SIX
GRAMMATICAL ERRORS AHEAD!⚠️
-
GABRIELLE
I'm busy checking my classmates papers when Ms. Natasha cleared her throat and spoke.
"It's almost lunch time. Aren't you done checking those papers?"
Tumingala naman ako mula sa pagche-check sa papel at tinignan ito bago nagsalita at agad ding ibinalik ang tingin ko sa aking ginagawa.
"I'm about to finish po."
Hindi naman ito sumagot at tinitigan lang ako na hindi ko nalang pinansin pa at muling nag check sa papel na panghuli na. Actually, kanina ko pa yan napansin na patingin-tingin sa akin pero isinawalang bahala ko nalang kahit pa iba ang epekto nito sa akin. Nandito na naman kasi yung pakiramdam na parang sasabog ang puso ko sa lakas ng kabog at the same time ay may kasaling hapdi.
I don't know why I suddenly feel this kind of feeling, but I think I need to visit my doctor one of these days para malaman ko kung ano ang pakiramdam na ito.
If you guys are wondering, I have a personal doctor na hinire ni mama at papa okay?For what reason, well malalaman niyo rin soon but for now mag enjoy nalang muna kayong basahin ang kwento ko at baka sa mga susunod na kabanata ay papaiyakin na kayo ni miss author, charot haha.
"I'm done, miss." Sabi ko dito at inilagay ang mga papel sa kanyang lamesa. Niligpit ko naman ang mga ginamit ko at binigay ito kay ma'am na may kausap sa kanyang telepono.
"Okay, we will be there in 10 minutes." Narinig ko pa ang huling sinabi nito pagkatapos ko kuhanin ang bag ko at lalabas na sana sa pinto ng magsalita ito.
"You'll come with me." Napalingon naman ako sa sinabi nito at para naman akong nabingi sa sinabi niya.
Ano raw?Anong come with me? Siraulo ba 'to?!
"H-uh?Bakit?" Parang tanga kong tanong na ikinaikot nang mata niya at naglakad papunta sa gawi ko.
"I don't like repeating myself. Let's go." Bago paman ako makasagot ay nauna na itong lumabas habang ako naman ay dali-daling sinirado ang office nito at sumunod sa kanya.
Hindi naman halatang nagmamadali siya nu?
Hinabol ko naman ito at sinabayang maglakad. Pinagtitinginan naman kami ng ibang estudyante habang dumadaan kami at paminsan-minsan ay nagbubulongan ang mga ito.
Mga chismosa amp!
Ilang minuto na kaming naglalakad at nang mapansin ko na patungo kami sa labas ay hindi na ako nakatiis pa at tinanong ko na ito.
"Miss sa'n po tayo pupunta?Hindi po dito ang daan papunta sa cafeteria." Sa sinabi ko ay napahinto naman ito sa paglalakad at eksakto naman na nandito na kami sa labas ng parking lot.
"Who said we will going to eat there?" Bago paman ako makapagsalita ay nauna na itong naglakad at ikalawang pagkakataon ay naiwan na naman ako nitong mag-isa.
Jusko! Ang hilig niya talagang mang-iwan nu?
Agad naman akong sumunod dito habang kamot ang aking ulo. Nakita ko naman itong binuksan ang pinto ng sports car niyang kulay yellow. Napanganga naman ako sa sobrang ganda nito at kintab na dinaig pa na pinaliguan ng floor wax.
Wow ang ganda! Siguro mahal ang kotse na 'to. Saad ko sa isip ko.
Beep Beep!
Nagulat naman ako sa biglaan nitong pag busina dahilan para mapatalon ako at ngayon ko lang rin napansin na nasa harapan ko na ang kotse nito.
What the? May plano ba siyang sagasaan ako?!!
"What are you still standing there?Get in before I hit you If I lost my patience!" Dali-dali naman akong sumakay sa passenger seat at sinuot ang seatbelt ko ng hindi na umimik pa.
Mahirap na baka totohanin na talaga nito.
Nang matapos ko itong makalabit ay pinaandar naman nito ang kotse at walang imik naming binaybay ang daan na hindi ko alam kung saan. Hindi na rin ako nagtanong pa at baka lalo siyang ma high blood sakin. Paano ba naman kasi habang nagmamaneho siya ay ramdam ko ang madilim niyang aura.
Katakot mga bebs.
Minutes later ay hininto naman nito ang sasakyan sa may malapit na restaurant. Napatingin naman ako sa labas at binasa ang nakasulat na may nakalagay na Natasha's Restaurant.
So, sa kanyang sariling restaurant pala kami pumunta.
"Let's go. I'm really famished." Cold nitong saad. Agad naman akong bumaba at sabay na kaming naglakad papasok sa restaurant habang ako naman ay inilibot ang tingin sa paligid. Binati naman agad kami ng guard pagkarating namin sa entrance at pumasok sa loob. May sumalubong naman sa amin na lalaki na sa tingin ko ay manager nitong restaurant ni Miss Natasha.
"Good afternoon, Ms. Reynolds and Miss?" Alanganing bati ng manager na ginawaran ko lang nang kemeng ngiti.
"Gabrielle po." Tumango naman ito at muling nagsalita.
"Ms. Gabrielle and Ms. Reynolds, this way po."
Sumunod naman kami dito at mukhang papunta kami sa VIP rooms ayon sa nakalagay sa mga pinto na dinaanan namin. Tahimik na rin kasi at wala kang makikitang tao hindi katulad sa labas na maingay. Ilang sandali pa ay nakarating naman kami sa may pulang pinto at agad kami nitong pinapasok.
"In 5 minutes ma'am, your orders will arrive."
"Okay and please make it faster. We still having a 40 minutes left before we leave."
"Copy, Ms. Reynolds."
Umalis naman na ang manager at tahimik na sinarado ang pinto. Nilibot ko naman ang tingin ko sa paligid at manghang tinignan ang kabuohan nito. VIP nga talagang matatawag 'to lalo na at meron silang karaoke, mga alak sa gilid na mukhang mamahalin at mini counter sa bar. Feel ko hindi to ang kainan at mukhang mini bar lang talaga ito.
Pero bakit dito ang napili ni miss imbes na iba? Ay baka naman nagtitipid siya since sa kanya ito? Sabagay, may point.
"How was it?" Napalingon naman ako ng magsalita ito kaya kunot noo ko itong tinignan.
"Po?" She rolled her eyes after hearing my response, seconds later and she talk again.
"I mean how was this place?I've been observing you lately and It seems like you like It here." Mahabang litanya nito.
Alam naman niya pala pero bakit nagtanong pa siya?Tss. Papansin rin talaga si miss hays.
"It's okay naman and the place is beautiful. Sa inyo Miss? Mabilis naman itong tumango habang inilibot din ang kanyang tingin sa paligid.
"Yes and since I was a college back then. It's my dream to have a restaurant one day. I really love this place, especially this room." Ahh! Share mo lang miss?Charot.
Tumango-tango naman ako dito at tinignan itong nililibot ang tingin sa paligid. Magtatanong pa sana ako dito ng biglang bumukas ang pinto at pumasok ang dalawang waiter na babae at lalaki na may dalang food cart yata na matatawag na naglalaman sa mga order namin. Dahil sa nakita ay mabilis naman akong umupo sa hindi malayo na pwesto ni Miss Natasha.
"Here's your order, mga ma'am." Saad nung waitress na may name plate na Michelle habang yung isa naman ay lalaking may name plate na Sherwin.
Inilapag naman nito ang mga pagkaing masasarap sa table namin isa-isa. Napapikit naman ako sa amoy nitong sobrang bango. Oh gosh, amoy palang masarap na. Napahimas tuloy ako sa tiyan ko ng wala sa oras.
"Enjoy your foods, mga ma'am." Nginitian ko naman yung Michelle na sinuklian rin ako nito nang matamis na ngiti. Kakaway sana ako dito ng magsalita itong katabi ko na ipinaglihi sa sama ng loob.
"Leave."
Napalingon naman ako dito na may pagtataka sa mukha lalo na yung the way na pagkakasabi niya na kasing lamig ng Atlanta. Mabilis namang umalis ang mga waiter na tela nakahalata sa aura nitong kasama ko na sobrang dilim na.
Geez, tinoyo na naman po siya.
"Eat before I leave you here." She coldly said.
Tumango naman ako dito at walang imik kaming kumakain dalawa na tanging tunog lang nang aircon ang maingay sa paligid. Ilang sandali pa ay nakita ko naman ito sa peripheral vision ko na tumigil ito sa pagkain bago nagpunas sa labi niya gamit ang tissue. Hindi ko nalang siya pinansin ang nag focus sa pagkain ko.
Grabe sobrang sarap!
Minsan nga sabihan ko sila Alex at Lau na dito kami kakain minsan. Syempre papalibre ako aba! Wala naman kasi akong pera nu.
Ms. Natasha cleared her throat dahilan para lingonin ko ito na ngayon ay parang kino-compose nito ang sarili na ikanunot ng noo ko. May papikit-pikit pa siyang nalalaman.
Anyare sa kanya?Natatae ba siya?Tanong ko sa sarili ko.
"U-uhm before I forgot, I just want to apologize for my behavior last week and for slapping you Ms. Mendez." Nakanganga ko naman itong tinignan na ngayon ay diretsong nakatingin sa akin gamit ang malalamig nitong mata.
What the?Did she just apologize?Woah! May lagnat yata si Miss.
"Look. I'm just doing this because my conscience never left me and at the same time ay for reacting that way. You know, It's my first time witness when someone disrespecting me and I don't like it." Oh I knew it. Nakuha ko naman ang pahiwatig nito kaya ibinaba ko muna ang hawak kong shrimp at uminom ng tubig bago nagsalita.
"I just want to say sorry din po for disrespecting you that way miss and sa pagsabi ko sayong pandak ka, hehe." Kamot ang ulo ko namang iniwas ang tingin ko sa kanya ng mapansin kong bumosangot ang mukha nito sa huling sinabi ko.
Takte bakit ba kasi sinabi ko pa yun?Gaga ka talaga Gabrielle ipapahamak mo pa ang sarili mo! Sermon ko sa aking isip.
Tsaka need ko rin kasing mag sorry talaga dito kasi kung alam niyo lang na ilang gabi rin akong hindi pinatulog ng konsensya ko dito lalo na dun sa pagsigaw ko sa kanya. Na realize ko kasi na I shouldn't do that to her. Kasi kahit pag baliktarin man and mundo ay teacher pa rin siya at estudyante lang ako.
Kahit pa sinampal ka ganun? Sheesh wala na yun brain kaya shut up ka nalang!
"Apology accepted. Next time don't do that again or else, I will fail you to my subject." Napatango naman ako sa sinabi nito na may kasamang lunok. Pano ba naman kasi sinamaan pa ako nito ng tingin.
Amp sungit talaga. Pasalamat siya maganda siya.
"Finish your food and we're leaving after."
Walang imik ko namang na inubos ang pagkain ko at ganun rin ito. So, were okay and no more hate to each other na. What next?Lalandiin ko na ba?
Huy Gab anong what next at lalandiin ang pinagsasabi mo?Tandaan mo teacher mo yan!
Naparolyo naman ang mata ko sa aking isip at pasikretong tinignan si miss na cute na cute na ngumunguya habang maarteng nakataas ang isang daliri.
Napatawa nalang ako sa isip ko at napangisi ng may kalokohang pumasok sa utak ko. I smirk of that thought na nagpakunot sa noo nitong si yelo nang lumingon siya sa akin na sinuklian ko lang na matamis na ngiti.Weird niya naman akong tinignan bago nagpatuloy sa pagkain na ikinangiti ko.
Nababaliw ba yata ako--sa kanya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro