Chร o cรกc bแบกn! Vรฌ nhiแปu lรฝ do tแปซ nay Truyen2U chรญnh thแปฉc ฤ‘แป•i tรชn lร  Truyen247.Pro. Mong cรกc bแบกn tiแบฟp tแปฅc แปงng hแป™ truy cแบญp tรชn miแปn mแป›i nร y nhรฉ! Mรฃi yรชu... โ™ฅ

CHAPTER 4

Pagkauwi namin ay amoy agad ng adobo ang umagaw sa atensyon ko.

"Sino ang nandito?" Tanong ko kay Homer.

"It's for you to find out," sagot niya.

Agad naman akong pumasok sa kusina kung saan galing ang amoy.

"Aranya?" Tanong ko agad.

Si Aranya ay ang spoiled brat na kapatid ni Homer na sa Canada nag aaral.

"The one and only," maarte niyang sagot.

"Hala beh, namiss kita!" Saad ko at yumakap sa kanya.

"I miss you too, by the way how is your pregnancy? Does kuya taking good care of you?" Sunod sunod na tanong niya kaya tumango ako.

"Gusto ko nga sanang magtrabaho eh. Pero ayaw niya akong payagan." Sumimangot ako.

"Well, I do agree kay kuya. You should not be working," sagot niya.

"Pero kasiโ€”"

"I told you Macy, you don't have to be ashame. You are like a sibling to us," pagputol niya sa sasabihin ko.

"Kailan pa kaya ako mananalo sa'yong spoiled brat ka?" Tanong ko.

"Maybe one day, in your dreams." Sagot niya at kumuha ng mangkok.

Hindi na ako sumagot sa halip ay umupo na lang sa lamesa.

"Why did you go home?" Tanong agad ni Homer pagkapasok.

"Because I want to?" Patanong na sagot ni Aranya.

Inambahan naman siya ng batok ni Homer kaya inamba niya rin ang hawak niyang sandok.

"Try kuya, I'll make you a monkey." Sa sinabing iyon ni Aranya ay napahagalpak ako sa tawa.

"Ang gwapo namang unggoy kapag nagkataon." Sagot ko habang naluluha na sa kakatawa.

"Sige pagtulungan niyo ako, baka nakakalimutan niyo nandito kayo sa teritoryo ko." Sagot ni Homer at tumikim ng adobo. "You really a good cook Ara, still not changing." Pagpupuri niya sa kapatid niya habang ngumunguya.

"Well, it's in the genes kuya."

Totoo naman kasi magagaling silang magluto. Sana all!

"So magpupurian na lang ba tayo dito? Oo na magagaling na kayong magluto, pero sana kumain na tayo. Kanina pa ako nagtatakam eh," saad ko dahilan ng pagtawa ng magkapatid.

"Oo na kakain na." Sagot ni Homer at pinagsandukan ako ng kanin at ulam.

"Ilang months na your tummy Cy?" May kaartihang tanong ni Aranya.

"4 months na." Sagot ko at nagpatuloy sa pagkain.

"Do you have baby stuffs na?" Sa tanong niyang iyon ay bahagya akong natigilan at dahan-dahang umiling.

Sa totoo lang kasi ay wala naman akong pera pambili. Ayoko naman na manghiram kay Homer dahil panigurado ibibigay niya na lang ito.

"Okay, in that case we will go to the Mall tomorrow." Sagot ni Ara at ngumiti.

"Eh kasi Araโ€”"

"No buts, and I don't take no for an answer." Sagot nito habang dinuduro sa akin ang tinidor.

Itong babaeng ito ang hilig putulin ang mga sinasabi ko, ipatumba ko kaya ito?

Agad kong tinignan si Homer na para bang nanghihingi ng saklolo. Pero umiling lang ito.

"Oo na, sige na." Pagsuko ko at sumubo ng manok.

"Great." Sagot nito at tumayo na.

"Iba din iyang kapatid mo eh nuh," saad ko kay Homer nang makalayo na si Ara.

"Spoiled brat nga hindi ba," sagot lang nito.

Nang matapos na kaming kumain ay nagpresinta na akong maghugas ng pinggan.

Kinagabihan ay nasa kwarto na ako at nagpapahinga. I deactivated all of my social media accounts. Wala eh, trip ko lang.

Nasa kalagitnaan ako nang pagmumuni-muni ng may biglang kumatok.

"Pasok," tanging sagot ko.

Agad namang pumasok si Aranya. At humiga sa tabi ko.

"I heard what happened, I'm so sorry for you lost." Saad nito at tinignan ako.

"Okay lang 'yun Ara, ganun talaga eh. Wala na tayong magagawa," saad ko lang pero sa loob-loob ko ay nasasaktan pa rin ako sa pagkawala ni papa.

"Don't worry, because we are here naman eh. Our family are here, especially me and kuya Homer. We will make sure you won't never feel alone," sa sinabi niyang iyon ay uminit ang magkabilang mata ko. Naiiyak ako.

"Salamat talaga Ara ha, salamat sa inyo." Saad ko at pinunasan na ang tumulong luha sa mga mata ko.

"We are now family Cy, and hindi ka namin pababayaan kagaya ng ginawa ng pamilya mo sa'yo... sa inyo ng baby mo." Nakangiting sagot niya.

Nagkwentuhan pa kaming dalawa, ikinwento ko rin sa kanya ang mga nangyari sa akin at kay Jesser. And all I can say is, she is so mad because of what happened to me.

"Don't worry Cy, we will make that guy regret on what he did to you and to your baby. But for now, you better go to sleep it's already 9pm. You should not be stress because that is bad for your health." Saad niya at tumayo mula sa pagkakahiga sa higaan ko.

Ngumiti naman ako sa kanya at tumango.

"Goodnight preggy mommy." Saad niya at nagflying kiss pa bago lumabas ng kwarto ko.

Kinaumagahan ay nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko.

"Good morning sleepy head, it's time to wake up na. Come with me, mag jo-jogging ako." Panggigising ni Aranya.

"Inaantok pa ako Ara." Sagot ko at nagtaklob ng unan sa mukha.

"Get up na Macy, you need to walk early every morning. It's for you and your baby." Turan niya at kinuha ang unan na nasa mukha ko.

Okay, alam ko naman na matatalo lang ako sa babaeng ito eh kaya bumangon na lang ako.

"Go to the bathroom, take a quick shower and wear comfortable clothes and I'll wait you downstairs, okay?" Tanong niya kaya tumango ako.

Kahit inaantok ay pumunta na nga ako ng banyo para maligo. Pasalamat nga ako at wala akong pasok kasi makakatulog ako tapos may bruha naman na nanggugulo.

"What took you so long? You sleep on the bathroom pa ano?" Pagmamaldita nitong saad pagkababa ko.

"Ara naman kasi eh, inaantok pa ako eh." Saad ko at kinusot pa ang mata ko.

"You should wake up 6 am everyday and walk around so that you won't get hard on giving birth!" May bahid ng pagkairita nitong saad kaya napatawa ako.

"Oo na nanay Ara, tara na po." Sagot ko lang at hinila siya palabas.

"From now on, you will walk with me every morning." Saad nito at sumunod na sa akin.

Bแบกn ฤ‘ang ฤ‘แปc truyแป‡n trรชn: Truyen247.Pro