
Chapter 41: ๐๐ก๐๐ญ ๐ฌ๐ก๐จ๐ฎ๐ฅ๐ ๐ ๐๐จ?
Ashiya's Pov,
Flashback
hindi ko inaasahan na makikita ko ang hari ng mga bakulaw sa loob ng sasakyan ni Xeon my loves.
Yung tipong ang saya ko dahil natupad na yung pinapantasya ko tapos makikita ko pa siya.
Ganun talaga eh no? yung ayaw mo makita nagpapakita ng hindi mo inaasahan.
At akala niya siguro nasaktan ako sa sinabi niya kay Xeon.
Noway high way! sa ganda kong to? hindi magugustuhan ng isang Xeon Aldrich Veneno? wow ah taas ng confidence ashiya.
Anyway wag na natin balikan ang nakakawalang ganang pangyayari. Importante masaya ko yieeee!
Oo masaya ako kahit na hindi ko katabi si Xeon at inunahan ako ng kaibigan niyang timawa/bakulaw.
Hinatid na muna namin si bakulaw bago daw kami mag date ni Xeon my loves ehe! choss lang yun hmp!
Habang nasa byahe naguusap kami ni Xeon panay sulyap sakin at sa kalsada at ang nakakainis nakatitig ang bakulaw sa front mirror na nakatapat sa mukha ko.
Nang nagtama ang mga mata namin inirapan at umiwas siya agad. attitude ka boy Hahaha.
At sa ilang oras na katahimikan na bumabalot sa loob ng kotse napag desisyonan ni Xeon magpatugtug ng musika.
At sa hindi ko inaakala na yung kantang gusto ko yung maririnig ko at mukhang gusto rin ni Xeon and kantang "Crush". destiny ata kami enebe.
Habang nasa pantasya ako dahil sa titig ni Xeon. Naudlot yun ng magsalita si bakulaw at niliko yung sasakyan.
Doon lang ako nagising sa realidad na muntik na pala kaming mabangga. Galit na galit si bakulaw dahil sa nangyari. Kahit naman siguro sino pero pakiramdam ko kasalanan ko (ใป_ใป;)
Hindi naman nagtagal yung bangayan nila kaya nagpatuloy sa pagmamaneho si Xeon.
Ilang sandali andito na kami sa bahay nila Timawa. Infernest mansion ang bahay ng lolo niyo.
Actually inaasahan ko nayun pero hindi ko inaasahang ganto kalaki yung mansion nila ede wow.
Syempre pagkahinto ni Xeon ng kotse lumabas na po ang laging eksena sa moment naming dalawa.
Kung hindi kalang kaibigan ng Crush ko tiniris na kita parang kuto.
Habang gigil na gigil ako sa timawa nayun lumabas narin si Xeon.
Ilang saglit papasok na sana si Xeon sa kotse niya ng may magandang babae na nasa 40+ tumawag sakanya.
Habang naguusap sila nung magandang babae na hindi ko naman naririnig biglangย tumunog yung cellphone ko.
Kinuha ko cellphone ko sa loob ng bulsa ko at si Kuya MZ ang tumatawag. Hindi na ako ng paligoy-ligoy at sinagot ko na ito.
"Hello Ashiyababe, Asan kana ba? nag aalala na si Papa sayo" Ani ni kuya MZ.
"Hello, kuya stop calling me ashiyababe! Sorry kuya andito kasi kami sa bahay nila tima-.. ahh sa bahay ng kaibigan ni Xeon pero pauwi narin kami maya maya May pupuntahan lang kami saglit kuya" Sagot ko kay kuya MZ.
"Okay sige, Wag kang aabutin ng 8pm. Ill text Xeon nalang later" Ani no Kuya MZ.
"Noted!, sabihin mo nalang sakanila kuya na I'm safe. Thank you bye" Ani ko bago ko patayin yung tawag.
Pagkapatay ng tawag ilang minuto nakita kung lumabas si Xeon sa pinto ng bahay nila timawa.
Nagusap muna sila nung magandang babae at hinalikan ni Xeon yung pisnge ng mama ni timawa.
Hindi na ako makapaghintay at tinatawag ko na siya at sinabing hindi paba kami aalis.
Lumingon naman sa akin si Xeon at ang mama ni timawa at inaya kami ni Xeon na sumabay na sa kanila maghapunan at tinanong ako ng kung ano ano.
Matapos ang kwentuhan at kainan nagpaalam na kami ni Xeon na uuwi na dahil sa gabi na. Ang swerte ko nga naman dahil sa pag mamadali ko umuwi naiwan ko cellphone ko.
End of flashback
Umaga nanaman. Masaya akong bumangon dahil ngayong araw mangyayari ang naudlot naming date ni Xeon my loves.
As usual syempre wag kalimutan ang pang araw-araw na routine sa umaga.
Dahil masaya ako sinabi ko kay mama na ako na ang magluluto at pumayag naman siya.
Habang nagluluto ako kumakanta ako ng "In love na ako" by Darren Espanto.
Mula nang makilala ka
Lagi na lamang naiisip ka
Ang 'yong ganda'y naiiba
Hangad ko'ng lagi ay makita ka
Sana'y hindi panaginip
O 'di kaya'y kathang-isip
Naakit mo ang puso ko
Ngayon ay umiibig sa 'yo
In love na ako, in love na sa 'yo
Sana'y malaman mo ang damdamin ko
Tinamaan ako, tinamaan sa 'yo
Sana'y sabihin mo, sa 'yo ay may pag-asa ako, oh
Nasa kalagitnaan palang ako ng kanta ng ginulat ako ng magaling kung kuya.
Nagbangayan pa kami ni kuya MZ bago kumain.
Matapos kung gawin ang lahat nag paalam na ako at si Kuya kay mama at today hindi ako sinundo ng baklang bayut na si Kizzy.
Si kuya MZ ngayon ang driver ko charr lang haha.
Andito na kami sa campus pagkalipas ng ilang oras ng byahe.
Nagpaalam na ako kay kuya MZ na mauuna na kasi nga as usual ipapark niya motor niya at pupuntahan ang mahal niyang girlfriend.
Bago siya umalis may binilin siya sakin. Hindi naman ako bata pero susundin ko sinabi niya hindi dahil kapatid ko siya kundi para rin yun sa kaligtasan ko.
Sa ilang minutong paglalakad narating ko rin ang dagat biro lang. Pag kapasok ko palang ingay na ng mga classmates ko ang maririnig. May sigawan,tilian,harutan, bangayan at syempre hindi mawawala ang chismisan.
Ilang oras biglang tumahimik ang buong classroom yun pala ay dahil dumating na si professor namin.
Discuss.
Discuss.
Discuss.
Dismiss.
Nagmadali akong ayusin mga kagamitan ko dahil baka hinihintay na ako ni Xeon sa labas.
Hahakbang kuna sana ang isang paa ko ng hawakan ng kung sino ang balikat ko.
Nilingon ko kung sino yun at si Jian lang pala "Saan ka pupunta at nagmamadali ka gurl?" patanong na ani ni Jian.
Ngunit ako ay lumapit sakanya sabay buntong na "May date kami ni Xeon" pabulong kong ani sakanya.
"Talaga may d-" bago pa ituloy ni Jian sasabihin niya tinakpan ko bibig niya ang ingay naman nito kailangan pasigaw sumagot.
Dahil sa ginawa ni Jian napalingon samin si Amber at Kizzy.
Tinanggal ko muna kamay ko sa bibig ni Jian at inangat sabay wagaw-way na ibig sabihin wala yun wag niyo kaming pansinin.
Dinilatan ko ng mata si Jian kaya umiwas siya ng tingin at lumapit kila Kizzy at inaya na pumunta muna sa canteen dahil nagugutom siya haha.
Nag makaalis na ang mga alagad ko choss. Pagkawala nila lumabas narin ako at nagtungo agad sa parking lot at hinahanap yung kotse ni Xeon.
Nang mahanap ko nilabas ko cellphone ko at balak ko sana siyang itext ng naalala ko wala pala akong number niya.
Yung tipong ilang Linggo na kaming magkasama at nagkukulitan hindi ko parin nakuha number niya.
Kaya no choice hinintay ko nalang siya. Ilang minuto may narinig akong yapak ng sapatos at paglingon ko sa likod ko may napansin akong anino na nakatago sa may poste.
Hindi ko nalang pinansin at lumingon uli ako sa harapan at sakto nakita ko si Xeon na patakbong naglalakad papalapit sakin.
Nagtaka ako ng nag middle finger siya sakin at tila may sinasabi dahil paiba iba yung ginagawa ng mga kamay niya.
Nagulat ako ng bigla akong niyakap ni Xeon. Ang bilis naman myloves ehe.
Kakawala na sana ako sa yakap ni Xeon ng nah salita siya "Tell to your boss if he wants a fight. I deal with him the way he empathizes with others you understand?" galit na tunong ani ni Xeon sakin ba? o may tao sa likod ko?
Pagkatapos sabihin ni Xeon yun ay pinakawalan na niya ako sa mga bisig niya at tinignan ako.
"Okay kalang ba?" natataka kong tanong niya.
Umiwas ako ng tingin "Oo ayos lang sino nga pala y-" hindi niya ako pinatapos magsalita at hinila nalang ako bigla papasok sa kotse niya.
Pagkapasok namin at pagkaupo ko siya narin nagkabit ng seatbelt sa akin. Nakapagtataka wala ata yung Timawang Bakulaw sa kotse ni Xeon.
Hindi ko nalang pinansin dahil wala akong pake hahaha.
Habang nasa biyahe nagsalita si Xeon "Saan mo gustong pumunta?" nakangiting ani niya, "Kung saan mo nalang gusto hindi naman ako mapili e at hindi pa ako pamilyar o hindi ko pa kabisado pasikot-sikot sa Baguio e" mahinahong pagpapaliwanag ko.
Pagkatapos nun nanahimik nanaman kami at ilang saglit may tumawag sa cellphone niya kaya hinto na niya muna yung sasakyan sa gilid ng kalsada.
"Hello Bro, Bat napatawag ka?" kalmadong tanong ni Xeon sa kausap niya.
Hindi ko naman naririnig sinasabi ng kausap niya tinitignan ko nalang ang maamo niyang pagmumukha ang gwapo niya..
Nagising ako sa realidad ng tawagin niya pangalan ko.
Tiningnan niya ako ng nang ngagamba "Ahm paano ko ba ito sasabihin, Sorry hindi ule tayo matutuloy" malungkot na ani ni Xeon, ngumiti ako ng pilit "Okay lang alam kung mas kailangan ka nila hindi ko mana narinig sinabi ng tumawag sayo bakas naman sa mukha mo yung pagaalala" mahina ngunit dinig na sagot ko.
"I'm really sorry babawi ako sa susunod, Ihahatid na kita sainyo ngayon at salamat sa pag-iintindi. I really appreciate it Ashiyaย that's why I like about you" mahinahong ani niya. Wait na bingi ako sa huling sinabi niya..
"Anong huling sinabi mo?" pagpapaulit kong tanong.
Umiwas siya ng tingin dahil nakatitig siya sa akin nung sinabi niya ang katagang iyon na hindi ko inasahan.
Gaya nga ng sabi ni Xeon inihatid nga niya ako sa bahay. Nagpaalam muna ako sakanya bago ako lumabas ng kotse niya na nakabusangot -,-.
Bagsak ang balikat kung pumasok sa bahay pagkapasok ko palang bumungad na sakin ang pinsan kung si Jewel na mukha ring may problema.
Hinila niya ako patungo sa kwarto ko pagkapasok palang namin niyakap niya ako sabay sarado ng pinto.
Ilang saglit nagsimula na siyang humagulgol ng iyak.
Hinaplos ko yung likod niya habang patuloy parin siyang umiiyak iniupo ko siya sa kama ko at saka ko hinawakan magkabilang pisngi niya para itapat sa mukha ko.
Bumuntong hininga ako "Anong problema?" nagaalalang tanong ko.
"Nakita ko si Kalix may kahalikang Iba. First anniversary namin ngayon hinintay ko siya ng 8hours pero wala akong nahintay kaya pinuntahan ko siya kung saan yung tambayan nila baka nakalimutan niya lang pero pag punta ko doon nakita ko siya na may kasamang iba. Nakita ko sila sa tapat ng bintana nakapatong yung babae sakanya at inilapit ni Kalix yung labi niya sa labi ng babae" Umiiyak na kwento ni jewel.
"Ssshhh tahan na, kakausapin ko bukas si Kalix" nag-aalala paring ani ko.
"Hindi na kailangan Ashiya aalis na kami bukas" Umiiyak parin ani niya.
"Saan naman kayo pupunta?" nagtatakang tanong ko.
"Tumawag yung ka business partner ni papa sa Australia at nakakuha ako ng scholarship doon kaya lilipad na kami bukas dahil hindi pwedeng malate si papa sa occasion na magaganap. Ashiya wag mo sasabihin kay Kalix ang pagalis ko ng bansa at pakisabi wag niya sisihin sarili niya" humihikbing kwento ni Jewel.
Tinaas ko kamay ko "Pangako, magiingat kayo tawagan mo ako" ani ko at ngumiti siya habang umiiyak.
"Salamat, Ashiya kung kami talaga ni Kalix mahihintay niya ako ay mahihintay ko siya kung talagang kami para sa isa't isa kahit anong layo o taon payan pero kung isa samin ang muling magmamahal ng iba pakisabi sana maging maligaya siya" ani ni Jewel habang pinupunasan ang mga mata niyang lumuluha.
Tila tumigil yung oras at pakiramdam ko ako lang ang tao sa loob ng kwarto ko. Ano ba gagawin ko? ano ba mas iisipin ko? feelings ko ba o nararamdaman ng pinsan ko? nalilito na ako.
Malungkot ako at may problema pinsan ko hindi ko alam kung paano pagagaanin ang nararamdaman ng pinsan ko kung ako nga mismo hindi okay dahil sa hindi matuloy tuloy yung date namin ni Xeon -,-.
To be continued...
๐๐ก๐ข๐ฌ ๐ ๐ฐ๐จ๐ซ๐ค ๐จ๐ ๐๐ข๐๐ญ๐ข๐จ๐ง,๐ง๐๐ฆ๐๐ฌ,๐๐ก๐๐ซ๐๐๐ญ๐๐ซ๐ฌ,๐ฉ๐ฅ๐๐๐๐ฌ ๐๐ง๐ ๐ข๐ง๐๐ข๐๐๐ง๐ญ๐ฌ ๐๐ข๐ญ๐ก๐๐ซ ๐๐ซ๐ ๐ญ๐ก๐ ๐ฉ๐ซ๐จ๐๐ฎ๐๐ญ ๐จ๐ ๐๐ฎ๐ญ๐ก๐จ๐ซ'๐ฌ ๐ข๐ฆ๐๐ ๐ข๐ง๐๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐จ๐ซ ๐๐ซ๐ ๐ฎ๐ฌ๐๐ ๐๐ข๐๐ญ๐ข๐ญ๐ข๐จ๐ฎ๐ฌ๐ฅ๐ฒ.๐๐ง๐ฒ ๐ซ๐๐ฌ๐๐ฆ๐๐ฅ๐๐ง๐๐ ๐ญ๐จ ๐๐๐ญ๐ฎ๐๐ฅ ๐ฉ๐๐ซ๐ฌ๐จ๐ง๐ฌ,๐ฅ๐ข๐ฏ๐ข๐ง๐ ๐จ๐ซ ๐๐๐๐,๐๐ฏ๐๐ง๐ญ๐ฌ ๐จ๐ซ ๐ข๐ฌ ๐๐ง๐ญ๐ข๐ซ๐๐ฅ๐ฒ ๐๐จ๐ข๐ง๐ฌ๐ข๐๐๐ง๐ญ๐ข๐๐ฅ.
๐๐จ๐ฉ๐ฒ๐ซ๐ข๐ ๐ก๐ญ ๐๐๐๐ ๐๐ฒ ๐๐๐ข๐ ๐ข๐ ๐๐ฒ๐
๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐.
๐๐ฎ๐ฒ๐ฐ๐ฒ๐ฎ๐๐๐ชยฎ
Bแบกn ฤang ฤแปc truyแปn trรชn: Truyen247.Pro