W112
WILMARK'S POINT OF VIEW:
Sabi ng iba, sa aming lima ako ang cold, out-of-place, and hindi namamansin. Hindi nila alam, 'di ko lang talaga sila feel kausapin or 'di ko feel kumausap.
Ako nga 'yong kaunti lang ang fans pero wala akong pakealam. As long as naipapakita ko ang talento ko sa iba, masaya na ako roon.
"Wil? Kumusta na iyong laging nagchachat sayo?" Ito pa pala. Hindi ko alam kung anong mayro'n sa akin bakit ako ang kinukulit.
Wala naman sa mukha niya na nangtitrip lang. Kasi alam mo iyon, ang ganda niya baka nga ang tipo niya mala-Ken ang style.
"Nagchachat pa rin," walang gana kong sabi kay Duke.
"Seriously? Hindi mo pinapansin?" Tumango ako sa kanya. Nasa Message Request naman iyong mga messages niya.
Lumipas ang araw, naging mabilis ang takbo ng oras. Dumadami na rin ang mga gigs namin at nakikilala na rin kami ng ibang tao. Lahat ng pagsisikap, pagsasakripisyo at pagod, nababayaran na namin.
"May meet and greet ka, Wil? Ang daya, bro?!" Angil ni Cullen sa akin. Malay ko ba? Ngayon lang din sinabi sa akin ng Tatang. Request daw ng fans ko.
May fans pala ako, akala ko iyong apat lang.
"Fans ni Wil 'yong nagrequest kay Tatang, Cullen, at hindi si Wil." Pagtatanggol sa akin ni Duke.
"Wow! P'wede ko ba maging fans din sila? Ba't sayo may meet and greet sa amin wala? Makausap ko nga iyong head admin ko. Gusto ko rin iyon." Umiling na lang kami sa kanya.
Sumapit ang linggo. Ito na. Hindi ko alam kung paano makikisama sa kanila, kung paano ako makakasabay sa kaligayahan nila.
"Good day, Wil! Welcome to your Meet and Greet! Yieee!" Shet! Nasa langit na ba ako? B-bakit ang ganda niya.
Kinaway niya ang kanyang kamay sa akin, "Hehehe! Sorry, akala ko napuwing ka, e. I'm Lesley Danelyn Asuncion, but, you can call me Babygi--- este Les, for short!" Ginaya niya ako paupo sa iisang silya na nasa harapan ko.
Kinakabahan ba ako? Ngayon lang akong kinabahan dahil ba first time ko sa mga ganito? O, dahil sa kanya. Nalintikan ka na, Wil.
Natapos ang Meet and Greet na sobrang saya ko. I mean, first time kong makilala ang fans ko. Makilala sila.
Inadd ko iyong Lesley dahil nakapangako ako sa kanya. Always siyang nagchachat pero ayos lang sa akin.
"Friend mo na pala iyong Lesley, Wil? Akala ko ba ayaw mo sa madaldal?"
"Huh?" Nagtatakang tanong ko kay Duke.
"Iyong Lesley. Nakita ko kasi sa cellphone mo, diba nakihiram ako."
"Ah. Naiinis na nga ako, e. Ia-unfriend ko siya. Siya ang dahilan kung bakit ang ingay ng phone ko. Akala tuloy nila mama may girlfriend na ako." Pumunta ako sa account ni Lesley, pasensya na, sa susunod ia-add ulit kita.
Unfriend.
Lumipas ang ilang linggo, may sumunod na meet and greet ulit, this time celebration ng birthday ko.
"Tatakbo, tatalon
Isisigaw ang pangalan mo
Iisipin na lang panaginip ang lahat ng ito
O, bakit ba kailangan pang umalis?
Pakiusap lang na 'wag ka nang lumihis
Tayo'y mag-usap, teka lang, ika'y huminto
Wag mo 'kong iwan, aayusin natin 'to
Ang daling sabihin na ayaw mo na
Pero pinag-isipan mo ba?"
Palihim ko siyang vinivideohan, hindi ko alam na maganda pala ang boses niya.
Tumitingin siya sa akin paminsan-minsan kaya umiiwas agad ako ng tingin.
Natapos ang celebration nila sa akin. Sobrang saya. Sobrang saya makipag-bonding sa kanila.
"Uy, Les! Uuwi na si Wil, bigay mo na 'yang regalo mo!" Tinulak nila si Lesley sa akin at agad nilang kinuha ang regalo na hawak niya.
Wala na siyang nagawa ng nasa akin na 'to.
"Thank you." Ani ko.
"W-welcome!" Sabay talikod niya.
Napangiti ako ng palihim.
Pagkauwi ko, binuksan ko agad ang regalo niya. Isang shirt. May pangalan sa likod ko. Mukhang sarili design niya.
Nang gabing iyon, inadd ko ulit siya. At, nang gabing iyon agad akong napangiti sa kanyang message.
Ako nga dapat magpasalamat sa'yo. Ako dapat.
Pinayagan ko siyang magmessage sa'kin ayon sa gusto niya. Magmemessage siya para makakuha siya ng lakas ng loob para mabuhay pa. 'Di ko alam kung anong nangyayari sa kanya? O, baka isa lang 'tong paraan niya para makapagmessage sa akin. Alam niyo na, girls will be girls. And their ways.
Umabot ng apat na linggo na puro messages ang nadadatnan ko sa kanya. Walang palya kaya lalo akong nainlove rito.
"Pauwi na kami, Wil!" Isang chat niya ang nagpabago sa akin. Makikita ko ulit siya.
Pero, biglang lumubog ulit ako. Bigla akong kinabahan. Bakit... Kung kailan magiging masaya na ako, biglang may darating na hindi magandang balita.
Nagchat sa akin iyong Ice David, siya iyong lalaking nag-abot ng chocolates nun, iyong kasama ni Lesley.
"Kahit karibal kita sa kanya, please, puntahan mo naman si Lesley. Kailangan ka niya."
Simpleng mensahe na siyang dumurog sa akin. Na nagpabago sa akin. Kung kailan magtatapat na ako bakit kailangang maging ganito? Hindi ba pwedeng maging masaya rin ako?
Araw. Linggo. Buwan at umabot ng dalawang buwan, hindi pa rin siya nagigising. Hindi na rin ako umuuwi sa amin, gusto ko ako mismo ang unang makikita niya kapag nagising siya pero nagkasakit din ako.
"Sige, Wil! Patayin mo sarili mo! Ang taas ng lagnat mo, Wil! Gusto mong alagaan si Lesley, magpagaling ka muna! Please lang, Wil..." Sa araw ng paggising niya, wala ako. Pero, alam kong naiintindihan niya.
"Please, take care yourself also, Wil! Thank you for taking care of me."
Ibang-iba siya sa mga babae.
Nagtuloy-tuloy ang aming palitan ng mensahe sa isa't-isa. Habang tumatagal lalo akong nahuhulog sa kanya. Wala na, Wil, 'di na tayo makakaahon. Talo na tayo.
"Promise, I'll be back, okay? Uuwi kaming champion, Les! Wait for me!" Huling mensahe. Huling usap dahil umatake ulit ang kanyang sakit.
"Brod, Lesley need you! Please, pumunta ka agad sa hospital! Please!"
Ilang araw na ang nakakalipas ng makabalik kami sa Pilipinas dala ang tropeyo namin, pero, isang masamang balita ulit ang bumungad sa amin.
3days, at, ito na naman ang pakiramdam na iyon.
"Umuwi lang ako, Les! Please, fight for us! Malapit na ako..."
Agad akong bumaba sa taxi at binayaran ito. Wait for me, Les!
Tinakbo ko ang hallway ng hospital, naghagdanan na ko papunta sa room ni Lesley. Hindi p'wede 'to. Hindi p'wede 'to.
Hinihingal akong huminto sa harap ng pinto, at dahan-dahan itong pinihit. Pagkabukas ko, isang confetti ang nahulog sa akin at lahat sila'y masayang-masaya na nakatingin sa akin.
"A-anong nangyayari?" Iyon na lang ang lumabas sa bibig ko.
"Issa prank!" Ah. Okay.
--
"Babyboy, hindi masarap?" Napabalik ako sa wisyo ng tanungin ako ni Lesley.
"Uy, hindi ba talaga masarap?" Sabay turo niya sa revels bar na ginawa, iyon daw ang tawag dito.
"Masarap. Masarap na masarap!" Masayang sabi ko rito at sinubo ang natitira ko.
"Thank you, Les! Thank you dahil lumaban ka sa amin..." Niyakap ko siya.
"Ako nga dapat magpapasalamat sa'yo, kasi nand'yan ka nu'ng mga panahong tulog ako, ikaw talaga iyong nag-alaga sa akin at 'di nag-iwan sa akin. Thank you, Wil! My sungit!" Ginantihan niya rin ako ng yakap.
Ang sarap kapag nasa tamang tao ka. Ang saya kapag alam mong may kasama ka na sa pagtanda. Cheesy man pero siya na iyong nakikita ko panghabambuhay.
"I love you, babygirl..."
××× THE END ×××
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro