SEVEN
GABRIELLE
"Huy tangina! Kanina pa ako nagsasalita dito eh hindi ka pala nakikinig saking tanga ka!" Sinamaan ko naman ng tingin si Lauren nang batukan ako nito ng malakas sa ulo dahilan para magising ako mula sa malalim na pag-iisip.
"Taena mo rin gago! Kailangan mambatok ganun?!" Pinanlisikan ko naman ito ng mata at aambahan sana sa pagsuntok pero ang gaga ay nagtatakbo na palabas habang tumatawa.
Abnoy amp!
"Para ka kasing baliw, kung nakikita mo lang ang sarili mong ngumingisi tapos kukunot rin ang noo. Yung totoo, hindi ka ba nag-umagahan?" Imbes na patulan ito sa sinabi niya ay umupo nalang ako ulit sa upoan ko at lumingon sa labas ng bintana kung saan mo makikita ang mga estudyanteng palakad-lakad habang ang iba naman ay naka opo, nagja-jamming gamit ang gitara at kung ano-anu pa.
"Huy ano?May problema ka ba?Ang lalim ng buntong hininga ah?!"
Napabuntong hininga naman ako ng malakas sa mga bagay na pumapasok sa isip ko bago nilingon si Lauren na may seryoso nang ekspresyon sa kanyang mukha.
Parang tanga pfftt
"Si miss kasi..." Hindi paman ako tapos sa sinasabi ko ay nakita ko na ang pagngisi nito.
"Subokan mong mang-asar Laur!" Nagpipigil naman ito ng tawa habang nakataas ang dalawang kamay sa ere na parang sumusuko na ikinaikot ng mata ko.
Abnoy talaga. Palibhasa kulang sa buwan.
"Wala naman akong sinabi, sige na ituloy mo na yung sasabihin mo." Mukhang seryoso naman na ito kaya ikwento ko sa kanya ang nangyari sa pagitan namin ni miss na mahigit isang buwan na ang nakalipas.
"So you like her nga?Kailan lang?"
Ito yung tanong niya matapos kong ikwento sa kanya ang lahat. Sa pagbibigay ni miss sakin ng mix signals, sa pahalik-halik nito sa akin sa pisngi lalo na sa tuwing uuwi na kami, sa pagiging malambing at clingy nito sa akin lalo na kung kaming dalawa lang sa office niya. Araw-araw ba naman ako nitong inutosan sa pagche-check sa mga papel ng mga kaklase ko, kaya magkasama kami laging dalawa sa paglu-lunch. Buti nga hindi nagtampo itong mga kaibigan ko sa akin since hindi na ako nakakasabay sa kanila kumain sa cafeteria.
Hindi ko nga akalain na may ganong side pala si miss. Ang cute lang.
"I don't know Laur, pero sa tingin ko nung panahon palang na nagbabangayan pa kaming dalawa, nito ko lang na realize dahil sa mga ginagawa niya sakin." Tela problemado kong usal sa kanya sabay buntong hininga.
Oo gusto ko si miss, gustong-gusto na yung tipong I want her to be mine pero that's impossible kasi may mga chismis dito sa campus na dumating na daw yung long time boyfriend nito galing sa Spain para doon magturo. And yes, he is a teacher too. What a lucky bastard right?Pero kahit gusto ko man siyang agawin sa lalaking yun ay hindi pwede, baka matawag pa akong relationship wrecker or kung ano mang matatawag tsaka isa pa may malalim na reason ako kung bakit ayaw ko siyang i-pursue, ayaw kong sa aming dalawa ay masaktan siya sa huli. I can't endure the pain of her eyes if ever man na mangyari yun.
Di baleng ako ang masaktan, wag lang siya.
"Eh paano yan?May balak ka bang aminin sa kanya yang nararamdaman mo? Do you want to pursue her ba?" I keep my mouth shut sa tanong na yun ni Lauren at muling napaisip.
"Mamaya nalang natin yan pag-usapan, nandiyan na ang tinatangi mo." Bulong nito at ilang sandali pa ay pumasok sa loob si miss na maaliwalas ang mukha at parang good mood pa ito.
I wonder what's with her today at bakit ganyan nalang ang mood niya.
"Good morning class."
Masayang bati nito sa amin. Yung dating intimidating cold aura niya ay biglang naglaho na ikinataka nitong mga kaklase ko. Oo halos silang lahat maliban sa akin. Pati nga 'tong katabi ko nakanganga sa pinapakitang bagong kaanyuan ng aming yelo na professor.
Gumaan tuloy ang aura ng paligid na dati ay mabigat.
"Good morning Ms. Reynolds." Bati nila habang may pagtataka pa rin sa mukha ngunit napili nalang na hindi na magkomento pa.
"Okay, today we discuss about the revolution of..." Hindi ko na masyadong narinig pa ang sinabi ni miss nang biglang sumakit ang dibdib ko at halos kapusin ako sa paghinga.
Putangina, please not now!
Biglang ko tuloy naalala yung pinag-usapan namin ni Ninong na doctor ko isang linggo na ang nakalipas.
Flashback;
"From now on, you need to be careful to yourself iha." Nagtaka naman ako sa kanyang sinabi.
"Bakit po Ninong? May problema po ba?" Takang tanong ko dito at hindi maiwasan ang kabahan. Bumuntong hininga naman ito bago nagsalita.
"You didn't inform me that you stop taking your medicine, why is that?" Hindi naman siya mukhang galit, sa sinabi nito ay napaiwas naman ako ng tingin at tela hindi makasagot sa tanong nito.
Bakit nga ba tinigil ko ang pag-inom sa gamot?
Narinig ko naman itong napahinga ng malalim bago ulit nagsalita.
"Your condition is worst now iha. Please be careful and expect pain from time to time and avoid playing stuff like running, I'll tell your parents about this. Sige na, magpahinga ka na."
Yun lang at nagpaalalam na ito na lalabas na habang ako naman ay naiwan sa malalim na pag-iisip.
So hindi na talaga yata ako magtatagal dito sa mundo? Paano na ang mga kaibigan ko at sila mama? Iiwan ko na ba sila? At si Ms. Natasha? Pati rin ba siya iiwan ko na?
Sa mga naisip ko ay hindi ko naman maiwasang mapahagulhol ng iyak.
Flashback Ends;
Napahawak naman ako sa upoan ko nang mahigpit habang nilalabanan ang paninikip nitong dibdib ko. Ramdam ko narin ang pamumuo ng luha at pawis ko. Hinawakan ko naman ng mahigpit si Lauren si braso para kuhanin ang atensyon nito.
"Ano ba yu--teka huy Gab ayos ka lang ba?!! Gabrielle ano ba sumagot ka!!!" Sa malakas na sigaw nito ay imposibleng hindi nito nakuha ang atensyon nang lahat lalong-lalo na si miss na mukhang natigil sa pagsasalita.
"W-what happened?!" Ramdam ko naman ang pag-aalala sa boses nito at magulong sigawan ng mga kaklase ko. Gusto ko sana siyang asarin ngayon pero hindi na talaga kaya nitong sakit ko sa dibdib, para akong mahihimatay at umiikot narin ang paningin ko.
Bago paman ako hilain nang dilim ay narinig ko pa ang sigaw ng kaibigan ko before everything went black.
-
"What the hell really happened to her, Lauren?!"
"I really don't know okay?Basta habang nagdi-discuss si miss kanina nagulat nalang ako na kalabitin niya ako at yun na mismong eksena ang naabutan ko!"
"Fuck!"
"Alex calm down, okay?"
Nagising naman ako sa mga pamilyar na boses nang mga kaibigan ko na parang nagtatalo. Unti-unti ko namang minulat ang mata ko at unang bumungad sa akin ay puting kisame.
Wait puting kisame?Wag niyo sabihing nasa hospital ako ngayon?
"Oh shit, she's awake now!"
"Call the doctor, Lauren!"
Ilang sandali pa ay narinig ko naman ang pagsarado ng pinto. Lumapit naman sa akin ang kaibigan kong si Alex na may pag-aalala sa kanyang mukha habang nakatingin sa akin.
"Hey Gab, you okay now?May masakit ba sayo?" Sunod-sunod na tanong nito habang ako ay nanatiling tikom ang bibig.
"Where am I Alex?" Takong ko sa kanya at tinignan ang paligid ko. Mukhang nasa private room ako ngayon nakalagay.
"Nandito ka sa Reynolds Hospital Gab. 2 days kang tulog. They bring you here nung nag collapse ka sa kalagitnaan ng pagtuturo ni Ms. Reynolds ayon kay Lauren. What really happened Gab?Bakit ka nahimatay?" Mahabang sabi nito. Gusto kong pumalakpak kasi sa unang pagkakataon ay nakapagsalita ng mahaba ang yelo kong kaibigan, but I have no time for that dahil sa panghihina ng katawan ko.
At ano daw? Dalawang araw akong tulog?!
Magsasalita na sana ako para sagutin si Alex ng biglang bumukas ang pinto at pumasok dito ang doctor at nurse kasunod ang magulang ko na may pag-aalala sa mukha, maliban kay mama na umiiyak na ngayon habang inaalo ni papa.
"Gabirielle anak diyos ko, ano bang nangyayari sayong bata ka." Ito ang salubong sa akin ng nanay ko matapos akong i-check ng doctor habang niyakap ako nang mahigpit.
"Can I talk to you in private?" Napakalas naman si mama sa pagyakap sakin bago pinahid ang luha niya ng magsalita si Ninong. Tumango naman si papa kina Alex at Lauren, ilang sandali pa ay lumabas naman yung dalawa kaya kami nalang nila mama at papa ang naiwan kasama ang family doctor namin na kumpare ni papa.
"Tatapatin ko na kayo mare at pare, malubha na ang kondisyon ni Gabby, her heart was about to stop beating earlier. Mabuti nalang kamo at nadala pa siya dito sa hospital. Her condition is much worse now. Hindi magtatagal ay lalabas na ang mga symptoms niya at ito ang una. She has 2 months left dito sa mundo."
Nanlamig naman ang buong katawan ko sa narinig, dapat hindi na ako nagulat sa sinabi ni ninong since handa naman na ako sa posibleng mangyari, pero iba pa rin talaga pag narinig mo mismo mula sa bibig nila ang mga katagang hindi na ako tatagal pa sa mundong 'to. Napahagulhol naman muli si mama ng iyak habang si papa naman ay patuloy itong inaalo habang may namumuong luha sa kanyang mata.
She has 2 months left dito sa mundo.
She has 2 months left dito sa mundo.
She has 2 months left dito sa mundo.
Para itong sirang plaka na paulit-ulit kong naririnig sa isipan ko.
"A-ano? Hindi totoo yan! Huwag kang magbibiro ng ganyan pare, huhuhu Gabrielle anak.." Ito ang narinig ko kay mama habang hawak-hawak ito ni Papa.
"Bakit ganun pare?Maayos naman naming sinunod ang bilin mo noon na inomin niya ang kanyang mga gamot at ininom naman niya ang mga ito sa tamang oras ayon sa bilin mo." Si Papa naman ang unang naka recover sa narinig. And yes, I take the medicine para saking puso 3 times a day, umaga hapon at gabi. Actually marami pa akong gamot na nakarecita pero lahat yun ay ubos na, hindi ko lang sinabi kina mama at papa kasi ayaw kong mag-abala pa silang bilhan ako ulit.
"Yes alam kong sinunod niyo ang sinabi ko noon ayon sa paalala ko na inumin on time ang gamot niya, and I think she stop taking her pills 2 weeks ago kaya nangyari tong paninikip sa kanyang dibdib ngayon ulit. I am right iha?" Guilty naman akong tumango-tangu dito habang kagat ang aking labi na nakayuko.
"Anak naman! Diba sabi namin sayo na kung ubos na ang gamot mo ay sabihin mo sa amin?Bakit mo nilihim 'to anak?" Yan ang bungad sa akin ni mama bago ko naramdaman ang paghaplos nito sa kamay kong may aparato.
"S-sorry ma, ayaw ko lang naman po na makaabala pa ako sa inyo na bilhan ako ulit nang gamot, mamamatay rin naman po kasi ako eh..." Ramdam ko naman ang biglang paghigpit nito ang hawak sa kamay ko habang mahinang humihikbi ng marinig ang sinabi ko.
"Anak naman. Normal sa amin ang bilhan ka ng gamot at lalong mag-aalala kami sayo kasi ikaw lang naman ang nag-iisang anak namin, nakita mo nga na ginawa namin ang lahat para lang may pambili kaming gamot sayo para tuloyan ka nang gumaling. Hindi mo man lang ba naisip ang nararamdaman namin anak kung sakaling mapahamak ka?Hindi mo man lang ba naisip kung paano kami ng mama mo kung iiwan mo kami sa mundong 'to? Ang sakit sa feeling na marinig namin sayo mismo anak na gusto mo nang magpahinga habang kami ng mama mo ay ginagawa ang lahat at naninikip ang dibdib sa tuwing isipin namin na paano nalang kami kung wala ka." Ito ang mahabang sabi ni papa na may kasamang hagulhol ng marinig ko ang kanyang sinabi. Napaiyak naman ako at mas lalong hinigpitan ang yakap kay mama na ngayon ay umiiyak na sa dibdib ko.
"Anak lumaban ka, ayaw namin na mawala ka sa amin anak parang awa mo na." Nanatili namang tikom ang bibig ko habang pinapakinggan ang iyak ng mga magulang ko sa apat na sulok ng kwartong ito.
"Sorry ma pa, pangako habang may natitira pang oras sakin dito sa mundo, susulitin ko po ang mga araw na makasama ko kayo. Tumahan na po kayo. Promise babawi ako sa inyo sa kabila ng lahat nang mga sakriposyong ginawa niyo sa akin." Niyakap naman nila ako habang pilit sinasabi sa akin na lumaban ako sa sakit kong 'to.
"We can talk in my office mare and pare para narin ma discuss ko sa inyo ang mga possibility na mangyari kay Gabby dahil sa sakit niya." Nagpaalam naman ang mga ito at ilang sandali pa ay pumasok naman ang mga kaibigan ko na may pag-aalala sa kanilang mga mukha.
"Anong nangyari Gab?Bakit umiiyak sila Tita at Tito nung paglabas nila?"
"Yeah we saw it, what really happened to you Gabrielle? Is there something wrong you didn't tell us?"
Sunod-sunod nilang tanong. Siguro panahon na para malaman nilang dalawa ang sakit ko. Hindi rin kasi nila alam na may ganito akong sakit. Pinili ko lamang na ilihim ko ito sa kanila ayon narin sa bilin nila mama at papa. Napabuntong hininga naman ako bago i-kwento sa kanila ang buong pangyayari.
"W-what the actual fuck?Are you fucking serious now Gabrielle?!" Ito ang unang bungad sakin ni Alex habang tumutulo ang luha sa kanyang mga mata.
"P-please tell me your kidding right now Gab, huhuhu.." Si Lauren naman ay umiiyak na ngayon habang nakayakap sa akin.
Napahikbi naman ako ng tuloyan habang nakayakap sa kanilang dalawa. Masakit man pero kailangan ko nang mamaalam sa mundong ito. Pero sa ngayon ay susulitin ko muna ang mga araw na makasama sila hangga't humihinga pa ako.
Paano naman si Miss Natasha niyan Gab? Tanong ng isang bahagi ng isip ko. Speaking of her. Wala yata siya ngayon dito? Diba dapat nandito siya since isa siya sa mga nakakita sakin bago ako nawalan ng malay.
"Where is Miss Natasha?" I blurted out of nowhere dahilan para magkatinginan silang dalawa na tela nag-uusap gamit ang kanilang mga mata. Napansin ko namang tumango si Alex kay Lauren kaya napunta sa kanya ang atensyon ko.
"She's out of the country now with her boyfriend Gab. Ngayon itinakda ang kanilang kasal." Tela parang may bombang sumabog sa akin ng marinig ko ang sinabi ni Lauren kasabay ng paninikip ng aking dibdib.
She's out of the country now with her boyfriend Gab. Ngayon itinakda ang kanilang kasal.
She's out of the country now with her boyfriend Gab. Ngayon itinakda ang kanilang kasal.
She's out of the country now with her boyfriend Gab. Ngayon itinakda ang kanilang kasal.
Tela parang sirang plaka yun sa aking isipan at paulit-ulit ko itong naririnig.
"W-what?!"
Yan lang ang tanging nasabi ko at hindi makapaniwala sa aking narinig.
All this time she was fucking engaged and yet, she didn't even bother to tell me?!!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro