Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

C106

PHILLIP OMAR'S POINT OF VIEW

Sabi nilang apat, ako raw unang magkakaroon ng girlfriend. Pero, mali silang lahat! Dahil ang nauna sa amin si Ken!

Kung sino pa iyong manok, siya pa unang nagka-girlfriend sa aming lima. May mali, diba?

Hindi ko alam kung paano nag-umpisa ang pagtingin ko sa kanya. Hindi ko alam kung paano lumalim. Basta, isang araw crush ko na siya.

Noong unang undenial pa ako. Paano ba naman, nakilala ko lang siya dahil kay Lesley. Doon nag-umpisa ang pagiging magkaibigan naming dalawa.

"Phil? Sabi sa akin ni Les, may crush daw sayo si Erika." Napatingin ako kay kay kuya Wil dahil sa sinabi niya.

Sa akin?

Lumapit ko rito at nakiupo sa tabi niya, "seryoso ka, kuya Wil? Ilang months palang kami magkakilala."

Lumingon ako sa paligid baka nandito iyong mga chismoso. Hindi ko sinasabing sina Ken and Cullen 'to, parang gano'n na nga.

"Hinahanap mo iyong dalawa? Wala. Nasa labas kasama si Duke. Bumili ng pagkain natin." Tumango ako rito.

Buti na lang.

"Totoo ba iyon, kuya?" Tumango ito sa akin.

"Oo, sabi ni Les. Alam mong hindi nagsisinungaling iyon. Tumingin ako  sa gc nila..." Ngumisi ito sa akin.

"...nakakatawa iyong mga nickname nila." Sabay tawa nito.

"Ano, kuya?" Gusto kong malaman.

"...si Tiny? AanakanNiDuke. " Sabay tawa nito, "si Erika? SweetcornNiPhil..." dugtong niya at sabay tawa.

Ibang-iba na nga si kuya Wil dahil kay Lesley. Kung tumawa wagas.

"Ano iyong sa iba?" Swerte nitong si kuya Wil, e. Swerte niya kay ate Les and vice versa.

"Si Kim... AsawaNiCullen. Si Lesley," ngumisi ito at umiling, "HotdogNiWil..." Sabay tawa niyang malakas. Pati ako tumawa na rin. Anong klaseng nickname niyon?

"Iyong kay Angie? Ano?"

"Wala naman si Angie sa gc nila. Baka hindi pa sinasali..." Wika nito sa akin.

"Kung ako sayo, Phil? Payong kaibigan lang... Alam ko namang may gusto ka rin kay Erika, e. Why not na ligawan mo. Sabi mo nga, best friend lang kayo ni Farrah."

Alam ng lahat na pinagkasundo kami ni Fa pero tutol kaming dalawa.

Lumipas ang ilang linggo. Lalong lumalim ang pagtingin ko sa kanya. Sa mga lakad naming magbabarkada, kasama nina Ken, Cullen and kuya Wil sina Angie, Kim and Les. Kaya sumasama rin iyong dalawa.

Kada lakad namin, kami ang nagmumukhang magjo-jowa.

Habang tumatagal lalong lumalim. Hanggang hindi na ako makaahon. Wala na, lumubog na ako sa kumunoy. Sa kumunoy ng pag-ibig.

Chinat ko si kuya Duke, alam kong palihim na nanliligaw ito kay Tiny. Sa aming lima, ako ang malakas makaramdam.

"Kuy Duke? Paano? Alam mong takot akong umamin. Baka hindi niya ako mahal? O, hanggang crush lang gusto niya sa akin."

"Paano mo malalaman kung hindi mo pa sinusubukang tanungin, Phil? Hindi ka makakausad kung hindi ka gagalaw. Kapag ikaw naunahan. Ewan ko na lang sayo..."

Ito ang tumatak sa akin. Paano nga kung maunahan ako? Anong gagawin ko?

Isa sa mga tanong na nagpabo sa akin. Nang makita ang profile ni Erika sa laptop ni kuya.

Inii-stalk ba niya? Nang-iistalk ba siya? O, may gusto siya rito?

Dito na nabuo ang plano ko. Ang i-hack ang rpw niya.

Always akong nagbibigay at nagsesend ng mga sweet messages. Corny jokes kung sa'n ako magaling.

Hanggang hindi ko na kaya. Chinat ko siya na magkita na kami, na magpapakilala na ako sa kanya at aamin na ako.

And, I'm lucky. Akala ko sasabihin ni kuya na siya iyon pero hindi. Inamin na rin niya na ako si Paul Land. Na ako ang nag-hack sa kanyang account, na ako ang nasa likod ng mga sweet chats sa kanya.

Goes by... Day by day, lunalim ang pagtingin namin. Nag-start akong manligaw at pakiligin siya.

Pero, sabi nga nila. Sa isang relasyon may magiging kontrabida. Pero, sa daming p'wede maging villain namin, si Mama pa.

"Phillip! Ilang beses ko bang sinasabi sa'yo, na ikaw ay para kay Farrah! Ang mga Pilipiña ay para sa mga Sebastian lamang!" Napatayo ako rito at sinalubong siya.

"Bakit, Ma? Ito lang naman ang hiling ko sa iyo... Na tanggapin mo si Erika. Na tanggapin mo ang gusto namin ni kuya. Pero, bakit ikaw? Ikaw iyong tumututol?"

Tumahimik ito at tumingin kay Papa, "Pagsabihan mo iyang anak mo, simula sa pamilya ko at sa pamilya mo ang ganitong tradisyon!"

Ganitong tradisyon...

Lumayas ako sa amin, hindi p'wedeng ganito. Hindi p'wedeng sumunod ulit kami sa tradisyon.

"Dito ka muna, Phil. Bakit gano'n ba si Tita? I mean, hindi na lang siya maging masaya sa'yo. Sa inyo ni Erika. Kayo na ba?" Tumawa ako kay kuya Wil.

"Hindi pa, kuya. Ramdam kong malapit na..." Sabay taas-baba ng aking kilay.

Umiling na lang ito, "hanggang kailan ka rito? Hindi p'wedeng takasan mo si Tita, Phil..."

"Alam ko naman iyon, Kuya Wil. Hahanap lang ng t'yempo. Saka, pinapatigil ako ni Erika... Siguro dahil kay Mama."

"Ang Pilipiña ay para sa mga Sebastian... Hindi ba p'wedeng pigilan ko na? Hindi ba pwedeng hindi na sumunod?"

"P'wede naman, pero, you need to take a risk, Phil. Kayo ni Erika."

Kaya ayon ang ginawa namin ni Erika. Pinaglaban namin ang aming relasyon.

"Uy, Phil? Anong ginagawa mo d'yan? Sa Hunted house daw tayo. Tara na? Nandoon na sila, oh?!" Turo nito sa mga kaibigan naming nakapila na.

Seryoso ba sila?
Hunted house?

"Anong mukha niyan? Takot ka?" Umiling ako rito.

"Si Duke ang takot..." Napalunok kong sabi.

"Ikaw rin, eh? Ayaw pang umamin, tara na nga!"

Napatingin ako sa aming kamay, wala ng bitawan ito. Panghabam-buhay na ito. Forever.

××× THE END ×××

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro