ChΓ o cΓ‘c bαΊ‘n! VΓ¬ nhiều lΓ½ do tα»« nay Truyen2U chΓ­nh thα»©c Δ‘α»•i tΓͺn lΓ  Truyen247.Pro. Mong cΓ‘c bαΊ‘n tiαΊΏp tα»₯c ủng hα»™ truy cαΊ­p tΓͺn miền mα»›i nΓ y nhΓ©! MΓ£i yΓͺu... β™₯

CHAPTER 8

Welcome to the Christian World!

5 months na ngayon si Heymier and ngayong araw din ay ang binyag niya. Iilang bisita lang ang meron kami dahil ayoko ng magarbong handaan.

Mga kaklase, mga guro at mga kaibigan ko lang ang nandito.

"Ang pretty niya ate, sobra." Saad ni Ashley at mahinang kinurot si Mier.

"Huwag mong kurutin hoy!" Saway ni Ashton.

"Hanggang dito ba naman mag aaway kayong dalawa? Nakakahiya aba!" Saad ni Amenthyst.

Binilatan ni Ashley si Ashton, samantalang ito naman ay umamba ng batok sa kanya.

"Tigil na aba!" Saway ulit ni Amenthyst.

"Oh tama na, baka magsapakan pa kayo dyan. Pumunta na kayo dun sa table niyo." Saad ko at tinuro ang table nila.

Agad naman silang sumunod sa sinabi ko. Ako naman ay lumapit na kanila Homer.

"Akin na muna si Heymier, asikasuhin mo muna ang ibang bisita." Saad ni Homer at kinuha sa akin si Mier.

Nakita ko sa isang sulok si Tita Socorro kaya agad ko siyang nilapitan. Ito na yata ang tamang pagkakataon para kausapin ko siya tungkol kay mama.

"Tita? Pwede po ba kitang makausap?" Tanong ko agad pagkalapit.

"What is it hija?"

"Alam ko po na nakukulitan na po kayo sakin kasi po paulit-ulit na po ako, pero Tita gusto ko po talagang makilala ang Mama ko," pag-uumpisa ko.

"So ano ba ang gusto mong malaman?"

"I want to know my Mother's name Tita," saad ko.

"Your Mom is Maria Victoria Moreno, she is a former waitress sa Bar na dati niyang pinapasukan. Pero simula noong nakilala ko ang Tito Salvador mo at umalis ako sa Bar na iyon ay wala na akong balita sa kanya."

"Bar? Ano po ang pangalan ng Bar, Tita? At tama po ba ang rinig ko, waitress po si Mama?" Tumango si Tita Socorro. "Ang sabi kasi sa akin nila Mama Imelda pokpok daw po si Mama."

"Hindi pokpok ang Mama mo Macy, waitress siya at ang Papa mo lang ang nag iisang lalaki sa buhay niya. Secret Heaven, iyan ang pangalan ng Bar na dating pinagtratrabahuan namin. Pero ngayon hindi ko na alam kung ano na ang pangalan nito. Ibibigay ko sa'yo ang address ng Bar. Subukan mong puntahan, Hija."

Agad naman akong tumango tsaka ngumiti. Uumpisahan ko na ang paghahanap kay Mama, sana ay tanggapin niya ako. Sana ay hindi niya ako ipagtabuyan.

Natapos ang binyag ni Mier na sobrang saya ko. Hindi lang dahil sa successful ang binyag ni Mier, idagdag pa ang mga impormasyon tungkol sa Mama ko.

"So kailan ka mag uumpisa?" Tanong ni Ara habang karga ang anak ko.

"Bukas na bukas din Ara, ayokong magsayang ng panahon." Sagot ko at tinignan ang papel na may address ng Bar na pinagtratrabahuan ni Mama noon.

"You want me to come with you?" Tanong niya.

"Can you?"

"Of course, wala naman akong gagawin bukas eh. Ma bo-bored lang ako dito sa bahay."

"Pero paano si Mier?" Tanong ko agad. Wala pa lang magbabantay sa anak ko.

"I can take care of her. Magkasundo naman kami niyan eh." Sulpot ni Homer at kinuha si Mier kay Ara. Noong una ay ayaw niya pang ibigay pero mapilit si Homer kaya no choice siya.

"There your problem is solve, Tito Daddy is to the rescue." Saad ni Ara at kinindatan si Homer.

Tito Daddy at Tita Mommy and gusto nilang itawag ni Mier sa kanila, hindi na ako nakipagtalo pa kasi panigurado panalo na naman silang dalawa.

KINABUKASAN...

Ngayong araw na kami mag uumpisa sa paghahanap kay Mama.

"Are you ready?" Agad na tanong ni Ara kaya tumango ako.

Ilang minuto din ang iginugol namin bago namin narating ang address na sinasabi ni Tita Socorro. Pagka-park ni Ara ay bumaba kami agad.

"Serenity Haven Resto Grill," basa ko sa nakasulat sa itaas ng mismong Bar na sinabi ni Tita.

"Nag iba na pala ang pangalan. Baka iba na rin ang may ari," saad ni Ara kaya nilingon ko siya.

Akmang maglalakad na kami papasok ng mayroon akong nabunggong babae. Tingin ko ay nasa early 40's na ito.

"Pasensya na po Ma'am, hindi ko po sinasadya." Paghingi ko ng paumanhin at tinulungan siya sa pagpulot ng mga dala niyang paper bag.

"It's okay hija, I don't mind. Just next time tumingin ka na lang sa dinadaanan mo ha." Saad niya na nakangiti at kinuha ang iba niyang dala na hawak ko.

Humingi pa ulit ako ng pasensya bago tuluyang pumasok sa loob. Pagkapasok namin ay isang service crew ang agad na sumalubong sa amin.

"Magandang araw po mga Miss, may reservation po ba kayo?" Tanong nito sa amin.

"Ah no, but do you mind if we just walk in?" Tanong ni Ara.

"Ah okay lang naman po Miss, this way po." Saad niya at iginiya kami sa isang table na good for two.

Nagpasalamat naman kami bago umupo.

"Kain muna tayo before tayo mag tanong sa kanila. I didn't eat breakfast eh." Saad ni Ara at tumingin sa menu. Kaya sinunod ko na rin siya. Sa totoo lang kasi dahil sa sobrang excitement ay hindi rin ako nakapag almusal.

Pagkatapos naming kumain ay hiningi na ni Ara ang bill habang ako naman ay lumapit sa counter.

"Pwede pong magtanong?" Bungad ko sa kahera.

"Ano po iyon?" Anito.

"May kilala po ba kayong Maria Victoria?" Tanong ko.

"Ah si Madam V po ba ang tinutukoy niyo?" Tanong nito.

"Madam V?" Naguguluhang tanong ko.

"Opo, siya po ang may ari ng Resto Grill na ito." Sagot niya sa akin at inasikaso muna ang isang crew na nagbigay ng bayad.

"Sino kamo ang hinahanap mo hija?" Tanong sa akin ng babaeng tingin ko ay kasing edad lang ng babaeng nakabangga ko kanina.

"Ahm Manager Olga, hinahanap niya po si Madam V." Singit ng kahera at nagbigay ng sukli sa crew na naghihintay.

"Ano naman ang kailangan mo kay Victoria? Mag aapply ka ba? Sayang kakaalis niya lang." Turan ng babaeng nag ngangalang Olga.

Kakaalis? Hindi kaya siya yung babaeng nakabangga ko kanina?

"Ah itatanong ko lang po niya po si Socorro?" Tanong ko. Hindi ko alam kung bakit ang pangalan ni Tita Socorro ang naisambit ko imbes na ang pangalan ni Papa.

"Si Socorro? Ay oo kilala namin iyon. Dating kasama namin iyon sa trabaho. Itong Resto Grill na ito ay dating Bar." Saad niya at lumabas sa counter.

Iginiya niya ako papunta sa isang table malapit sa counter.

"Paano mo nakilala si Socorro?" Tanong nito sa akin pagka upo namin.

"Siya po at ang pamilya niya ang kumupkop sa akin noong pinalayas ako ng step mother ko," sagot ko.

"Inirekomenda ka ba niya rito para magtrabaho? Ang kaso wala kaming bakante eh. At sa tindig mo ay hindi ka naman bagay maging service crew, over qulified ka hija." Sagot niya sa akin at ngumiti.

"Anak po ako ni Rodolfo," sa sinabi kong iyon ay natigilan siya.

"A-anong sinabi mo?" Hindi makapaniwalang tanong niya.

"Anak po ako ni Rodolfo kay Maria Victoria." Diretsong sagot ko ng hindi inaalis ang tingin ko sa mga mata niya.

"B-bukas bumalik ka dito ng alas dyes ng umaga. Huwag kang male-late hija," saad nito na nakangiti.

Sa sinabi niyang iyon ay parang kinabahan ko. Ano ang ibig niyang sabihin? Kahit naguguluhan ay tumango ako.

Mama? Sana nga ikaw na...

BαΊ‘n Δ‘ang đọc truyện trΓͺn: Truyen247.Pro