Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 2: Farewell

KANAO'S POV

“W-what did you do?” Nanginging kong tanong habang nakatingin sa walang buhay kong mga guards.

“T-they work for me. T-they protected me… s-so—”

“That's the point, Shané. God, you're so helpless!"

Natigilan ako sa sinabi niya… this is the first time Zed called me Shané.

Dahan-dahan ko siyang tinignan at nakangisi parin siya. Masayahing tao si Zed at palagi siyang nakangiti pero hindi ko pa siya nakikitang nakangisi ng ganito.

Maslalo akong nanginig.

“W-why are you doing this, Z-Zed?"

“Goodness, Kanao! Hindi mo pa ba gets?! I thought you were smart? Kaya nga sayo napunta ang pinakamalaking kompanya ng pamilya natin, ‘di ba?!”

“H-hindi kita maintindihan, Zed—”

“OH, SHUT UP!” Napasinghap nalang ako nang bigla siyang sumigaw sa mismong mukha ko.

Galit ang mukha niya’t itinuon-tuon sa akin ang hawak niyang baril.

“You’re dumb, Shané, you know
that? Haha.” Nagpeke siya ng tawa. “All this time… you really think I'm on your side?"

Napasinghap ako’t muling napatakip ng bibig nang barilin ni Zed ang isang guard na gumalaw. Hindi ko na napigilan ang sarili kong maiyak. Buhos ng buhos ang luha ko pero hindi ako makahagulgol. Pakiramdam ko, naubos ang boses ko.

“Paano mo nga ba mapapatakbo ng maayos ang kompanya ng ating pamilya kung hindi mo nga maprotektahan ang sarili mo…” nilingon niya ako habang nakangiti. "KA. NA. O?"

Diniinan niya ang bawat pagbaybay ng pangalan ko’t muling itinutok sa akin ang baril.

“I wonder how many bullets would kill the great Miss Kanao Shané Yagami Schönburg?”

“S-stop it, Zedrich!” Matapang kong sabi pero maslalo lang siyang ngumisi. “If dad finds out about this, y-you’ll rot in prison!”

“Eh?” Kunwaring gulat niyang sabi at hindi ko alam kung bakit bigla nalang kumabog ng mabilis ang puso ko. “I wonder about that, Kanao.”

“W-what do you mean?” Kunot-noo kong tanong.

“Ahh… you see…” yumuko siya at kunwaring nahihiya. “Zhasha is with them. But I hope they can rest in peace without too much pain.”

Nanlaki ang mga mata ko. “No! She didn’t!”

“But she did… I did! Nakikita mo ‘to?” Tinuro niya ang suot niya’t napaamang ako nang marealize kong nakasuot siya ng black suit at black gloves.

Napausog ako papasok ng sasakyan pero agad din namang natigilan nang mayrong matigas na bagay ang sumagi sa aking paanan.

Laking-gulat ko nalang ng makita ko ang isang sniper.

“Y-you…” nanginginig kong sabi. "You w-were the one who shot Lise!”

“Ahh that would be a yes, but it wasn’t intentional since that bullet is supposed to be yours.”

Tumingin ako sa kanya. “B-but why? We are cousins, for heaven’s sake, Zed! Just what the hell were you thinking!”

“I’m thinking better than anybody else. Give up your birthright, Kanao!”

Nakapagpakawala nalang ako ng sarkastikong tawa.

“All of these para sa mana? You’re insane, Zed! We can just talk about it. I don’t want any of these either!” Sigaw ko’t kinagat ang aking labi at baka ano pa ang masabi ko pero nabigo parin ako.

“But after all of thes we: after ruining my birthday, killing my best friend, putting my life and my parent’s life at stake and for breaking our bond…” umusog ako paharap at lumabas ng kotse. "In your dreams!”

“Acting feisty won’t help.” Ngumisi siya.

“I’m not acting feisty, my dear cousin.” Naniningkit ang mga mata ko’t mabilisang sinipa paitas ang baril na hawak niya kaya tumilapon ito. Parehas kaming napatingala ni Zed.

Nahihirapan akong gumalaw sa gown na suot ko pero hindi ako nagpatalo’t agad na sinalo ang baril at itinutok ito sa kanya.

“Stay back!” Sigaw ko kaya napaatras siya’t itinaas ang magkabila niyan kamay.

“Woah! Easy there, Kanao.” Sarkastiko niyang sabi.

“I’ve never fired a real gun before and you know that, but it doesn’t mean my instincts don’t work!” Singhal ko. “Maiintindihan ko kung si Zhasha lang ang may pakana ng lahat ng ‘to since mga bata pa tayo, hindi na niya na ako gusto pero ikaw!” Nanggagaliiti kong sabi.

“Hindi na rin ako magtataka kung pati sina tito ay kasabawat niyo rin!”

“Ahh… I would like to say that you’re right, but nah! Dad is naïve, so as you know that’s why he also chose you as the heir and like seriously? I’m the eldest and the only son of the Schönburgs! Why the hell are they doing this to me?!”

Napailing-iling nalang ako. “You’re impossible! Now take me to them or so help me God!”

Hindi siya natinag sa pananakot ko kaya kinasa ko na ‘yong baril.

“Don’t make me kill you before you
speak, Zed! Taking your life is right on the tip of this gun."

“Alright! Alright! Chill.” Sabi niya.

Sinenyasan ko siyang maunang maglakad buti naman at sumunod din.

Nanlumo akong napatingin sa bahay namin. Wala akong kalam-alam sa nangyayari at ni isa sa kanila, walang nakalabas.

Napakagat nalang ako ng labi saka nagpatuloy sa paglalakad pasunod kay Zed pero natigilan din agad nang bumulabog ang sunod-sunod na putok. Malapit-lapit lang kasi kami sa bahay kaya rinig ko pero dahil malawak ang sakop ng lawn ng aming lawn, hindi ito maririnig ng nasa
labas!

Napahinto rin si Zed at pasimleng tumingin sa bahay. Ni walang bakas ng gulat, takot o pagsisisi sa mukha niya.

“What have you, guys, done with the guests?!” Nanginginig kong tanong.

Dinidistansya ko rin ang sarili ko sa kanya at kapag nagkataong mabigyan ko siya ng pagkakataon, baka ikasawi ko na ‘yon.

“Hmm… how should I say this.” Nagkrus siya ng kamay at tinapik-tapik ang kanyang baba na kunwaring nag-iisip. “We just have to silence all of them and that’s the best way I saw!”

“By killing them?!” Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. “Some of our friends are in there, Zed! How can you be so cruel?!”

Muling tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. “You could
have just talked to me if you really wanna rule everything in this family hindi ‘yong ganito! You’re not like the Zed I know!”

“Of course, I'm not! This is the real me and you never knew me!"

Sigaw niya. “I tried talking to dad, kay lolo at sa lahat ng pwedeng tumulong sa akin para sa kompanya pero wala, eh! Sayo parin nila ibibigay kahit ano’ng gawin ko!”

“SO BAKIT HINDI NGA AKO ANG KINAUSAP MO?! WE COULD HAVE FIGURED THINGS OUT FOR HEAVEN’S SAKE!” Hagulgol ko. “K-kasi ibibigay ko naman sayo, eh!”

“HA!” Sarkastiko niyang tawa saka pangisi-ngising tumingin sa akin. “Do you actually think na magagawa ko ‘yan? I’m a man with pride, Kanao! I’d rather shed blood than to step on it."

Pansamantala akong natahimik sa narinig ko.

This is too much! I’m aware na may be-betray talaga sa akin the moment I step on the oh-so-called-throne of this hell, but I never expected it to be my relatives.

Huminga ako ng malalim saka siya tinignan ng diretso.

“So, you won’t mind if I kill you here then?” Mahina kong sabi saka muling itinuon sa kanya ang baril.

“Sure, I won’t… but you’ll never see your parents again if you do.”

Kinuha niya ang phone niya sa kanyang bulsa saka ito itinapat sa akin. Laking-gulat ko nalang nang makita ko sina mommy at daddy na nakagapos sa gitna ng hanging bridge at may spot light na nakatuon sa kanilang dalawa habang sa
kabilang dako nakatayo si Zhasha at ang tatlong lalaking mukhang guards nila sa parehong side ng guide ropes at may hawak ng tag-iisang kutsilyo.

“They were told to cut the ropes in 10 minutes enough for you to arrive there and save them, however, if you choose to kill me herein then… you’ll look for them all by yourself.”

“Take me to them then!”

“Hmm… not so fast, cousin. We’ll be doing things on my terms.” Inilahad niya ang kamay niya’t sumenyas na ibigay ko sa kanya ang baril.

“Hand me that or your parents will go bye-bye!”

Napatitig nalang ako sa kamay niya. Kahit pa isipin ko ng maigi kung ano ang dapat kong gawin, I will surely end up rescuing my parents first than dealing with him!

Whatever my choice is, I know he had tricks hidden up his sleeves to counter my plans. Zed is smart, but I just have to outsmart him!

Either way, my parent’s life is all that matters the most, so I gave up and gave him the gun. Whatever happens here, I’ll take all the risk.

Agad itong inagaw ni Zed at kinaladkad ako papunta sa kotse niya.

Hindi ako nagsasalita habang
papunta kami sa kung saan. Padilim ng padilim ang daan pero wala akong maramdamang takot at occupied ang utak ko sa kung anong possible kong gawin.

Make or break! Dead or alive! Ma-save ko lang sina dad.

Madilim ang lugar kung saan nag park si Zed saka ko lang din nalamang nasa rest house pala nila kami.

“Get over here!” Sigaw niya habang sinisenyasan akong lumapit gamit ang baril.

Agad niya akong hinawakan sa braso at muling kinaladkad pababa kung saan ko huling naalala na may tulay. Doon ko nakita si Zhasha.

“Saan mo nilagay sina dad?” Tanong ni Zed nang makalapit kami sa kanila.

“They’re all asleep inside the house so let’s get this over with before they wake up.” Walang kaemo-emosyon nitong sagot at saglit akong tinignan at agad ding umiwas.

Hindi na ako umimik at baka kung ano pang masabi ko’t malagay pa sa masama ang sitwasyon.

Nagmasid-masid ako sa paligid. Limang guards lang ang meron dito ngayon. Dalawang nasa malapit hanging bridge, ilang dipa mula sa kinaroroonan ko: dalawang nasa likuran ni Zhasha at isang nakatayo sa exit ng bahay nila.

Sa pagkakaalam ko, lima lang talaga ang guards nila pero mukhang nag-hire sila ng bago at ngayon ko lang nakita ang pagmumukha ng mga ‘to.

“Let’s get into business then!” Panimula ni Zed. Hinigpitan niya pa ang pagkakahawak niya sa braso ko saka na ako hinila papunta sa tulay kung saan nado’n sina mommy.

“KANAO! WHAT THE HELL ARE YOU DOING HERE?!” Sigaw ni mommy nang makita ako.

Magkatalikod silang iginapos ni dad na ngayo’y walang malay.

“Mom… dad.” Bulong ko nalang.

“Don’t worry. Tito’s just unconscious.” Pasimpleng sabi ni Zed.

As much as I wanted to run towards them, I still chose to get a hold of myself to think things deeper. I need to come up with a plan as soon as possible pero kahit anong gawin ko, wala akong maisip! Ano pang silbi ng ipinunta ko dito kung ganon?!

“Let’s play fair and square this moment on, Kanao!” Napasinghap ako nang bigla niya akong itulak papunta ng tulay pero hawak niya parin ang braso ko kaya napaharap ako sa kanya.

Nginitian niya muna ako bago niya padabog na binitawan braso ko.

“Take 10 steps backward and don’t look back.” Wala akong nagawa kung hindi ang sundin siya.

Magkabilaan ang guards sa kanyang likuran at lahat sila may hawak na baril. Rinig kong tinatawag ni mommy ang pangalan ko pero kailangan kong sundin si Zed.

Nakagown parin ako kaya pahirapan akong makagalaw at malobo ito.

“Now what?” Tanong ko pagkatapos.

“I’ll give you five minutes to untie your parents using your hands only.”

“And what happens if I exceeded?”

“Let’s find it out, shall we?”

“How is this even fair and fucking square?!”

“I’m holding the Ace, dear.” Itinaas niya ang hawak niyang kutsilyo.

“Every minute na sumobra, I’ll be cutting one of the guide ropes and they’re only four, meaning to say… if you exceeded 5 minutes, the three of you will fall down this cliff and it's deeper than you think. Don’t worry, you’ll immediately die if that happens… that’s of without struggles!”

Zedrich no baka!” Sigaw ni mommy. She’s cursing Zed in Japanese. “'Wag mong idamay si Kanao dito! Kami ng buong angkan ang nagdesisyon nito. Why can’t you just accept that Kanao is better than you!”

“I AM BETTER THAN HER!"

“HOW? By doing this?! You are sick, and you know that! Now how can we entrust everything to someone who suffers from bipolar disorder?!”

Napaamang ako sa narinig ko.

“Oh? So hindi mo pala alam, Kanao?” Tatawa-tawa niyang tanong nang mapansin niya akong gulat na nakatingin sa kanya.

“We were so close at hindi mo alam? What kind of a cousin are you?!”

Napakurap-kurap ako sa nerbyos nang bigla siyang tumawa ng pagkalakas-lakas saka biglang sumeryosong tumingin sa akin.

“Your time is up!”

“Ha?!”

“Good bye, insan!”

Biglang itinuon sa akin ni Zed ang baril na hawak niya. Sunod ko nalang narinig ang pag-alingawngaw ng putok at pagtalsik ng dugo sa harap ko.

Rinig ko ang pagsigaw ni mommy pero hindi ko magawang sumagot at gulat akong nakatingin kay Zhasha na ngayo’y nasa harapan ko na’t siyang
tinamaan.

Ilang dipa ang layo niya sa akin at halos magkalapit lang sila ni Zed. Malapit na kasi ako aa gitna ng tulay.

“WHAT THE—ZHASHA!” Sigaw ni Zed at agad na sinalo si Zhasha bago pa ito matumba.

“S-STUPID! T-this is n-not part of the p-plan!” Paghihingalong sabi nito at sa mismong dibdib siya tinamaan.

Hindi rin nagtagal at nawalan na siya ng buhay sa mismong harapan ko at sa mismong kamay ng kanyang kapatid.

“Z-ZHASH! Wake up—no! ZHASHAAA!” Hagulgol ni Zed kaya muli na namang tumulo ang mga luha ko.

This is supposed to be a happy day pero bakit?! Bakit ba ‘to nangyayari?!

Tulo lang ng tulo ang luha ko nang marinig kong sumitsit si mommy. Nilingon ko siya’t sinenyasan niya akong kalagan sila ni dad hangga’t wala pa sa ulirat si Zed.

Mabilisan akong lumapit sa kanila’t inunang kinalas ang tali nila sa paa.

Nang matapos ay pinagtulungan naming kargahin si dad papunta sa kabilang side ng tulay pero nakakailang hakbang pa kami nang sumigaw si Zed.

“STOP RIGHT THERE!”

Parehas kaming natigilan ni mommy. Buti nalang at nagkakamalay narin si dad kaya mukhang kakayanin na namin itong takbuhin.

“Come back here, Kanao! We’re not finished yet!” Hindi ako gumalaw kaya muli siyang sumigaw.

“Comeback here or I’ll cut the ropes!”

Tumingin ako kay mommy at daddy pero sinenyasan nila ako na ‘wag. Afterall, papatayin niya rin naman sina dad kapag bumalik ako and sure akong isusunod niya rin ako kapag nakuha na niya ang gusto niya.

Sabay-sabay namin siyang hinarap at matibay na tumayo ng tuwid.

“I’m sorry, but Schönburgs don’t take orders from anybody!” Matapang kong sabi pero ngumisi lang siya.

Nasa paanan niya si Zhasha na ngayo’y bahagya ng namumutla.

“Fine then. Should I end you all at once or one by one?” Itinaas niya ang kaliwa niyang kamay at inabot ng isang guard ang hawak nitong sibat.

"Maybe all at once!”

Hiniwakan ni dad ang kamay ko nang itaas ni Zed ang kamay niya sa ere.

“Kanao…” napatingin ako kay dad nang bumulong ito. “At the count of three.”

“Po?!”

“One…”

“Dad!”

“Two!”

“No, dad!”

“Three!”

Napasinghap nalang ako nang bigla akong hinila ni mommy sakto lang para maputol ni Zed ‘yong isang dako ng tali. Tumagilid ‘yong tulay sunod ng pag-alingawngaw ng mga putok.

Gusto kong tumigil at naiwan si dad pero huli na nang makarating kami ni mommy sa kabilang side. May dinukot siyang dagger sa gilid ng kanyang hita at agad na pinutol ang tulay.

“Mom, no! Si dad!” Sigaw ko’t sinubukang pigilan si mommy pero huli na ang lahat.

“DAAADDD!”

“Let’s go, Kanao!”

Hinila ako ni mommy palayo at binabaril parin kami nina Zed pero nagmatigas parin ako hanggang sa tamaan ako sa balikat kaya wala kong choice kung ‘di ang tumakbo papalayo.

Ewan ko kung saan na kami napunta ni mommy. Takbo lang kami ng takbo papuntang kawalan.

Malayo-layo na nang bumigay mga paa ko sa sobrang pagod at panginginig dahilan para lapitan ako ni mommy at tulungang tumayo pero siya man rin ay natumba saka ko lang nakita ang dalawang tama niya
sa likuran at dalawa rin sa tiyan.

Napangiwi sa sakit si mommy habang pilit na isinasandal ang sarili sa malapit na kahoy.

“M-mom.”

Hinang-hina kong sabi saka gumapang palapit sa kanya. Isa lang ang tama ko at apat ang sa kanya pero bakit hindi na ako halos makagalaw? Pumihit ako sa tabi niya.

Nakapikit siya’t pahirapang humihinga.

“M-mom! Mommy!” Hinawakan ko ang pisngi niya ng duguan kong kamay.

“Mom open your eyes! Look at me!”

“Y-you don’t have to tell me that!” Kinagat niya ang labi niya saka ako tinignan at hinawakan ang kamay kong nakahawak sa kanyang pisngi.

“K-Kanao… I-I need you to p-promise me t-that you’ll live no m-matter what!”

“Don’t say that! We’re both gonna live so get a hold of yourself—” natigilan ako ng umiling si mommy.

“I-I’ve already lost too much b-blood. I-I’m so sorry b-but I won’t make it.”

“M-mom please… no!” Humagulgol na ako at sabay ng pagtulo ng aking mga luha ang pagpatak ng malakas na ulan.

“Now g-go, Kanao! G-go and find your dad’s eldest brother. H-he’ll help you. He sure w-will.”

“I can’t leave you, mom! W-we’re in this together. D-dad is already gone so please… d-don’t leave me as well.”

My tears are misting my vision kaya wala na akong halos makita.

“G-gomenasai, Kanao.” Ngumiti si mommy. ‘Yong ngiting ayaw kong makita. "Y-you have to live and fight, b-but I'm sorry if me and your dad w-will n-no longer be with y-you."

"Mom! Please don't say that! We'll g-get through this together!"

O-okāsan wa anata o aishite h-hontou… ni."

“Mom, I—” nanigas ako’t natulala nalang nang mahulog ang kamay ni mommy sabay ng pagpikit ng kanyang mga mata.

Pansamalntala akong natigilan hanggang sa mamulat ako sa katotohanan at nakapagpawala nalang ng napakalakas na hagulgol.

“Mom!” Inalog ko siya pero hindi siya gumalaw.

“Mommy! M-mommy naman, eh. Please wake up!”

Napatakip nalang ako ng bibig. Palakas ng palakas ang boses ko na sinabayan din ng paglakas ng ulan. Niyakap ko siya ng sobrang higpit.

“Okāsan! Dō ka watashi o oite ikanaide kudasai... o-okāsan!”

Ewan ko kung ilang minuto na akong umiiyak. Nanginginig na rin ako sa sobrang lamig pero nawalan na ako ng pakialam.

I am the reason why Lise, Zhasha and everyone died; the reason why dad
stayed and shielded mom and I from those bullets; the reason why mom got hit as well… all of these… because of me!

Pahina ng pahina ang pandinig ko’t dumilim nalang bigla ang paligid hanggang sa hindi ko na alam ang nangyari.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro