CHAPTER 7
Graduation day!
Ito na ang araw na pinakahihintay ng lahat ng college students lalo na ako. Dahil ngayong buwan din ay kabuwanan ko.
"Sa lahat ng buntis Cy ikaw yata yung nag bo-blooming. Kadalasan kasi sa buntis na kilala ko ay pumapangit," pangungutya ni Homer.
"Babae kasi ang anak niya." Sagot ni tita Socorro habang inaayos ang suot kong toga.
"May point ka diyan Mom," sang ayon ni Aranya.
"Let's go guys, baka ma-late pa tayo." Singit ng kakapasok lang sa kwarto kong si tito Salvador.
"Ah basta, ako ang sasabit ng medal mo mamaya Macy." Pahabol ni tita Socorro pagkalabas namin ng kwarto ko.
"This is it Cy, graduate ka na." Saad ni Aranya at niyakap ako.
Ngumiti naman ako at pumasok na sa sasakyan.
Sa covered court ng eskwelahan namin ginanap ang graduation.
"Let us all welcome, our batch Summa Cum Laude Macy Antonio." Saad ng emcee na nasa stage.
Yes, I am the Summa Cum Laude. Oh diba ang talinong tanga.
Umakyat na ako ng stage para magbigay ng speech.
"Unang una sa lahat, gusto kong pasalamatan si God. Sa patuloy na pagbigay niya sa akin nang lakas ng loob para malampasan ang lahat ng mga pagsubok na dumaan sa aking buhay at sa pagbigay sa akin ng mga taong hindi ako pinabayaan." Tinignan ko ang pamilya ni Homer. "Sa pamilya Friedrich na kinupkop ako at itinuring na parte ng kanilang pamilya hindi ko po alam kung makakaya ko ang lahat ng ito kung hindi dahil sa supurta at gabay niyo. Sa mga kaklase ko na sinabayan ako sa mga trip ko, lalo na sa paglilihi ko. Sa mga professor ko na inintindi ang sitwasyon ko, maraming maraming salamat po. At sa mga... argh!" Hindi ko na naipatuloy ang pagsasalita ko ng biglang sumakit ang tiyan ko. "H-homer..." Sambit ko habang nakahawak sa tiyan ko.
Nakita ko naman kung paano biglang tumayo si Homer at tumakbo sa taas ng stage.
"Are you okay?" Agad na tanong niya pagkalapit niya sa akin.
"M-manganganak na yata ako," saad ko dahilan para magsitayuan ang lahat lalo na si Aranya at ang magulang nila.
Nakalimutan ko nakatuon pala sa akin ang mic dahilan para marinig ng lahat.
Agad naman akong binuhat ni Homer ng pa bridal style.
"Just calm down okay? Don't panic sweetie," si Tita Socorro ang nagsalita.
Tanging tango lang ang isinagot ko dahil sobrang sakit na ng tiyan ko.
Pagkarating namin sa parking lot ay agad kaming pumasok sa Van na dala nila at dumiretso na sa hospital.
Hawak-hawak ako ni Aranya sa kabilang braso habang si Homer naman ang nakaalalay sa akin.
Ilang sandali pa ay narating na rin namin ang hospital.
Pagdating namin ay agad akong isinakay sa stretcher at idiniretso sa emergency room. Kailangan pa raw mag fill up para maidala ako sa delivery room.
"Just relax Macy, inaasikaso na nila Mommy ang needs mo." Sambit ni Aranya na hinahaplos ang noo ko.
"You and your baby will be fine Cy, you both are strong." Nakangiting saad ni Homer na nakatayo sa likod ni Aranya.
Tanging pag ngiti lang ang nasasagot ko sa kanilang dalawa dahil sa nag le-labor na ako.
Maya-maya pa ay dinala na ako sa delivery room.
"Mommy, relax ka lang po ha. Kapag sinabi pong push ay umire kayo agad." Saad ng Doctora na nag aasikaso sa akin.
"One, two, push!!" Utos niya.
"Arghhhh!" Sigaw ko habang umiire.
"Malapit na po Mommy, isa pa push!" Utos niya naman ulit na agad kong sinunod.
Ilang ire pa ay narinig ko na ang iyak ng anak ko.
"Congratulations, Mommy. You got a healthy and beautiful baby girl." Saad ng doctor na may karga sa anak ko.
"Anak ko," mahinang saad ko.
Ilang sandali ay naramdaman ko ang pagbigat ng talukap ng mga mata ko.
*****
Nagising ako dahil sa ingay ng paligid ko. Pagkadilat ng mga mata ko ay si Homer agad ang nakita ko, karga-karga nito ang anak ko.
"Homer," mahinang sambit ko dahil hindi pa ako nakakabawi ng lakas.
"You're finally awake." Si Ara ang sumagot at lumapit sakin. "Your daughter is so pretty Cy.
Lumapit naman sa akin si Homer at inilapag ang anak ko sa tabi ko. "So what is her name?" Tanong niya.
"Heymier Jessica," sagot ko.
"What a unique name. Ninang ako ha," saad ni Aranya kaya ngumiti ako.
"Syempre ikaw pa ba." Sagot ko at hinaplos ang mukha ng anak ko. "Hi, Mier I'm your Mommy."
Tumulo ang luha ko ng makita ang pag ngiti ng kanyang mapupulang labi.
"Omygash, she smiled. Sayang I didn't captured it," may arting saad ni Aranya.
"Marami pang pagkakataon Ara, for now hayaan muna nating magpahinga si Macy." Saad ni Homer at niyaya palabas ang kapatid.
Agad namang sumunod si Ara sa kanya.
"I'm so sorry if hindi ka magkakaroon ng buong pamilya anak, sorry kasi wala kang makikilalang Daddy. Pero promise ni Mommy gagawin ko ang lahat para lang maipadama ko sa'yo na walang kulang sa pagkatao mo. I will make sure you will have great future." Kausap ko sa anak ko habang nakahawak sa maliit niyang kamay. "Wala ka mang Daddy ay meron ka namang Mommy na magmamahal sa'yo higit pa sa pagmamahal na ibinigay ko sa sarili ko. Gagawin ko ang lahat para sa'yo anak ko."
Kinuha ko ang cellphone ko na nasa side table at pinicturan si Heymier. Ginawan ko rin siya ng sarili niyang social media account. Wala akong plano na ikahiya o itago si Heymier.
"Welcome to the world full of cruelty, my precious Heymier Jessica"
Iyan ang inilagay ko sa caption at pinost. Tinag ko sila Homer at Aranya kasi paniguradong magtatampo ang dalawang iyon kapag hindi ko ginawa.
Maya-maya pa ay binuksan ko naman ang account ko at ipinost ang picture ni Heymier.
"Life really is so cruel and unfair. But having you in my side right now is the most special thing that happened to me."
Iyan ang inilagay ko sa caption sa ginawang profile picture ko which is ang picture ni Heymier.
Wala akong pakialam kung ano man ang maging reaksyon ng mga taong humusga sa akin. Having Heymier Jessica is a blessing.
Bแบกn ฤang ฤแปc truyแปn trรชn: Truyen247.Pro