ii | Paalam
Para ito sa mga iniwan. Para ito sa mga pinaglaruan. Para ito sa pinagpalit sa malayo man o sa malapit. Wag na kayong magpakatanga, imulat na inyong mga mata sa katotohanang di na maibabalik pa.
PAALAM
by : fSA
Masakit lumaban.
Sa giyerang palaban.
Palaban na nasasaktan.
Sa kabila ng pusong taguan.
Ako na lumaban,
Siya na sumuko.
Pangakong napako,
Saan na patungo?
Saan ka na pumunta?
Nasa puso na ba ng iba?
Ano pa ba ang rason para bumalik?
Kung lumisan ka na at may iba nang ka halik.
Hindi pa ba ako sapat?
Sa puso mo'ng kailanma'y di naging tapat?
Hindi pa ba sapat ang lahat ng mga alaala.
Na ginawa nating dalawa ngunit ngayo'y napawi na.
Sabi mo noon walang bibitaw.
Ngunit kahit ako'y sumigaw at kumain ng siyaw.
Hindi na maibabalik pa.
Ang dating tayong masaya.
Akala ko lang pala.
Na ika'y wala nang iba.
Akala ko lang pala.
Na tayo'y magtatagal pa.
Ngunit lahat ng ito'y di pinagsisihan.
Kahit luha'y hinayaan.
Pumatak ng pumatak.
Kasabay ng ulang malakas.
Paalam mahal ko,
Ito na ang huli at wala ng tatanggi.
Bibitawan na kita hanggang sa huli.
Dahil
Ba't pa ako aasa at magpapakatanga kung pwede naman akong humanap ng iba?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro