
Chapter 45: 𝐌𝐲 𝐁𝐫𝐨𝐭𝐡𝐞𝐫 𝐨𝐫 𝐅𝐫𝐢𝐞𝐧𝐝𝐬?(𝐏𝐚𝐫𝐭 𝟐)
Bumuntong hinga ito ng malalim at tinawag pa ang dalawang nasa labas sa bandang katabi ng pinto. Sakto pagkapasok ng 2 pang tauhan agad na bumunot ng baril si Shaun at pinaputukan nya ang limang tauhan ng marahas hanggang sa maubos ang bala ng kanyang baril.
Sabog ang mga bungo at nagkakalatan na dugo ang itsura sa kwarto ni Shaun sa ilang bahagi ng pasilaya at pader. Nagsusumigaw muli si Shaun sa tindi ng galit na kanyang nadarama at patuloy ito nagmumura.
Kasunod na agaran na maririnig ang malalakas na kalampag ng mga paparating na yabag ng mga paa ng kanyang mga iba pang tauhan. Mga naka posturang animoy hadang bumaril na aakalain nilay parang may kalaban si Shaun.
Nagmamadali tumungo ang mga tauhan ni Shaun sa kinaroroonan nito ng abutin nila at makitang umaagos ang dugo at kumakalat palabas ng pinto nito. Napahinto at dahan-dahang pumapasok ang mga grupo ng kalalakihan at natanaw nila ang kanilang mga kasamahan na duguan at mga nakahandusay mga wala ng buhay.
At ang kanilang amo na si Shaun na nakatingala at hawak ang noo at hinihimas-himas ang buhok gamit ang kaliwang kamay at ang kanang kamay na may hawak na baril.
"b-boss? o-oki-k-kay ka lang? sino po mga nakalaban niyo at may barilan kaming narinig?"
Lumingon si Shaun sa mga tauhan nito at agad na tinutok nito ang baril na babagong lagay uli ng magazine.
"sino sa inyo ang may pasimuno o naka-isip dakpin ang kapatid ko! aamin kayo o papatayin ko kayong lahat?!" galit na tanong ni Shaun.
"b-bu-boss h-hi-ndi po ako" tauhan #1
"lalong hindi po ako boss" tauhan #2
"boss di ko rin po alam wala po kaming alam boss".. tauhan #3
tugon na may halong pangangatal at takot ng mga tauhan nito.
"aamin kayo o hindi?!" idiniin ni Shaun ang baril sa noo ng nauunang tauhan na nasa harapan nito at akmang kukulbitin na ang trigger.
"uulitin ko sino ang nagpasimuno ikidnap ang kapatid ko?!" kasabay na pag duro niya sa gawing direksyon ni Eliza na hanggang ngayo'y walang malay.
"parang awa mo na boss wala po kami kinalaman, naka assign po kami na taga-bantay niyo po dito sa teritoryo niyo boss" pagmamakaawang ani ng mga tauhan niya.
Naunang lumuhod at nagmamakaawang umiiyak ang isa sa mga tauhan nito at sunod-sunod na lumuhod din ang lahat
..taranta,kabado at nagmamakaawang nakiki-usap.
Bakas sa expression at mata ni Shaun ang matinding galit at kasiraan ng kanyang katinuan , ibinaba nya ang kanyang kamay na may hawak na baril na nakatutok sa isa sa tauhan nito at nagsalita ito na may pabuntong-hinga "dalhin niyo kapatid kong si Eliza sa ospital" nakatulala parin ang mga tauhan nito sa kanya..
"Mga gago hindi niyo ba ako naririnig? dalhin niyo sabi sa ospital kung saan malapit ang kapatid ko!! " sumisigaw na galit ni Shaun sa mga tauhan nito.
"o-opo opo boss" tugon ng mga tauhan ni Shaun.
Nagmamadali at taranta ang dalawang tauhan ni Shaun na bumitbit kay Eliza mula sa sofa palabas ng kwarto hindi pa akmang nakakalayo ang mga ito ng may nagpaputok ng baril.
Malalakas at sunod-sunod na barilan ultimo ang mga kagamitan sa hallway malapit sa kwarto ni Shaun ay nagkabasag-basag at sa pangyayaring iyon kasabay ng pagkagulat ni Shaun at itoy napa yuko sa gulat.
Palabas na ito ng kwarto ngunit saktong palabas na sana ito ng pinto may tumutok sa kanya ng baril sa noo nito "isang maling kilos mo sabog yang bungo mo tarantado ka!" sambit ni Jaques habang itinutok nito ang baril sa noo ni Shaun napalaki ang mata niya ng marinig ang boses ng kasintahan ng kanyang bunsong kapatid.
Nagulat at nalungkot si Jaques sa itsura ni Eliza ng mapansin niya ang puro galos at pasa ito at nananatiling walang malay.
Nakatulala at nakataas lang ang kamay ni Shaun ng biglang ambaan ng suntok ni Jaques si Shaun sa mukha na ikinabagsak nito.
At sa kasagsagan ng pangyayare na iyon mistulang napa-upo na lang si Soren at nanlulumo sa mga pinag gagawa ng kanyang kapatid.
Napahimas ng buhok si Soren sa pagkadismaya nito at naipong galit na sanhi ni Shaun. Kita rin nito na binubugbog ni Jaques si Shaun at wala itong kibo man lang o paki-alam para awatin ito.
Dumanak ang dugo sa putok na kilay at labi nito pero nakukuha pa ngumiti ni Shaun na pawang nang aasar na lalong ikinapikon pa ni Jaques.
Agad itong kumasa ng baril at itinutok ni Jaques ang baril nito kay Shaun na pawang papaslangin na nya ang buhay ng kapatid ni Soren at Eliza.
Makalipas ang ilang segundong katahimikan.. pawang bumagal ang pagtakbo ng oras nagmistulang mga nakatulala, pagod at habol hinga sila Xeon, Maverick, Kalix at Vash habang pinapanood ang apat na nasa harap nila at ilang sandali pay biglang pinaputok ni Jaques ang baril kay Shaun hindi yun inaasahan ng lahat.
"oh shit!!!" gulat na bulalas nilang lima sa narinig na putok ng baril.
Nagising sa katotohanan o realidad ang anim ng magulantang ito sa ginawa ni Jaques. Bumangon si Soren sa pagkaka upo nito at sinilip kung napatay ba ni Jaques si Shaun.
Sa pagkakabaril ni Jaques ipinatama pala nito sa gilid ni Shaun sa sahig mismo ito pinatama at nakaposisyon naman itong nakapikit na akmang ihaharang ang kanyang kamay nagtaka siya kung bakit tilay wala siyang naramdaman na tumama sa kanya. Napatulala si Shaun at ilang sandali pa'y humahalakhak ito ng tawa.
At kasunod nito ay lumapit na si Soren kay Jaques para awatin ito at patigilin bago pa nito tuluyang literal na patayin si Shaun.
Hinawi ni Soren si Jaques at sinabi nito "Dude, calm down ako na bahala sa kapatid kong si Shaun..Let me just go and check Eliza and bring her to the nearest hospital" kalmadong pagkakasabi ni Soren sa kanyang kaibigan.
Nananatili paring tulala at nanonood ang apat na kalalakihan. Binuhat ni Soren si Shaun na pa kwelyo at agad nitong ibinalandra sa pader at sinundan ng isang madiin na suntok sa mukha at sinundan muli ng pwersadong suntok sa sikmura.
Napapangisi at napapadura si Shaun ng dugo dahil sa pumutok ang kanyang labi at tuluyang nagsusuka ng dugo sa pagkaka sikmura dahilan ng pamimilipit niya sa sakit sa ginawa ng kanyang kuya Soren.
"Ano bang pumasok sa isip mo at mismong kapatid pa natin ang pinagtripan ng mga alaga mo!" Galit na ani ni Soren is Shaun.
Tumawa si Shaun sa sinabi ng kanyang kapatid "Hahaha Kuya alam natin pareho na mahal ko si Eliza at hindi ko siya kanyang saktan" kalmadong ani ni Shaun sabay sulyap sa bunsong kapatid na si Eliza.
Napaisip sandali si Soren "So bakit andito si Eliza!" Galit paring ani ni Soren.
"Hindi ko rin alam! Ako mismo ay gulat sa nakita ko kaya nga pinatay ko ang sarili kung tauhan para sa pinakamamahal kong kapatid!" Pasigaw na ani Shaun.
Matapos ang saglit na usapan ng magkuya ay naglakad at nilapitan ni Jaques Ang kanyang kasintahan na si Eliza. Hinihimas ang buhok at tinatapik ng marahan ang magkabilang pisngi para magising
pero malalim ang pagkakatulog nito.
Napabuntong hininga si Soren at tinuro ang kapatid na babae "Nakikita mo bayan? Shaun kilala kita!" Galit paring ani ni Soren.
"Kilala mo ako? Pero hinuhusgahan mo agad ako? Kapatid natin yan bakit ko ipapahamak!" Galit naring ani ni Shaun.
"Ilang babae naba ang naipahamak mo? Alam ba ni Scarlet ang kalukuhan mo?!" Pasigaw na ani ni Soren.
"Ano naman sayo? Kasalanan mo naman kung bakit ako nagkakaganito kung tinanggap mo nalang sana alok ni papa sayo hindi ganito ang nangyari sakin!" Galit na ani ni Shaun.
"Alam mong ayaw ko ng inaalok niya sakin ayaw kong maging gaya niya!" Galit ring ani ni Shaun.
Habang naguusap silang magkapatid ang anim namang kaibigan ni Soren na nanunuod at nakikinig sakanila ay tila nagtataka na sa nangyari.
Humalakhak ng tawa si Shaun "Sa tingin mo kuya gusto ko rin ba? Alam mo ring ayaw ko gusto ko mabuhay ng normal pero ano? Dahil sa pagtanggi mo ako ang pinalit at pinilit niya sa posisyon hindi ko naman ginusto! Tumangi ako ilang beses pero tinakot at binantaan niya akong papatayin niya si Eliza gaya ng ginawa niya kay mama! Hindi kaba nagtataka kung bakit hindi parin umuuwi si mama? Kuya pinatay ni papa si mama sa harapan ko!" Naiiyak na ani Shaun.
Nabitawan ni Soren si Shaun sa pagkakakwelyo at sandal nito sa pader dahil sa narinig "Hindi yan totoo! Nagpuntang Spain si mama. Pamilya tayo, pamilya niya tayo!" Pasigaw na galit na ani ni Soren.
Habang nagpapahinga sa labas nakatapat lamang ng kwarto ni Shaun.
Si Kalix, Vash, Maverick, Xeon, Jaques at Lance ay napansin nila na may ilang kalalakihan na tauhan ni Shaun ang buhay pa pala. Bumangon ang mga tauhan ni Shaun at pinaputukan ng baril ang mga ito.
Mabuti na lamang at swerteng naka ilag ang anim ngunit nadaplisan ng bala si Maverick, Kalix at Lance. Agad namang bumawi sa barilan ang anim na ito at muling tinadtaran ng bala ang mga tauhan ni Shaun ng di na muli ito manlaban at bumangon pang muli.
Tumungo si Lance at sumunod si Xeon kay Lance para protektahan si Soren na nakatalikod at walang kamalay malay at si Eliza na nakahiga sa sofa.
Walang kaalam alam ang pito na habang nagbabarilan kanina lamang ay saktong napayuko at nawala sa atensyon si Soren akmang puma-atras ng kibo si Shaun at pawang may pinindot na button sa secret vault nito.
Itinapat ni shaun ang palad sa bahagyang bahagi ng pader na may markang logo ng kanilang gang at nag access ito na pawang pumasok paloob ang malaking button na tinapatan ng palad ni shaun.
At bago pa mamalayan ng pitong kalalakihan ang di nila inaasahan. Namalayan nila na nakatayo at handa na palang tumakas si Shaun.
Pero bago pa nila ito marealize. Lalo na si Soren na bahagyang napalayo kay Shaun sa kasagsagan ng nangyaring barilan.
Nagbitiw ng huling salita si Shaun "kuya, kung ako sayo ipaalam mo na kay Lance ang lahat dahil ngayon pa lang wala ka ng kawala, at tandaan nyo ..sa inyong pito.. hindi pa kami tapos senyo.. nagsisimula pa lang ito".
Pinindot ni Shaun ang 2nd button at bumuka ang emergency scape hole na sahig sa tapat ni Shaun at itoy nagpati-hulog at tuluyan ng nakatakas at ang butas ay agad sumara kasunod ng pagbukas ng malaking espasyo ng sahig sa tapat nila Soren, Lance at Xeon.
Nahulog silang tatlo at pawang narinig nalamang nila ang sigaw ng apat nilang kasamahan ang kani kanilang mga pangalan.
10 meters deep ang binagsakan nilang tatlo saktong may makapal na foam ang kanilang binagsakan.
Biglaan man ang kanilang pagbsak isa rin pala iyong secret scape route na may 2 uri ng access.
"shit what the hell!? where are we?!" Ani ni Xeon na gulat na gulat sa pangyayare.
"bullshit! my wound damn it hurts" ani ni Lance na di maipinta ang mukha.
"guys look! may downward passageway pa siguro.. look at these iron round door" ani ni Soren natila hindi makapaniwala.
"Lance kami na ni Xeon pipihit ng wheel metal lock para maiangat tong iron door dumudugo pa sugat mo sa tagiliran" ani ni Soren na nagaalala.
"yeah thanks bro" respond ni Lance na di parin maipinta ang mukha sa expression ng sakit na tinamong sugat.
"okay dude magkabila tayo pipihit okay 1,2,3 .. twist!" ani ni Xeon na ibinigay ang natitira niyang buong lakas.
Pwersado at pilit pinihit nila Soren at Xeon ang wheel iron like knob ng pahirapan dahil nga sa tinamong pagod at panghihina. Makalipas ng ilang minuto naisagad na nila ng pihit ito at nabuksan na ang iron door.
To Be continued..
𝐓𝐡𝐢𝐬 𝐚 𝐰𝐨𝐫𝐤 𝐨𝐟 𝐟𝐢𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧,𝐧𝐚𝐦𝐞𝐬,𝐜𝐡𝐚𝐫𝐚𝐜𝐭𝐞𝐫𝐬,𝐩𝐥𝐚𝐜𝐞𝐬 𝐚𝐧𝐝 𝐢𝐧𝐜𝐢𝐝𝐞𝐧𝐭𝐬 𝐞𝐢𝐭𝐡𝐞𝐫 𝐚𝐫𝐞 𝐭𝐡𝐞 𝐩𝐫𝐨𝐝𝐮𝐜𝐭 𝐨𝐟 𝐚𝐮𝐭𝐡𝐨𝐫'𝐬 𝐢𝐦𝐚𝐠𝐢𝐧𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐨𝐫 𝐚𝐫𝐞 𝐮𝐬𝐞𝐝 𝐟𝐢𝐜𝐭𝐢𝐭𝐢𝐨𝐮𝐬𝐥𝐲.𝐀𝐧𝐲 𝐫𝐞𝐬𝐞𝐦𝐛𝐥𝐚𝐧𝐜𝐞 𝐭𝐨 𝐚𝐜𝐭𝐮𝐚𝐥 𝐩𝐞𝐫𝐬𝐨𝐧𝐬,𝐥𝐢𝐯𝐢𝐧𝐠 𝐨𝐫 𝐝𝐞𝐚𝐝,𝐞𝐯𝐞𝐧𝐭𝐬 𝐨𝐫 𝐢𝐬 𝐞𝐧𝐭𝐢𝐫𝐞𝐥𝐲 𝐜𝐨𝐢𝐧𝐬𝐢𝐝𝐞𝐧𝐭𝐢𝐚𝐥.
𝐂𝐨𝐩𝐲𝐫𝐢𝐠𝐡𝐭 𝟐𝟎𝟐𝟎 𝐁𝐲 𝐂𝐞𝐢𝐠𝐢𝐞 𝐀𝐲𝐚
𝚊𝚕𝚕 𝚛𝚒𝚐𝚑𝚝𝚜 𝚛𝚎𝚜𝚎𝚛𝚟𝚎𝚍.
𝓒𝓮𝓲𝓰𝓲𝓮𝓐𝔂𝓪®
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro