Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

THREE

GABRIELLE

"Ang tagal mo naman kanina pa si Alex naghihintay sa atin eh!" The always reklamador also known as Lauren ay nagbu-bonganga na naman.

Hay nako ang babaeng 'to talaga, tsk.

"Ito na nga hays ang ingay mo talaga eh nu?Tara na nga!"

Bago paman siya makasagot ay hinila ko na siya palabas ng gate. Nag decide kasi kami na sa labas kakain ayon na rin sa gusto ni Alex. Medyo nakakasawa na kasi sa cafeteria kahit pa sabihin nating masarap ang pagkain nila, which is totoo rin naman. Ilang sandali pa ay natanaw na namin si Alex na nakasandal sa pulang sports car na mukhang nakatulogan na kakahintay sa amin. Mukhang naramdaman naman nito na paparating na kami kaya agaran itong umayos sa pagtayo.

"You guys took so long. Let's go."

Nagkatinginan naman kami ni Laur at sabay na pumasok sa loob ng kotse. Umupo naman ako sa backseat habang si Lauren naman ay sa passenger seat. So bale ang driver namin ay si Alex.

"Where do you guys want to eat?" Alexandria asked obviously breaking the silence envelope the three of us. Parang gutom na talaga kami sa sobrang tahimik namin, lol.

"Sa fast food chain nalang tayo. Doon sa pulang bubuyog." Lauren said. Tumango naman ako hudyat na pumapayag ako sa sinabi niya. Pero seriously pulang bubuyog talaga?Pfft.

"Okay." Ilang saglit pa ay nakarating naman agad kami sa pinakalapit na mall at agad na bumaba sa kotse nang maipark ni Alex ang sasakyan niya.

Pagkababa namin ay sumalubong naman sa amin ang mga tao kung makatingin ay para kaming hinuhubaran na ikinairap ko ng lihim. Nakakailang talaga pag pinagti-tinginan kayo nang ganito, tsk.

"Grabe pati ba naman dito pinagtitinginan tayo?kairita ah!" Lauren the always reklamador said. Totoo rin naman kasi na nakakainis pag laging ganito.

Akala ba nila sa amin artista?

"Just don't mind them Lau. You guys need to hurry so we shouldn't be late for our next subject later." Sa sinabi ni Alex ay napatingin naman ako sa relo ko.

Shit 45 minutes nalang next subject na namin at heto kami hindi pa nakakain.1 hour and 45 minutes lang kasi ang lunch break namin.

Nakakahiya sa kanila hindi man lang dinagdagan ng 15 minutes para maging 2 hours amp.

"Oh ayon doon na tayo girls sa may bubuyog na pula. Tara." Hindi na kami nakaangal pa ng hilain kami ni Lauren papasok sa Jollibee o pulang bubuyog ayon sa kanya.

"Ako na pipila girls. Ano ba order niyo?" Woah. Mukhang sanay sa pagkain na ganito ang pandak na 'to ah.

"Wait. Are you sure na alam mo?O baka naman nasubokan mo na kumain sa ganito?" Tanong ko sa kanya. Nakakapagtaka lang kasi tsaka sa yaman at arte nito?Hmm. Napairap naman ito bago ako sinagot.

"Nasubokan na namin dito kasama ang pinsan ko galing US okay?Tsaka anong akala mo sa akin Gab, maarte?" Taas kilay niyang tanong. Napataas rin naman ang kilay ko sa turan niya.

Aba siya lang ba ang marunong?Hmp!

"Ay hindi ba teh?Kung yang kilay mo nga kulang nalang makalbo sa pag ahit mo kasi bukod sa gusto mong maging pantay ay nilagyan mo pa ng guhit-guhit na lapis. Tignan mo nagmukha tuloy logo sa nike yan tignan, feeling mo ba hindi ka na maarte nun?" Tumalim naman ang tingin nito sa sinabi ko samantalang ako ay kulang nalang maglupasay dito para pigilan ang aking tawa.

"F*ck you Gabrielle! My kilay is not fake okay?!At mas lalong hindi siya logo nang nike, t*angina mo!!!" Napatawa naman ako ng malakas sa sinabi nito dahilan para pagtitinginan kami ng mga costumer.

HAHAHAAHHAHA siraulong 'to eskandalosa talaga, pfft

"Pfft, wala naman akong sinabi ah, hayop ka! Logo sa nike amp*ta." Nagpatuloy naman ako sa pagtawa at hindi alintana ang mga matang nakatingin sa akin habang si Lauren naman ay kulang nalang sapakin ako sa mukha sa sobrang inis. Namumula pa ang mukha niya pfft..

Nagmukha tuloy siyang bulkan na malapit nang pumutok.

"Bwesit ka talagang g--"

"That's enough."

Naputol naman ang pagtawa ko at sasabihin sana ni Lauren ng sumingit si Alex using her cold voice na mukhang galing pa sa Alaska sa sobrang lamig.

"You two are so annoying. You keep on fighting with a nonsense topic. Grow up, you two will you?Hindi na kayo mga bata, tss."

Bago paman kami makapag react ay umalis na ito at pumila sa counter. Takte at mukhang napikon na talaga ang isang yun sa sobrang kulit namin.

"G*go mukhang galit na si inang yelo Gab." Bulong sa akin ni Lauren na hindi ko man lang namalayan na nakalapit na pala sa akin.

"Ayan patay tayo nito ngayon. Ang hirap pa naman paamohin niyang si Alex." Tela problemado kong usal sa kanya. Opo tama kayo ng nabasa. Hindi man halata pero matampohin po yang si Alex bukod sa pagiging cold niya.

May one time nga nung anniversary ng parents niya tapos hindi kami nakapunta ni Lauren non kasi eksaktong may sakit ako that time habang si Lauren naman ay may emergency sa kanila, kaya nasabay pang hindi kami nakapuntang dalawa. Kinabukasan pagpasok namin sa school nun ay hindi na niya kami pinansin at kung ano-anu nang ginawa namin para makausap siya pero wa epek pa rin. Almost one week din yun na parang aso kaming sunod ng sunod sa kanya bago niya kami kinausap. Sa una nagalit siya syempre cause who ain't right?Sabi pa nga niya may cellphone naman daw kaya bakit hindi man lang kami nakapag text sa kanya na hindi kami makakapunta. Kung alam niya lang na wala akong load dahil bukod sa masama ang pakiramdam ko ay saktong black out din sa amin nun. Sa pagkakatanda ko first year high school palang kami nun eh tapos ngayon grade 12 na kami.

Oh diba mag-lilimang taon na pala. Pero hindi ko talaga malilimutan ang tagpong yun hanggang sa hukay ko, char.

"Huy gaga kanina pa kita kinakausap nakatulala ka na diyan! Umorder ka na nga at kanina pa kumakain si Alex dun oh. Bilisan mo baka iwan tayo niyan." Hindi ko man lang namalayan na nalunod na pala ako sa lalim ng iniisip ko. Agad naman akong umorder sa pagkaing gusto ko at ilang sandali lang ay nakuha ko na ito at inilapag sa table kung  nasaan si Alex at Lauren na tahimik lang at mukhang hindi mapakali.

"Ehem so Lex, galit you?" Gusto kong matawa sa sinabing word ni Lauren na ikinakunot ng noo ni Alex. Gaga talaga kita na nga niyang hindi umiimik yung tao nagtanong pa. Ay hindi pala talaga siya umiimik o depende sa mood niya.

Buti nalang talaga at hindi napapanis ang laway ng babaeng to eh. Unbelievable.

"I'm not." Mukhang nakahinga naman ng maluwag si Lauren same as me. Buti nalang talaga kung hindi another suyo na naman kami nito.

"But you guys should be responsible sometimes. Don't act like a kid especially when people recognize and know you. Act like a lady." Hindi naman kami umimik pero sumang-ayon naman kami sa sinabi niya. Nag sorry narin kami sa inasal namin kanina at nangakong hindi na namin uulitin.

Isa talaga to sa mga ayaw ni Alex eh yung mag-asal siga sa kanto ang makikita niya. She hates it daw kasi sabi niya noon paman. Ewan ko ba at bakit ayaw niya ng mga ganong galawan. Ang astig kaya eh nu?

Palibhasa kasi asal kanto ka!

Resbak naman ng isip ko ngunit hindi ko nalang pinansin kasi totoo naman. Hindi rin naman kasi kami mayaman kaya, duh?Anong aasahan mo, diba?

Kumain naman kami ng tahimik pero ilang sandali pa ay binasag naman ito ni Lauren.

"Wait-- is that Ms. Reynolds and her other co-professors?And who's that three monkey with them?" Nagtaka ko namang tinignan si Lauren kung saan nakatingin siya sa likod ko same as Alex na ngayon ay makikitaan mo ng walang emosyon sa mukha habang titig na titig sa tinignan ni Lauren. Since ako lang ang nakatalikod sa entrance nitong Jollibee ay lumingon naman ako kung saan nakatingin ang dalawa.

Nakita ko naman doon ang tatlo naming professor na masayang nakikipag-usap sa tatlong nag-gwagwapohan na lalaki na kung makangiti kina miss ay nagmumukhang manyakis na unggoy. Mali hindi pala sila gwapo. Kwago na unggoy siguro pwede pa. Ewan ko pero nainis ako sa nakikita ko lalo na at may papahid-pahid pang nalalaman ang unggoy na yun kay Miss Natasha habang yung isa naman ay todo ngiti pa.

Pweh! Ang pangit niya palang ngumiti-- pag hindi ako ang dahilan.

"We should go. Act like you didn't saw them. Isuot niyo yung sumbrero niyong itim and wear a mask para makaalis na tayo dito." Ito yata yung pinakahaba na sinabi ni Alexandria ngayon using her cute tagalog  accent. Ang cute niya talaga magtagalog sarap itapon sa bangin, chos.

Wag na kayong magtaka kung bakit may paganito kami. Wala lang para iwas na rin makakuha ng atensyon.

Kinuha ko naman sa bag ko ang sumbrero kong may tatak na Prada at itim na mask habang si Lauren naman ay tatak Dior while Alex ay tatak Celine. Itim rin ang mask nila kaya same na kaming tatlo. Sa totoo lang ay mukha kaming kidnapper nito pero magagandang kidnapper naman at kulang nalang ang baril para kompleto na, pfftt.. Nang matapos naman kami ay agad na kaming naghanda.

"Let's go."

Alex said na ikinatango namin. Ilang sandali pa ay nauna namang naglakad palabas si Aĺex at kasunod si Lauren at syempre ang panghuli ay ako. Buti nalang tapos na kaming kumain. Nang madaanan ni Alex ang table nila miss ay napansin ko namang napatigil sa pagsasalita yung professor na humarang sa kanya sa cafeteria at tinignan ang pigura ni Alex na ngayon ay nakalabas na. Sumunod naman si Lauren at tulad nung nauna ay ganon din sa isang prof na mukhang nagulat pa pagkakita nito kay Lauren. Kahit pala naka mask sila ay nakilala pa rin nila ito. Ibang klase. At nang sumunod ako ay hindi na ako nagtaka ng sundan ako ng tingin nung rude professor na halos tagos sa kaluluwa ko kung makatitig.

Tsk, ano naman kayang tinitingin-tingin niya?Tss.

Nang makalabas kaming tatlo ay doon lang namin ay sabay-sabay na tinanggal ang facemask namin pati sumbrero na ikinatili ng ibang nakakita dito sa loob ng mall lalo na ang mga babae. Bago paman kami makalampas sa Jollibee ay nilingon pa namin kung saan sila Miss na gulat na gulat ang mukha habang nakanganga pa kaming tinignan, nakatitig lang naman kaming tatlo dito gamit ang walang emosyon sa aming mukha bago kami nakalabas ng mall.

Hindi ko alam pero naiinis ako sa nakikita ko kanina tsk.

Ngayon ko lang napagtanto na ang pangit pala ng taste nila sa lalaki, kadiri.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro