ChΓ o cΓ‘c bαΊ‘n! VΓ¬ nhiều lΓ½ do tα»« nay Truyen2U chΓ­nh thα»©c Δ‘α»•i tΓͺn lΓ  Truyen247.Pro. Mong cΓ‘c bαΊ‘n tiαΊΏp tα»₯c ủng hα»™ truy cαΊ­p tΓͺn miền mα»›i nΓ y nhΓ©! MΓ£i yΓͺu... β™₯

CHAPTER 9

Ngayon ang araw ng balik ko sa Resto Grill na ayon sa kwento ng manager nito ay pag aari ng Mama ko.

"Sigurado ka ba na hindi na kita sasamahan?" May pag aalalang tanong ni Aranya.

"Oo Ara, magiging ayos naman ako. At isa pa naabala na kita no'ng nakaraan eh," saad ko.

"You were never a nuisance Cy." Sagot nito at kumuha ng green apple sa lamesa.

Nasa kusina kasi kaming dalawa, ako ay nag aagahan habang itong isa ay tanging oatmeal lang ang kinakain.

"I'll take care of Mier na lang, since wala naman akong pupuntahan today." Saad niya na ikinatango ko.

"Thank you for everything, Ara." Sagot ko at ngumiti, ngumiti rin siya pabalik sa akin.

"Oh siya, you have to go na. It's better for you to be early than late," pagtataboy niya.

Pagkatapos kong kumain ay nag toothbrush na ako at bumalik sa kwarto namin ni Mier at nag umpisa nang ayusin ang sarili ko.

"Wish me luck anak, sana makita ko na ang Lola mo." Saad ko habang hinahaplos ang mukha ng anak kong mahimbing na natutulog sa crib niya.

Hinawakan ko ang dulo ng crib at inalala ang araw na nakita ko si Jesser kasama si Selena.

Araw kung kailan nakuha ko ang gusto ko dahil kay Ara, which is Mier's crib.

Napangiti ako sa naisip ko.

Inihabilin ko kay Ara si Mier bago ako umalis.

Nagcommute na lang ako papuntang Resto Grill. Pagkarating ko doon ay isang matamis na ngiti agad ang isinalubong sa akin ng Manager.

"Magandang umaga po." Pagbati ko sabay ngiti.

"Magandang umaga rin hija, pumasok ka na sa loob. Maya maya ay nandito na ang hinahanap mo," saad niya na agad ko namang sinunod.

Pagkaupo ko akala ko ay aalis na siya pero umupo rin siya sa harapan ko. Nagkwentuhan kami ng kung anu-ano hanggang sa napunta kay Mier ang usapan namin.

"Ibig sabihin may apo na pala si Madam V. Akalain mo naman oh, kasing edad mo rin siya noong ipinanganak ka niya." Saad niya at ngumiti ng pagkalawak.

"Sana po ay matanggap niya ako," sagot ko.

"Mabait si Victoria Hija, kaya paniguradong matatanggap ka niya."

Sasagot pa sana ako ng may lumapit sa aming service crew.

"Miss O, nandito na po si Madam." Magalang na saad nito at ngumiti.

"Nasaan siya?" Tanong ni Miss O.

"Nasa office niya na po," magalang na sagot nito.

Tumango naman si Miss O at sumenyas na pwede nang umalis ang service crew. Nag bow muna ito sa amin bago umalis.

"Let's go na Hija, panigurado excited na ang Mommy mo na makita ka." Saad nito at tumayo.

Nagpatiuna siya sa paglalakad kaya kinakabahan naman akong sumunod sa kanya.

Sa utak ko ay napakaraming 'what ifs'.

What if hindi niya ako tanggapin?

What if itaboy niya ako?

"Huwag kang kabahan." Saad ni Miss O at ngumiti bago binuksan ang pinto ng office ni Mama.

"Victoria, nandito na ang matagal mong hinahanap." Saad ni Miss O pagkapasok namin.

Pagkaapak ko pa lang sa office ni Mama ay agad siyang lumapit sa akin.

"Can you turn around?" Malumanay na saad niya na agad ko namang sinunod.

Pagkatalikod ko ay hinawi niya ang buhok ko na nakatakip sa likuran ng tenga ko. May kung ano siyang tinignan doon bago niya ako hinarap sa kanya at niyakap ng mahigpit.

"Ikaw nga Candida ko." Umiiyak na saad ni Mama.

Noong una ay hindi ako makagalaw, para akong naestatwa sa kinatatayuan ko.

Pero maya-maya ay gumanti na ako ng yakap sa kanya.

"Mama ko..." umiiyak na sambit ko.

"I've been searching for you for almost 20 years my unica hija." Saad niya pagkahiwalay niya ng yakap sa akin.

Iginiya niya ako paupo sa isang malaking sofa sa loob ng opisina niya.

Hindi ako makapagsalita ulit. Parang nawalan ako ng boses habang nakatitig lang sa kanya.

"Don't question me on how I recognized you. You have a birth mark sa likod ng tenga mo, hugis kalahating buwan ito."

Sa sinabi niya ay nagtaka ako. Sa loob ng 20 years ay hindi ko alam na may birth mark ako sa likod ng tenga ko.

"So how are you? Inalagaan ka ba ng mabuti ng Papa mo? Hindi ka ba niya pinabayaan? Pinaaral ka ba niya? How is his wife treating you? Where is your Papa?" Sunud-sunod na tanong ni Mama.

"Wala na po si Papa, Ma. Inatake po siya sa puso noong nag away sila ni Mama Imelda," malungkot na sagot ko. "Ang sabi niyo po ay hinanap niyo ako? Pero bakit hindi niyo po ako natagpuan?"

"Hinanap talaga kita anak, pero wala akong makalap na impormasyon tungkol sa'yo." Sagot ni mama habang hinahaplos ang buhok ko.

"Kanina po ay tinawag niyo akong Candida?" Tanong ko.

"Because that is your real name," sagot niya.

"M-Macy po ang pangalan ko Ma," saad ko.

"So ibig sabihin pinalitan nila ang pangalan mo. Kaya pala hindi kita mahanap," may bahid ng galit na saad ni Mama.

Nagkwentuhan pa kami ni Mama. Ikenwento niya sa akin ang lahat.

At sa mga narinig ko ay nagkaroon ako ng kunting tampo kay Papa. Hindi totoong pinabayaan ako ni Mama. Dahil ang totoo? Kinuha ako ng Papa kay Mama.

"So where are you staying right now?" Tanong ni Mama.

"Ah sa kaibigan ko po Ma, doon po kami nakikituloy."

"Kami? Sino ang kasama mo? Do you have a husband na ba?" Sunud-sunod na tanong ni Mama.

"Ah... wala po Ma,"

"Eh sino ang kasama mo?" Nakakunot noo na tanong niya.

"A-Anak ko po Ma," nauutal na sagot ko.

"You have a child?" Gulat na tanong ni Mama. Marahan naman akong tumango. "Oh my ghad... may apo na ako? Babae ba o lalaki?"

"Babae po,"

"Can I see her?" Nakangiting tanong niya.

Tumango naman ako at inilabas ang cellphone ko.

"Oh my dear, not on phone. I want to see her in person." Saad ni Mama at pinigilan ako sa ginagawa ko.

"S-Sure po, kailan po ba kayo libre?" Tanong ko.

"Anytime for you and my apo, anak." Sagot ni mama at hinawakan ang kanang kamay ko. "I want you to live with me, kayong dalawa ng apo ko. Ayoko nang magkahiwalay pa ulit tayo."

Sa sinabing iyon ni Mama ay napaluha ako.

Is this true? Nahanap ko na at makakasama ko na ang Mama ko.

BαΊ‘n Δ‘ang đọc truyện trΓͺn: Truyen247.Pro