CHAPTER 6
Lunes na naman ibig sabihin may klase na naman. Pero ako ito tinatamad tumayo. Kanina pa nga ako ginising ni Aranya pero nagkunwari pa akong humihilik. Parang hindi ko feel bumangon ngayon. Ah basta tinatamad ako.
"Macy, it's already 7 am may pasok ka pa." Dinig kung sigaw ni Homer mula sa labas ng pinto sabay katok.
"Tinatamad nga kasi ako!" Sigaw ko.
"Kapag hindi ka pumasok ngayon hindi ako bibili ng gummy bears! Bahala ka diyan!" Sigaw niya ulit.
Agad naman akong nabuhayan ng loob sa sinabi niya. Gummy bears na ang usapan eh, natakam ako agad.
"Oo na, ito na babangon na!" Nagkukunwaring napilitan kong sigaw.
Agad akong nag ayos ng sarili ko, syempre naligo ako ha baka sabihin niyo kambing ako. Pero teka? Diba ang kambing naliligo rin kapag umuulan? Ay ewan basta naligo ako.
"Oh I thought tinatamad kang bumangon?" May pangungutyang tanong ni Aranya habang kumakain.
"Naalala ko may long quiz pala kami kay sir Ronald." Pagdadahilan ko at umupo na sa upuan.
Agad akong nagsandok ng sinangag at kumuha ng bacon.
"Sus nagdadahilan pa, eh ginanahan ka lang naman noong narinig mo ang gummy bears eh." Sabad ni Homer na natatawa.
"Chee!" Tanging sagot ko lang.
Nang matapos na kaming kumain ay sinabi ni Homer na hindi niya ako mahahatid kasi may urgent meeting daw sila sa Company nila. Pero si Aranya naman ang maghahatid sa akin.
"Fasten you seatbelt," utos niya pagkapasok ko sa sasakyan niya.
"Alam ko." Mataray kong sagot at umirap pa.
"Hoy babae! Makairap ka wagas ah. Kung hindi ka lang buntis dinakot ko na yang mga mata mo!" Maldita nitong saad kaya ngumiti ako ng pagka tamis-tamis. "I said don't smile like that ang creepy mo."
Maya-maya pa ay nakarating na kami sa school ko.
"I will fetch you after your class, and hey don't talk to strangers. Okay?" Habilin niya.
"Opo mama." Saad ko at binilatan siya. Nakita ko pa ang pagtaas ng middle finger niya kaya tumawa ako ng malakas bago pumasok sa gate.
"Morning buntis," bati ni kuya guard.
"Morning kuya." Nakangiting sagot ko at dumiretso na sa classroom ko.
"Morning ate Cy," agad na bati ng mga kaklase ko.
"Ate, kanina pala may naghahanap sa'yo dito." Saad ni Amenthyst pagkalapit niya sa akin.
"Sino naman daw?" Taka kong tanong.
"Jesser daw pangalan niya ate," si Roann ang sumagot.
Sa sinabi niyang iyon ay natigilan ako. Ano ang ginagawa ng lalaking iyon dito?
"Pero ate, umalis din siya agad nung sinabi namin na hindi ka papasok." Sagot naman ni Eros na kumakain ng piatos. Nagchat kasi ako kanina sa gc namin na hindi ako papasok kasi tinatamad ako.
"Pero ate sabi niya babalik daw siya. Hiningi niya pa nga kay Erich yung number mo eh, kaso pinigilan ni Ma'am Jonah si Erich na ibigay kasi bawal daw iyon. Lalo na at hindi naman kami sure if kilala mo talaga siya," mahabang paliwanag ni Niel.
Tumango naman ako at umupo sa upuan ko.
"Pero ate kilala mo ba iyon?" Tanong ni Ashley.
"Hindi," tanging sagot ko lang.
Hindi, hindi ko na siya kilala matapos ang araw na iyon. Binura ko na siya sa buhay ko... sa buhay namin ng anak ko. At ayoko na siyang makita o makausap muli.
Natapos ang buong araw na puro si Jesser ang iniisip ko. Kung bakit siya pumunta dito? Kung ano ang dahilan niya bakit niya ako hinahanap?
"Are you okay?" Hindi ko namalayan na nasa tapat ko na pala si Aranya.
"He is here," tanging nasabi ko. Alam ko na alam ni Aranya kung sino ang tinutukoy ko.
"Nagkita kayo?" Tanong niya ulit habang naglalakad na kami palabas ng gate.
Umiling ako. "Hindi ko siya naabutan, pero ang sabi ng isa sa mga kaklase ko babalik daw siya kasi gusto niya akong makausap." Turan ko habang nasa daan ang tingin.
"Ano naman kaya ang dahilan niya?" Tanong niya ulit.
"Iyan din ang tanong ko Ara, pero kung ano man ang dahilan niya. Wala akong pakialam," sagot ko.
"Hays, let's go home na. You need to rest, you had enough for this day." Saad niya at pumasok na sa sasakyan niya, agad din akong sumunod.
"What if hindi na ako pumasok?" Sa tanong kong iyon ay nakatanggap ako ng mahinang batok kaya tinignan ko siya ng masama.
"Hello babae, graduating ka na sa College. Anong hindi papasok? Isipin mo yung magiging future niyo ni baby. Hayaan mo iyang part ng past mo. He is just someone who is already part of your history," sa sinabi niyang iyon ay agad naman akong natauhan.
"Ara daan muna tayo sa sementeryo, pwede?" Turan ko.
"Sure, pero mabilis lang tayo ha. Mukha kasing uulan." Saad niya na nasa daan ang tingin.
Tumango naman ako. Miss ko na ang papa ko.
Pagkarating namin sa sementeryo ay agad akong umupo sa damuhan. Noong una ay pinigilan pa ako ni Aranya dahil baka marumi daw pero hinayaan niya na lang rin ako nung huli kasi hindi naman ako nakinig.
"Pa, ang daya ng mundo nuh? Wala na nga akong mama, nawalan pa ako ng papa. Pero pa sana huwag kang magagalit sa desisyon kong hanapin si mama ha, pakiramdam ko kasi pa hindi ako makokompleto hangga't hindi ko kasama si mama. Pa, alam ko pong galit kayo kay mama pero sana huwag niyo akong pigilan na hanapin siya. Gusto ko rin kasing maramdaman kung ano ang pakiramdam ng may kasamang mama. Pero sana pa mahal ako ni mama ano? Sana hindi niya ako itakwil, sana kaya niya akong ipagtanggol. Sana... tanggap niya ako." Hindi ko na napigilan ang sarili kong humagulgol.
"Hush now Macy, nakakasama sa baby mo ang pagiging emotional mo." Saad ni Aranya habang hinahagod ang likod ko. Tumayo naman agad ako at niyakap siya.
"Miss na miss ko na si papa, Ara." Saad ko sa pagitan ng pag iyak.
Hinarap niya ako sa kanya. "Alam ko Macy, but you need to be strong. Lalo na at may plano kang hanapin ang mama mo diba?" Tumango naman ako. "Let's go home na, baka abutan pa tayo dito ng ulan."
Hahanapin kita ma at magsisimula ako pagkatapos ko ng kolehiyo. Kapag nakapanganak na ako.
Bแบกn ฤang ฤแปc truyแปn trรชn: Truyen247.Pro