𝗘𝗜𝗚𝗛𝗧
GABRIELLE
Mahigit isang buwan narin ang lumipas simula nung ma-confine ako sa hospital na pagmamay-ari mismo nila Miss Natasha ayon sa nalaman ko kina Lauren. At kahit pilitin man ako nila mama at mga kaibigan ko na wag nang pumasok dahil delikado daw sa aking kalusogan ay nagpumilit pa rin ako dahil sa kagustohan ko na makita siya.
Isang buwan ko naring pilit kinakalimutan ang nararamdaman ko sa aking guro lalo na't may asawa na ito ngayon na halos araw-araw ko na yatang nakikita ang pagmumukha nito habang hinahatid sundo si Miss Natasha.
Sa tuwing masisilayan ko ang pagmumukha nang gagong yun ay gustong-gusto ko siyang suntokin. Mukha kasi siyang hindi makakagawa ng matino.
Edi ako na ang judgemental!
Sa isang buwan na lumipas ay wala akong ginawa kundi ang tiisin ang sakit sa tuwing nakikita ko si miss na masaya sa piling ng kanyang asawa. Naibalita rin kasi dito sa campus na ikinasal na silang dalawa which is sa Madrid Spain ayon sa bali-balita. Nung araw na sinabi sa akin ni Lauren yun ay grabe ang pag-iyak ko, para akong tinusok ng karayom sa sobrang hapdi nang aking dibdib.
Hindi ko lang kasi inakala na ang first heartbreak ko ay ganito pa ang kahahantungan.
Akala ko lang kasi talaga na may nararamdaman narin sa akin si miss sa mga pinapakita nito sa aking sweet gestures, akala ko lang pala at ako lang ang umasa.
Ang daya diba?
"Ayan na naman yung mukhang unggoy na kung makakapit kay Miss Natasha wagas."
May gigil na saad ni Lauren. Napalingon naman ako kung saan ang tinitignan nito at doon ko nakita si Miss Natasha kasama ang asawa niya na nagtatawanan at dalawang professor na nakatingin kina Alex at Lauren gamit ang malalamig nilang mga mata. Kahit naman walang kinwento 'tong dalawang 'to ay halata namang may something sila sa mga professor na yan.
Grabe lang, na-hospital na ako't lahat parang wala man lang pinagbago sa apat na 'to.
Napailing nalang ako sa naisip at iniwas ang tingin ko sa kanila. Ang sakit kasi nila sa mata at isa pa, nasusura ako sa pagmumukha ng lalaking yan. Mukha namang bading, ang arte-arte pa, tss.
"Ayos ka lang, Gab?"
Iniangat ko naman ang ulo ko at tinignan si Lauren ngayon na may pag-aalala sa mukha. Napatigil naman ako sa pagkain ganun narin si Alex at itinuon ang atensyon sa akin.
"Oo naman. Bakit mo natanong?" Nakangiti kong tanong dito na hindi abot sa aking mata na ikinailing ni Lauren, habang si Alex naman ay nakita kong dumilim ang mukha.
"Stop that fake smile of yours Gabrielle!" Pasigaw ngunit may diin na sabi sa akin ni Alex sabay kalampag sa mesa namin na ikinagulat ko at ikinatahimik ng buong cafeteria. Ang tatlong professor naman na katabing table lang namin ay nagulat din sa inasta nito bago lumingon sa table namin na may pagtataka sa kanilang mga mukha.
"Damn it!" Madiing sambit nito bago kinuha ang bag niya at nagmartsa papalabas ng cafeteria. Nagtataka ko naman itong sinundan ng tingin bago tinignan si Lauren na nakatingin rin sa akin ngayon na nagkibit balikat lang.
Ilang saglit pa ay nakita ko naman ang professor na kausap ni Alex noon na papalabas din ng cafeteria.
Susundan yata yung isa.
"Don't mind her. Mainit lang ang ulo nun, meron yata." Tumango nalang ako bago tinapos ang pagkain namin at agad na bumalik sa classroom for our next subject.
Pagkapasok namin sa loob ay nakita naman namin si Alex na nakapikit habang may nakasaksak na earphone sa tenga, hindi nalang namin siya dinisturbo at agad nagtungo sa upoan namin.
Habang tahimik akong nakamasid sa labas ay may narinig naman akong bulongan sa may bandang likod ko, since pwesto namin ang pinakadulo ay rinig na rinig ito.
"Alam niyo ba girls, may sabi-sabi na fixed marriage lang daw ang kay Ms. Reynolds at yung sa husband niya ngayon."
"Really?How do you say so?"
"Uh-huh, yan mismo ang narinig ko kina mom and dad the other day eh, habang nag-uusap sila nung nag dinner na kami."
"What?! So it's possible na hindi nila mahal ang isa't-isa right?"
"Ganon na nga!"
"Pero ang sweet nila sa isa't-isa ah, hindi halata."
"At ito pa, I also heard that Ms. Natasha like someone else."
"Whaaat?Kanino mo naman narinig yan?"
"Sa kapwa niya teacher din, sakto kasing padaan ako nun sa office nila kasi inutosan ako. Yun lang rin naman ang narinig ko kasi umalis na yung dalawang guro na nag-uusap."
"The who naman kaya yun?"
"Yun lang, hindi natin alam kung sino."
"Wahhhh! Sayang naman sila kung ganun,"
"Malay niyo naman mahal na nila ang isa't-isa. You know, if people change, feelings too."
"Agree. Nakakakilig pa naman sila, huhu!"
"Correct ka diyan! They are so bagay pa naman, hays."
Saglit naman akong napaisip sa narinig. Akala ko ba boyfriend yun ni Ms. Natasha kaya sila nagpakasal? Kasi bukod sa mahal nila ang isa't-isa ay balak na din ni Miss na bumuo ng pamilya. So all this time fixed marriage lang pala ang meron sa kanila kaya sila nagpakasal? And they didn't love each other? Really? At sino namang someone ang nagugustohan niya?Taga dito lang din ba yun?
Why would I believe that eh sa tuwing nakikita ko sila ay sobrang sweet nila sa isa't-isa. Kulang na nga lang pati asin mahihiya sa sobrang sweet nila.
Eh ano naman kung fixed marriage lang sila, wala ka rin namang pag-asa. Tuya ng isip ko.
Napatango naman ako sa naisip. Right, kahit siguro umamin ako sa kanya ay wala rin naman akong pag-asa pa. The fact that she like someone else already is killing me inside. Hindi na ako pwedeng dumagdag pa at baka hindi pa tapos ang natitirang araw ko sa mundo ay baka matik na babyahe ako agad sa langit nito.
"Gab! Narinig mo ba yung pinag-usapan nung mga chismosa sa likod?" Nabaling naman ang atensyon ko kay Lauren nang kalabitin ako nito. Liningon ko naman siya at nagsalita.
"Hmm. Bakit?" Tanong ko at tuloyang humarap dito. May pilya namang ngiti sa kanyang labi na ikinasalubong nitong kilay ko.
Ano naman kaya ang iniisip nitong babaeng 'to?
Lumapit naman ito sa akin ng tuloyan bago ibinigkas ang mga salitang nagpakaba sa akin.
"Talk to her later and confess to her. Malay mo, diba?" Taas babang kilay nitong sabi na as if napaka genius nang suggestion niya. Tinulak ko naman ang mukha nito palayo sa akin na ikinagulat niya.
"Siraulo! Bakit ko naman daw siya kakausapin aber?Ipapahamak mo pa yata ako eh tsaka isa pa, kahit na umamin ako hindi rin naman kami ang magkakatuloyan sa huli if pareho man kami ng nararamdaman." Kasi mamamatay rin naman ako. Gusto ko sanang idugtong kaso wag nalang pala at baka batukan na naman ako nitong babaeng 'to at iiyak na naman na parang tanga.
Wala pa naman din yang sinasanto na kahit may sakit yung tao nananakit pa rin, tsk.
Pinitik naman nito ang noo ko dahilan para samaan ko siya ng tingin. "Tangek ka talaga! Malay mo lang naman diba, tsaka hello? Life is short kaya umamin ka na bago pa mahuli ang lahat, ikaw din baka magsisi ka sa huli." Daig pa ang matalinong nerd na sabi nito.
Napaisip naman ako sa sinabi niya. Hmm what if aamin nalang ako? Wala rin naman sigurong mawawala nu? Tsaka isa pa hangga't nabubuhay ako susulitin ko nalang rin naman ang mga ganitong moment sa mundo.
Hindi na baleng masaktan sa huli, sa huli pa naman yun.
Tumingin naman ako kay Lauren na kanina pa yata hinihintay ang sagot ko. Ngumiti naman ako sa kanya bago nagsalita.
"I'll talk to her later, after our last period." Saad ko dito na ikinangiti niya ng malaki. Bago paman ito makapagsalita ay dumating na ang prof namin for our next subject.
Don't worry Laur, aamin narin ako sa kanya bago pa man ako lumisan sa mundong ito. Saad ko sa isip ko bago nakinig sa guro sa aming harapan.
-
"Oh paano ba yan, mauna na ako Gab. Sigurado ka bang kaya mo na umuwi mag-isa, ah?" Pabiro ko namang pinaikot ang mata ko sa walang katapusang pagpapaalam ni Lauren. Kanina pa talaga yan siya na parang sirang plaka na paulit-ulit.
"Oo na nga! Kanina ka pa nagpa-paalam diyan para kang sirang plaka na paulit-ulit. Kung bumatsi ka na sana, nakarating ka na sana sa inyo ngayon gaya ni Alex." Nauna kasi yung umuwi kasi masama daw ang pakiramdam at nag sorry narin siya kanina dahil dun sa inasta niya.
Kaya pala mainit ang ulo kasi merong dalaw. Typical Alexandria.
"Hmp! Nagpapaalam lang naman tsaka sinisigurado ko lang na may kasama ka dito para mapanatag ako." Ngumuso naman ito na parang pato. Umakto naman akong parang nasusuka sa nakita dahilan para samaan niya ako ng tingin na ikinahalakhak ko.
"Ayos na ako dito Laur tsaka may guards namang naka duty. Kay shoo ka na, uwi na." Natatawang taboy ko dito at pabirong kinurot ang nguso niya dahilan para samaan niya ako ng tingin na ikinatawa ko lang.
Parang bata talaga minsan umasta 'to.
"Sige na nga, ingat ka dito ah. Bye Gab-Gab!" Kaway nito bago tuloyang sumakay sa kanyang sundo at ilang sandali pa ay tuloyan ng nawala sa paningin ko ang sasakyan nito.
Nawala naman ang ngiti ko sa labi at inilabas ang cellphone ko para i-text si mama na malelate ako ng uwi. Baka mag-alala pa yun, medyo may pagka oa pa naman si mama. Hindi rin kasi ako masusundo ni papa ngayon kasi nasa talyer ang taxi niya. May sira kasi kaya ilang araw pa muna bago ulit yun magagamit.
Nagpasya naman akong umupo muna dito sa may waiting shed habang hinihintay si Miss Natasha. Ang alam ko kasi at sabi narin ni Lauren sa akin ay nasa kanyang opisina pa ito at ang sasakyan nito ay nasa parking lot pa naka park, so it means hindi pa nga siya nakauwi.
I wonder kung nasaan ang husband nito at bakit hindi siya sinusundo?
Pero paki ko ba? Mabuti na nga yun para hindi niya madisturbo pa kung ano man ang pag-uusapan namin. Ilang sandali pa ay nabaling naman ang atensyon ko sa taong papalabas sa gate na may bitbit na gamit dahilan para mapatayo ako ng wala sa oras.
It's none other than, Ms. Reynolds.
Bago paman ito makalapit sa kotse niya ay naglakad na ako patungo dito at nagsalita dahilan para magulat siya ng bahagya na ikinatawa ko ng lihim.
"Ms. Reynolds!"
Ang cute niya pala magulat, haha
"J-jesus Christ Ms. Mendez! You startled me!"
Lihim naman akong napangiti bago isinatinig ang mga salitang nagpa kabog sa dibdib ko.
"C-can we talk Miss?"
She looked at me puzzled. She composed herself and crossed her arms in front of her chest bago nagsalita.
"What are we gonna talk about?" She said emotionless na mas lalong nagpakabog sa dibdib ko.
This is it pancit. Kaya mo 'to Gab. Cheer ko sa aking sarili bago sinalubong ang mga tingin nitong walang buhay and uttered the words has been bugging me since the day I first saw her in first day of school.
"I like you ma'am..."
She froze after marinig ang sinabi ko at kahit medyo madilim dito sa pwesto namin ay hindi naman nakatakas sa paningin ko ang pamumula ng pisngi nito.
Bakit naman kaya? May allergy ba siya?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro