e l e v e n • o n e s o u l
Palihim kong inobserbahan si Gabriel habang papasok ito sa classroom. As usual, open polo, chin up, gaze narrowed. Grabe, signature expression niya na talaga 'yong blankong muka na parang kahit anong sandali eh pwedeng manuntok. Bigla ko tuloy ulit naalala ang nangyari nong mga nakaraang araw. Hays, bakas parin ang pasa niya sa pisngi.
Mahinahon siyang umupo sa upuan at sumandal dito.
"Anong meron?" Sambit ko, "Maaga ka yata ngayon ah,"
"Bakit," Inilipat niya ang tingin sa'kin, "Bawal ba?"
Napa-ismid nalang ako at hindi na sumagot, pero hindi rin nagtagal nang matalo ako ng pag-uusisa. "Uhm" Inangat ko ang tingin sakaniya, "K-kamusta na 'yang mga sugat mo?"
He lowered his head, "Ayos na,"
Napabuntong-hininga nalang ako. Paano ba? Paano ko ba 'to makaka-usap ng maayos kung parang tig-dadalawang salita lang ang kaya niyang sabihin? Hay pambihira.
"May maximum limit ba?" Sarkastiko kong tanong.
"Ang alin?" Bahagya niya akong sinulyapan.
"Yang mga words mo! May maximum limit ba? Angtipid mong sumagot eh!"
Nanuya siya't umiling, "Ano bang klaseng sagot ang gusto mo?"
"Eh," I released a breath, "'Yong medyo specific naman! Alam ko namang magiging ayos ka rin pero gusto ko rin namang malaman ku-"
"Ah ganon ba," Tumango siya at humarap sa akin, leaning against my desk until our gazes locked, "'Yon, kumirot at sumakit lang naman ang buong katawan ko ng halos isang lingo, sa bawat galaw ng braso parang may tumutusok na sakit lalo na 'tong nadaplisan ng kutsilyo nila, tapos hanggang ngayon medyo nagdudugo parin dahil tinatamad akong magpatingin," He pierced me with his glance, "Tama na bang sagot 'yon?"
Napalunok ako. So near. So darn near. Ilang segundo ang lumipas na wala akong maisagot. Ano ba 'yan. Bumuntong hininga ako at nag-iwas ng tingin. Nakaka-guilty naman ito.
Akmang bubuksan ko na ang bibig nang marinig ang boses ni Shane mula sa harap ng classroom.
"Guys, wala si Ma'am Johanna ngayon dahil may seminar sila." Pag-papa alam niya, "Pero may iniwan siyang activity ngayong umaga kaya ito ang gagawin natin. Isusulat ko nalang sa board," Pagkatapos nitong magsalita ay nagsimula na siyang magsulat. Ibinalik ko naman ang titig kay Gabriel.
"Bakit," Sandali akong tumigil at nag-ayos ng sasabihin, "Paano mo nalaman na may ganong mangyayari sa hapon na 'yon?"
"Hindi ko alam na may mangyayaring ganon,"
Tinaasan ko siya ng kilay. Napabuntong-hininga nalang siya at muling nagsalita.
"No'ng pauwi na ako nasalubong ko 'yong mga kaibigan ni Valdez." Panimula niya, "Hindi ko naman sana papansinin kung hindi lang napakalakas ng mga bulong nila. Nakutuban ako at nung nakita ko na sinundan ka nila..."
Napatango nalang ako habang pinapakinggan siya, "Eh no'ng bago 'yon, sa classroom-"
"Sst!" Inis siyang humarap sakin, "Wala ka na bang planong tumahimik?"
"Sorry," Nagbaba ako ng tingin at muling nagsalita, "Last na talaga 'to!"
Nagbuga siya ng hangin at tumingin palayo, "Ano?"
"Bakit ka biglang nasa likod ko no'ng araw na 'yon?"
"Bumalik ako para kunin 'yong gitara ko dahil gagamitin ko sana," Naglabas siya ng papel at sinimulang gawin ang activity, "Pero no'ng pagka-pasok ko nakita kong hawak mo kaya naman,"
Nanlaki ang mga ko nang marinig ang sambit niya, "Gitara mo 'yon!?"
"Shh!" Natigilan ako nang marinig ang saway ni Shane mula sa upuang nasa harap namin, "Kung magdadaldalan kayo do'n kayo sa labas,"
Hiya akong yumuko at humingi ng paumanhin. "S-sorry,"
"Grace!" Lumingon ako at hinarap si Shane, "Okay lang ba pa-favor? Paki-dala naman itong mga papers natin sa faculty. May meeting kasi ang mga Class Presidents ngayon, eh bawal pa namang malate,"
Tumango ako nang marinig ang paliwanag niya, "Oo sure. Pero," Inilibot ko ang aking paningin, "Hindi ko alam table ni Ma'am eh,"
"Ah dibale, yung table ni Ma'am Johanna ay 'yong first mong makikita sa right side pagpasok mo ng faculty,"
"Ah, okay. Sige,"
"Nga pala Grace, may balita ka ba kay Rhoe? Dalawang araw na siyang absent tapos halfday pa siya ngayon."
Oo nga, kumunot ang noo ko. Bakit nga kaya? Hindi ko maiwasang mag alala. Ilang araw ko na s'ya tinetext pero wala naman siyang reply.
"Wala eh, hindi naman siya nagrereply o sumasagot ng tawag,"
"Ah ganon ba? Naku sana okay lang s'ya." Tumatango niyang sagot,"O siya sige, punta na ako sa meeting. Ingat sa pag-uwi!" Ngumiti at siya at nagsimulang maglakad palayo.
With this, I began to walk as well, taking each step as I went down the building. Inilabas ko ulit ang cellphone at chineck kung may text siya. Wala parin. Bumuntong hininga ako at ibinulsa ang phone. Hay, ano nga kayang nangyari do'n?
Pagkalabas ko sa building namin, tinungo ko na agad ang faculty room. Mula sa building namin, nasa left side ang main building kaya hindi mahirap hanapin. Pagkapasok ko bumungad ang ilang mga guro na naka-upo sa kani-kanilang mga puwesto.
"Good afternoon, teachers," Bati ko bago pumasok sa room at inilapag ang mga papel sa lamesang turo ni Shane. Oo, ito nga ang table ni Ma'am. May picture sila ni Pastor Melchour sa ilalim ng glass cover eh. Napangiti nlang ako nang makita ito. Angcute naman nila, bagay na bagay talaga.
Agad din akong lumabas sa room at nagtungo sa exit ng main building. At sa paglabas ko agad namang bumungad ang building na under renovation sa harap nito. Kailangan na talaga nito ng renovation, halatang luma at hindi na matibay.
Lumanghap ako ng hangin at nagsimulang maglakad, pero nang saktong ililipat ko na ang tingin ay nasulyapan ko ang isang babaeng pumasok sa no-entry zone ng building na 'yon.
Ha? Nakakapagtaka naman, bakit may pupunta do'n? Sa pagkaka-alam ko bawal pumasok do'n ang mga studyante?
I glanced sideways and began to walk, advancing towards the abandoned building in haste. Hindi ko mapigilang mag-alala unang hakbang ko palang sa loob. Lumingon muli ako sa school grounds at naniguradong walang nakakita saakin. Naku, blind spot ang area na ito. Talagang walang makaka-kita kung may papasok dito unless andon sila sa bandang main building.
Dali-dali akong pumasok at inilibot ang paningin. Nasa'n kaya 'yong dalagang 'yon? Bakit s'ya pumupunta dito eh alam niyang bawal?
Napa-iling ako sa sarili kong sermon. Ikaw nga rin Grace, eh!
Pinapatuloy kong maglakad, isa-isang sinisilip ang mga classroom habang dinadaanan ang mga ito. Mabuti nalang at kahit papano maliwanag dito. Natigilan ako nang may marinig na kaluskos mula sa classroom sa dulo ng hallway. Mabilis akong naglakad patungo do'n, at sa akmang pagsilip ay naaninag ko ang isang studyante na naka-upo sa sahig.
Lumapit ako sa pinto at agad pumasok. Nangunot ang noo ko. Bakit ito nandito?
"Rhoe?" Dali-dali ko siyang nilapitan. Slowly, she lifted her gaze.
"Anong ginagawa mo dito?" Agad siyang tumayo at nagpunas ng luha, "Hindi ka dapat pumunta sa lugar na 'to. Hindi bagay ang mga banal dito,"
Tinignan ko siya ng maigi at muling lumapit, "Rhoe anong problema? Bakit-" Inilibot ko ang paningin at humakbang muli, "Bakit nandito ka?" Akmang hahawakan ko na siya nang bigla siyang umatras papalayo sa'kin.
"Huwag mo 'kong hawakan!" Isa pang luha ang tumulo mula sa mata niya, "Baka masunog ako sa kabanalan mo. Umalis ka na!" Sigaw niya sabay talikod.
"Rhoe, ano bang nangyari? Sabihin mo naman oh-"
"Umalis ka na!" Humarap siya ng bahagya, "Hindi ko kailangan ng relihiyon mo!" Pinunasan niya ang kanyang pisngi at naghabol ng hangin.
"Rhoe, please..."
"Iwanan mo na 'ko," tuluyan siyang tumalikod at humagulgol, "Umalis ka na. Tutal lahat naman ganyan. Lahat kayo aalis din! Mga wala kayong kwenta!"
Tila ba nadurog ang puso ko sa bawat salitang binigkas niya. Lakas loob muli akong lumapit at dahan-dahan siyang hinigit at niyakap. Hinimas ko ang likod niya, nakikinig sa bawat salitang pilit niyang binibigkas.
"Bakit?" Ramdam ko ang sakit sa bawat salitang bigkas niya. "Bakit ganon? Bakit kailangan niyang umalis? Hindi niya na ba mahal ang pamilya niya? Wala siyang kwentang ama!"
Napapikit ako. Ganon pala. Naiintindihan ko na. Kaya pala siya ganito. Napabuntong-hininga ako at ini-angat ang paningin.
Panginoon,
Panginoon, tulungan mo po kami. Turuan mo po ako kung anong dapat kong gawin sa sitwasyong 'to. Hindi ko po kayang gamutin ang sakit sa nararamdaman niya. Pero Panginoon, alam kong kaya Mo. Kumilos ka ngayon sa buhay niya, Lord. Kailangan Ka po niya.
Ibinalik ko ang tingin kay Rhoe, nag-oobserba nang makitang bahagya siyang kumalma.
"Rhoe," Bulong ko, "Alam kong masakit. Masakit maiwan ng isang taong minahal at pinahalagahan mo, pero gusto ko lang sabihin na nandito lang ako." Hinimas kong muli ang likod niya at nagpatuloy, "At higit sa lahat, nandito ang Diyos. Mahal na mahal ka Niya Rhoe. Maari ka mang iwan ng Ama mong pisikal, pero hinding-hindi ka iiwan ng Ama mo sa langit."
Naramdaman ko ang pag-angat niya mula sa aking balikat, at sa pagsulyap ko sakaniya sabay namang tumulo ang isang pang pares ng luha mula sa mga mata niya.
"P-paano?" Sambit niya, "Kahit ganito ako? Kahit ilang beses ko na Siyang tinanggihan? Matatanggap Niya pa ba ako?"
May namuong ngiti mula sa mga labi ko, "Walang anumang klaseng pagtanggi o pagkakamali ang makaka-higit sa sa pagmamahal ng Diyos. Hangga't may buhay ka pa, asahan mong patuloy ka Niyang mamahalin, Rhoe,"
Muling tumulo ang mga luha mula sa mga mata niya, ngiting dulot ng ligaya ang unti-unting pumalit sa lungkot na nakapinta sa kanyang mukha.
"Handa ka na bang tanggapin Siya Rhoe?"
Huminga siya ng malalim at ngumiti, "Oo, handa na."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro