CHAPTER 5
Pagkatapos naming mag exercise ay nag ayos na kaming dalawa papuntang mall, I just wear a simple dress and sobrang halata na ng tiyan ko.
"What if we go to your ob gyne first? Magpa ultrasound ka." Tanong ni Ara habang nagmamaneho.
"Eh kasi Ara, balak kong magpa ultrasound kapag 5 months na ang tiyan ko," sagot ko sa kanya.
"Is that so? Okay, dumiretso na lang us sa Mall." Sagot niya at nag focus na sa pagmamaneho.
Pagkarating namin sa Mall ay agad siyang nag park sa parking area.
"Uunahin natin ang mga needs ni baby, tsaka tayo mag sha-shopping for you." Sambit niya at nagpatiuna ng maglakad.
Pagkarating namin sa store na para sa mga babies ay agad siyang kumuha ng cart.
"I do suggest na unisex ang piliin nating baby stuffs, since hindi pa natin alam kung ano ang gender ng baby mo." Sabi niya sa akin habang tinutulak ang cart.
Tumango lang ako kahit alam kong hindi niya ito nakikita kasi nasa unahan ko siya.
Masaya kaming namimili ng mga gamit ni baby ng maagaw ng isang crib ang pansin ko.
Agad akong lumapit dito at sakto naman na may babae ding lumapit. Si Selena, ang fiancee ni Jesser.
"Ahmm, miss kukunin namin ito." Nilingon ko ang nagsalita, it was Aranya.
"Ara tinignan ko lang atsaka ang mahal kaya nito," Bulong ko sa kanya.
"Expensive or not, I will buy this." Maldita nitong sagot at tinawag ulit ang sales lady na nag aasist sa amin.
Tinignan ko naman si Selena na natulala sa sinabing iyon ni Ara. Well, Ara is richer than Selena 4 times. Top 2 richest ang pamilya nila sa Pilipinas.
"Love, may nakita ka ng crib?" Naestatwa agad ako ng marinig ko kung kanino ang boses na iyon.
Jesser...
"Oo sana love, kaso naunahan ako eh." Rinig kong sagot ni Selena.
Huwag kang lilingon Macy.
"Oh really? In that case maghanap na lang tayo ng iba,"
"But Jess, I want that crib."
Hindi naman ako chismosa guys, sadyang malapit lang sila sa kinatatayuan ko.
Maglalakad na sana ako palayo ng biglang...
"Macy, let's go. I already paid all what we got," sambit ni Ara kaya napapikit ako.
Wala akong choice kundi ang lingunin ang pwesto nila Jesser kung nasaan si Aranya.
"Macy?" May halong gulat na tanong ni Jesser at tumingin sa tiyan kong malaki na ang umbok.
Hindi ko siya pinansin, sa halip ay inaya ko na si Ara na umalis doon.
"Ipapadeliver na lang daw yung crib," pag uumpisa niya sa usapan. "Hey, are you okay?" Tanong niya ng mapansing aligaga ako.
"Akala ko okay na ako," tanging sagot ko lang.
"That's him, right?" Tanong niya kaya tumango ako.
"Kaya pala sila magpapakasal, kasi buntis din si Selena." Sagot ko at parang maiiyak na.
"Don't mind them, okay? Hindi sila worth it na isipin mo. Don't stress yourself thinking of those morons." Saad niya at hinawakan ang kamay ko.
"Ara... gutom na ako." Nakapout kong sambit.
Agad naman siyang humagalpak sa tawa kaya tinignan ko siya ng masama.
"Ang sama mo Ara!" Pagmamaldita ko.
"Sorry, It's just you are cute when you pout." Sambit niya habang naka peace sign. "Fine, where do you want to eat?"
"Uwi na lang tayo, tapos magpa deliver ka na lang ng pizza." Utos ko at ngumiti.
Para lang akong may pinatagong pera kung makautos eh.
"Sure, no problem. But one more thing, don't smile like that. Ang creepy mo tignan," sambit niya pa.
Hindi ko na siya pinansin at nagpatiuna na sa paglalakad. Creepy mo your face Aranya Friedrich.
Magkasing edad lang kami ni Ara, pero ang bestfriend ko ay ang kuya niya.
Gusto niyo ng story telling paano kami nagkakilala?
Kaso tinatamad ako magkwento eh, kaya huwag na lang.
Pero ang alam ko lang, is mag bestfriend ang mama ko at ang Mommy nila Homer. Pero sa bawat tanong ko tungkol sa mama ko ay ngiti lang ang laging sagot ni tita Socorro.
"Ara, what if hanapin ko ang mama ko?" Wala sa sarili kong tanong sa kalagitnaan ng byahe namin.
"Sure ka?" Hindi siguradong tanong niya.
"Oo, parang feeling ko kasi hindi ako makokompleto hangga't hindi ko siya nakikita eh," dugtong ko.
"It's your life, Macy. So kung ano ang desisyon mo, me and kuya will support you." Sa sagot niya ay napangiti ako.
"Salamat, Aranya." Saad ko at niyakap ang braso niya.
Hindi ko namalayan na naka tulog pala ako habang nasa byahe. Nagising na lang ako ng may mahinang tumapik sa pisngi ko.
"We are here Cy, pumasok ka na so that you can take a rest." Saad ni Ara at naunang lumabas.
Aga naman akong lumabas ng kotse at kinuha ang ibang paper bag na dala ko at pumasok na sa loob ng building kung nasaan ang condo ni Homer.
"So how is your shopping, ladies?" Bungad na tanong ni Homer.
"It was fine na sana kuya, kung wala lang kaming nakitang mga bwes*t." Si Aranya ang sumagot.
"And who?"
"Si Jesser at Selena." Sagot ko at sumalampak sa sofa.
"Hoy babae makasalampak parang walang baby sa tiyan ah?" Suway ni Homer.
"Malambot naman ang sofa," sagot ko lang.
"At magrarasun pa," parinig ni Aranya.
"Ara, pizza." Saad ko at nag pout kaya tumawa na naman siya.
"Oh, I almost forgot pretty Mommy. Sorry po, ito na oorder na." Saad niya at tumatawang nag type sa cellphone niya.
Baby bakit ka naman ganyan? Napaka demanding mo naman sa mga gusto mo, nasa sinapupunan pa nga lang kita eh.
Maya-maya pa ay may nagdoorbell na.
"I guess that's our pizza, can you open the door kuya?" Magalang na saad niya sa kuya niya.
"Bait natin makautos ah." Pagpaparinig ni Homer pero sinunod naman ang sinabi ng kapatid.
"Susunod na nga lang, magpaparinig pa." Natatawang saad ko habang hinihimas ang tiyan ko.
Nang makabalik na si Homer ay agad niyang inilapag sa harap ko ang tatlong box ng pizza.
"Bakit tatlong box?" Taka kong tanong.
"I don't think one box is enough for the three of us. So I ordered 3 boxes," sagot ni Aranya sa akin.
Tumango naman ako at nag umpisa nang kumain.
BαΊ‘n Δang Δα»c truyα»n trΓͺn: Truyen247.Pro