Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

FIVE

GABRIELLE

"Baka matunaw yan kakatitig mo."

Nawala naman ang atensyon ko sa ice cream na hawak ko ng may nagsalita sa likuran ko na hindi pamilyar sa akin ang boses. Nilingon ko naman ito at nakita ko naman ang babaeng nakasuot ng fitted jeans pair with her loose shirt na may mukha ni Avril Lavigne sa harap. She's wearing a cap, I mean a black cap to be exact. Black din ang sapatos niya pati na ang earrings nito sa magkabilang tenga. Bago ko makalimutan ay black din ang pants niya at t-shirt.

Yung totoo?Hindi naman halatang hilig niya ang black nu?Kalahi niya siguro si black widow, lol.

"Done checking me out?" She smirk after she said that na naging dahilan para bumalik ako sa ulirat at napakurap-kurap. Inalis ko naman agad ang tingin sa kanya bago kinain ang ice cream ko na binili pa ni Lauren kanina bago siya umalis.

Ewan ko ba sa babaeng yun at sa'n ang punta niya. Bigla nalang kasing umalis matapos bumili ng ice cream kasi may nag text daw sa kanya. Dapat talaga kaming dalawa ang nandito ngayon. Wala kasi si Alex ngayon at absent kasi masama pakiramdam niya.

Ewan ko ba sa yelo na yun at saan nagsusuot. Nagkasakit pa tuloy siya.

"I like it here. The ambiance is quite peaceful with refreshing air." Napalingon naman ako sa babaeng umupo sa tabi ko kahit hindi ko naman pinaopo.

Another fc nilalang na naman ba this?Hindi ko nalang siya pinansin at kinain nalang ang ice cream kong medyo tunaw na.

"The last time i remember you weren't mute, so?" Kumunot naman ang noo ko sa sinabi nito. Wait don't tell me...

"Y-you know me?" Medyo utal kong pahayag sa kanya. Takte bigla yatang nakagat ko ang dila ko sa di malamang dahilan. Weird.

She sexily chuckled before looking at me. Wow may ganun?!

"Who wouldn't?One of the famous campus sweethearts ka diba?" Medyo nahiya naman ako sa sinabi niya kahit totoo naman yun.

Kaya ayaw kong makihalubilo minsan eh kasi ituturing ka nilang espesyal kahit hindi naman dapat.

"Uhm yeah pero yung mga students lang naman ang may sabi niyan, and besides wala rin naman kaming paki sa sinasabi nila about sa amin ng best friends ko." Totoo naman eh. Hindi ko talaga alam kung saan nila nakukuha ang idea na campus sweethearts kuno kami.

Feeling ko tuloy prinsesa kami nung past life namin, char!

"Oh is that so?So totoo nga talaga na sikat kayo right?I've heard lang naman kanina nung pagpasok ko na pinag-uusapan kayo." Ano naman kaya ang pinagchi-chismisan nila tungkol sa amin?Pero ano daw?Pagpasok niya?So it means...

"Wait-- transferee ka ba?" I blurted out of nowhere at bahagya pa akong nagulat dahilan para matawa siya. Napatampal naman ako sa bibig ko ng wala sa oras.

Shuta nakakahiya!

"Ang oa ng reaction hah but yeah, transferee nga ako." Kung anong tanong ko yun lang rin ang isasagot niya. Seryoso wala na bang tataas sa sasabihin niya? I need an explanation din kaya, chariz!

"Wow that's new. Buti tinanggap ka pa nila." You know kasi nasa kalahating semester na kaya kami. Siguro by the power of kwarta kaya to nakapasok hmm.

Sa hirap ng buhay ngayon hindi na nakapagtataka.

"The owner of this school is my Ninong that's why they allow me to transfer here." Ah kaya pala. Edi sorry kung mali ang theory ko.

"Ah okay." Nasabi ko nalang sabay kibit balikat at hindi na umimik pa na ikanatawa namin pareho.

"Hindi halatang madaldal ka nu?" Sa sinabi niyang yun ay natawa naman ako.

Ilang sandali pa ay nagkwentohan pa kami at napag-alaman ko ring only child lang pala siya at ang pangalan niya ay Skylar Rodriguez, samantalang yung mga magulang niya naman ay nasa America ngayon for business purpose at sa susunod na buwan pa daw ito uuwi. She also invited me sa paparating na birthday niya this coming Sunday which is February 10, 202*. Sa totoo lang ang gaan ng loob niya kausap, like yung tipong gusto mong magkwento sa kanya sa lahat ng hinanakit mo sa buhay kasi alam na alam mo talagang makikinig at makikinig siya, ganun. Nahinto lang ang pagkukwentohan namin ng may tumawag sa pangalan ko.

"Gab!"

Nilingon ko naman ang fc na tumawag sa nickname ko at tinaasan nang kilay si Jeffrey na ngayon ay kamot ng kamot sa ulo habang papunta sa kinaroroonan namin kung saan kami naka opo ni Skylar ayon sa pangalan niya.

Yung totoo may kuto ba siya?Kanina pa kasi siya kamot ng kamot.

"What?"

Hindi sadyang naging tunog masungit naman ang pagkasabi ko nun dahilan para matawa ng bahagya si Sky. Yan na ang tawag ko sa kanya wag kayo.

Fc na rin kasi ako sa kanya, hmp.

"Pinapatawag ka ni Ms. Reynolds sa office niya. Punta ka nalang don at may kailangan siyang i-discuss sa'yo. Tsaka bilis-bilisan mo kasi mukhang mainit ang ulo nun." Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi nito at hindi maiwasang kabahan, kasi for the first time sa halos isang linggo na ang nakalipas simula nung away namin ay nag-iwasan na kami nito.

Oo tama kayo ng nabasa. Ang sakit kaya nung pagsampal niya so sinong hindi mag-eemote diba?Alam ko namang hindi kami close kasi never kami nag-usap pero hindi ibig sabihin nun ay ganon-ganonin niya lang ako. Alam ko namang may kasalanan din ako sa hindi pag respeto sa kanya pero mas malaki ang kasalanan niya sa akin lalo na nung sinampal niya ako.

Sino ba ang matinong teacher ang nananampal ng estudyante niya?Sige nga sabihin niyo kung sino.

Hindi ko man lang namalayan na nakaalis na pala si Jeffrey sa pagkatulala ko, habang si Sky naman ay kanina pa nagpaalam para umuwi na. Okay, ngayon ko lang rin napagtanto na uwian na pala.

Grabeng kalutangan yan Gab ah. Halata bang kabado ka sa pwedeng pag-usapan niyo ng teacher niyo?Saad ni utak ngunit hindi ko nalang pinansin.

Pinilig ko naman ang ulo ko kasi para na akong mababaliw dito habang nakikipagtalo sa sarili ko kung tutuloy ba ako o hindi. Hays, ano ba Gabrielle! Kakausapin ka lang okay o baka naman magso-sorry yun sa pagsampal niya sa'yo. Sa naisip ko ay mayabang naman akong nakapamewang habang nakatingin sa pintuan kung nasaan ang office ni Ms. Natasha.

Tsk tsk sabi ko na nga ba at hindi niya rin matitiis ng konsensya niya ang pagsampal sa akin. Hay nako hahaha kalma ako lang 'to. Parang baliw kong saad sa sarili ko.

"Crazy."

Nabalik naman ako sa ulirat ng may magsalita sa harapan ko. Doon ko naman nakita si Ms. Natasha na nakasandal sa pinto habang nakahalukipkip na nakatingin sa akin.

Takte! Gaano ba ako katagal nakatulala kanina?Gago ka Gab nakakahiya ka talaga kahit kailan. Sermon ko sa sarili ko.

"What are you still doing there?Get in!"

Hindi ko man lang namalayan na nakapasok na pala siya sa loob. Labag man sa loob ay pumasok na ako sa office niya at bahagya naman akong namangha sa nakita kong malawak at sobrang linis niyang office with matching pink pa ang halos lahat ng kulay. Mula sa sofa, table, kabinet o closet pati na rin ang mga picture frame sa gilid at takte pati ref pink?Woah! Hindi naman halatang girly siya masyado nu?

Pero sabagay iba-iba naman tayo ng taste sa kulay ako nga black ang favorite color ko kasi I love dark. Sino bang ayaw sa black?Ganda kayang kulay nun!

"Are you done checking my office?How was it?" Nabaling naman ang tingin ko sa professor na nakataas ang kilay habang nakatingin sa akin. I cleared my throat at naglakad naman ako papunta sa mesa niya para doon umopo kahit wala siyang sinabi.

Alangan namang tatayo ako dito buong oras, aba!

"What do you want Miss?Kung magso-sorry kayo pwedeng pakibilisan?I need to go home early kasi baka hinahanap na ako ng parents ko ngayon." Mahabang litanya ko dito. Pero joke lang sa part na hahanapin ako nila mama. If I know, gustong-gusto naman ni papa na matagal akong makauwi para masolo niya si mama at mabigyan ako ng bunsong kapatid.

Loko-loko talaga yung tatay ko hays, pero sana lang ayusin niya ang pagputok para matik may kapatid na talaga ako haha.

"Who said I want to say sorry to you?Dream on kid." Aba't kid?Tinawag niya akong kid?Pag-aalburoto ko bago siya tinignan ng masama. Oo masama kasi masama ang budhi niya. Hindi niya naman pinansin ang titig ko at nakatuon lang ang atensyon niya sa laptop.

"Bakit kaya naging paboritong kulay mo ang pink miss kung pwedeng itim naman?" I blurted out of nowhere na naging dahilan para tignan ako nito ng nakakunot noo.

Pwede naman kasing black nalang tong office niya na kasing itim ng budhi niya. Opps, bad Gabrielle bad.

Infairness ang cute niyang malito pero syempre hindi ko sasabihin sa kanya yan. Baka lumaki ang ulo eh tsaka ano siya sinuswerte?Tch!

"And why is that?"

I smirk and lean at her na naging dahilan para mapaatras siya ng bahagya at mapasandal sa swivel chair niya na may kinakabahang expression sa kanyang mukha.

Asa'n ngayon ang tapang mo Kanye West? Pfft.

"Para same tayo. Ayaw mo nun?Magiging bagay tayo." And I wink at her playfully na nagpaawang sa labi nito. Her reaction was so priceless, pfft--paano ba naman kasi ang pula ng pisngi niya. Konti nalang iisipin kong kinikilig to eh. Kaso imposible pala yun kasi straight siya lalo na ako.

Pero straight nga ba ako?

"S-shut the hell up kid! Pinapunta kita dito para i-check tong mga papel ng kaklase mo hindi para landiin ako!" Nanlaki naman ang mata ko sa huling sinabi niya lalo na siya when she realized of what she's said. Pero imbes na mainis ay ngumisi lang ako dito bago dahan-dahang lumapit kung saan siya nakaopo na ngayon ay nanlalaki ang matang nakatingin sa akin.

Landiin pala ah. Edi lalandiin kita. I said to my mind.

Ihinarap ko naman ang upoan niya sa gawi ko na nagpasinghap dito na lalong nagpalaki sa ngisi ko at inilapit ang mukha ko sa mukha niya. Isang dangkal nalang mahahalikan ko na siya pero syempre hindi ko hahayaang mangyari yun, tsk.

Swerte niya kung siya ang magiging first kiss ko nu, hmp!

"Gusto mo bang landiin kita?" I seductively said habang nakatitig kami sa isa't-isa. Kumorap naman ang mata nito bago ako itinulak pero syempre hindi ako nagpatinag since na corner ko na siya sa inu-upoan niya.

"Get off me! Umalis ka sa harapan ko kung ayaw mong masampal ulit kita!" Sigaw niya pero taliwas naman sa kilos nito na ayaw niya akong paalisin. Hello, hindi nga siya nagpumiglas at sinalubong lang ang titig ko habang nakataas ang kilay na kunwaring nagma-maldita sa harapan ko.

Sungit talaga. Patirikin ko kaya mata nito?

I just realized that this girl is really gorgeous. Pointed nose and fair skin. Her cheeks that quickly reddened obviously without pimples on her face and her lips were very thin and heart shaped, Her eyebrows that are natural not like Lauren's like the Nike logo, and last but not the least are her eyes that are so beautiful that they drown you when you stare at them for too long.

Sa hindi malamang dahilan ay bigla namang kumabog ang puso ko sa pagtitig nito pero iba ang kabog na yun kasi may kasamang sakit na hindi ko maipaliwanag. Bago paman ako makagawa ng pagsisihan ko sa huli ay lumayo na ako dito na ikinataka niya at bumalik sa kaninang inupoan ko na parang walang nangyari bago magsalita.

Gago ano yun?Anong nangyayari sa akin?

"Akin na po yung papel ng mga kaklase ko at i-check ko na po." Nagtaka man sa inakto ko ay hindi na ito nag-usisa pa na ipinasalamat ko.

Buti naman at wala talaga akong lakas na makipagtalo sa kanya ngayon. Ewan ko ba kung anong nangyari sa akin hays. Isinawalang bahala ko nalang yun at nag check sa papel ng kaklase ko kahit ramdan ko ang matiim na titig nito na tagos sa kaluluwa ko.

Kalmahan mo Gab. Wag mo nalang pansinin at focus lang sa goal.

-

Sa sobrang antok ko, muntik pa mabura ang chapter na 'to hahahaha buti nalang at na restore pa! Thanks God! 😭😭😭

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro