Chapter 1: Betrayal
KANAO's POV
“Miss! Gising na po. Mahuhuli na po kayo sa meeting!”
Agad akong napabalikwas sa kama nang marinig ko ang sigaw ni Lise mula sa labas ng kwarto ko at mabilisang tinignan ang wall clock.
“Holy crap!” Napamura nalang ako.
7:15 AM na kasi at 7:30 AM, dapat nasa office na ako ni daddy kung hindi, mayayari na naman ako kay mommy. Uubusin pa naman no’n ang araw pati gabi kung makatalak.
Dumiretso akong banyo at mabilisang naligo. Hindi rin naman ako nag me-make up kaya 10 minutes lang, nakalabas na ako ng kwarto.
“Aba’t ang bilis naman ata, miss?” Gulat na tanong ni Lise nang makasalubong ko siya sa hagdan.
“Ito naman, parang ‘di na nasanay.” Ngumiti ako.
“Eh? Nakapaghilod ka naman siguro sa bilis no’n, madam?” Tatawa-tawa niyang tanong kaya natawa na rin lang ako sabay tango.
“Kumain ka na po muna.”
“Mamaya na. Magpapaorder nalang ako pagdating ko sa office.”
“Sige po.”
Kinuha ni Lise ang dala-dala kong bag saka sumunod sa akin pababa hanggang sa kotse. Personal maid ko si Lise simula no’ng limang taong gulang pa lang ako kaya close na close kami.
“Good morning, miss Kanao.” Bati sa akin ni Maggy, personal driver ko.
“Good morning din, Mag.” Nakangiting bati ko. “Pakibilisan nalang din, ah? Baka mayari talaga kasi ako back to back ni mommy.”
“Hahaha sige po.”
Sumakay na agad kami ni Lise at sa kasamaang-palad, 7:54 AM na. Nakapagdasal naman na ako pagkapunta palang namin dito. Sana nga lang mapalampas ako ng tadhana huhuhu.
Malalaki ang iginawad kong hakbang kaya nahihirapang humabol sa akin si Lise. Hindi ko naman na siya pwedeng
antayin pa at parehas rin namang mapepektusan ni mommy.
“Good morning, dad.” Magiliw kong bati matapos kong kumatok ng ika’tlong beses.
“Oh, Kanao.” Malawak ang ngiti ni daddy. Ngingiti na rin sana ako nang biglang sumulpot si mommy mula sa likuran ng kurtinang pula ng bintana na nasa likuran lang din ni daddy.
“And you’re late again, mahal kong anak.” Nakangisi si mommy habang nakatingin sa akin.
Inikot-ikot niya pa ang hawak niyang baso. Kung titignan mo, masaya siya sa lagay na ‘to pero ganyan lagi ang mukha niya bago ako simulang paulanan ng speech. Naglakad siya papunta sa table ni daddy at marahang inilapag ang baso bago ako binalingan.
“Eh? Why do you look so scared, anak? Don’t worry, hindi kita tatalakan ngayon at kinapos tayo sa oras. Dadating na maya-maya ang tito mo kasama ang pinsan mong si Zed.”
“Po?” Taas-kilay kong tanong.
Napasulyap ako saglit sa pintuan nang pumasok si Lise habang hinihingal. Tumingin naman agad ako pabalik kay mommy.
“Para saan naman po, mom? Next month pa naman ang birthday ko, ‘di ba?”
Usually kasi bumibisita lang talaga sina tito at ang iba pa naming kapamilya kapag birthday ko lang. Ewan ko ba as kanila kung bakit importante sa kanila ang kaarawan ko.
Ngumisi lang si mommy ng sarkastiko.
“August 27 na ngayon, anak. At next week na ang tinutukoy mong next month. Baka nakakalimutan mong September 3 ang birthday mo?”
Napangiwi nalang ako. “Hindi pa naman din ako nagiging ulyanin, mom.”
“Mabuti naman. Mabuti ng sure.” Naglakad siya papalapit sa akin at ginulo ang medyo basa ko pang buhok.
“Pero may time pa naman tayong ipagpatuloy ang sermon ko mamaya. Time is gold nga, ‘di ba?”
Ngumiti siya pero mas lalo lang akong nangilabot. Yes, that’s my mom. She’s the only daughter of the Yagami clan—the family of known gangsters
pero hindi naman na ngayon. Dati pa ‘yon no’ng time pa ng lolo ng lolo ko.
Ewan ko lang kung bakit
dumaloy parin sa dugo niya ang pagkamasiga. Babaeng-babae naman siya kung pumorma sa harap ng
ibang tao, eh, pero kapag nasa bahay na o kami-kami lang, nagiging boyish nalang siya bigla.
Kumindat pa talaga siya bago pasimpleng naglakad papalabas. Na-extend lang pala saglit ang kasiyahan ko huhuhu.
“Don’t mind your mom hahaha.” Napatingin ako kay dad nang magsalita ito.
Nagbabasa siya ng newspaper kaya malamang hindi siya nakatingin sa akin. Naglakad nalang ako papunta sa harapan niya’t naupo sa sofa. Tumabi lang din si Lise sa akin.
“B-bakit naman po kailangang ipospone ni mommy ang arawang pagtalak niya, dad? Eh, dumating lang naman si tito.” Pahina ng pahina kong pagkakasabi.
“You’re turning 16, Kanao.” Bahagyang ibinana ni dad ang binabasa niya sapat lang para masilayan ko ang kanyang mga mata.
“At kagaya ng nakasayan ng pamilyang Schönburg, tutuntong ka na sa edad kung saan kailangan mo ng akuin ang ibang responsibilidad ng pagiging tagapag-mana ng kompanya natin and your tito will teach you the basics.”
Napatango-tango nalang ako. Hindi ko rin naman talaga masyadong ma-gets kung bakit ngayon pa lang nila ako ite-train. Either kasama rin ito sa tradisyon ng mga Schönburg o sadyang wala lang talaga silang bilib sa akin. Nako naman!
Sa office na kami ni daddy nag antay kay tito at dito lang naman daw ito dederetso. Ilang minuto lang at dumating na nga talaga siya kasama si Zhasha—kakambal ni Zed.
My gosh lang at simula pa no’ng mga bata pa kami, ‘di na kami magkasundo. Gaya ng usual, naunahan na naman niya akong umirap nang magkatinginan kaming dalawa.
Hindi ko rin naman siya pinatulan at ngumiti nalang.
“Good morning, John!” Magiliw na bati ni tito kay dad na tumayo rin naman agad para salubungin ang kapatid. Mukhang hindi niya ako nakita at lumagpas lang siya sa akin.
“Welcome back, Jude!” Ang lawak ng ngiti ni dad, abot kabilang building!
Close na close kasi talaga sila ni tito Jude na nakababatang kapatid niya.
“Welcome back, Zhasha!” Baling niya kay Zhash na tinanguan lang siya. Ganyan na ‘yan simula pa no’n. Wala rin namang may pakialam hehe.
“So? Where’s my niece?”
“She’s behind you.” Nguso sa akin ni dad saka lang ako tumayo para lapitan si tito.
“Good to see you again, tito Jude.” Nakangiti kong sabi.
“Eh? Ikaw talaga ‘yan, Kanao? Bakit parang tumangkad ka ata bigla?” Taas-kilay niyang tanong.
“Isang taon din po kasi tayong hindi nagkita at may itatangkad pa ho ako kaya ‘wag na kayong magtaka sa susunod ‘pag magnagkasing-tangkad na po tayo.”
“Hahaha I’m anticipating that. Oh, well! Today’s the first day so let’s relax a bit.”
Nag-usap muna sina tito at si daddy habang tahimik lang kaming nagpapakiramraman ni Zhash. Umalis naman ni Lise para kumuha ng snacks kaya wala akong naging kausap.
Naiilang talaga ako kapag ganito. Alam niyo kasi ‘yong sanay kang pumuputak tapos bigla ka nalang ipinaharap sa pinsan mong kinapos sa words—char haha.
“Ahh—how are you, Zhash? It’s b-been a while.” Utal kong panimula pero hindi niya man lang ako pinansin kaya minabuti ko nalang din ang manahimik buti nalang at dumating agad si Lise.
Ilang minute pa bago ako nilapitan ni tito. Umupo siya sa tabi ni Zhasha at si daddy naman sa tabi ko.
“So, ngayon mo pa pala nalaman na magte-training ka na?” Natatawang tanong ni tito at marahan akong tumango.
“This task is no easy weight to handle. Being a leader needs to be firm but always remember, it’s only the label you’re trying to work on for progress and not a position yet. Don’t worry. I know you’ll get it right away.”
Bahagya akong napangiwi. Get it right away? Eh, hindi ko nga na-gets ‘yong label chuchu, eh! Pero kahit gano’n, tumango nalang din ako para matapos agad ito. Marami siyang idiniscuss about business management tapos minsan, si Zhasha ‘yong nagsasalita.
Twenty-two na siya at nag-mamanage na siya ng business ng kanyang pamilya at gano’n din si Zed. Sa family line kasi namin, ako ‘yong pinakabata at nagpapasalamat ako do’n at may mahihingan ako ng tulong everytime. Isa pa, mahal nila
akong lahat maliban kay Zhasha hmm.
Higit limang oras din bago matapos si tito sa introduction niya at sa loob ng limang oras na ‘yon, wala akong ibang maalala kung ‘di ang this task is no easy weight to handle. Being a leader needs to be
firm but always remember, it’s only label you’re trying to work on for progress and not a position chuchuchu chuuu na una niya pang sinabi. Ano pang silbi mo, brain, kung
gano’n?!
Nagpaalam na sina tito pagkatapos at may kailangan pa raw silang asikasuhin kaya napagdesisyunan ko na rin lang ang umuwi.
“So? Ano po ang nadiscover mo sa sinabi ni Mr. Schönburg?” Panimulang tanong ni Lise
habang binabaybay namin ang daan pababa ng parking lot.
“’Wag mo ng itanong, Lise. Wala kang makukuhang matinong sagot.” Walang gana kong sagot at pakiramdam ko, naliligaw parin ng landas ang utak kong cute simula pa no’ng ibinanggit ni tito ang first rule ng managing chuchu na ‘yon.
“Alam ko naman po ‘yon. Naniniguro lang sakaling may nagbago man.” Panunuya niya.
“Wow, ah! Kailan ka pa natutong pagsalitaan ako ng ganyan, Lisellita?!” Nagtaas ako ng kilay kaya agad siyang napatakip ng bibig.
Ganito na talaga kami mag-usap ni Lise. Biruan lang at para na rin naman kaming magkapatid.
“Eh? Saan na si Maggy?” Tanong ko nalang at wala ito sa sasakyan.
“Teka lang. Tatawagan ko lang ho muna.”
Ilang minuto na ang lumipas pero hindi parin naming macontact si Maggy kaya wala akong ibang choice kung ‘di ang mag-drive. Sino pa ba naman, eh, hindi naman marunong ‘tong si Lise. May duplicate key naman ako.
“Itext mo nalang siya at sabihing nauna na tayo. Kailangan ko pa kasing mag-ayos at may family dinner mamaya.” Sabi ko’t tumango naman agad si Lise.
Ewan ko lang din kung saan inilipad ng hangin ‘yong si Maggy na ‘yon. Hindi ko na rin lang masyadong inisip at paniguradong buhay naman ‘yon.
“Bakit naman po raw si miss Zhasha ‘yong dumating, miss Kanao?” Panimula ni Lise.
“Ewan ko rin do’n. At least may improvement na si ma’am at hindi na ako sinisinghalan.”
“Eh? Nasiyahan ka naman diyan, miss?”
“Masaya ba ‘to sayo?” Turo ko sa nakabusangot kong mukha kaya napangisi siya.
“Hindi po, miss.”
“Very good! Mabuti ng nagkakaintindihan tayo."
Nagtawanan lang kami pagkatapos. Maingay si Lise kaya ang dami niyang comment about sa inasta ni Zhasha kanina. Hinayaan ko nalang din. Ganyan talaga ‘yan siya. Agad naman kaming nakarating kaya maaga akong nakapag-ayos.
Gaya ng usual, 30 minutes before the agreed time, dumating na sina tito kasama tita Paige, Zed at Zhasha.
“Insaaaan!”
Napataas nalang ako ng kilay nang sumigaw si Zed pagkapasok na pagkapasok niya pa lang ng pintuan at mabilis na tumakbo papalapit sa akin saka ako niyakap ng napakahigpit. Nagtangka pa talaga
akong tumakas pero nahuling gumalaw ang mga paa ko.
“A-aray ko naman, Zed!” Reklamo ko’t hindi na ako makahinga pero imbes na bumitaw, mas lalo niya lang itong hinigpitan kaya pakiramdam ko, nadurog ang mga buto ko kaya laking-ginhawa ko nalang nang maisipan niya ng bumitaw.
Ipinatong niya ang kayang magkabilang kamay sa balikat ko. Matangkad si Zed kaya kailangan niya pang bumaluktot magkatapat lang kami.
“How’s my favorite cousin?!”
“I’m doing great ‘til 6:45 PM strikes.” Nakangiti kong sagot.
Pasimple siyang sumulyap sa relos niya sa kaliwa niyang kamay at nawala bigla ang ngiti niya kanina.
“Eh? That’s when before I came!”
“Exactly!”
“You’re mean!” Bumusangot siya’t kunwaring nalungkot.
Agad naman kaming napatigil na dalawa nang marinig naming tumawa sina daddy at tito.
Nakaupo na si tita Paige kaharap ni mommy at kaharap naman ni Zhasha ang uupuan ko. Usual spot na ‘yan namin kapag napunta sila dito. We're all in our casual attires and as usual, I'm on my golden black halter dress.
“Come now, you two.” Sabi ni dad at sabay kaming lumapit ni Zed sa hapag.
Nag-usap lang kami about sa 16th birthday party ko next week. Nasama narin kung sino-sino ang mga invited guests and on top of that, ang pagdating ni uncle Jake, ang nakakatandang kapatid nina daddy at tito.
Never ko pa siyang na-meet o nakita man lang. Hindi kasi siya dumadalo sa mga birthdays naming magkakapamilya. Wala pa akong muwang sa mundo no’ng mamatay ang anak nito sa isang car
accident bago ang ika-16 nitong kaarawan at si uncle lang 'yong nakaligtas.
Ilang araw pa lumipas ay sumunod naman ang asawa nito. Pinatay ito sa sarili nitong pamamahay at sabi ni dad, simula no’n, hindi na ito kailan man nagpakita sa kadahilanang siya ang main suspect sa nangyari.
Na-close rin naman ang case and he's pronounced as not guilty tho hindi parin nahanap kung sino man ang gumawa ng karumal-dumal na krimen na 'yon.
Nagulat nalang kami at bigla siyang tumawag kay daddy kahapon. Kailangan niya raw kasi akong ma-examine kung karapat-dapat daw ba akong magpalakad sa main business ng pamilyang Schönburg.
Lo and behold, uncle Jake. Malaki at matambok na HINDI po ang sagot ko diyan. Hindi ko alam kung anong klase siyang tao pero pakiramdam ko nakakatakot siya at ngayon palang naninindig na mga balahibo ko.
Pagkatapos ng hapag, eh, nag-usap pa muna sila saglit.
Mahaba at seryoso ang naging pag-uusap namin sa hapag pero kahit ni isang kataga na lumabas sa mga bibig nila, wala akong maalala.
Lumpasay kasi talaga ang utak kong iniimagine kung anong mangyayari sa birthday ko at baka ‘yon na ang huling birthday ko. Ayaw kong ipahiya parents ko pero pakiramdam ko talaga 'di ko kakayanin.
Ilang saglit na't umalis na sila.
“Don’t overthink things, honey.”
Napabuntong-hininga ako nang akbayan ako ni dad.
“I’m just scared, dad. What if uncle Jake won’t like me? Baka kasi may gawin siyang masama.” Parehas kaming nakatitig ni dad sa lugar kung saan namin huling nakita ang sasakyan nina tito Jude.
“Your uncle isn’t a bad person. It’s just that sometimes, justice won’t side with the truth, but then, he's free now.”
Napabuntong-hininga nalang ako. Oo nga naman. Maraming inosenteng nakukulong dahil sa pagiging unfair ng mundo and walang masnakakalilala kay uncle maliban sa mga kapatid niya so I trust
dad’s words.
Madaling lumipas ang mga araw hanggang sa dumating na ang pinakahihintay na araw ng mga Schönburg. Dumating ang parehong mga magulang nina dad at mom at ang mga business partners nila at ng sa amin. Puno ang bulwagan ng mga dugong maharlika suot-suot ang nag-gagandahan nilang mga
gown.
Hindi ko gamay ang takbo ng buong programa pero nakisabay na rin lang ako. Buti nalang at nandiyan lagi si Lise para i-guide ako. Nasa likod kami ngayon ng napakalaking kurtina kung saan ako natatabunan mula sa karamihan.
Bababa pa kasi ako ng staircase. Ewan ko nga lang talaga kung bakit dapat gano’n ang pag-introduce sa akin. Pwede naman sana akong maupo nalang doon sa baba bago pa
nagsidatingan ang mga bisita, eh. Pa-special masyado hmm.
Nasa iisang table lang sina daddy at sina tito at masaya silang nag-uusap. Namataan ko rin naman si Zhasha na tahimik at walang kae-emosyong nakatingin sa mga nag-iingayang mga bisita.
Ewan ko lang kung saan pumunta
‘yong si Zed at hindi ko siya mahagilap simula pa kanina.
“Hinga lang ng malalim, miss!” Sabi nito habang sinisenyasan akong kumalma. “Follow after me. Inhale… exhale!”
“’Wag mo’kong pinagloloko, Lise, ah! Kinakabahan na ako dito, eh!” Balisa kong sabi habang pinapaypayan ang sarili ko.
Muli akong sumilip kung saan si uncle Jake dapat maupo pero hanggang ngayon, wala parin siya.
“Sana naman hindi na siya dumating, Lise!”
“Gusto niyo po bang harangin ko ang sasakyan niya nang ‘di siya makadalo, miss?”
Napangiwi nalang ako sa naging suggestion niya’t taas-kilay siyang tinignan.
“Sana naman kumain ka ng maayos bago nagsimula ang lahat, Lise. Matagal 'tong matatapos."
“Eh? Bakit naman po, miss?” Inosente nitong tanong kaya napailing nalang ako.
Maya-maya pa’y umakyat na ang dalawang emcee at sinimulan ng i-welcome ang mga bisita hanggang sa tawagin na nila ako.
“Let’s welcome the most beautiful maiden in the crowd tonight—the only child of the fair Kanae and our beloved Mr. John—the birthday celebrant—Kanao Shané Schönburg.”
Sabay na sabi nilang dalawa na sinundan naman ng masigarbong palakpakan.
“Tinatawag ka na, miss Kanao!” Sabi pa ni Lise.
“Narinig ko naman, Lise. ‘Wag mo ng iulit. Lalagutan ako ng hininga sayo, eh!”
Humugot ako ng malalim na hininga bago lumabas. Mas lumakas ang palakpakan nang dahan- dahan akong maglakad pagitna sa dalawang emcees.
“Wow! Miss Kanao truly is an epitome of perfection." Sabi ng isang nasa kaliwa ko.
Nginitian ko lang siya ng matamis. Inabotan ako ng isang emcee ng microphone at tinanggap ko naman ito.
“G-good evening, ladies and gentlemen.” I started with an unsteady voice. Nanginginig ako’t ang lamig-lamig ng kamay ko.
Tumingin ako kay dad at parehas silang nag thumbs up ni mommy at sinenyasan akong magpatuloy. Ngumiti ako’t tumango.
“In behalf of the Schönburg family, I would like to thank you all for coming tonight and notice one of the most important times of being part of this clan. The little princess has finally turned out to be a fine queen and is ready to carry weights vested upon her. I, Kanao Shané Yagami Schönburg, swear upon the heavens and the earth to become a rightful heir of the company—”
“MISS KANAO!”
Hindi ako nakapagpatuloy sa pagsasalita nang biglang sumulpot si Lise sa harapan ko sunod ang pag-ugong ng napakalakas na putok. I’m don’t really know what happened next.
Ang alam ko lang ay bumagsak si Lises a harapan ko—covered with blood. Nagkagulo ang lahat ng
bisita.
Bumulabog ang hiyawan sa bulwagan. They’re all running for their lives, leaving me dumbfounded while staring at my lifeless best friend.
Wasak ang dibdib niya't halos 'di ko na siya makilala't natatabunan ng dugo ang kabuuan ng kanyang mukha.
“Miss Kanao! Come with us.” One of my guards pulled me away from the scene hanggang sa hindi na mahanap ng mga mata ko si Lise.
“No!”
Hinila ko ang kamay ko’t akmang bumalik kay Lise pero agad akong nahawakan ng isang guard na nasa likuran ko pero nagpumiglas parin ako hanggang tatlo na sila ang humawak.
“Let go! I should get back to Lise! I have to help her… she might die!”
“We were told by your dad to take you away from here, miss Kanao! They’re safe… don’t worry.”
Sagot ng isa sa kanila.
“But what about Lise?!”
Mangiyak-ngiyak kong tanong at umiling lang siya dahilan para tumulo ang mga luha ko.
“Tinamaan siya sa dibdib. Sorry, pero patay na siya." May isa pang guard ang nagsalita.
"She saved you, miss! So, don’t let her sacrifice be wasted. You have to live!”
Tuloy-tuloy lang sa pag-agos ang mga luha ko habang nakatingin sa kawalan. Isa-isa kong naaalala ang mga napagdaanan namin ni Lise.
I know this isn’t the right time, but I can’t help it. She died because of me! Napapikit nalang ako saka marahang tumango.
“I’m sorry, Lise. I’m really… really sorry!”
Dinala niya ako sa likuran ng bahay kung saan nakaabang ang itim na sasakyan. Malayo-layo pa kami ay matanaw ko si Zed.
“Faster!” Sigaw niya kaya mas binilisan ko ang pagtakbo ko.
“W-where are your family?” Garalgal ang boses ko pero pinilit ko paring magsalita.
“Don’t worry… susunod lang sila.” Sabi ni Zed saka ako inalalayang pumasok sa loob ng van.
“But, before that…”
Nanlaki ang mga mata ko nang bigla siyang humugot ng baril mula sa likuran niya’t hinarap ang tatlong guards na umalalay sa akin saka sila isa-isang binaril.
Napatakip ako ng bibig sa gulat. Hindi ako nakagalaw nang marinig kong tumawa ng mahina si Zed saka ako dahan-dahang hinarap. Nakangisi siyang hinipan ang hawak niyang baril.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro