L42
KIM HANI'S POINT OF VIEW:
"Guys? Tara let's na?" Aya ko sa kanila. Uwian na namin kaya.
"Gosh! I'm so excited, first time kong mag-overnight!" We rolled our eyes. Maarte talaga 'tong si Apple.
"James, Jenny and Kim, we need to buy some chips and snacks para iwas boredom kapag gagawa na tayo." Tumango kami sa sinabi niya.
"Look, talaga bang magbestfriend lang sila?" Nilingon namin si Apple at sinundan ang tinitignan niya. Sina Angie and Ken.
"Mag-best friend talaga sila, ganyan lang ang mga iyan. Issue ka na naman, Apple." Sabat ni Jenny.
"Tara na, guys! Baka mag-away na naman kayo." Awat ko sa kanila.
Hindi na talaga sila nagbago, magkaaway talaga ang mga 'yan.
Lumabas kami ng campus and pumasok sa isa sa mga convenience store rito.
"Konti lang bilhin natin, iyong kaya lang natin kainin, okay?" Paalala ko sa kanila.
Kumuha sila ng mga spicy chips --- dito talaga kami magkakaparehas with love spicy food, kopiko 98 and kornik (boy bawang). Nagbayad na kami at pumunta sa waiting shed.
Nang makarating sa bahay, buhat ang aming mga pinamili.
"May bisita yata kayo, Kim?" Saad ni James at tinuro ang kotse.
"Baka kina Mia 'yan," sagot ko na lang dito.
Wala kasi kaming black vios na kotse. Imposibleng, bumili si daddy. Ayaw nga niya magdrive si kuya Raven.
Kumibit-balikat na lang sila.
"Tara, pasok kayo, guys!" Binuksan ko ng malaki ang gate namin at pinapasok sila.
Pumasok kami sa pinto, at, may bisita nga kami. Para kaming mga tanga rito, 'di alam kung papasok kami o sa likod kami dadaan.
"Kim, iha, you're already!" Si ninang Andrea. Kasama niya si ninong, si Ash and Cullen. Anong ginagawa nila rito?
"H-hello po, ninang," manong ko rito. "mga kaibigan ko po pala. Sina James, Apple and Jenny," pakilala ko sa mga kaibigan ko.
"Hi sa inyo," bati ni ninang sa kanila, kaya bumati rin ang mga kaibigan ko.
"Ano pong mayro'n?" Lumapit ako kay mommy at nagtanong dito.
"Dito kasi sila magdidinner, Kim," tumingin siya kila Jenny, "ngayon pala iyong overnight niyo." Tumango ako rito.
Ayoko tumingin sa gawin nila Ate Lucy. Ayoko siya makita.
"Sige po, 'my, akyat na po kami." Yumuko ako sa kanila at binalingan ang mga kaibigan ko.
Pagkarating namin sa room ko, napahinga kaming lahat.
"Family friend niyo sila Kim?" Nagtatakang tanong ni Apple sa akin. Tumango ako rito.
"Iyong lalaki, parang nakita ko na siya? Iyong mata niya?"
"Huh? Anong sinasabi mo d'yan, James? Baka nakikita mo siya sa mga social media ngayon. Sikat kaya niyon." Sabi ni Jenny at nilabas ang kanyang laptop.
"Hindi, e... Parang nakita ko na talaga siya, e." Pilit niyang sabi. Bahala siya.
"Gutom lang niyan, James. Kumain ka na ng mamon mo!" Sabi ko rito at binigay ang isang pirasong mamon.
Kinuha niya ang inabot ko pero gano'n pa rin ang mukha niya, mukhang iniisip talaga niya kung sa'n niya nakita si Cullen. Bahala nga siya.
"Simula na natin, guys, para maasikaso rin natin ang thesis," binalingan ni Jenny si James na hanggang ngayon ay 'di pa rin umaalis sa p'westo niya. Baliw na yata siya.
"Anong ginagawa mo d'yan, James? Kailan ka pa naging tanod?" Sarcastic na sabi ni Jenny. "Umupo ka na nga, i-revise mo na iyong research natin." Dugtong nito. No choice kung hindi lumapit sa laptop ni Jenny.
Kinuha ko na rin ang laptop ko, agad na sinimulan ang ibang bahagi ng research namin.
"Kim, diba iyong red ballpen lang naman iyong babaguhin?" Tumingin ako sa gawi ni Apple.
Tumango ako rito, "pero, tignan mo na rin iyong grammar, baka 'di angkop sa papalitan nating words." She nodded.
Ilang oras na kaming busy sa research nang may kumatok sa pinto.
"Kim, kumain na muna kayo bago niyo 'yang ipagpatuloy..." Binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin si mommy.
Tumayo na kaming lahat at iniwan muna ang mga ginagawa namin. Nakakapagod din ha. Alas-siyete na pala ng gabi. Nagugutom na rin ako.
Nag-unat-unat kami at saka sumunod kay mommy.
Pagkarating namin sa dinner area, nandoon pa rin sila ninang. Akala ko naman umalis na sila.
Tumabi ako kay kuya Raven, gano'n din ang mga kaibigan ko, si James ang nasa gitna, katapat niya si daddy.
"Kumain lang nang kumain Apple, Jenny and James, 'wag kayong mahihiya."
"Opo naman po ninang Felicia, masarap po kaya kayo magluto," nambola pa si James kay mommy.
Habang kumakain kami 'di nawawala ako pagpapasikat ni ate Lucy. Gusto lagi siyang bida. Palihim ko siyang inikutan ng mga mata. Gusto na sa kanya ang spot lights.
"'my and 'dy, sinagot ko na si Cullen, almost three weeks na rin siyang nanliligaw, e. You know?!" Maarte niyang sabi.
Ano paki namin sa kanila? Gaganda ba ekonomiya dahil sa sinabi niya? Magkakaroon ba ng magandang feedback's sa bansa natin n'yan?
Napatingin sa akin si ninang. Bakit?
"Oh-really? Congrats sa inyo, iha!"
Kain na lang tayo Kim, mabubusog pa tayo. Sayang pagkain, fish fillet pa naman.
Ngumiti lang ang pabidang kapatid ko. Nilagyan ako ni kuya Raven ng fish fillet ulit, "don't mind her," bulong niya sa akin. Tumango na lang ako rito.
Natapos ang dinner namin na nasa kanila ang spot lights.
"Mommy, mauuna na kami tatapusin pa namin iyong research namin and thesis. Mauuna na po kami ninang and ninong," excuse ko sa kanila.
Yumuko ang tatlo at umalis na kami.
"Iyong ate mo 'yon gusto lagi siya bida," bulong ni Jenny sa akin.
Nang makapasok sa room, "mahilig siguro siya kumain sa jollibee. Bee-da ang saya roon." Napahalakhak kaming lahat sa sinabi ni Apple. Ganito lang 'to pero maldita rin ito.
"Gagi! Baka marinig ka." Wika ni Jenny sabay ginaya ang tunog ng bubuyog.
Winaksi na namin ang tungkol kay ate Lucy at pinagpatuloy ang aming ginagawa. 'Di kami makakatapos kung siya pa rin ang topic namin.
Kung sila na, okay? Hindi naman ako bayani para ipaglaban siya. Saka, 'di naman kami para maging ganito. May Josh na ako.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro