Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

TWO

GABRIELLE

"Class dismissed!"

Professor Vlademir said. Nagsitayuan naman kaming lahat matapos marinig ang mga katagang yun. Inayos ko naman ang gamit ko at agad isinukbit ang bag sa aking likod.

"Hoy Gab, ba't ka nalate kanina huh?" Akala ko pa naman nalimutan na ni pandak na'to yung nangyari kanina, hindi pa pala. Chismosa talaga amp!

"Chismosa ka talaga eh nu?Na late kasi ako dahil--" Hindi paman ako tapos sa pagsasalita ng pinutol niya na ito na ikinainis ko.

"Kasi naghahanap ka pa ng lalaki! Tama ako diba?Sinasabi ko na nga ba--aray tangina mo!" Binatukan ko nga. Litse at ang hilig niya talagang gumawa nang kwento. At anong pinagsasabi nitong abno na 'to?

"Gaga ka ba?Anong lalaki pinagsasabi mo diyan?!Tsaka isa pa kaya ako nalate kasi si mama at papa naghaharutan pa kanina, tss." Napanguso naman ito sa sinabi ko. Nadamay pa tuloy si mama at papa hmp. Pero totoo rin naman kasi hehe.

"Sorry naman. Akala ko nagbo-boy hunting ka na eh, magtatampo sana ako kasi hindi mo ako inaya." Napaikot nalang ako sa aking mata sa sinabi niya. Igaya niya pa talaga ako sa kanya.

"Alam mong hindi ako kagaya mo Laur." Medyo seryoso ko kunwaring sabi na may kasamang pang-aasar sa mukha. Nalukot naman ang mukha niya sa sinabi ko.

Pfft ang funny talaga nitong taong 'to.

"Tangin--!" Hindi paman siya natapos sa pagsasalita ay pinutol na ito ni Alex na kanina pa tahimik na nakikinig sa amin.

"That's enough. Let's go and eat lunch. I'm starving already." Nagsukatan pa muna kami ng tingin ni Lauren bago sinundan si Alex na ngayon ay nakapamulsang naglalakad, habang kami naman ni Lauren ay nakasunod lang sa kanya habang nag-uusap.

Ilang sandali pa ay pagdating namin sa cafeteria ay bahagya namang tumahimik ang kaninang maingay na paligid na ipinagtaka ko. Naramdaman ko naman na siniko ako ni Lauren dahilan para mapalingon ako sa kanya habang salubong ang kilay.

Ang sakit maniko nitong babaeng 'to!

"Bakit ka ba naniniko diyan?" Salubong ang kilay na tanong ko sa kanya. Lumapit naman ito ng bahagya sakin na parang may ibubulong.

"Tumingin ka sa gawi ni Alex." Kahit nagtataka ay sinundan ko naman ang tinitignan niya kung nasaan si Alex. Nakita ko naman itong nakikipagsukatan ng tingin sa isang babaeng naka teacher uniform.

She's wearing a pencil-cut skirt like the one the rude professor was wearing earlier when she closed the door in front of me while I'm still talking. And speaking of her, she was looking at me now with her eyebrows raised, and before she looked away, she rolled her eyes at me, which made my jaw drop. My eyebrows met at what I saw.

What the?Anong ginawa ko sa kanya at may pairap-irap pa siya diyang nalalaman?!

Imbes na pansinin ito ay binalewala ko nalang siya at inilipat ang tingin kay Alex na hindi pa rin tapos makipagtitigan dun sa babaeng kasama ni Ms. Reynolds. Mukhang kasamahan niya pala itong ka staring contest ni Alex na ngayon ay makikitaan mo ng walang emosyon sa mukha at tela hindi interesado sa taong kaharap niya.

Hindi interesado pero kung makatitig si miss halos tunawin na ang kaibigan ko ah.

"Tara puntahan natin." Hindi paman ako nakasagot ay bigla nalang akong hinila ni Lauren papunta sa kinaroroonan nila Alex ngayon.

"Don't touch me miss and please don't come near me again. Ayaw ko ng gulo." Bago paman makasagot si miss ay iniwan na ito ni Alex at agad na pumunta sa counter para umorder. Napansin ko naman na lumungkot ang mukha nito habang sinusundan ng tingin ang kaibigan ko.

Okay?What was that?Are they friends or what?

"Weird, ano kayang meron sa kanila?" Lauren confusedly asked. I shrugged my shoulders at hindi nalang siya sinagot sabay punta sa counter para umorder. Sumunod naman siya sa akin.

Hindi ko nga rin alam kung anong meron sa kanila. Bahala sila diyan at gutom na ako.

"Anong order niyo ma'am?" Rinig kong tanong sa amin ni ateng tindera. Nanatili naman akong tumingin-tingin sa paninda nila kung anong masarap bilhin. Meron fried chicken, vegetable, pancit, adobo, paksiw, sabaw at sa dessert naman ay may hamburger, french fries, spaghetti, lasagna, carbonara, cake at marami pang iba.

Actually kompleto na lahat dito at lahat naman masasarap pero minsan kasi nakakasawa rin lalo ba kung paulit-ulit lang.

"The usual ate. Pancit, adobo at dalawang rice po. Samahan niyo narin ng isang soda in can at isang hamburger at large fries po." Rinig kong saad ni Lauren na naging dahilan para mapalingon ako sa gawi nila. Nakita ko naman ang inorder ni Alex na dalawang rice, pinakbet, dinugoan, 2 fried chicken, spaghetti, french fries at soft drinks na isa.

"Yung totoo. Hindi naman kayo gutom nu?" Hindi ko napigilang itanong sa kanila. Napalingon naman sila sa gawi ko sa biglaan kong pagsasalita.

Bakit?Nagtanong lang naman at parang gulat na gulat naman ang mga 'to.

"Hayaan mo na kami Gab. Palibhasa kasi at late ka pumasok kaya hindi mo alam ang feeling kanina na halos sasabog na ang utak namin sa quizzes na 50 items ni Ms. Natasha." Sa haba ng sinabi niya ay yung quizzes lang na tumatak sa utak ko.

Shutek ano daw?!

"Anong quiz pinagsasabi mo?!50 items?!Totoo ba yan?!" Gagi?Shit, sabi na eh may quiz! Kaloka at kasalanan to ng rude professor na yun eh kaya hindi ako nakapag take!

"Oo 50 items na quiz kaya ikaw na late pumasok ay automatic itlog ka na at absent pa. Goodluck nalang sayo." Takte na yan. Nangongonsensya pa ang pandak nato.

Kainis kasalanan talaga 'to ng professor na yun eh pero bakit naman kaya niya ako pinapasok kung absent naman pala ako?! Ano trip niya lang ganun?

"Umorder ka na hoy!" Hindi ko namalayan na nakatulala na pala ako kung hindi lang ako sinapak ni Laur.

"Hintayin ka nalang namin dun sa may dulong entrance kung saan ang pwesto natin. Tara Alex." Tumango nalang ako at hindi na akong nag-abalang lumingon pa at agad na umorder.

"Ate 2 rice po, isang fried chicken, paksiw at giniling. Samahan niyo na rin po ng coke at burger and fries. Ito po ang bayad." Alam kong nagtataka kayo sa dami ng order ko samantalang kanina ang lakas ko mang-asar kina Laur at Alex.

Eh sa gutom ako eh kaya wag na kayong pumalag tsaka naiinis pa din ako dun sa sinabi ni Laur, tsk!

"Ito na iha. 350 lahat." Kinuha ko naman ang sukli at inilagay sa bulsa ko bago kinuha ang order ko sa kanya. Pumunta naman ako agad sa pwesto nila Alex na malayo sa maiingay at tago na medyo ikinahinga ko ng maluwag.

Ayaw ko kasi talaga sa maiingay at naiirita ako sa mga boses nila.

"Oh anyare sayo Gab?Salubong na salubong yang kilay mo." Iniligay ko naman ang pagkain ko sa mesa bago sinagot ang tanong ni Laur.

"Nothing. Mabuti naman at dito niyo naisipang pumwesto sa tahimik." Saad ko at nag sign of the cross muna bago tahimik na kumain. Tahimik lang naman sila kaya ganun narin ako.

"The ambiance here is quite peaceful." Alexandria said.

Agree din naman. Hindi tulad nung isang araw na pinakagitna kami pumwesto talaga. Nagbulongan tuloy yung ibang estudyante at yung iba kinikilig since kaming tatlo dito ay kilalang campus sweetheart kuno nila na sila lang din ang nag imbento.

Alexandria is known to be a snob, cold and aloof which I was not surprised. It's also true because it's only once in a blue moon that she smiled. Ewan ko hindi naman siya dating ganyan at isang araw nagulat nalang kami na bigla nalang siyang naging malamig. I really don't know what happened to her. While Lauren is known to be naughty, jolly and alaskador. You probably saw what she did earlier, right? While me. I'm observant, I'm also irritable and sometimes short-tempered. But despite of that, many people admire us, I mean the three of us. I don't know about them and what they saw in us. I know that my two best friend are gorgeous, but me? Hays, I don't know and let's not talk about it.

"What's with you and that teacher kanina Alex?" Napaangat naman ako ng tingin mula sa pagkain at tinignan ang reaksyon ni Alex sa naging tanong ni Lauren. She shrugged her shoulders bago nagsalita.

"She was just asking for something." Hmm. May mali eh. Sa paraan palang nang pagtitig kanina nung teacher na yun sa kanya ay para bang matagal na silang magkakilala.

Anong tinatago mo Alex at hindi mo mabanggit sa amin ang totoo?

"Are you sure?Para kasing matagal na kayong magkakilala eh." Saad ko pa. Napansin ko naman ang lihim na paglunok niya and she averted her gaze from us nang makita niyang nakatingin kami sa kanya.

See that? Reaksyon palang niya parang may something na eh. She seems uncomfortable.

"It was nothing okay?And please, let's not talk about her." Nagkatinginan naman kami ni Lauren sa naging sagot niya at sabay na nagkibit balikat.

Alam kong may mali sa kaibigan naming ito eh base palang sa pinapakita niyang reaksyon. Di bale at malalaman rin namin yan.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro