
Chapter 4: Ang makatang si Zenitsu
KANAO'S POV
“Mommy! Parang-awa mo na! Gumising ka! ‘Wag mo akong iwan!”
“O-okāsan wa anata o aishite…h-hontou… ni.”
Hinabol ko si mommy pero kahit anong bilis ng takbo ko, pawala parin siya ng pawala sa paningin ko hanggang sa madapa ako.
Kita ko siyang ngumiti habang naglalakad silang dalawa ni daddy papunta sa liwanag papalayo sa akin hanggang sa mawala sila sabay ng paglaho ng lahat.
Lahat-lahat!
Dahan-dahan akong namulat at agad na tumambad sa akin ang blue na ceiling.
Luminga-linga ako sa paligid at nakita ko ang isang nurse na may kung anong inaasikaso. Nakatalikod siya sa akin kaya hindi niya ako napansin.
Hindi ko alam kung nasaan ako o kung sino ang nagdala sa akin dito. I don’t care even if it’s Zed kasi kung hindi man, paniguradong hahanapin niya parin ako.
Tears started misting my eyes knowing the fact that this ain’t a dream and I survived alone.
Dad sacrificed himself to save mom and I, yet I was the only one left; I failed to protect her.
“She’s awake!” The nurse gasped when she saw me and immediately took her phone out.
“Hello, doctor? She’s already awake... yes, I will! Please hurry.”
She walked near me and checked my vitals.
She’s asking me questions, but I remained unresponsive. I don’t want to hear things like how do I feel or where does it hurts? Because I’m broken—torn—dead!
The doctor arrived in just a minute and checked me up.
“How is she?”
I looked at the three unfamiliar men who entered not so long after the doctor finished doing what she’s supposed to do.
The one who asked, loomed up and talked with her, leaving the other two men staring at me.
I couldn’t stand how the way their eyes measured me, so I averted my gaze.
I don’t know what they intend to do with me—I don’t care! After all, I wish I never would have waken up.
Hindi lingid sa kaalaman ko ang pagkawala ng mga magulang ko; they both died in front of me because of me—because I’m weak!
Ilang minuto akong tumunganga at kung saan-saan lumilipad ang utak ko hanggang sa maramdaman ko ang likidong tumulo galing sa mga mata ko.
Gusto kong humagulgol pero hindi ko naman magawa; tulo lang ng tulo ang mga luha ko.
“H-hey." Rinig kong sabi no’ng kausap ng doctor kanina. He’s standing on the opposite side kung saan ako nakalingon pero mukhang alam naman niyang umiiyak ako.
“B-babalik nalang ako kapag
medyo o-okay na ang pakiramdam mo.”
Mukhang nagsenyasan pa sila ng iba niyang kasama bago sila lumabas kasama ang nurse at ng doctor.
So, they must have known what happened… or not? Who knows, wala rin naman akong pakialam.
Mariin akong napapikit.
Bagama’t masakit ang katawan ko’t umiikot ang paningin ko ay tumayo parin ako’t hinila paalis ang mga apparatus na nakakabit sa akin.
Napangiwi ako nang tanggalin ko ang tatlong karayom na nakatusok sa magkabila kong kamay.
Maraming dugo ang tumalsik sa sahig pero hindi ko ‘yon pinansin at dire-diretso lang akong lumabas.
Hindi ko alam kung saan na ako napunta at ang lawak-lawak ng bahay na ito hanggang sa mapadpad ako sa hardin kung saan nakita ako ng isang katulong.
“HARUJUSMIYO!” Tili nito sabay hawak sa kanyang puso, malamang ay nasindak at nababalot na ng dugo ang damit at paa ko.
“E-excuse me po. S-saan po ang exit?” Pangiwi-ngiwi kong tanong pero hindi niya ako magawang sagutin at napapaatras siya sa t’wing lumalapit ako.
“I-I need to get out in here… p-please tell me where the exit i-is.”
“S-sino ka?! Paano ka nakapasok dito? A-anong nangyari sayo?! Guards! TULONG!” Sigaw niya.
Napahawak nalang ako sa magkabila kong tuhod at bigla akong nanghina hanggang sa matumba na talaga ako.
My vision went black and I couldn’t hear anything rather than a thin, prolonged sound hanggang sa may maramdaman akong buhumat sa akin.
“Get a hold of your self!” A fading voice, sternly marked. “Inosuke! Call the doctor back!”
I slowly opened my eyes and saw that guy a while ago. He took me back in the room and gently placed me on the bed.
May kung ano pa siyang hinalukaykay sa may tabi saka bumalik dala-dala ang first aid kit.
“Stay still!” Itinaas niya ang kamay ko saka dahan-dahang nilinis ang nanunyong dugo dito.
“Kakagising mo lang and kakatapos lang ng last blood transfusion mo! Do you wanna die or what?!”
“I do.” Diretso kong sabi kaya pansamantala siyang natigilan. “Y-you should just let me die.”
“Just… just stay still.”
In contradiction, I kept pulling my hands back.
“Seriously! Keep it down.” He marked and yet again, I kept on resisting until he lost control and pinned my hands on the bed.
“I said, KEEP IT DOWN!” He bellowed, cheeks crimsoned with rage.
Ewan ko pero napaiyak nalang ako bigla.
“W-why are you doing this to me?” Patuloy lang sa pag-agos ang mga luha ko dahilan para mag-iba ang expresyon ng kanyang mukha at bitawan ako.
“I’m sorry but you have to live.”
Bulong niya saka lumayo, sakto ring pumasok ‘yong iba kasama ang doctor kanina kaya tuluyan na siyang lumabas ng kwarto.
Muli akong nilagyan ng dextrose at sinalinan ng dugo sapat para mapalitan ang nawala kanina.
“You just woke up from a month of being comatose, miss Schönburg, so you should never move—”
“A month of being comatose?!” Gulat kong tanong. “One month na ako dito?!”
Napatingin ang doctor sa heart rate monitor nang bumilis ang tibok ng puso ko.
“Relax! You’re in good hands.”
Hindi parin magsink-in ng maayos ang sinabi nito kaya minabuti ko nalang na manahimik.
Iniwan niya na rin naman ako pagkatapos kaya nakapag isip-isip ako.
“The traces were gone.” Bulong ko habang nakatingin sa nakataas kong kamay.
I became so thin, yet my body feels so heavy. Natural lang naman siguro ‘yon at isang buwan pala akong nakaratay sa kama ng bahay ng taong hindi ko kilala.
I don’t know what his objectives are for saving me kasi hindi naman niya siguro ako pag-aaksayahan ng oras kung walang gano’n, ‘di ba?
Either way, wala akong pakialam even if he kills me after niyang makuha ang sadya niya. Ilang oras ang lumipas nang may kumatok sa pintuan at pumasok ang isang katulong ata.
Hindi ko kasi maaninag ng maayos ang mukha niya at may manipis na kurtinang nakaharang.
“Good afternoon, ma’am. Your dinner is served—”
“I’m not hungry.” Pagputol ko sa kanya.
“But, sir Tan—”
“I don’t care. Just please leave.”
“I’ll leave now, ma’am. I’m sorry.”
Lumabas na siya’t hindi na ako kinulit pero ilang minuto lang ay may pumasok na naman.
“I said, I’m not hung—” napatigil ako nang bigla nitong ihawi ‘yong kurtina at agad na bumungad sa akin ‘yong lalaki. He might be the Tan something guy the maid is referring to—might be the owner of this house.
May dala-dala siyang tray ng pagkain na mukhang ‘yong dala ng katulong kanina.
“I don’t care if you’re not hungry but you’re still gonna eat!” Sigaw niya kaya napataas ako ng kilay.
Padabog niyang inilapag sa bedside table ‘yong tray saka sumandal sa pader ng naka-krus ang mga braso.
Nag-iwas nalang ako ng tingin. "Why are you doing all of these? If you want money, wala ka ng mapapala sa akin. My parents were dead; I have nothing left but this worthless body.”
“Stupid! Hindi ako mag-aaksaya ng pera para kunan ka ng pera kasi marami ako no’n." Panimula niya. “We saw you with your mom in the forest but you’re the only one left alive. I know what happened
to you, so I decided to hide you here.”
“Why would you do that?”
“No particular reason.”
“HA!” sarkastiko kong tawa ng hindi parin nakatingin sa kanya. “And you expect me to believe that?!” Binalingan ko siya. “You said you know what happened, so how the hell am I gonna trust you when even the person with the same blood as I am was the one who put me in this situation?!”
Hindi siya nagsalita pero seryoso siyang nakatingin sa akin.
“I’m nothing like your cousin." Mahina niyang sabi.
So, he also knew that part?
“He’s now in Japan, managing the companies that are supposed to be yours." Dagdag niya pa.
“After a month of your absence, maraming nangyari and top of that, he’s still searching for you since he’s certain you’re still alive and that you’re a threat to his oh-so-called throne.”
“I don’t mind if he finds me. He can even kill me, for all I care!”
“After a month of taking care of you, you expect me to just let that happen?!”
Sumama ang tingin ko. "Why do you care?! ANO BA KITA!?!” sigaw ko.
“Wala pero hindi ‘yan connected sa pagkain mo!”
“Ano ba’ng pakialam mo kung ayaw kong kumain?!”
“WALA!”
“EH, ‘DI ‘WAG MO AKONG PILITIN!”
“BINUHAY KITA, UY! MAGPASALAMAT KA NALANG!”
“SINO NAMANG MAY SABING BUHAYIN MO AKO?! BAKIT?! DIYOS KA BA?!”
Napangiwi nalang siya't napatakom ng bibig. Wala, eh! Wala siyang maisagot!
“KAPAG IKAW TALAGA NAGKA-ULCER—”
“WALA AKONG PAKIALAM!”
“EH, ‘DI WALA! BALAKAJAN! GOOBYE!”
* * *
TANJIROU's POV
Ewan ko pero biglang uminit ang ulo ko sa sinabi niya. Padabog kong isinara ang pintuan ng room niya at padabog ding naglakad papalayo.
Tumigil ako saglit saka dumuro sa ere.
“Ano ba kita—MUKHA MO!” Sigaw ko saka muling naglakad.
“Pagkatapos kitang inalagaan, ang kapal ng mukha mong i-ano ba kita ako? WOW ha!”
“Eh, ano ba kasi ang ineexpect mo?”
“ANAK NG—” hiyaw ko nang biglang sumulpot si Kei sa may crossing.
“BA’T KA BA NANGGUGULAT?!”
“Hoy! ‘Wag kang judgemental, ah! Nagsasalita lang ako ng maayos dito, ikaw lang ‘tong humiyaw nalang bigla.”
“Tsk! Ano ba kasi ang ginagawa mo rito?!”
“Naiwan ko ang charger ko, serr, kinuha ko lang." Sagot niya’t napataas nalang ako ng kilay nang ngumisi siya.
“Ano ‘yong ano ba kita—ano ba kita na narinig ko, ah? Saka galing ka pa naman sa kwarto ni Kanao. Ano’ng pakulo na naman ‘yon?”
“Manahimik ka, ah!” Duro ko sa kanya. “Umalis ka na nga! Tumawag kapatid mo sa akin, hinahanap ka na!”
“Lol mo, Kamado. Walang number kapatid ko sayo! Magsisinungaling na nga lang, galingan mo naman, yow! Siya! Uuwi na ako. Kakalimutan ko nalang ‘yong nakita’t narinig ko today.”
‘Yon lang ang huli niyang sinabi saka siya tatawa-tawang naglakad papaalis.
Gago talaga.
“Sir?”
Napalingon ako nang tawagin ako ng isa naming katulong.
“What?!”
Napaamang siya saglit bago ulit nakapagsalita.
“A-ano po kasi… ’yong daddy niyo, tumawag kanina. S-sabi niya, bandang 8 pa raw sila makakauwi.”
Natawa nalang ako ng mahina. "Don’t bother telling me things regarding that matter. He can come home anytime he wants, pwede na ngang hindi na, eh. Now if that’s all then you might, as well, leave.”
“S-sorry po!” Sabi niya’t kumaripas papaalis.
Hindi ko kilala ang mga katulong dito sa bahay pero memorya ko naman ang mga mukha nila and that one looks new.
Ewan ko lang din kung may pinalitan ba sa kanila at ang secretary lang ni dad ang nagmamanage sa kanila.
Wala rin naman akong pakialam.
“How is she?”
“ANAK—” hindi ko nalang tinuloy ang paghiyaw ko’t mariin nalang na napapikit saka ko dahan-dahang hinarap si Inosuke, ang president ng mga kabute.
“Ano'ng sa atin?” Nakangiti kong tanong habang hindi binubuka ang bibig. Nakakagigil na, eh.
“How is she?” Pag-ulit niya.
“Ayos naman na. Bakit ka bumalik?”
“Hindi pa ako nakakaalis simula pa kanina." Mahina niyang sabi. “At sabi ni Kotoko, hindi raw siya kumakain?”
“Kotoko?”
“She’s the maid you’re talking to just now.”
“Kilala mo pala ‘yon?”
“I know all the workers in this house, but that’s not the thing here. Hindi parin ba siya kumakain? I mean, you came from her room. Nasuyo mo ba?”
I mentally rolled my eyes. Wala talagang nakakatakas sa lalaking ‘to. Si Zenitsu naman talaga sana ang dakilang chismoso sa amin pero itong nilalang na ‘to ang source ng lahat ng news.
Therefore, mukhang mas chismoso talaga siya.
“No, and I don’t force people so, I let her be.”
“Hmm… let me try.”
Naiwan akong nakatunganga at mabilisan siyang naglakad papapasok sa kwarto ni Shané.
Kumatok pa siya bago pumasok at ilang minuto lang ay lumabas na. Ang lawak pa ngiti, ah!
“She’s already eating.” Nakangiti niyang sabi.
“Mahusay, Hashibara!” Sarkastiko kong sabi.
Kulang nalang, magbasagan kami ng mukha kanina ng babaeng ‘yon para lang kumain siya pero isang kembot me lang ng isang ‘to, tumiklop agad. Mahusay, mahusay!
“'Wag mo kasing sinusungitan and anyway, I’ll be leaving now. Take care of her by then.”
Nagtaas lang siya ng kamay bilang paalam saka na umalis.
“Take care of her by then, eh, kailan pa ba hindi?” Busangot kong bulong.
Isang buwan din akong nag-aruga, ah! Minsan hindi pa ako nakakatulog at inaatake siya ng seizure niya.
Hindi ko naman siya pwedeng pabantayan kay doc magdamag at inaasikaso niya rin ang may-sakit niyang anak.
‘Yong nurse naman, 5AM to 6PM lang dito at marami siyang anak na aarugain sa bahay nila.
Ayaw ko namang ipagdamot siya sa kanyang pamilya at alam ko ang feeling ng walang mommy na nag-aalaga.
Hindi ko rin naman pwedeng paalagaan sa iba pa ang maarteng ‘yon at kung maaari, kami-kami lang ang nakakaalam para hindi ako sumabit.
Ang alam kasi ng mga tao rito sa bahay ay girlfriend ko ‘yon na nakilala ko sa Korea tapos nagka-car accident kuno.
Kunwaring wala na siyang mga magulang—na ‘yon naman talaga ang totoo—kaya ako na ang nagbantay sa kanya.
Ang kwentong ‘yan ay kagagawan ng makatang si Zenitsu. Magtatanong na kasi ang mga tao rito sa bahay tho pasikreto lang naman nilang chinichismisan ‘yon kaya para matigil ay ginawan nalang ng kwento.
Pumunta na ako sa kwarto ko’t humilata sa kama. Magkatabi lang ang kwarto namin ng maarteng babae na ‘yon.
Kailangan kasi at ngayon ang balik ni daddy tho confident naman akong hindi siya makikialam. Hindi naman kasi kami close kaya hahayaan lang ako no’n. Besides, sarili ko namang pera ang ginagamit ko.
Napabuntong-hininga nalang ako’t isinubsob ang mukha sa malambot kong unan.
At least, okay na siya. That’s what matters the most!
Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako at bandang 8, nagising ako nang marinig ko ang boses ni dad sa labas ng kwarto.
“Kanina pa ba siya tulog?”
“Opo, sir.”
“Hmm… is his girlfriend still here?”
“Opo, sir.”
“Can I see her?”
Napakaripas ako ng upo nang marinig ko ‘yon saka tumakbo papapunta sa pintuan ko.
Nagkuwari akong puyat na binuksan ang pinto kaya nagulat silang dalawa ng maid.
“So, you’re back, dad.” Matamlay at walang gana kong tanong.
“Ah—yeah, son. I thought you’re already asleep?”
“I am, I just have to get a glass of milk.”
“But you have your own fridge.”
Pasikreto nalang akong napangiwi.
Ang galing ko lang talagang magsinungaling!
“I-I ran out of stocks." Palusot ko nalang at mukhang bumenta naman.
“You should go to bed now. You must be tired.” Umiwas ako ng tingin at naglakad papuntang kitchen nang magsalita ulit siya.
“I want to see your girlfriend.”
Natigilan ako saglit bago siya nilingon ng bahagya.
“She’s already asleep and she just woke up from comatose. She needs rest. She can’t be disturbed.”
I don’t know if it’s just me, but dad’s expression went dim.
“Tomorrow then. Good night.” ‘Yon lang ang sinabi niya saka naglakad sa direksyon opposite ng sa akin.
“What?!” Bulyaw ko nang makita ko ‘yong maid na nakatingin sa akin.
“W-wala po, sir. Sorry po! Aalis na po ako!” Karipas siyang tumakbo pasunod kay dad hanggang pareho na silang naglaho sa paningin ko.
Napangiwi nalang ako sa inis. I can’t let him see her! I know dad still had connections with his previous allies and as far as I know, connected din ang mga ‘yon kay Zedrich and the way he looks at me just now, he’s already suspecting me.
I must do something before the cock crows. Bumalik ako sa room ko’t tinawagan ang dalawa.
“Yo! Ba’t ka napatawag?” Si Zenitsu.
“What’s up?” Si Inosuke naman.
Naka-conference call lang kami para maayos ang plano.
“I need your help!”
“BOOM! Manliligaw ka na?!”
Napangiwi nalang ako. "Kung pwede lang sanang manapak on call, pumutok na ‘yang nguso mo, Agatsuma! Seryoso ‘to!”
“Ay! Sorry naman. Ano ba kasi ‘yan?”
“Dad just arrived, and he wanted to see Shané! You know what his connections are, right?”
“Gusto lang naman palang makita ng daddy mo ang girlfriend mo, eh. Normal lang naman—”
“ZENITSU NAGAKI AGATSUMA!” Bulyaw ko.
“Ay sorry sorry! Ito na! Magseseryoso na!”
Napairap nalang ako sa inis. "So ayon nga! Hindi niya pwedeng makita si Shané at ‘yong connections niya ay connected din kay Zed!”
“How can we help?” Seryosong tanong ni Inosuke.
“Brainstorming!” Ako.
“I have an idea!” Si Zenitsu
“Kung wala kang matinong sasabihin, Agatsuma, please ‘wag mo nalang ituloy!”
“Hoy! Ito ang expertise ko, love. Baka nakakalimutan niyong published novel writer ‘tong kausap niyo?”
Rinig kong nag-hum si Inosuke sa kabilang linya. Well, we can’t argue with him in terms of making stories at ilang award na ang nakuha niyan sa pagsusulat niya.
“So? What’s in mind?” Tanong ko.
“Leave that to me!”
* * *
“What is this?! Who is she?!” Taas kilay kong tanong habang nakatingin sa babaeng katabi ni Zenitsu.
Nakaupo silang dalawa kaharap namin ni Inosuke.
“4 AM pa lang, Kamado, mamaya ka na highbloorin, pwede?” Umirap siya saka iniharap ng maayos ‘yong babae.
“Meet my third cousin, Kanroji Mitsuri.”
“Oh! Tapos?” Siring ko.
“Let him speak first.” Malumanay na sabi ni Inosuke kaya wala akong nagawa kung ‘di ang makinig.
Nasa kwarto ko kami nag-meeting; naka-off pa ang ilaw para mas intense.
“As I was saying, Kanroji here is going to take miss Shané's identity for the mean time. In other words, siya ang ipapakita natin sa daddy mo at kung sino mang isasama niya. Don’t worry, she can be fully trusted, and I can assure you she’ll do best in this matter.”
Sumulyap ako kay Inosuke para tignan ang reaksyon niya at mukhang benta sa kanya ang masterpiece ni Zenitsu.
“If you’re so sure about this then let’s give it a try. After all, we trust your objectives.” Sabi niya na siyang ikinasaya ni Zenitsu.
“Oh? Ikaw, love? Okay ba sayo ang plano?” Baling niya sa akin.
“’Wag lang tayong mayari, okay na.” Inis kong pagsaludo.
“Okay then! Let’s do this!”
Dahan-dahan kaming pumunta sa kwarto ni Shané kung saan ay mahimbing pa siyang natutulog.
Tinignan lang ni Zenitsu ang itsura niya saka na minake-up-an ang pinsan niya para magmukha itong matamlay, may sakit, payat at— “She looks like a zombie!”
Tatawa-tawa kong sabi kaya nakatanggap ako ng irap sa kanilang dalawa ng kanyang pinsan.
5 AM nang tawagan namin si doc Kochou for assistance. Buti nalang at agad niyang na-gets ang sitwasyon kaya hindi na siya nagtanong pa.
Ginaya lang niya ang pagkakalagay ng mga apparatus kay Shané do’n sa pinsan ni Zenitsu saka namin siya inilipat sa kwarto ko. Buti nalang at hindi siya nagising.
“Are you sure this’ll work?” Tanong ni doc Kochou.
“One hundred percent sure, doc!” Confident na sabi ni Zenitsu.
“Okay then hahaha. Kapag hindi naman nag work, may serum ako dito. Pwede naman natin silang tusukan isa-isa't magha-hallucinate na sila after."
"Ay! I like the plan." Pag agree naman agad ni Zenitsu. "The best ka talaga, doc!'
"Hahaha gagu. Joke lang 'yon. Sumalangit lalo license ko sa inyo, jusko."
“We appreciate all your help, doc." Magalang kong sabi.
Ngumiti siya’t nagpatong ng kamay sa balikat ko.
"Don’t mention. I’m greatly in debted to your mother and I’m sure she’ll do the same thing as you did. Just be careful, okay?”
“Yes, doc.”
After no’n ay umalis na siya kaya kaming apat nalang ang naiwan. Tumawag lang daw kami in case need namin ng further assistance.
Nahiga na si Kanroji at nagsimula ng umaktong natutulog pero agad ding napamulat nang lapitan ko siya’t sagiin ko ang kamay niyang may dextrose.
Nakaturok pala talaga ‘yon sa kanya kaya napangiwi siya.
“Ano bang problema mo?!” Maarte niyang ungol.
“Ay sorry na agad. Pero dapat talaga nice 'yong acting mo ha, kung ayaw mong tirikan ng krus sa noo.” Banta ko.
“Kung yariin ko kaya ‘tong plano?!”
“Ay! Matapang din, eh!”
“Stop that! Someone might hear you outside.” Sita ni Zenitsu kaya pinandilatan ko nalang siya ng mata.
Umalis na ako’t pinuntahan si Shané sa kwarto ko at laking gulat ko nalang at gising na siya.
“WHERE AM I?!” Inis niyang tanong pagkakita niya sa akin.
“Sa kwarto ko."
“WHY DID YOU TAKE ME HERE?!”
“Lower your voice down. Someone might hear—”
“I don’t care!”
“I DO!”
Sumingkit ang mga mata niya. "Tell me, honestly, are you in love with me?”
Muntikan na akong mabulunan ng sarili kong laway sa biglaan niyang tanong, “E-excuse me?!”
“Why are you helping me then?”
“Look! If you were on my situation, won’t you help someone who’s in a verge of death? Besides…” bahagya akong napatungo. "I saw myself in you... Kinda. I lost not just my mom but all of my siblings."
Hindi agad siya nakapagsalita at pansamantala akong tinitigan.
“I'm sorry. I completely understand, but why would you reach up this far? Bakit hindi mo nalang ako ipinaubaya sa ospital? Why hide me here?”
"I had to."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro