Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

t h i r t e e n • a g a i n ?

"Grabe, kaya pala gano'n ang nasabi mo noon Grace!" Rhoe beamed, gladness ringing in her voice as we walked to the gymnasium.

Kitang-kita sa mukha niya ang tuwa, at 'di ko mapigilang ngumiti habang pinapakinggan ito. "Ganon pala ang pakiramdam ng Presensiya ng Diyos. Ang buong akala noon, mga boring na bagay lang ang nagaganap sa Simbahan. Mga boring na kanta, mga sermon na nakaka-antok, pero kahapon ibang-iba ang naranasan ko!"

Tumango ako habang tinitignan ang malawak niyang ngiti. "Oo, tama ka, Rhoe. Iba talaga kapag meron ang Presensiya ng Diyos. Sa iba kasi, para bang ritwal lang ang Service, isang pormal na gawain ng mga relihiyosong tao. Pero kapag naranasan mo kung ano talaga ang Kristiyanismo na meron sa Bibliya, ibang-iba ang magiging epekto nito sa buhay mo. Sabi nga nang sikat sa Bible teacher na si Derek Prince; You cannot have an encounter with Jesus, and remain the same."

"Amen!" Nabigla ako sa paglakas ng boses niya, napalingon tuloy ang iba naming mga kaklase sa harap. Natawa nalang ako, never ko pa siyang marinig na sabihin ang salitang 'Amen' na walang halong pagka-sarkastiko. I respired in relief. Purihin ang Diyos! Indeed, only He can change even the hardest of hearts.

Sabay kaming umupo nang maka-akyat sa bleachers, naghihintay habang parating na rin ang iba naming mga kaklase. PE namin ngayon kaya naman dito kami sa Gym. 'Di na rin nagtagal at dumating na ang teacher namin, clothed in his full sports apparel as he walked in. Ah, oo nga pala, simula na ng Dance Practices para Ballroom dances ngayon. Napabuntong-hininga ako. Sayaw-sayaw nanaman, hindi pa naman ako magaling sa mga ganito.

"Good morning class!" Bati ng guro, at sa pagsambit niya nito agad namang sumagot ng bati ang mga mag-aaral. Nagsimula siyang maglakad habang nagsasalita.

"So, as you all have been informed, we will have our practice session for today for the Dance practicum. You will be dancing the Tango for this practicum."

A wave of excited and nervous remarks were heard. Nanlaki ang mga mata ko. I've seen how sensual that dance can get. I swallowed hard. Sana naman yung basic steps lang, hindi ko kakayanin kung magfu-full on tango kami!

"Alam kong sawang-sawa na kayo sa cha-cha at waltz from you lower years so let's do something with a bit of a challenge." Dagdag ni sir.

"But before we get to that, I have a few announcements to make. Buwan ng Wika na next month at kailangan ko ng contestant for the Singing Competition. The song must be about Nationalism or love for the country." Panimula ni Sir, "Nabalitaan kong meron kayong singer dito sa klaseng ito, may I know who this person is?"

"Si Grace po!" Sigaw ng isa naming kaklase. I felt my heart begin to race.

"Opo Sir!" dagdag naman ni Shane, "Magaling po siyang kumanta!"

The teacher's gaze was anchored upon me, a smile on his face as he spoke, "Oh, miss Ngatiyon?"

Napalunok ako, wordless as I met the teacher's gaze.

"That's great! So miss Ngatiyon, ikaw na ang ipapasok kong contestant sa Class niyo ha?"

I shook my head, standing to my feet in protest to his word. "S-sir," I took in a breath, "Sorry, hindi ko po kaya."

Naningkit ang mga mata niya.

"Sige na, Grace!" Sigaw uli ni Shane, "Kaya mo 'yan! Narinig naman namin ang boses mo, pwede na ngang pang The Voice eh!"

A wave of remarks in agreement echoed in the gymnasium, causing a smile to form on the teacher's lips once more.

"Oh, pa'no ba yan, Grace? Mga kaklase mo na mismo ang nagsasabi!" Sambit muli ni Sir. I bit my lip in apprehension. Hala, paano ko ba ito ipapaliwanag?

"A-ayoko po talaga Sir, sorry po," Pagtanggi ko.

"Bakit naman, Grace? This will help boost your confidence and will surely be a good exposure for you! Who knows? This may be a start for your road to fame?"

"Ayie!"

"Yes naman!"

"Go Grace!"

Sunod-sunod na nagpalakpakan ang mga kaklase ko, cheering me on as the teacher spoke. Lalo akong kinabahan sa mga naririnig ko, my chest heaving as I heard their voices and applaud.

Marami nang nakapag-sabi sa'kin nito - na sa pamamagitan ng pag-kanta ko pwede kong i-ahon ang pamilya ko sa hirap. With all my heart I wanted that, to make my family's life easier, to give them a better life. I took in a deep breath, eyes downcast as each moment passed by.

"No Sir," I breathed, my eyes now upon him pleading, "Sorry, hindi po kaya ng conviction ko,"

Silence overcame the room, an unseen entity hushing the cheering students down. I released a shaky breath, maintaining my eye contact with the teacher. Nakita ko ang pagkunot ng noo niya.

"You wouldn't do this even if it is for the sake of your class?"

Napalunok ako, my heart thumping inside my chest as I caught a glimpse of the stares that my classmates threw at me.

"P-pasensiya na po, nakalaan lang po sa Panginoon ang boses ko."

Dahan-dahan akong umupo, embarrassment and rejection engaging in a tug of war in my heart. Hindi ko na inangat ang paningin ko, takot na agad makita ang pagkadismaya na siguradong nakapinta sa mga mata ng mga kaklase ko.

I heard the teacher clear his throat, jumping on to another topic as he heard my reply. I shut my eyes close, taking in a breath as I sought peace. Hayaan mo na, let them see. Mas mabuti nang mahusgahan ng tao at sundin ang utos ng Diyos, kaysa ang sundin ang pakana ng tao at mahusgahan ng Diyos.

Slowly I lifted my gaze, refocusing my attention as my classmates began to stand for the pairing. Isa-isa kaming nabigyan ng pares, at sa pagbigkas ni Sir sa pangalan ko agad niya ring isinunod ang pangalan ng makaka-pair ko - si Vince. Nakita ko siyang lumapit sa kinaroroonan ko.

"Talagang standing strong ah," Narinig kong bulong niya.

"Ha?"

"Ayos yung ginawa mo kanina." Kumento niya, "Weird man, at least ipinakita mong maprinsipyo ka talaga,"

"Ah," Napangiti nalang ako at inangat ang paningin. Agad ko rin namang nahalata ang kakaibang pamumula ng mga pisngi niya. "Vince?" Inilapit ko ang kamay sa noo niya. "Hala! Nilalagnat ka yata! Ang-init mo oh?"

Nagpilit siya ng tawa at umiling, "Hindi, okay lang ako. Kaya ko t-"

Laking gulat ko nang bigla siyang nawalan ng balanse. Agad ko siyang sinuportahan, lalong-lalo ng gulat nang makita ang dugo mula sa ilong niya.

"Kailangan mong maidal sa clinic, Vince!" Agad kong tinawag ang ibang mga lalake na siya namang sumuporta sakaniya.

Dali-daling lumapit si Sir, "Anong nangyari?"

"Hindi ko rin po alam Sir," Sagot ko sabay punas sa dugong tumulo sa aking kamay.

"O siya, sige dalhin niyo na siya sa clinic!" utos ng teacher. Agad namang sinunod ito ng mga lalakeng kasama ni Vince. Pinanood lang namin siya habang palabas sa Gymnasium. Bumuntong hininga ako. Ano kayang nangyari do'n?

Ibinaba ko ang tingin at nanalangin; Lord, heal that young man. Kung ano man pong nangyari, I put him in Your hands.

"Oh, Sakto!" narinig kong sigaw ni Sir. I lifted my gaze towards the entrance. "Halika na dito Mister Daw-as at parteran mo Si Miss Ngatiyon. Take Vince's part."

Mariin kong ipinikit ang aking mga mata. Nanaman!? Huhu. I glanced at him momentarily and gazed downwards. Bakit nanaman ba kasi ito late!?

It wasn't very long when I sensed his presence in front of me. I took in a breath and gazed up towards him. He looked down on me with his dark eyes, his usual blank expression evident on his features. I felt my heart throb. My goodness, ano ba 'to!

Immediately, the music began to play. And with this, I shifted my gaze towards the teacher.

Nagsimula siyang nag-instruct ng steps and to my relief, it wasn't as sensual as I feared. Hay, mabuti nalang!

"Now, do it with your partner!" the teacher instructed. But instead of facing the man beside me, I stood there unmoved. Not sure of what to do. Is he seriously going to hold my waist like that!?

"Ano na?" Narinig kong sambit niya, and with this, I slowly turned towards him. I forced a smile, my heart still throbbing as I looked at him.

I saw him reach out for my hand, gripping my wrist and pulling me close. A gasp escaped my lips. Oh dear, oh dear.

Napalunok nalang ako nang itinaas niya naman ang isang kamay, wrapping it around me as he did. But to my surprise, I felt no hand on my waist, he used the back of his hand and placed it upon my shoulder blade area. Naka-hinga ako ng maluwag.

Inangat ko ang paningin sakaniya at bahagyang nagulat sa nakita. I blinked again, totoo ba 'to? Did I just see him... smile?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro