Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

𝗖𝗛. 𝗩𝗜𝗜: 𝐀𝐧 𝐢𝐧𝐬𝐩𝐢𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐥𝐨𝐯𝐞 𝐬𝐭𝐨𝐫𝐲

Ashiya's Pov,

Natapos ang buong araw ko sa pakikinig sa mga discussions ng mga prof. namin "haaymaygaaadd", pagkapasok ko nasa bahay agad na ako nagpalit dahil wala naman na ako gagawin at 6:40 pm na kami nakauwi ni kuya naisipan ko muna magbasa dahil mamayang 8pm pa kami mag-di'dinner.

Sabay-sabay kase kumakain kaya 8pm o 9pm kami nag-di'dinner dahil inaantay namin si papa. Pagkatapos ko magpalit kinuha ko cellphone ko at nag-online sa facebook.

Minutes later, naka log-in na ako hindi ko na tinignan yung mga nag add, friend-request at notifications, nag scroll-down nalang ako sa newsfeed ko at may na'spotan akong maganda sa paningin na na curious ako, pinindot ko na yung post at nag-simula na ako magbasa:

Papunta ako sa isang public school noon. Dahil sa pagiging kikay ko ay medyo marami akong friends. Writing ang hilig ko, hindi nga lang halata.
Fourth year high school noong nakilala ko ang lalaking nagpatibok ng aking puso.
First day of school. Kahit kilala ko na ang mga magiging classmates ko, ewan ko ba kung bakit kinabahan ako.

Nang makapasok ako sa aming classroom. May hindi pamilyar na mukha ang aking nakita. May bago kaming kaklase. Hindi ko maitanggi, ang cute niya. Parang ang bait-bait. Mukhang una pa lang ay tinamaan na ako.

Pinagpakilala siya sa amin ni Ms. Villanueva, ang aming guro. Pagtayo pa lang niya ay nakakakilig na. Ano pa kaya kapag nagsalita at ngumiti siya? Nailapag ko ang aking siko sa may desk table at ang palad sa ilalim ng aking baba, habang nakatitig sa kaniya.

"A pleasant morning to all of you. Actually, I cannot say anything about myself for now, only my name Carlo Chu, I hope you understand, thank you."

Dahil ang suspense ng sinabi niya, lalo tuloy akong naging interesado.
Sa labis na pagkakatitig sa kaniya ay nawala na ako sa aking sarili. Para akong nasa ulap. Mayamaya'y siniko ako ng katabi kong si Grace, isa sa aking mga kaibigan.

Hindi ko napansin na nakaupo na si Crush.
Noong recess time, sinubukan kong humanap ng paraan, upang makalapit sa kaniya. Marami akong naisip, kaya lang baka makahalata siya. Ewan ko ba, kung bakit masiyadong atat si kupido, hindi man lang pinaabot ng second day of class.
Gustong-gusto ko na siyang lapitan, lalo na't nag-iisa lang siya sa table, nakakaawa naman.

Pagkatapos ng ilang minuto ay bigla siyang tumayo, upang pumila sa tinadahan ng chocolate shake. Iyon na ang pagkakataon ko para lapitan siya. Na-excite ako. Nang malapit na ako sa kaniya ay biglang lumipat ang isa kong schoolmate na nasa linya ng mango shake. Siguro ay natagalan sa pagkakahanay.

Nasayang ang pagkakataon. Ngunit malakas akong babae, nagpaka-positive ako. Isang tao lang naman ang nasa pagitan naming dalawa. Sigurado, next time makakatabi ko na siya.

Noong second day of class. Iaayos daw kami ni Ms. Villanueva ng seats. Para naman kaming, elementary, nakakatawa. Kailangan pang ipili nang makakatabi sa upuan. Habang lihim na natatawa ay biglang may sumagi sa aking isipan.

"Pagkakataon ko na naman ito. Kailangan ko nang mag-rosary, baka sakaling pagtabihin kaming dalawa."

"Class, dahil mga dalaga at binata na kayo. Kailangan ang pagkakahati ng seats n'yo ay base sa kung ano ang gender n'yo,"
pagpapaliwanag ni Ms. Villanueva.

Chance ko na sana iyon, naudlot pa. Nagkibit-balikat na lang ako. Ganoon talaga ang buhay, minsan swerte, minsan laging malas. Wala akong mapagsabihan ng saloobin tungkol sa mga pangyayari, gustuhin ko man o hindi sa mga kaibigan kong kikay pa rin ang bagsak ng kwento ko about kay Carlo.

"Hahaha... grabe ang malas mo, Sis. Bakit ba kasi ang bagal-bagal mo kahapon sa canteen. Kung tumakbo ka, e'di sana hindi ka naunahan nang bruha," pang-iinis ni Grace.

"Dalas-dalasan mo ang pagro-rosaryo, Sistah at nang pagbigyan ka ni Lord," isang pang-aasar pa mula kay Marry.

"Ewan ko sa inyo ang kailangan ko advice hindi insulto," pikon na sagot ko.

"Hayaan mo, Sis, may awa si God," sagot ni Grace, pagkatapos ay sabay silang nagtawanan.

Noong araw na ng Huwebes, P.E. day.
Lahat kami ay required na mag-jogging pants-uniform. Ang awkward, ang pangit ko, hindi ako sanay nang hindi nakapalda. Gusto kong magpa-cute kay Carlo, kaya lang hindi ko alam kung paano.

Nagkibit-balikat na lang ako habang sinasabing, "keri ko 'to."

Nagyaya ang mga kaibigan ko na maglaro ng volleyball. Nakaka-tense, pakiramdam ko ay kailangan kong galingan.

Unang serve sa bola...
P

asok!

Nang nagpapalit-palitan na kami ng tira, bigla akong napalingon sa may bench malapit sa court. Umupo roon si Carlo. Dahil doon hindi ko nakita na sa akin pala ang patak ng bola.

"Aray!" napasigaw ako.
Sa may sintido ako tinamaan ng bola at halos mapatumba ako. Tumayo si Carlo. Mukhang tutulungan ako.
"Aray! Aray! Girls, ang sakit," daing ko habang papikit-pikit.
Umupo ako at muling dumaing, "ang sakit..."

Isang minuto akong nakapikit. Hindi naman nangyari ang aking inaasahan. Nagpalingon-lingon ako sa paligid, habang hawak ang aking noo.

"Sis, sorry hindi ko sinasadya, akala ko sa iyo papatak ang bola," paghingi nang tawad ni Grace.

"O-okay lang ako, Sis," sagot ko, habang nanghihinayang sa pagkakataon.
Kay Ms. Villanueva nagpunta si Carlo nang kawayan siya nito. Nasayang ang pag-arte ko.

Ako ang tipo ng babae na hindi agad sumusuko.

"Sa susunod ay magtatagumpay na 'ko," bulong ko sa aking sarili.

Isang araw sa English lesson namin, nagtanong si Ms. Villanueva.

"What are the 8 part of speech?"
"Yes Jenny," pagtawag niya sa akin, pagkatapos kong magtaas ng kamay.

"The 8 part of speech are:
1st noun, followed by pronoun then verb, adjective, adverb, preposition, conjunction, and interjection," sagot ko.

"Very good," pagpuri ni Ms.Villaneva.
Palakpakan ang mga kaklase ko.

Nakangiti si Carlo habang nakatingin sa akin at pumapalakpak. Siguradong namumula ako, ramdam na ramdam ko. Para hindi niya mahalata, umupo ako ulit at itinuon ang tingin sa blockboad. Ang sakit sa tainga nang dumadagundong na tibok ng puso ko.
After that incident, hindi sumabay sa akin ang dalawa kong kaibigan noong recess time.

"Jenny!"
Nakakagulat, may isang pamilyar na boses akong narinig mula sa aking likuran. Nang mapatigil ako ay dali-dali siyang lumapit sa akin.

"Puwede bang makisabay?" tanong niya.
Hindi ko alam kung anong isasagot ko, dahil sa pagkabigla.

"Ah..." tanging salitang nasabi ko.

"Baka kako puwedeng sumabay sa 'yo papuntang canteen, nakakahiyang aminin, pero hanggang ngayon kasi wala pa rin akong friend," pagko-convince ni Carlo.
Si Carlo, ang prince charming ko, siya ang tumawag sa akin.

"Si-sige, wa-wala iyong dalawa kong friend, solo rin ako," pautal-utal na sagot ko.

Ang saya, magkasabay kaming kumain sa canteen. Noon gustong-gusto ko siyang kausapin at tabihan, ang hirap pala kapag nasa harap na, nakakailang.

"Ang galing mo kanina," pambungad na papuri niya.

"Ha!?" nagulat ako, hindi ko inasahan na sasabihin niya iyon.

Memorize ko ang 8 part of speech at mga definitions, pero pagdating sa exam, hirap akong mag-analyze ng mga sentences, kung alam lang niya.

Malupit talaga ang tadhana, pagkatapos ng araw na iyon. Hindi na muli kami nakapag-usap nang kaming dalawa lang, laging may mga kontrabida. Kung sabagay, okay na 'yon kaysa hindi ko siya nakakausap.

Mabilis lumipas ang panahon, natapos ang huling taon ng high school. Noong collage ay hindi kami nakapasok sa iisang University, nakakainis.

Habang masaya ang dalawa kong kaibigan sa kani-kanilang love life. Dakilang single ako. Nakakainggit pero kasalanan ko naman, dahil mapili ako sa manliligaw.Marahil, hinahanap-hanap ko ang mga katangian na si Carlo lang ang nagtataglay.

Isang araw, nakasakay ako sa jeep nang biglang may pumarang isang lalaki. Masikip na ang passenger seats, ngunit itong si mamang driver, nagpasakay pa nang isa. Puwede pa naman huwag lang mataba.

"Ms. puwedeng pausog?" tanong niya.

Nakatuon ang atensyon ko sa cellphone, ka-text ko sina Grace at Marry, pupunta raw sila sa bahay. Hindi ako makapaniwala sa nakita ko. Unti-unti akong umusog habang nakatingin sa lalaking uupo sa tabi ko. Nang makaupo siya, mukhang nagulat din siya.

"Jenny, ikaw na ba iyan?" tanong ni Carlo, siya ang lalaki na pumara.

"Kumusta ka na?" tanong niya.

"Okay naman, eto single pa rin," sagot ko.

Nagulat ako sa nasabi ko. Diretsohan, nakakahiya hindi naman niya tinatanong kung kumusta ang love life ko.

"Ganoon ba? Sa ganda mong iyan?" papuri niya.

Biglang tumibok ang puso ko dahil sa aking narinig, nagagandahan siya sa akin. Hindi ako makapaniwala, pakiramdam ko ay may sira na ang aking tainga.
Mayamaya'y napakurap-kurap ako, may sira na rin yata ang mata ko dahil sa natanaw ko.

"Saan ka nakatira ngayon?" nakakabiglang tanong niya.

"Malapit na... A... I mean, do-doon sa subdivision na iyon, sige ha," pautal-utal na sagot ko.

Hindi ko inaasahan na itatanong niya iyon. Sana number ko na lang ang itinanong niya, naisip ko. Masasabi ko rin ang address ko sa text at tawag.

"Para Mama," malungkot na wika ko.

Pagdating ko sa bahay, matapos ang paghahanap ng trabaho. Nandoon na ang dalawa kong kaibigan. Itinuro nila sa akin kung paano mag-search sa google.

Naaawa raw sila sa akin dahil hirap na hirap akong mag-commute tuwing naghahanap ng trabaho. Itinuro rin nila sa akin ang paggamit ng facebook. Noong una, akala ko, puro pictures lang ang makikita roon, dahil sa facebook ang name.
Karamihan sa mga status ay may nakalagay na #hugot.

Mas naging interesado ako sa facebook noong nalaman ko na puwede akong mag-add ng mga friends before at makipag-usap sa pamamagitan ng chat. Tulad ng inaasahan si Carlo ang una kong hinanap.

Searching Carlo Chu...

Ang saya ko, nakita kong may account siya.

Carlo Chu
27 years old
Single
Accountant

Halos mapatalon ako sa tuwa, SINGLE!
One hour lang ang lumipas accepted na agad ako. At online siya, ang laki ng chance ko para makausap siya kahit sa chat lang, better than text. Gusto ko talaga siya. Ang totoo mahal ko siya.

Nagbasa ako ng mga post sa facebook. Ang corny ng mga hugot nila, lalo na kapag babae ang nag-post. Ang dating ay pagpaparinig sa mga crush nila.

Napangiti ako, "i-try ko kaya? Magaling ako sa poems, kayang-kaya ko itong ganito."
#Hugot

"Unang araw pa lang kitang nakita, pinana na ako ni kupido, iyon nga lang ang malas ko, sayang hindi naging tayo."
Ilang minuto lang ang nakalipas, may nag-comment.

"Humuhugot-hugot ka na rin ngayon, a!"
Hindi ko inasahan napansin ni Carlo ang corning post ko.

"Hehehe... Subok lang baka sakaling mapansin ng crush ko," pasimpleng reply ko.

Initay ko ang reply niya, ngunit thirty minutes na ang nakalipas ay wala pa rin.
Gumawa ulit ako ng isa pang hugot.
#Hugot

"Ang swerte ko napansin mo ang hugot ko, sana na gets mo, na ikaw ang crush ko."
Mayamaya'y bigla na siyang nag-comment.

"Ikaw ha, direct to the point ka kung mag-status baka mamaya ma-off siya sayo."
#Hugot

"Sisihin mo si kupido, napasobra ang pagpana sa puso ko."

Ilang oras na ang lumipas, wala paring comment. Tama ang sinabi niya, naisip ko baka nahalata niya at na-off siya.
#Hugot

"Hindi na baling ma-off ka, ang mahalaga nasabi kong crush kita, hindi man maging tayo, masaya na rin ako, dahil sa wakas nasabi ko ang tinatagong lihim ko. Salamat sa mga comments mo, Carlo."

Ang alam ko ay wala na, hanggang doon na lang iyon. Nanliit ako dahil sa hugot ko. Nakakapagsisi dahil natutunan ko pa ito.
Nag-scroll down ako sa facebook, naglibang sa pamamagitan ng pagbabasa at pagla-like.
Ilang scroll lang may nakita akong post.
#Hugot

"Nakaka-off talaga ang paraan mo, hindi mo man lang hinintay ang next comment ko. Sayang nabitin ako sa panliligaw mo. Pero gusto ko ring malaman mo, sabay lang tayong pinana ni kupido."

Kinusot-kusot ko ang mga mata ko, hindi ako makapaniwala sa aking nabasa. Hugot iyon ni Carlo. Hindi ko alam ang gagawin ko.

Habang gulong-gulo, may isang post pa akong nabasa.
#Hugot

"Puwede bang tama na ang hugot sa facebook na ito? Alam ko naman ang address mo, hintayin mo ang panliligaw ko, Jenny."

Gusto ko nang sumigaw! Hindi ako makapaniwala sa mga nabasa ko. Hindi na ako nag-comment, sinunod ko ang sinabi niya. Hihintayin ko na lang siya. Buti at naituro ko kung saan ang address ko.

3 months, 3 months akong niligawan ni Carlo bago naging kami.
Never siyang hindi naging sweet sakin, his so caring kaya lalo pa akong nahulog sakanya.

I love him and he loves me to, kaya nga umabot kami sa puntong ito ngayon.
His looking at me as I walk down the aisle.
Bago pa ako makalapit kay Carlo ay niyakap muna ako ng parents ko bago nila ako ibinigay kay Carlo.

When he hold me hand, he kissed it and mouthed 'I love you'.
We became a happy married couple, never nawala ang spark saamin lalo na ng ipinanganak ko ang panganay naming si Carla.

Yes we're happy but we can't have this happiness forever because as long as you live, there will be always a hardship, challenges,struggles and problems that we might face before we became happy.
Like now, nakahiga ako sa hospital bed because I have illness, but despite having this illness I fight just to be with my love ones and be happy.

I saw our daughter Carla became a grown up woman.
As she walk closer to me, I can see that she's crying. I smiled to her to show that she'll be okay. I hold her hands and mouthed ' I love you '.
And as I slowly closed my eyes, I saw Carlo smiling at me.
For so long, mag kakasama na ulit kami ni Carlo.

When I opened my eyes I saw my husband calling my name. I smiled.
I still can't believe that this guy, my crush became my forever and happiness.
I love you Crush.

-END-

Title: 𝐈 𝐋𝐎𝐕𝐄 𝐘𝐎𝐔 𝐂𝐑𝐔𝐒𝐇

Dahil nabitin ako magbabasa pa uli ako.

To be continued...

𝐓𝐡𝐢𝐬 𝐚 𝐰𝐨𝐫𝐤 𝐨𝐟 𝐟𝐢𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧,𝐧𝐚𝐦𝐞𝐬,𝐜𝐡𝐚𝐫𝐚𝐜𝐭𝐞𝐫𝐬,𝐩𝐥𝐚𝐜𝐞𝐬 𝐚𝐧𝐝 𝐢𝐧𝐜𝐢𝐝𝐞𝐧𝐭𝐬 𝐞𝐢𝐭𝐡𝐞𝐫 𝐚𝐫𝐞 𝐭𝐡𝐞 𝐩𝐫𝐨𝐝𝐮𝐜𝐭 𝐨𝐟 𝐚𝐮𝐭𝐡𝐨𝐫'𝐬 𝐢𝐦𝐚𝐠𝐢𝐧𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐨𝐫 𝐚𝐫𝐞 𝐮𝐬𝐞𝐝 𝐟𝐢𝐜𝐭𝐢𝐭𝐢𝐨𝐮𝐬𝐥𝐲.𝐀𝐧𝐲 𝐫𝐞𝐬𝐞𝐦𝐛𝐥𝐚𝐧𝐜𝐞 𝐭𝐨 𝐚𝐜𝐭𝐮𝐚𝐥 𝐩𝐞𝐫𝐬𝐨𝐧𝐬,𝐥𝐢𝐯𝐢𝐧𝐠 𝐨𝐫 𝐝𝐞𝐚𝐝,𝐞𝐯𝐞𝐧𝐭𝐬 𝐨𝐫 𝐢𝐬 𝐞𝐧𝐭𝐢𝐫𝐞𝐥𝐲 𝐜𝐨𝐢𝐧𝐬𝐢𝐝𝐞𝐧𝐭𝐢𝐚𝐥.

𝐂𝐨𝐩𝐲𝐫𝐢𝐠𝐡𝐭 𝟐𝟎𝟐𝟎 𝐁𝐲 𝐂𝐞𝐢𝐠𝐢𝐞 𝐀𝐲𝐚

𝚊𝚕𝚕 𝚛𝚒𝚐𝚑𝚝𝚜 𝚛𝚎𝚜𝚎𝚛𝚟𝚎𝚍.

𝓒𝓮𝓲𝓰𝓲𝓮𝓐𝔂𝓪®

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro