ChΓ o cΓ‘c bαΊ‘n! VΓ¬ nhiều lΓ½ do tα»« nay Truyen2U chΓ­nh thα»©c Δ‘α»•i tΓͺn lΓ  Truyen247.Pro. Mong cΓ‘c bαΊ‘n tiαΊΏp tα»₯c ủng hα»™ truy cαΊ­p tΓͺn miền mα»›i nΓ y nhΓ©! MΓ£i yΓͺu... β™₯

PROLOGUE

"Ma sandali!!!" Sigaw ko kay mama.

"Huwag mo akong masigaw- sigawan Macy!" Sigaw pabalik ni mama habang sinisilid sa malaking bag ang mga damit ko.

Gusto niya akong palayasin dahil sa katangahang ginawa ko.

Hindi ko naman kasi alam na mabubuntis ako eh. Alam ko tanga ako sa part na nakaligtaan kong inumin ang isang tableta sa pills na iniinom ko.

"Anong nangyayari?" Tanong lang nang kakapasok na si papa.

"Oh Rodolfo nandito ka na pala, iyang tanga mong anak buntis! Hindi na ako magtataka kung kanino iyan nagmana!" Sigaw ni mama.

"Imelda huwag ka ngang ganyan sa anak natin." Turan ni papa at lumapit sa akin.

"Anak natin? Anak mo lang Rodolfo!" Sigaw na naman ni mama.

Matagal ko ng alam na hindi ako anak ni mama, dahil anak ako ni papa sa labas. Kinuha daw ako ni papa sa tunay kong ina dahil napapabayaan na ako nito. Akala ko noon ay matatanggap ako ng tunay na asawa ni papa pero mali pala ako. Dahil simula nung maliit pa ako ay palaging pinaparamdam sa akin ni mama na sampid lang ako.

"Totoo ba ang sinasabi ng mama mo anak?" Malumanay na tanong ni papa.

Wala akong ibang nasagot kundi hikbi. Ayokong ma disappoint si papa sa akin pero alangan namang ipalaglag ko ang bata.

Dahan-dahan akong tumango habang nasa sahig ang tingin. Buntong-hininga ni papa ang agad na narinig ko samantalang puro mura naman ang narinig ko mula kay mama.

"Palayasin mo iyang anak mo dito Rodolfo, ayokong makarinig ng kung anu-anong chismis mula sa mga kapitbahay natin na disgrasyada iyang anak mo!" Nanggagalaiti sa galit na sigaw ni mama.

"Sa tingin mo Imelda, hindi pa ba malalaman ng mga kapitbahay natin iyang sinasabi mo? Eh parang may trumpa iyang bunganga mo!" Sigaw pabalik ni papa.

"Papa tama na po," tanging saad ko.

"Pumasok ka muna sa kwarto mo anak, kakausapin ko lang ang mama mo." Utos ni papa na agad ko namang sinunod.

Pagka-akyat ko sa kwarto ay tinignan ko ang sarili ko sa salamin.

"Sa lahat ng top student ikaw ang tanga Macy," saad ko sa sarili ko.

Kahit naka sarado na ang pinto ng kwarto ko ay rinig na rinig ko parin ang away ni mama at papa.

"Hindi ako papayag na dumito sa bahay ko iyang bastarda mo Rodolfo! Kung noon ay tinanggap ko iyan ngayon hindi na. Ano isisiksik niya rin dito iyang magiging anak niya!"

"Pwede ba Imelda, nakakasigurado naman ako na papanagutan siya ng lalaking nakabuntis sa kanya."

Sa sinabing iyon ni papa ay napaiyak na naman ako.

'Nagkakamali ka papa, sapagkat ayaw niya sa anak niya.'

Patuloy sa pag aaway sina mama at papa ng biglang...

"Rodolfo, anong nangyayari sa'yo?" Natatarantang sigaw ni mama.

Pagkarinig ko niyon ay agad akong lumabas ng kwarto.

"Ma, anong nangyari kay papa?" Agad kong tanong.

"Huwag ka ng magtanong tumawag ka ng ambulansya!" Sigaw ni mama sa akin.

Agad akong nagdial sa cellphone ko. Makalipas ang 15 minutes ay dumating na ang ambulansya. Agad nilang isinakay si papa sa stretcher at inilabas sa bahay.

Pagkalabas namin ay iilang magkakapares na mata ang nakita kong nakatingin sa amin na agad ding nag iwas ng tingin nang sumigaw si mama.

Akmang aakyat ako sa loob ng ambulansya ng hilain ako palabas ni mama.

"Huwag kang sumama sa amin bwesit kang babae ka! Kapag may nangyaring masama sa ama mo malilintikan ka sa akin!" Mga sinabi niya bago isara ang pinto ng ambulansya.

Agad naman akong nagtawag ng taxi para sumunod sa ospital. Sa loob ng taxi ay dasal lang at iyak ang tanging nagawa ko.

Diyos ko huwag niyo namang kunin sa akin ang natitirang kakampi ko.

Oo, si papa na lang ang kakampi ko sa bahay dahil ang mga ate ko ay may galit din sa akin. Maliban kay kuya Jordan na panganay na anak nila mama at papa. Subalit nasa ibang bansa na si kuya at may sarili na ring pamilya.

Pagkarating ko ng ospital ay agad kong hinanap ang kwarto ni papa. Nang makita ko na ito ay dali-dali akong pumasok.

Isang malakas na sampal ang agad na isinalubong ni mama sa akin.

"Anong ginagawa mo dito bastarda ha?!"

"Ma, gusto ko pong makita si papa." Saad ko habang hinahaplos ang pisngi kong sumasakit dahil sa sampal niya.

"Lumabas ka ditong bwesit ka." Sigaw ni mama habang kinakaladkad ako palabas ng kwarto ni papa. "At isa pa, huwag mo akong tawaging mama hindi kita anak!"

Pagkalabas ng kwarto ni papa ay agad akong umupo sa mga upuang nakahilira. Inalala ang sinabi ko kay Jesser kanina tungkol sa pagbubuntis ko.

"Jesser pwede ba tayong magkita?" Agad na tanong ko pagkasagot niya ng tawag.

["Bakit Macy is there a problem?"] Tanong niya.

"May sasabihin lang ako sa'yo,"

["Hindi mo ba pwedeng sabihin iyan through phone?"]

"Importante kasi Jess eh,"

["May inaasikaso pa kasi akong prenup shoot so I can't meet you today."]

"P-pwede ba kitang puntahan na lang diyan?"

["Ahmmm, sure I'll just text you the address."]

Pagkapatay ng tawag ay agad akong nakareceive ng text sa kanya.

Pagka tanggap ko ng text ay pumunta agad ako sa address na binigay niya.

Pagkarating ko tinext ko siya. Maya-maya ay nakita ko na siyang papalapit sa akin.

"I just ask for a 20 minutes break, glad they allowed me. Ano pala ang sasabihin mo sa akin?" Tanong niya habang naglalakad kami papuntang cafe ng hotel kung saan ginaganap ang photoshoot.

Sa halip na magsalita ay ibinigay ko sa kanya ang isang maliit na paper bag. Agad niya naman itong tinanggap.

"What is this? A gift? It's not my birthday yet and hindi pa naman natin monthsarry as fubu right?" Takang tanong niya.

Hindi ako nagsalita sa halip ay tinitigan na lang siya sa kung anong magiging reaksyon niya kapag nakita niya ang loob ng paper bag.

Agad na nag iba ang expresyon ng mukha niya nang mapagtanto kung ano ang laman nito.

"Teka Macy, paano nangyari ito? You are taking pills right? How come you are pregnant?" Sunod sunod na tanong niya.

"I forgot to tell you, I skipped one pill." Sa sinabi kong iyon ay malalim siyang napa buntong-hininga. "Hindi ko naman kasi alam na kapag nag skip ng isa ay uminom ng dalawa sa araw na iyon. I thought ay okay lang."

"Aren't you thinking Macy? Matagal ka nang umiinom ng pills, paanong nakalimutan mo pa?!" Sigaw niya.

Napayuko na lang ako sa reaksyon niya. I thought he will be happy. Almost 2 years na kaming mag fubu.

"So what's your plan?" Tanong niya sa akin. "I can't be a father to that child Macy, so I do suggest ipalaglag mo na lang iyan."

Sa sinabi niya iyon ay hindi ko napigilan sapakin siya. "Ipalaglag? Jesser anak mo ito! Tam*d mo ang rasun kung bakit nabuo ito!"

"So kasalanan ko pa? It is your fault Macy kasi simpleng pag inom na nga lang ng pills ay nakalimutan mo pa!" Matigas na saad niya.

Magsasalita na sana ako ng biglang may tumawag sa kanya na magsisimula na ulit ang shoot.

"Tatawagan kita bukas, mag uusap tayo." Tanging sinabi niya bago umalis.

Nasa kalagitnaan ako ng pag iyak habang iniisip ang mga sinabi kanina ni Jesser ng biglang may mga doctor na sunud-sunod na pumasok sa kwarto ng papa ko.

Agad akong pumasok sa kwarto ni papa, subalit lumabas din ulit dahil pinalabas kami ng doctor.

Wala pang limang minuto ay agad na lumabas ang doctor ni papa.

"We are so sorry Mrs. Antonio but we did everything, so sorry for your loss."

Sa sinabing iyon ng doctor ay gumuho ang mundo ko.

Paano na ako? Gayong nawala na ang kakampi ko? Paano na kami ng anak ko?

BαΊ‘n Δ‘ang đọc truyện trΓͺn: Truyen247.Pro