevideo ko ang nangyayari ngayon. Baka kasi 'di na maulit, O, baka maging last ko na 'to. Malay natin. Kaya i-cherish natin.

Kahit na ula'y tumila na
Luha sa aking mata'y patuloy pa
Ano nga ba? Ano nga ba?
Ano nga ba'ng magagawa
Kung hanggang ngayon ay mahal pa rin kita?

Unti-unting lunurin ang aking nadarama
O buhos ng ulan, 'wag nang tumila pa
Paano nga ba mapapawi, labis na pagdurusa?
Kung wala nang pag-asa, turuan mo naman akong limutin ka

Lahat din ay mawawala
Kasabay ng pagtila ng nadarama
Unti-unting lunurin ang aking nadarama

Unti-unting lunurin ang aking nadarama
O buhos ng ulan, 'wag nang tumila pa
Paano nga ba mapapawi, labis na pagdurusa?
Kung wala nang pag-asa, turuan mo naman akong limutin ka

Lahat kami pumalakpak after nilang kumanta! First single nila ito. Sana dumami pa songs nila.

Natapos ang gabi ko ng masaya kahit paepal si ate girl. Nakakainis talaga, 'di ko talaga makakalimutan iyon. Never!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro